You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO

2nd Summative Test in Araling Panlipunan 10 (Quarter 2, Week 3 & 4)


1. Multiple Choice
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at i- shade sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
isang lugar pansamantala man o permanente.
A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Transisyon D. Urbanisasyon
2. Ano ang ipinatupad na reporma ng pamahalaan ng Pilipinas noong 2010 upang maiakma ang kurikulumng
basic education ng bansa sa pamantayang global?
A. Bologna Accord B. K-to-12 Curriculum C. Monroe Doctrine D. Washington Accord
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga dahilan ng migrasyon?
A. Digmaang sibil
B. Pagkawasak ng pamilya
C. Kawalan ng trabaho sa pamayanan
D. Mas magandang oportunidad sa ibang bansa
4. Ano ang katuturan ng akronim na OWWA?
A. Overseas Worker Welfare Authority
B. Overseas Worker Welfare for All
C. Overseas Welfare of Workers Administration
D. Overseas Workers Welfare Administration
5. Ano ang tawag sa asawang lalaki na naiiwan sa bahay habang ang asawa namang babae ay siyang
nagtatrabaho.
A. Housemen B. Househusband C. Housewife D. Houseworker
6. Ano ang tawag sa mga pinapadalang pera ng mga migranteng manggagawa sa Pilipinas na siyang
nakatutulong din sa paglago ng ekonomiya ng bansa at sa bansang pinagtatrabahuan nila?
A. Forced labor B. Remittance C. Subsidy D. Tariff
7. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting epekto ng migrasyon sa mga papaunlad na bansa
gaya ng Pilipinas?
A. Brain Drain B. Multiculturalism C. Economic Migration D. Integration
8. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pagtaas ng ekonomiya sa Gitnang Silangan na siyang dahilan
ng pagtaas din ng pandarayuhang pagtatrabaho sa rehiyong ito noong 1973?
A. Iba’t ibang proyektong konstraksiyon
B. Pag-unlad at pagtaas ng presyo ng langis
C. Pangangailangan sa mga babaeng manggagawa
D. Pagsabak sa Digmaang Golpo at ang pananakop ng mga Iraqi
9. Noong 1985, pansamantalang itinigil ang mga proyektong konstraksyon sa Gitnang Silangan, ngunit hinimok
naman sila ng mga trabahong pangserbisyo, sila ay nangangailangan ng mga lokal na manggagawa, nars at
iba pang manggagawa. Anong kasarian ang kadalasan nilang kinuha sa mga trabahong ito?
A. Kababaihan B. Kabataan C. Kalalakihan D. Miyembro ng LGBTQ+

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: estancianhs1@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO

10. Ano ang tawag sa mga pinapadalang pera ng mga migranteng manggagawa sa Pilipinas na siyang
nakakatulong din sa paglago ng ekonomiya ng bansa at sa bansang pinagtatrabuhan nila?
A. Forced Labor B. Remittance C. Subsidy D. Tariff
11. Noon ay itinuturing ang Pilipinas bilang isang “Tigre ng Asya”. Alin sa mga sumusunod ang tamang
paglalarawan sa taguriang Tigre ng Asya?
A. Isang bansang maraming nabubuhay sa tigre
B. Isang bansng masagana sa pinagkukunang yaman
C. Isang bansang napapanatili ang paglago ng ekonomiya nito.
D. Isang bansang aktibong nakikilahok sa iba’t ibang samahang internasyonal
12. Si Lea ay nag-apply bilang isang domestic helper sa bansang Malaysia. Ngunit, pagdating ng Malaysia ay
hinarangan siya sa airport dahil sa bagahe niya na may laman na mga droga at siya ngayon ay hinatulan ng
kamatayan sa bansang inakala niya ay magdudulot ng magandang oportunidad para sa kanyang pamilya
upang guminhawa. Ano ang tawag sa sitwasyon ni Lea?
A. Forced labor B. Human Trafficking C. Sexual Exploitation D. Slavery
13. Si Anna ay isang domestic helper sa Macau at naiwan niya ang dalawang anak at ang asawang si Eloy sa
Pilipinas. Halos maglilimang taon na siya doon at kahit pa marami siyang ginagawa ay nabibigyang oras niya
pa rin ang pamilya upang kaisipan ang mga ito araw-araw. Sa sitwasyon nila, ano ang epektibong paraan
upang maiwasan at mapaghandaan nila ang epekto ng migrasyon sa kanilang pamilya upang hindi ito mauwi
sa paghihiwalayan?
A. Ang pagkakaroon ng mga counselimg centers
B. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t isa
C. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa.
D. Pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto at tiwala sa isa’t isa.
14. Alin sa mga sumusunod ay ang positibong epekto ang maidudulot ng migrasyon sa pamilya?
A. Pagkakaroon ng pagtangkilik ng imported na kagamitan
B. Makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar
C. Pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon
D. Matutugunan ang mga pangangailangang pangkabuhayan para mataguyod ang mas maginhawang
pamumuhay ng pamilya.
15. Ang pamilya ni Jun-Jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing anihan, kaya
napagpasyahan niyang mangibang bansa at iniwan ang sakahan sa kanyang mga kapatid. Hindi naman siya
nangulila sapagkat may komunikasyon naman siya sa mga ito. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng
migrasyon sa buhay ni Jun-Jun?
A. Ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transisyunal na pamilya
B. Ang pagkakroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid
C. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
D. Ang pagtangkilik sa gawang dayuhan

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: estancianhs1@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
TACBUYAN, ESTANCIA, ILOILO

II. E shade ang O kapag TAMA ang pahayag at e-shade naman ang X kapag MALI ang pahayag.

1. Ang mga anak ang pangunahing naaapektuhan kapag nangingibang bansa ang parehong mga
magulang.
2. Prostitusyon ang suliranin na tumutukoy sa kondisyon ng tao kung saaan mayroon siyang kakulangan sa mga
pangunahing pangangailangan na nag-udyok sa mga tao upang mandarayuhan.
3. Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
4. Ang kahirapan ay isa sa mga problemang kinakaharap ng maraming Pilipino.
5. Marami sa ating mga kababayan ang nangangarap na pumunta sa bansang nais marating o yaong tinatawag
na “drean country”.
6. Maraming Pilipino ang naghahanap ng trabaho sa ibang lugar sa Pilipinas o ibang bansa upang hanapin ang
magandang kapalaran sa bansa o lugar na kanilang pupuntahan para makatulong sa kanilang pamilya upang
makaahon mula sa kahirapan sa buhay.
7. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
buhay at lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
8. Hindi nagiging suliranin kung hindi kayang suportahan ng ekonomiya ang pagdami ng populasyon.
9. Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa paglalago ng ekonomiya ng Pilipinas.
10. Househusband ang tawag sa ama na natututong mangalaga ng mga anak at mga nakatatandang miyembro
ng pamilya.
11. Isa sa mga epekto ng migrasyon ay ang pagtataas ng kaso ng paglabag sa karapatang- pantao.
12. Ang United States of America ang bansa na may pinakamaraming migranteng Pilipino.
13. Sa pagpatuloy na pagpapaunlad ng ating bansa upang makasabay sa mga bansang mauunlad ay may bagay
na dapat baguhin dala na marahil ito sa patuloy na epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.
14. Ang Bologna Accord ay hango mula sa pangalan ng University of Bologna sa Italy na kung saan nilagdaan ng
mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europa.
15. Ang migrasyon ay may malaking impluwensiya sa mga kabataan.
16. OFW ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar.
17. Ang panloob na migrasyon ay nangyayari kapag ang isang tao ay lumilipat ng ibang bansa upang manirahan o
magtrabaho.
18. Maraming tao ang nagnanais na tumira sa isang magulo at mapanganib na lugar.
19. Brain Drain ang tawag kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang eksperto ay mas pinipiling
mangibang bansa para sa mas magandang oportunidad.
20. Ang forced labor ay isang anyo ng human trafficking kung saan ang mga tao ay puwersadong pinagtatrabaho.

*GOOD LUCK*

ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Tacbuyan, Estancia, Iloilo-5017
Tel. No. (033) 327-7108
E-mail: estancianhs1@gmail.com

You might also like