You are on page 1of 23

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region IV-A CALABARZON
Division of Santa Rosa
DON JOSE INTEGRATED HIGH SCHOOL

•Araling Panlipunan 10
Paksa: Ikawalong Linggo: Ikalawang Markahan – Modyul
4: Saloobin Tungkol sa Epekto ng
Migrasyon Dulot ng Globalisasyon
PANALANGIN
D I YO S N A B A N A L , M A R A M I N G S A L A M AT P O S A
PA G K A K ATA O N G I B I N I G AY N I N YO S A A M I N G L A H AT
U PA N G M A K A PA G - A R A L . . S A L A M AT P O S A A M I N G M G A
M A G U L A N G S A PAT U L OY N A PA G K A K A L O O B S A A M I N N G
A M I N G M G A PA N G A N G A I L A N G A N .

B I G YA N N I N Y O P O K A M I N G TA L A S N G I S I P U PA N G
M ATA L O S A N G M G A B A G AY N A K A I L A N G A N N A M I N G
M A L A M A N . S A H A R A P N I N YO AT S A I N YO N G B U G TO N G
N A A N A K , I N A A L AY N A M I N A N G A R AW N A I T O .

AMEN
BALITAAN

Libreng VIP lounge


para sa OFWs sa NAIA
1, bukas na!
Doris Franche-Borja -
Pilipino Star Ngayon
January 15, 2024 | 12:00am
BALITAAN
MANILA, Philippines — Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong
Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. binuksan na para sa mga OFWs
ang isang 24/7 VIP (very important person) Lounge sa Terminal 1 ng
Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Now, our OFWs have a place to call their own in our airports similar
to premium lounges being enjoyed by privileged travelers,“ ani
Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez”.
BALITAAN
“Itong dedicated space para sa papaalis na OFWs ay bukas na. Puwede
na nilang gamitin. Binuksan namin ito batay na rin sa utos ng
Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr.”, ayon sa lider ng
kongreso.

“Ito’y isa lamang sa mga OFWs VIP lounge na ating bubuksan sa mga
international airport sa Metro Manila, Clark, Cebu, at Davao para sa
ating mga kababayan na paalis at papunta na sa kani-kanilang trabaho
abroad. Gusto na­ting suklian ang malasakit ng OFWs sa ating bansa.
Sila ang modern-day heroes. Isang legacy ito ni Pangulong PBBM,”
dagdag pa ni Speaker.
BALITAAN
Sinuri nina Romualdez at OWWA Administrator Arnel Ignacio ang
OFW lounge na matatagpuan sa ikaapat na palapag ng Terminal 1
malapit sa pre-departure area noong gabi ng Sabado.

Ang lounge ay katulad ng mga espasyong itinatayo ng mga airline


company para sa kanilang mga business-class at first-class na pasahero
na nagbabayad ng mas malaki kumpara sa mga pasahero na nasa
economy.
PRESENT!

• Sabihin ang present


kapag tinawag ng
guro ang pangalan.
PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG.
PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT AT ILAGAY ITO SA SAGUTANG
PAPEL.

1. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng


migrasyon sa pamilyang Pilipino?
A. ang pamilya
B. ang mga anak
C. ang asawang naiiwan sa pamilya
D. ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG.
PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT AT ILAGAY ITO SA SAGUTANG
PAPEL.
2. Ang mga sumusunod ay kalimitang ugat ng pandarayuhan ng mga
Pilipino, maliban sa isa. Alin sa mga ito ang hindi kabilang? A. A.
Maghanapbuhay na may mataas na sahod.
B. Makapamasyal at makapaglibang tulad ng mga sikat at popular. na tao.
C. Paghihikayat ng mga kamag-anak na nakatira na sa ibang
bansa.
D. Matuto o mapag-aralan ng makabagong kasanayan at
kakayahan.
PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG.
PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT AT ILAGAY ITO SA SAGUTANG
PAPEL.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng dahilan ng


migrasyon?
A. Digmaang sibil
B. Pagkawasak ng pamilya
C. Kawalan ng trabaho sa pamayanan
D. Mas magandang oportunidad sa ibang bansa
PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG.
PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT AT ILAGAY ITO SA SAGUTANG
PAPEL.

4. Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa kaniyang panayam,


kinukulong siya ng kaniyang amo sa loob ng bahay na sarado ang mga bintana at pinto.
Inuutusan siyang gumising ng alas-kuwatro ng umaga at matutulog ng ala-una ng
madaling araw. Minsan, isang buong magdamag siyang namalantsa ng mga damit ng
kaniyang amo. Ano ang naging sitwasyon ni Lucy?
A. forced labor C. human trafficking
B. remittance D. slavery
5. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng positibong epekto na
naidulot ng migrasyon sa isang pamilya?
A. Pagkakaroon at pagtangkilik ng imported na kagamitan.
B. Makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar.
C. Pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng
komunikasyon.
D. Matutugonan ang mga pangangailangang pangkabuhayan para
maitaguyod ang mas maginhawang pamumuhay ng pamilya.
DATOS MULA SA INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

(1) halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11.4 milyon dito ay mga kababaihan at
9.5 milyon naman ay mga kalalakihan;
(2) umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng pribadong indibiduwal at mga
kompanya at lagpas sa dalawang milyon naman ng mga rebeldeng grupo;
(3) sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng eksploytasyong sekswal;
(4) nakalilikha ng US$ 150 bilyong ilegal na kita ang forced labor taon-taon; at
(5) malimit na mga migrant workers at indigenous peoples ang nagiging biktima ng forced
labor (Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10 ng DepEd, 2017).
PAG-ANGKOP SA PAMANTAYANG INTERNASYONAL

Ngayong linggo, ating pasidhiin ang iyong kaalaman


dahil hindi lamang isyu ang magiging saloobin
tungkol sa epekto ng migrasyon. Bagkus, may mga
pamantayang internasyonal ang naging basehan para
hindi mapag-iwanan ang mga migranteng Pilipino.
PAG-ANGKOP SA PAMANTAYANG INTERNASYONAL

Sa patuloy na pagpapaunlad ng ating bansa upang makasabay


sa mga bansang mauunlad ay may bagay na dapat baguhin
dala na marahil ito sa patuloy na epekto ng migrasyon na
dulot ng globalisasyon. Kaya kinakailangang sumali ang
Pilipinas sa iba’t ibang samahang internasyonal upang hindi
naman mapag-iwanan ang mga migranteng Pilipino. Pag-
aralan ang grap sa susunod.
PAG-ANGKOP SA PAMANTAYANG INTERNASYONAL
PAG-ANGKOP SA PAMANTAYANG INTERNASYONAL

Ang Bologna Accord ay hango sa pangalan ng University of


Bologna sa Italy na kung saan nilagdaan ng mga Ministro ng
Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europa. Ito ay isang
kasunduan na naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat
bansa para ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay
madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung
siya man ay nagnanais na lumipat dito.
PAG-ANGKOP SA PAMANTAYANG INTERNASYONAL

Ang Washington Accord na nilagdaan ay kasunduang pang-


internasyonal sa pagitan ng mga international accrediting
agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering
degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa. Samakatuwid,
ang engineering graduates sa Pilipinas ay hindi itinuring na
engineer sa mga bansang nabanggit, kaya maraming
Pilipinong propesyonal sa ibang bansa ay hindi nakakukuha
ng trabaho na akma sa kanilang tinapos.
PAG-ANGKOP SA PAMANTAYANG INTERNASYONAL

Bilang tugon ng pamahalaan ay ipinatupad ang K to12 Kurikulum


na naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa.
Kung ihahambing noon, isa ang Pilipinas sa may maikling bilang
ng basic education kaya second class professionals ang tingin sa
maraming mga Pilipino. Inaasahan ng repormang ito na maiangat
ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa at matugunan ang
suliranin sa kawalan ng trabaho sa bansa.
BASAHIN AT UNAWAIN. PILIIN ANG LETRA NG WASTONG SAGOT.

1. Kung ihahambing noon, ang Pilipinas ay may maikling basic


education kaya itinuturing na second class professionals ang
karamihan sa mga Pilipino. Dahil dito, nagkaroon ng reporma sa
sistema ng edukasyon noong 2010 na tinatawag na ____________.
A.Bologna Accord C. Monroe Doctrine
B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord
BASAHIN AT UNAWAIN. PILIIN ANG LETRA NG WASTONG SAGOT.
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa Bologna Accord?
A. Hango ang pangalan nito sa isang unibersidad sa Italy.
B. Mabilis na naiaakma ang kurikulum ayon sa hinihingi ng industriya.
C. Nilagdaan ito sa Vienna ng iba’t ibang Ministro ng Edukasyon ng 29
na bansa.
D. Naglalayon ang kasunduan sa pag-aakma ng kurikulum ng bawat isa
upang ang nagtapos sa bansa ay madaling matanggap.
BASAHIN AT UNAWAIN. PILIIN ANG LETRA NG WASTONG SAGOT.
3. Ano ang kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga
nagsipagtapos ng mga engineering degree sa Pilipinas ay hindi
nagiging engineer sa mga bansang lumagda nito?
A. Bologna Accord
B. K-to-12 Curriculum
C. Monroe Doctrine
D. Washington Accord

You might also like