You are on page 1of 19

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Epekto ng Migrasyon Dulot
ng Globalisasyon
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Epekto ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Edwin N. Estaňol
Editor: Rheex G. Castor
Tagasuri: Rheex G. Castor, Gloria C. Sabanal, Ana Lorma A. Dahiroc
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Technical Support: Martha Reylosa T. Reyes
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Eufemia T. Gamutin
Mary Jeanne B. Aldeguer Carina S. Frasco
Analiza C. Almazan Arlyn B. Lim
Danilo R. Dohinog Grace D. Pontillas

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Division of Davao de Oro


Office Address : Capitol Compound, Cabidianan,
Davao de Oro
Telefax : (082) 291-1665; (082) 221- 6147
E-mail Address : comval.division@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Epekto ng Migrasyon Dulot
ng Globalisasyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Ang modyul na ito ay tungkol sa pag-aaral sa mga


Kontemporaryong Isyu. Sa bahaging ito ay matutuklasan ng mga mag-
aaral at mauunawaan ang iba’t ibang uri ng migrasyon at ang mga
dahilan nito at epekto na dulot ng globalisasyon.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong
inaayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-
aaral.
May mga agkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging
makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan
ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot kung kinakailangan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng
globalisasyon (MELC Ikalawang Markahan; Ikalima at ika-anim
na linggo).

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:


1. Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot
ng globalisasyon;
2. Naunawaan ang iba’t ibang uri ng migrasyon; at
3. Nakapagbibigay ng sariling pagkaunawa sa mga dahilan at
epekto ng migrasyon sa bansa.

1
Subukin Natin

Ngayon, subukan mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy


ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin.
Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan nang wasto at
alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel


ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang kahulugan ng Migrasyon?


A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao , bagay, impormasyon
at produkto sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig
B. Paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang
doon manirahan nang panandalian o pangmatagalan.
C. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga dayuhan sa isang bansa.
D. Wala sa mga nabanggit

2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa


kasalukuyan?
A. Paggawa B. Ekonomiya
C. Migrasyon D. Globalisasyon

3. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong


pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito.
I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang
nagpupunta sa Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng
mga Indians bilang managers ng mga industriyang nabanggit.

A. Globalisasyon ng migrasyon C. Peminisasyon ng globalisasyon


B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon D. Migration transition

4. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap


ng mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Hanapuhay C. Edukasyon
B. Turismo D. Tirahan

2
5. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga
imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga
mamamayan sa Asya.
B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi
kaginhawahan ng pamumuhay.
C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang
ibang lugar bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na
angkop sa kanilang natapos

6. Ano ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may


kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang
may takdang panahon?
A. Permanent Migrants C. Temporary Migrants
B. Irregular Migrants D. Wala sa mga nabanggit

7. Ayon sa datos noong 2014, Anong bansa na kung saan nangunguna sa


talaan na naging distinasyon nang karamihan sa mga
Pilipinong migrante?
A. Canada C. United Kingdom
B. Japan D. USA

8. Ito ay isa sa uri ng migrasyon na kong saan ang mga mamamayan na


nagtungo sa ibang bansa ay walang dalang dokumento;
A. Labor Migrants C. Temporary Migrants
B. Irregular Migrants D. Permanent Migrants

9. Ayon sa datos ng imigrante noong 2013, Nagmula sa anong kontinente


ang may pinakamaraming bilang na lumalabas sa kanilang bansa?
A. Africa C. Asya
B. Australia D. Europa

10. Ang tawag sa mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa


ibang bansa ay hindi lamang magtrabaho kundi ang permanenting
paninirahan sa piniling bansa;
A. Permanent Migrants C. Temporary Migrants
B. Irregular Migrants D. Wala sa mga nabanggit

3
Aralin Natin

Migrasyon: Perspektibo at Pananaw

Ipagpatuloy ang pag-aaral sa isyu ng migrasyon sa bansa. Suriin


ang ibat ibang pananaw at perspektibo na makatutulong sa lubusang pag-
unawa sa paksa.
Ang Migrasyon o Pandarayuhan
Ito ay ang paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook
upang doon manirahan nang panandalian o pangmatagalan.

Masasabi na noon pa man simula ng pagsibol ang kabihasnan ay


malimit na ang pandarayuhan ng mga tao tungo sa mga lugar na nagbibigay
sa kaniya ng kanyang pangangailangan maging ito man ay;

 pangkabuhayan (ekonomiko)
 seguridad (politikal)
 maging personal

Ayon sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang akdang


The Age of Migration na sa buong mundo, may iba’t ibang anyo at daloy ng
migrasyon ang nakapangyayari bilang tugon sa;
 pagbabagong pangkabuhayan
 pampolitikal
 kultural
 marahas na tunggalian sa pagitan ng mga bansa.

Ayon sa datos noong 2009 ng Commission on Filipinos Overseas, may


tinatayang 8.6 milyong Pilipino ang naninirahan sa iba’t ibang bansa.

Sa kabila ng masalimuot na daloy ng migrasyon ay nakapagtala sila ng


mga ‘pangkalahatang obserbasyon’ tungkol sa usaping ito.

1. Globalisasyon ng migrasyon
Mga bansang madalas puntahan o dayuhin ng mga tao mula sa
mga bansa sa Asya, Latin America at Aprika.
 Australia
 New Zealand
 Canada
 United States

4
2. Mabilisang paglaki ng migrasyon
Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas
sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasiyon nito sa mga
batas at polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.

3. Pagkakaiba-iba ng uri ng pandarayuhan


 labour migration (manggagawa)
- Ito ay isang proseso ng pag-alis o paglipat ng tao sa isang lugar
para maghanap ng trabaho o maghanap buhay.
 Refugees
- Ito ay isang proseso ng pag-alis o paglipat ng tao sa isang lugar
para sa seguridad at upang malayo sa nakaabang panganib
sa kanilang kaligtasan.

Maliban sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na;

 irregular migrants - mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa


na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing
overstaying sa bansang pinuntahan.
 temporary migrants - mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na
may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan
nang may takdang panahon.
 permanent migrants – halimbawa nito, ang overseas Filipinos na
layuning magtrabaho at mamalagi sa napiling bansa kalakip dito ang
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.

Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng bilang sa tatlong uri ng


migrasyon ng mga Overseas Filipinos ng taong 2012-2013.

Migrants 2012 2013


Irregular Migrants 1.07 Million 1.16 Million
Temporary Migrants 4.22 Million 4.21 Million
Permanent Migrants 4.93 Million 4.87 Million
*Source 2014 CFO Compendium of Statistics

4. Pagturing sa Migrasyon Bilang Isyung Politikal


Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang
nakararanas nito. Ang usaping Pambansa, pakikipag-ugnayan bilateral at
rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay
naaapektuhan ng isang isyu ng migrasyon.

5
5. Paglaganap ng ‘migration transition’ ay nagaganap kapag ang
nakasanayang bansang pinagmumulan ng mganandarayuhan ay
nagiging destinasyon na rin ng mga manggagagwa at refugees
mula sa iba’t ibang bansa tulad ng sumusunod;
 South Korea
 Poland
 Spain
 Morocco
 Mexico
 Dominican Republic
 Turkey

6. Peminisasyon ng migrasyon

Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon


sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour migration at
refugees ay binubuo halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang 1960,
naging kritikal ang ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Sa
kasalukuyan ang mga manggagawang kababaihan ng Cape Verdians
sa Italy, Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya at Thais sa Japan ay
nagpapatunay rito. Tunghayan ang datos na naglalahad ng daloy ng
migrasyon ng mga Pilipino batay sa kasarian mula 2005
hanggang 2014.

Number of Registered Filipino Emigrants


By Gender: 2005-2014

Year Male Female Total Sex/Ratio


2005 27,333 41,695 69,028 65M/100F
2006 32,259 50,708 82,967 64M/100F
2007 30,877 49,722 80,599 62M/100F
2008 27,839 42,961 70,800 65M/100F
2009 31,793 47,925 79,718 66M/100F
2010 36,287 49,788 86,075 73M/100F
2011 34,563 48,847 83,410 71M/100F
2012 34,076 49,564 83,640 69M/100F
2013 31,288 46,940 78,228 67M/100F
2014 32,368 48,321 80,689 67M/100F
TOTAL 318,683 476,471 795,154 67M/100F
Annual 31,868 47,647 79,515 67M/100F
Average
*Sex Ratio is number of Males for every 100 Females
Source: Commission on Filipino Overseas (CFO)

6
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng peminisasyon ng migrasyon? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

2. Ano ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon sa mga bansang


iniwan ng mga migrante? Magbigay ng halimbawa.

Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon

Pagtutuunan sa bahaging ito ang mga kalakip na isyu ng


migrasyon partikular ang mga banta sa kalagayan ng mga migrante.

 Forced Labor (slavery)– isang sitwasyon na kung saan sapilitang


pagtatrabaho ng manggagawa (International Labour Organization)

 Human Trafficking – ito ay pagrerecruit, pagdadala, paglilipat,


pagtatago o pagtanggap ng mga tao sa pamamagitan ng maling
pamamaraan. Katulad ng dahas, pag-kidnap, panloloko,
o pamumuwersa)

Ayon sa tala ng International Labor Organization:


 Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11.4 milyon dito ay
mga kababaihan at 9.5 milyon naman ay mga kalalakihan.
 Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng pribadong
indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa dalawang milyon naman
ng mga rebeldeng grupo
 Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng
eksploytasyong sekswal
 Nakalilikha ng US$ 150 bilyong illegal na kita ang forced labor sa
isang taon
 Malimit na mga migrant workers atindigenous peoples ang nagiging
biktima ng forced labor
Pag-angkop sa pamantayang internasyunal

Hindi mapasusubalian ang pagbabagong pamantayang internasyunal


dala ng globalisasyon. Ilan sa mga ito ay mga kasunduan 234 ng iba’t ibang
bansa at samahang internasyunal. Ilan dito ang Bologna at
Washington Accord.

7
 Bologna (bo-Lo-nya) Accord – mula sa pangalan ng isang unibersidad
sa Italy na kung saan dito nilagdaan ng mga Ministro ang Edukasyon
mula sa 29 na mga bansa sa Europa upang iakma ang kurikulum ng
bawat isa.

 Washington Accord (U.S) - nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-


internasyunal sa pagitan ng mga international accrediting agencies na
naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa
iba’t ibang kasaping bansa. Bunga nito, ang mga nagtapos ng
engineering courses sa bansang hindi accredited ay hindi
makapagtatrabaho sa mga bansang miyembro nito tulad ng Australia,
Canada, Chinese Taipei, Hongkong, Ireland, Japan, Korea, Malaysia,
New Zealand, Singapore, South Africa, United Kingdom at USA.

Samakatuwid, ang engineering graduates sa Pilipinas ay hindi itinuring


na engineer sa mga bansang nabanggit. Dahil sa mga kasunduaang ito,
maraming mga Pilipinong propesyunal sa ibang bansa ay hindi
nakakukuha ng trabaho na akma sa kanilang tinapos.

 Bilang tugon ng pamahalaan ay ipinatupad ang K to12 Kurikulum na


naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa.
Inaasahan ng repormang ito na maiangat ang mababang kalidad ng
edukasyon sa bansa at matugunan ang suliranin sa kawalan ng
trabaho sa bansa.

Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol

sa mga sa migrasyon.

Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul


upang higit na mapalalim at mapalawak pa ang iyong pag-unawa
tungkol sa paksang ito.

Gawin Natin
Gawain 1: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng peminisasyon ng migrasyon? Ipaliwanag ang


iyong sagot.
2. Mayroon bang diskriminasiyong nararanasan ang mga
manggagawang Asyano kung ihahambing sa mga propesyunal mula
sa Europe at North Amerika?
3. Ano ang nagiging masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled
workers’ sa mga bansang pinagmumulan nito?
8
4. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga
manggagawa ay ninanais pa rin ng mga ito na magtrabaho sa
Kanlurang Asya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong nararanasan
ng mga manggagawa nito sa ibang bansa?

Sanayin Natin

Magsaliksik ng mga balita ukol sa migrasyon at tukuyin kung anong


mga isyu ang nakapaloob dito. Bumuo ng mungkahi kung paano
makakatulong ang pamahalaan sa paglutas sa isyung nakalap. Gawin ito sa
sagutang papel gamit ang format o lay-out sa ibaba.

BALITA/NEWS Mga mungkahi para


matugunan ang mga isyu
sa balitang nakalap ukol sa
migrasyon:
1.____________________________
______________________________
___________________

2.____________________________
______________________________
___________________

Tandaan Natin
Migrasyon o Pandarayuhan
Ito ay ang paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang
pook upang doon manirahan nang panandalian o
pangmatagalan.
Labour Migration (manggagawa)
Ito ay isang proseso ng pag-alis o paglipat ng tao sa isang lugar
para maghanap ng trabaho o maghanap buhay.

9
Refugees
Ito ay isang proseso ng pag-alis o paglipat ng tao sa isang lugar
para sa seguridad at upang malayo sa nakaambang panganib
sa kanilang kaligtasan.
Irregular Migrants - mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa
na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at
sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
Temporary Migrants - mamamayan na nagtungo sa ibang bansa
na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at
manirahan nang may takdang panahon.
Permanent Migrants – halimbawa nito, ang overseas Filipinos na
layuning magtrabaho at mamalagi sa napiling bansa kalakip
dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
Forced Labor (slavery)– isang sitwasyon na kung saan sapilitang
pagtatrabaho ng manggagawa (International Labour
Organization)
Human Trafficking – ito ay pagrerecruit, pagdadala, paglilipat,
pagtatago o pagtanggap ng mga tao sa pamamagitan ng maling
pamamaraan katulad ng dahas, pag-kidnap, panloloko,
o pamumuwersa)

Suriin Natin

Ngayon masusukat natin ang inyong kaalaman sa pamamagitan


ng maikling pagsubok na ito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa isang proseso ng paglipat o pag-alis ng tao mula sa
isang lugar o teritoryong politikal patungo sa ibang lugar maging
pansamantala man o permanente?
A. Ekonomiks
B. Migrasyon
C. Politikal
D. Negosyo

2. Ayon sa tala ng International Labor Organization, ilan ang bilang ng mga


tao na naging biktima ng forced labor?
A. 1.07 million
B. 1.16 million
C. 4.87 million
D. 4.93 million

3. Ano ang tawag sa pagrerecruit, pagdadala, paglipat, pagtatago o


pagtanggap ng tao sa maling pamamaraan?
A. Force Labor
B. Human trafficking

10
C. Slavery
D. Tempoprary migrants

4. Ayon sa datos ng Commission on Filipino Overseas (CFO) noong 2005,


Ilan ang bilang ng mga lalaki o male emigrants na umaalis kada taon?

A. 27,333 B.30,877 C. 31,793 D. 41,695

5. Ayon sa talaan noong 2014 CFO Compendium of Statistics, Ilan ang


itinaas ng Irregular Migrants mula 2012-2013?
A. .07 B. .08 C. .09 D. .10

6. Anong bansa sa mundo ang nangunguna bilang destinasyon ng mga tao


ayon sa talaan ng commission on filipino overseas noong 2014?
A. Italy B. Malaysia C. Qatar D.USA

7. Kung ang tawag sa mga mamamayan na nangibang bansa na walang


dokumentado o permit ay irregular migrants. Ano naman ang tawag sa
mga mamamayan na nangibang bansa na may dalang dokumento o
permit na magtrabaho o manirahan ng may takdang panahon?
A. Irregular migrants
B. Permanent migrants
C. Temporary migrants
D. Migrants

8. Ayon sa talaan ng international labor organization, ilan ang bilang ng


mga tao na naging biktima ng force labor?
A. 4.5 milyon
B. 9.5 milyon
C. 11.5 milyon
D. 21 milyon

9. Ano ang tawag sa mamamayan na nanatili o nagpapalit ng citizenship sa


ibang bansa?
A. Irregular migrants
B. Permanent migrants
C. Temporary migrants
D. Migrants

10. Ang Refugees ay isang proseso ng pag-alis o paglipat ng tao sa isang


lugar para sa seguridad at upang malayo sa nakaambang _____________ sa
kanilang kaligtasan.
A. Panganhib
B. Trabaho
C. Kabuhayan
D. Negosyo

11
Payabungin Natin

Dugtungan ang mga pahayag ayon sa iyong pagkaunawa. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.

1. Natutuhan ko sa araling ito na ang migrasyon


ay____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. May ibat ibang uri ng migrasyon, ito ay ang___________________________


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________.

Pagnilayan Natin

Ang globalisasyon ay naghatid ng maraming mga pagkakataon para


sa ikauunlad ng ating pamumuhay. Ito ay nagbigay daan para sa ating mga
manggagawa na magkaroon ng kabuhayan at matataas na pasahod. Ngunit
atin ding nalaman na may mga pagsubok din na naihahatid ang sitwasyong
ito na lubos na nakakaapekto sa ating bayan kung hindi ito matugunan.

Bilang paghahanda sa hinaharap paano mo maiiwasan ang mga


pagsubok na kaakibat ng globalisasyon? Paano mo mababalanse ang
paglilingkod sa sariling bayan at ang pagkakataon na makapagtrabaho at
kumita ng malaki sa ibang bansa?

12
13
Suriin Natin: Subukin natin
1. B 1. B
2. B 2. D
3. B 3. D
4. A 4. B
5. C 5. D
6. D 6. C
7. C 7. D
8. D 8. B
9. B 9. C
10.A 10.A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Department of Education. Araling Panlipuan 10 Materyal Pansanay,


Learners Module. 2017.

https://cfo.gov.ph/statistics-2/ Retrieved: 12-06-2020

14
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665, (082) 221-6147

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like