You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
MIGRASYON: EPEKTO DULOT NG
GLOBALISASYON

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Angel P. Aying


Editor: Florence S. Gallemit
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone Yorong

Alamin
Magandang umaga mga mag-aaral. Welcome sa bagong aralin ng Araling
Panlipunan 10. Ang modyul ay inihanda para sa pagkatoto at pagkaunawa ng Epekto ng
Migrasyon Dulot ng Globalisasyon.

Pagkatapos mong mabasa at masagot ang modyul:

a. Nabibigyang halaga ang mga epekto ng migrasyon sa pamilya at bansa


dahil sa globalisasyon.

Balikan
Panuto: Piliin ang letrang tamang sagot sa sumusunod na tanong.

1. Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar. Alin sa ibaba
ang pinakadahilan ng migrasyon?

A. Paglipat ng tirahan

B. Mapalapit sa malaking siyudad

C. Makapag-aral sa sikat na paaralan.

D. Paghahanapbuhay para mapaunlad ang kabuhayan

2. Pataas na pataas ang mga taong nagsipaglikas sa kanilang bayan tinitirhan lalo na
dito sa lugar ng Midanao. Ano ang tawag sa mga taong lumikas na biktima ng
bakbakan?

A. Refugee C. Migrante

B. Immigrant D. Naghanapbuhay
3. Mula sa sitwasyon sa itaas, ano ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar sa
parehong bansa?
A. Pandarayuhan C. Panloob na Migrante

B. Panlabas na Migrante D. Pangibang bansa

4. Ano ang tawag sa mga bansang dating pinagmulan ng mga migrante ngunit ngayon
ay naging distination ng migransyon?

A. Migrationtransition C. Peminisasyon

B. Globalisasyon D. Refugees

5. Alin sa ibaba ang hindi kabilang sa dahilan ng migrasyon?

A. Globalisasyon

B. Paghahanapnuhay para kumita ng malaki

C. Pamamasyal ng pamilya sa ibang bansa

D. Paglikasa dahil sa laban at gutom ng lugar.


6. Bakit lalong umunlad ang migrasyon sa mga nagdaang panahon? A. Dahil sa

kahirapang dinanas ng mga bansang mahirap.

B. Dahil kawalan ng kaunlaran sa mga liblib na lugar.


C. Dahil sa paglakas ng globalisasyon ng buong mundo.
D. Dahil nais ng mga magulang na makapagtapos ang anak sa pag-aaral.
7. Ano ang tawag sa galaw ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon na kadalasan ay kada taon?

A. Flow B. Stocks

C. Entrepreneur D. Manwal

8. Sa bahagi sa Mindanao lalo sa Julu Sulu nakaranas kahirapan. Ano ang


pangunahing sanhi sa pangingibang lungsod ng mga mamamayan?

A. Kabuhayan B. Kaligtasan

C. Pag-aaral D. Pagnenegosyo

9. Alin sa mga dahilan/sanhi ang hindi kabilang sa migrasyon dulot ng globalisasyon?

A. Paghahanap ng kabuhayan sa malaking siyudad.

B. Paglipat ng tirahan sa U.S para makaahon ang pamilya.


C. Pag-aaral sa paghasa sa kasanayan bilang entrepreneur.
D. Pagbibili ng mga pangunahing pangangailangan sa bahay.
10. Bakit malaking ang impluwensya ng globalisasyon sa migrasyon ng mga tao? A.

Dahil sa pangunahing pangangailangan ng tao.


B. Dahil sa nais ng tao na mabuhay at makabili ng luho.

C. Dahil sa globalisasyon nagmumura ang mga bilihin sa merkado.


D. Dahil sa globalisasyon lumalawak ang maraming oportunidad sa trabaho at

negosyo.

Aralin Migrasyon: Epekto Dulot ng


6 Globalisasyon
Tuklasin

PAGLALAKBAY (MIGRASYON) ASPEKTO NG GLOBALISASYON

Nakakatulong sa globalisasyon ang madaling paglalakbay sa iba’t

ibang dako ng mundo. Taon-taon milyon-milyong mga tao ang naglalakbay papunta sa
iba’t ibang bansa upang mamasyal, mag-aaral, magbabakasayon o magtatrabaho.
Dumadami ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sa paghahangad nilang
makapaghanapbuhay at kumita ng mataas na sahod. Dahil sa globalisasyon,
nagkakaroon din ng pagkakataong makagawa ng ilang trabahong online-based kaya
dumami ang mga call center agents maging ang mga home-based online na trabaho
upang magturo ng ibang wika.

Ang mga turistang galing sa mga maunlad na bansa ay kabilang mga

taong naglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo. Nais nilang makakuha ang serbisyong
may kalidad kaya’t nakukumbensi ang mga bansang makapaglaan ng mga maganda at
maayos na produkto at serbisyo. Halimbawa, ang mga pasilidad at serbisyo sa mga
multinational na hotel ay may mataas na kalidad sa iba’t ibang panig ng mundo.
Dahil sa higit na malayang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang

panig ng mga mundo madali na rin ang pagkalat ng AIDS, SARS, HIV, H1N1 FLU,
EBOLA AT MERS-Cov. Patuloy na dumarami ang mga taong may HIV sa buong daigdig,
lalong-lalo na sa Timog-Silangang Asya. Sa ngayon, tinatayang may mahigit na 34
milyong tao na ang may HIV.

Gawain 1: Punan ang datos

Positibong Epekto sa Negatibong Epekto sa Mga mungkahi para


Paglalakbay (Migrasyon) Paglalakbay (Migrasyon) maiwasan ang
negatibong epekto sa
Paglalakbay
(migrasyon)

Suriin
Magaling! Ipinakita mo ang pagnanais na matotoo sa araling ito. Narito
ang ilang epekto migrasyon dulot ng globalisasyon.

EPEKTO NG MIGRASYON SA GLOBALISASYON

1. Pagbabago ng populasyon
Ang bansang mabilis ang pagtaas ng populasyon at mahirap tinataasan ang mga
buwis na ipapataw para sa imprastraktura, edukasyon, kalusugan at serbisyong
panlipunan.
Ang mayayamang bansa ay tumatanggap ng mga migrante dahil sa pagbaba ng
populasyon o pagtanda ng populasyon.Kaya laganap din ang pagdami ng mag-aaral sa
ibang bansa. Pero kapag nagkakaroon ng suliranin sa ekonomiya pinabalik ang mga
migrante sa pinagmulang bansa. Sa kabilang dako, malugod namang tinatanggap ang
mga migrante sa mga mayayamang bansang nakaranas ng pagbaba ng populasyon o
pagtanda ng populasyon (population decline and ageing).

2. Kaligtasan at Karapatang Pantao

Ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa milyon-milyong


migrante ang walang kaukulang papeles taon-taon. Ang mga migranteng ito ay
nahaharap sa mapanganib na mga paglalakbay, pang-aabuso ng mga ilegal na recruiter
at smuggler, mahihirap na kondisyon ng pamumuhay at kawalan ng suporta pagtapak
nila sa ibang lupain. Takot din silang humingi ng tulong sa pamahalaan.
Pang-aabuso sa mga kababaihan:

➢ Mababang sahod bilang domestic workers

➢ Human trafficking

➢ Sexual exploitation
Target sa mga pang-aabuso ay mga kababaihan nagpunta sa ibang bansa. Ang mga
babaeng biktima ng human trafficking ay nalalantad sa karahasang sexual(sexual
violence) at sakit na sexually-transmitted (STD) subalit kulang ang ipinaabot na
serbisyong medical at legal.

Sa pagdami ng mga Pilipino sa ibang bansa lumaganap din ang pagbuo ng


samahang tumutulong sa mga Pilipino naging biktima sa pang-aabuso sa mga OFW at
pagpatayo ng mga imprastraktura. Higit sa 4,000 samahan ng mga Pilipino ang
nakakalat ngayon sa iba’t ibang bansa. Karamihan sa mga ito ay masigasig na
tumutulong sa mga kapwa OFW na nahaharap sa iba’t ibang suliranin. Mayroon din sa
kanilang nagbibigay ng scholaships at nagpapatakbo ng mga feeding center para sa mga
batang kulang sa nutrisyon.

3. Epekto sa pag-OFW
Sa pagtaas ng oportunidad para sa trabaho sa ibang bansa naging malaki ang
kontribusyon ng OFW sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagpadala ng
remittance ng kanilang pamilya.
Ayon sa datos:
- taong 2012 - $406 bilyon ang ipinadala sa mga bansang papaunlad(developing
countries) kabilang ang Pilipinas Epekto sa Pamilya:

1. Pangungulila ng mga anak at asawa

2. Pangangalaga sa mga anak ama,lolo,lola, tiya o tiyo(extended family)


Natutong magtaguyod ng pamilya ang maiwan sa anak ng mga OFW.

Ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan ng extended family o mga kaanak ay


nakatulong upang masiguro ang mabuting pagpapalaki sa kabataan kahit na malayo
ang kanilang mga magulang.

4. Brain Drain
Isa pang epekto ng migrasyon ay ang tinawag na “brain drain” kung saan matapos
makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t ibang larangan ay mas pinili na
mangibang bansa dahil sa mas maganda ang oportunidad na naghihitay sa kanila.
Dahil dito hindi sila nakakatulong sa o nakapagsilbi sa bayan. Sa kalagayan ng Pilipinas
kailangan ng mga eksperto at manggagawang may sapat na kasanayan at kaalaman
upang maunlad ang ekonomiya.

5. Integration at Multiculturalism

Sa pagdagsa ng mga migrante sa ibang bansa, tumatanggap ng hamon ng


integrasyon at multiculturalism. Ang multiculturalism ay isang doktrinang naniniwala
na ang iba’t ibang kultura ay maaaring magsama-sama nang payapa at pantay-pantay sa
isang lugar o bansa.
Binibigyang-diin dito ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga migrante sa mga
institusyon sa lipunan, kabilang ang labor market at edukasyon, habang malaya nilang
natatamasa ang karapatang magagamit ang sariling wika, maipagpatuloy ang relihiyon at
makabuo ng mga komunidad.

6. Pagbagsak sa lokal na industriya


Napilitang magsara ang mga lokal na industriya na hindi kompetitibo dahil sa
pagtatanggal ng proteksyon sa mga ito.Tulad na lamang sa diskuwento sa buwis at mga
taripa sa produktong banyaga.
Halimbawa: Halimbawa sa industriyang pagtatanim ng gulay mula sa ating bansa
naaapektuhan sa mas murang gulay mula Taiwan.
Nagreresulta sa kahirapan ng ating bansa kawalan ng trabaho.

Pamprosesong Tanong:

1. Ilarawan ang negatibo at positibong epekto ng pagka-OFW dulot ng globalisasyon.

________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

2. Paano nangyayari ang pagkabagsak ng lokal na industriya kapag malakas ang


globalisasyon?

________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

3. Ilarawan pagkalala ng brain drain dito sa bansang Pilipinas?

_______________________________________________________________________________________________________
_
_______________________________________________________________________________________________________
_
_______________________________________________________________________________________________________
_
4. Sa iyong palagay, may kaugnayan kaya ang paglago ng epidemyang COVID19 sa
migrasyon dulot ng globalisasyon?

________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________

5. Sa pag-unlad ng migrasyon, alin sa epekto sa itaas ang dapat bigyan ng pansin ng


pamahalaan upang maiwasan maggaganap?

________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

Pagyamanin
Punan ang patlang ng tamang sagot upang makompleto ang pangungusap.
1. Ang _________________________ ay isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang
kultura ay maaaring magsama-sama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o
bansa.
2. Tawag sa mga skolar na nakapagtapos at nangingibang bansa para magtrabaho ay
____________________________.

3. Taong 2012 nakapagpadala ng ________________ ang mga OFW sa mga bansang


developing countries sa ASIA.

4. Ang mayayamang bansa ay tumatanggap ng mga migrante dahil sa pagbaba ng


__________________ o pagtanda ng populasyon.

5. Ayon sa International Organization for Migration,umaabot sa milyon-milyong


___________________ ang walang kaukulang papeles taon-taon.

6. Napilitang magsara ang mga __________________________ na hindi kompetitibo dahil


sa pagtatanggal ng proteksyon ng pamahalaan.

7. Ang mga migranteng kulang sa _________________ ay nahaharap sa mapanganib na


paglalakbay tulad ng pang-aabuso ng mga ilegal na recruiter at smuggler.

8. Kapag nagkakaroon ng suliranin sa ekonomiya pinabalik ang mga


____________________ sa pinagmulang bansa.

9. Malayang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo kaya madali rin
ang pagkalat ng ____________________________.

10. Dahil sa globalisasyon, nagkakaroon din ng pagkakataong makagawa ng ilang


trabahong _________________________ kaya dumami ang mga call center agent

Gawain
Gawain 2: Sanhi at Bunga
Magtala ng sanhi at bunga ng migrasyon dulot ng globalisasyon. Itala ang sanhi sa
paso sa mga dahon ang epekto.
Gawain 3: T-tsart

Magtala ng kabutihan at di-kabutihan sa epekto ng migrasyon


dulot ng globalisasyon sa bansang Pilipinas.

Epekto ng Migrasyon Dulot ng GLOBALISASYON

SA PILIPINAS

Kabutihan Di - kabutihan
Gawain 4: Salamin sa buhay!

Iugnay ang iyong natutuhan sa iyong sariling karanasan o sa iyong kapamilya o


kapitbahay na nagtatrabaho ang mga magulang sa ibang lugar. Itala ang inyong
naranasan o obserbasyon sa grapiko. Sa bilog dahilan sa paghahanapbuhay: Epekto sa
asawa, anak at kamag-anak sa parihaba.
Isaisip
Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang bago ang numero.

HANAY A HANAY B

1. Pilipinong iskolar na nangingibang bansa a. Turista


2. Pang-aabuso ng kababaihan b. Kawalan ng trabaho
3. Epekto ng pamilyang OFW c. Sexual exploitation
4. Pagsara ng lokal na industriya d. Pangungulila ng anak
5. Multinational na Hotel e. Brain drain
6. Pagtaas ng populasyon f. multiculturalism
7. Paglalakbay ng mga tao sa ibang bansa g. mayayamang bansa
8. Paghahanapbuhay sa ibang bansa h. OFW

9. Isang doktrinang naniniwala sa iba’t ibang i. migrasyon

Kultura na pantay-pantay na nagsama-sama


10. Umabot ng $406 bilyon ang remittance j. 2012
ng OFW

Tayahin

Panuto: Piliin ang letrang tamang sagot sa sumusunod na tanong.

1. Ano ang tawag sa isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay
maaaring magsama-sama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa?

A. Brain Drain C. Sexual Exploitation

B. Multiculturalism D. Human trafficking


2. Marami sa mga nangingibang bansa ay mga de kalibreng mga Pilipino. Ano ang
epekto nito sa bansang Pilipinas?

A. Malaki ang remittance ng migrante.


B. Masama sa pamilyang iniwan lalo sa mga anak.
C. Nagkaroon ng brain drain kaya hirap sa pag-unlad.
D. Walang epekto dahil marami namang nakapagtapos.
3. Alin sa pang-aabuso ang karaniwang mararanasan ng mga anak kapag migrante
ang mga magulang?

A. Panglalait sa mga pinsan C. Pagmamahal ng mga lolo at lola

B. Pagmamaltrato ng kaanak D. Panggagahasa ng mga tiyuhin


4. Sa paglago ng Globalisasyon tumaas din ang bilang ng mga migrante o OFW sa
iba’t ibang sulok ng mundo. Ano ang implikasyon nito sa ekonomiya ng bansang
pinagmulan ng migrante/OFW?

A. Maraming industriya ang ipapatayo ng globalisasyon.


B. Maging mayaman ang mga bansang may maraming OFW.
C.Ang globalisasyon ay nagbibigay ng maraming trabaho para sa mga OFW.
D.Malaking remittance ang padala ng OFW, tulong sa paglago ng ekonomiya ng
bansa.
5.Umaabot sa 800,000 ang mga migranteng walang papeles sa iba’t ibang sulok ng buong
mundo. Ano ang maging epekto nito sa buhay ng migrante?

A. Malaki ang maipadala sa pamilya.


B. Panganib sa kaligtasan ng pamilya.
C. Nakakaranas ng iba’t ibang pagmamaltrato.
D. Magkakaroon ng ibang identidad at nakatago sa autoridad.
6. Karaniwan sa mga negosyong lokal ay nagsasara naging dahilan sa kawalan ng
trabaho ng ibang mamamayan. Bakit bumabagsak ang mga lokal ng industriya kapag
pumasok sa isang lugar ang globalisasyon ?

A. Dahil hindi malaki ang pera pinuhunan ng negosyante.


B. Dahil sa mura lang ang presyo ng produkto at buwis na binayaran.
C. Dahil mahal ang mga hilaw na sangkap sa paglikha ng produkto.
D. Dahil sa malakas ang produksyon ng globalisasyon kay sa lokal na industriya.
7. Ang multiculturalism na nangyayari sa iba’t ibang bansa ay naganap din sa Pilipinas.
Alin sa ibaba ang matotohanang nangyayari sa Pilipinas?
A. Pagkaing fastfood ang kinakain ng mga Pilipino.
B. Laging bumubili ng ukay-ukay na damit at gamit pambahay.
C. Makaluhong pamumuhay at mga gadgets ang taglay ng mga tao.
D.Napalitan ang kaugaliang Pilipino sa modernong kilos at pananamit.
8. Alin sa ibaba ang hindi kabilang sa epektong nangyari kapag laganap sa bansa ang
brain drain?

A. Maunlad ang bayan sa maraming dolyar naipadala.


B. Malaking kawalan ng bansa at mahirapan sa pag-unlad.
C. Mauubusan ng mga kwalipikadong at matatalinong tao ang bansa.
D. Limitado ang mga kakayahan sa paglikha sa agham at iba pang larangan.
9. Alin sa ibaba ang negatibong epekto sa migrasyon ng mga OFW? A. Pagpapadala ng
pera sa bansa.
B.Pagkakaroon ng mabuting pamumuhay.
C. Pagmamaltrato ng mga anak sa kapamilya.
D. Pagpapaaral ng mga anak para makapagtapos.
10. Bakit marami paring tao ang sumusugal sa pagpunta sa ibang bansa kahit walang
mga papeles?

A. Dahil sa kahirapan.
B. Dahil gustong lumayas sa lugar.
C. Dahil nais magbakasyon sa ibang bansa.
D. Dahil sa kaguluhan ng lugar na tinitirhan.

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng poster sa mga epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon sa


isang long bond paper. Maari din ipost sa facebook account.

Pamantayan sa pagmamarka:
1. Creativity 6
2. Orihinalidad 6

3. Kaangkupan sa paksa 8
4. Paglapat ng kulay 5
Kabuuan 25

Here the trees and flowers bloom


Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas


Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair


Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,


Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true Region
IX our Eden Land

Region IX Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see that I was
walking along the beach A poem lovely as a tree. with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing of footprints –
one belong to me and breast; the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray; noticed only
one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why? A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad

and helpless?” Upon whose bosom snow has lain;


Who intimately lives with rain.
And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only
one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me, sand, because it
was then that I But only God can make a tree. CARRIED YOU!
1

You might also like