You are on page 1of 5

Quarter 2

SUMMATIVE TEST 2
WEEK 5-6
Araling Panlipunan 10
Name: ________________________________________ LRN: _________________________
Teacher: ______________________________________ Section: ______________________
Score: _________
MELC/S: Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

PANUTO: Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang.

_____1. Ano ang migrasyon?


A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa
lugar na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo
sa isang lugar pansamantala man o permanente.
_____2. Sino ang binansagang “economic migrants”?
A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di kaya ay
kaguluhan.
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa
bansang pinagmulan.
_____3. Ano ang brain drain?
A. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
B. Ang pandemya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao sa buong mundo.
C. Ang pagpunta sa ibang bansa at pagkaubos ng mga manggagawang Pilipino.
D. Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng mga naiwan ng mga nasawi sa COVID-19.
_____4. Ano ang kahulugan ng househusband?
A. Ang househusband ay ang mag-asawang parehong nagtatrabaho para sa pamilya.
B. Ang househusband ay ang pagtutol ng mga anak na magtrabaho ang sinuman sa kanilang mga
magulang.
C. Ang househusband ay ang asawang babae na naiiwan sa bahay habang ang asawa namang
lalaki ay siyang nagtatrabaho.
D. Ang househusband ay ang asawang lalaki na naiiwan sa bahay habang ang asawa namang
babae ay siyang nagtatrabaho.
_____5. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting epekto ng migrasyon sa mga
papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas?
A. Brain Drain C. Integration
B. Economic Migration D. Multiculturalism
_____6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pang-aabuso sa mga babaeng manggagawa
sa ibang bansa?
A. Ang mga kababaihang migrante ang kadalasang biktima ng human trafficking.
B. Ang ilang kababaihang migrante ay nalalantad sa karahasang sekswal (sexual violence).
C. Karamihan sa mga kababaihang migrante ay napipilitang magtiis sa mga trabahong mababa
ang sahod.
D. Lahat ng mga nabanggit.
_____7. Alin sa sumusunod ang nakikitang dahilan kung bakit umaalis ng lugar ang ilan nating kababayang
manggagawa?
A. Higit na mataas na pasahod na alok ng mga mauunlad na bansa.
B. Mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga mauunlad na bansa.
C. Mas maayos na kalagayan sa paggawa sa mga kompanya sa ibang bansa.
D. Lahat ng mga nabanggit.
_____8. Kailan nagaganap ang migration transition?

More downloads: https://www.depedtrends.com


A. Nagaganap kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang manggagawa at ang kanyang amo
dahil sa hindi tamang pasahod.
B. Nagaganap kapag mas marami ang umaalis na Overseas Filipino Workers (OFWs) kaysa sa
dumarating o umuuwi dito sa Pilipinas.
C. Nagaganap kapag nawawala na ang pagkamamamayan ng isang manggagawa dahil sa
pagkawalang-bisa nito dahil sa haba ng paninirahan sa bansang pinuntahan.
D. Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay
nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
_____9. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon?
A. Nagkakaroon ng konseptong “house husband” kapag ang ina ang nangibang- bansa.
B. Kapag ang lalaki ang nangibang-bansa, ang asawang babae ang mas higit na umaako ng lahat
ng gawaing pantahanan.
C. Maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan na
imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na nais nilang puntahan.
D. Lahat ng mga nabanggit.
_____10. Alin sa mga sumusunod ang kailangang gawin ng pamahalaan upang hindi magdagsaan
ang mga tao sa mga lungsod gaya ng Kalakhang Maynila?
A. Hikayatin ang mga manggagawa na mangibang-bansa.
B. Paunlarin ang mga lalawigan at mag-alok ng trabaho para sa mga taga-roon.
C. Isabatas ang pagbabawal sa mga taga-probinsiya na magtrabaho sa Maynila.
D. Itaguyod and diskriminasyon sa mga taga-probinsiya na pumupunta sa Maynila.
_____11. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
A. ang pamilya
B. ang mga anak
C. ang asawang naiiwan sa pamilya
D. ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
_____12. Ano ang kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga nagsipagtapos ng mga engineering
degree sa Pilipinas ay hindi nagiging engineer sa mga bansang lumagda nito?
A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine
B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord
_____13. Ano ang ipinatupad na reporma ng pamahalaan ng Pilipinas noong 2010 upang maiakma ang
Kurikulum ng Basic Education ng bansa sa pamantayang global?
A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine
B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord
_____14. Ang mga sumusunod ay kalimitang ugat ng pandarayuhan ng mga Pilipino, maliban sa isa. Alin
sa mga ito ang hindi kabilang?
A. Maghanapbuhay na may mataas na sahod.
B. Makapamasyal at makapaglibang sa mga makasaysayang pook.
C. Paghihikayat ng mga kamag-anak na nakatira na sa ibang bansa.
D. Matuto o mapag-aralan ng makabagong kasanayan at kakayahan.
_____15. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng dahilan ng migrasyon?
A. Digmaang sibil C. Kawalan ng trabaho sa pamayanan
B. Pagkawasak ng pamilya D. Mas magandang oportunidad sa ibang bansa
_____16. Marami sa mga pamilya ng OFW ay nakararanas ng pangungulila sa kanilang kaanak na
humahantong sa pagkawasak nito. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan upang sila ay matulungan?
A. Bigyan ng sulat
B. Makisimpatya sa kanila
C. Bigyan sila ng load na pantawag
D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila
_____17. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa Bologna Accord?
A. Hango ang pangalan nito sa isang unibersidad sa Italy.
B. Mabilis na naiaakma ang kurikulum ayon sa hinihingi ng industriya.
C. Nilagdaan ito sa Vienna ng iba’t ibang Ministro ng Edukasyon ng 29 na bansa.
D. Naglalayon ang kasunduan sa pag-aakma ng kurikulum ng bawat isa upang ang nagtapos sa
bansa ay madaling matanggap.

More downloads: https://www.depedtrends.com


_____18. Sa kabila ng mga banta sa kalagayan ng mga migranteng manggagawa marami pa ring mga
Pilipino ang nangingibang bansa. Alin sa sumusunod ang hindi prayoridad ng mga Pilipino upang umalis ng
bansa?
A. Upang makatulong sa pag-ahon ng pamilya sa kahirapan
B. Ang magkaroon ng pagkakataon na manirahan sa ibang bansa
C. Upang maging domestic workers at magkaroon ng maayos na trabaho
D. Ang makapaglakbay sa ibang bansa ay isang karanasan na hindi matutumbasan
_____19. Suriin ang infographic sa ibaba. Alin sa sumusunod ang totoo tungkol sa infographic?

Larawan 1. Mga Bansang nangungunang Destinasyon ng mga Landbased OFW


Halaw sa Philippine Statistics Authority. Infographics on Net Primary Income. Retrieved from
https://psa.gov.ph/infographics/subject-area/... on June 30, 2020.

A. Ang mga OFW ay pang-landbased lamang.


B. Mas maraming OFW ang pumunta sa UAE kaysa sa Saudi Arabia.
C. Karamihan ng mga OFW na landbased ay pumupunta sa Gitnang Silangan.
D. Ang mga OFW ay mas pinipiling pumunta at magtrabaho sa kalapit bansa tulad ng Saudi Arabia
at UAE.
_____20. Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa kaniyang panayam, kinukulong
siya ng kaniyang amo sa loob ng bahay na sarado ang mga bintana at pinto. Inuutusan siyang gumising ng
alas-kuwatro ng umaga at matutulog ng ala-una ng madaling araw. Minsan, isang buong magdamag siyang
namalantsa ng mga damit ng kaniyang amo. Ano ang naging sitwasyon ni Lucy?
A. forced labor C. remittance
B. human trafficking D. slavery
_____21. Bakit kinakailangan ng ibang mga magulang ang magtrabaho at mapalayo sa kanilang pamilya?
A. Gusto nilang gastusin ang pera nila dahil sobra-sobra na ito para makapamasyal.
B. Gusto nilang mag-abroad dahil sa kanilang mga anak at asawa, sa kabila nito ay para sa
ikauunlad ng kanilang pamumuhay.
C. Gusto nilang masiyahan dahil makapamamasyal sila sa mga magagandang lugar na
mapupuntahan dahil sa pagtatrabaho nila sa ibang bansa.
D. Gusto nilang makapagpundar ng mga mamahaling ari-arian at maiangat ang kanilang
pamumuhay at apihin ang dating nang-api sa kanila.
_____22. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng positibong epekto na naidulot ng migrasyon sa isang
pamilya?
A. Pagkakaroon at pagtangkilik ng imported na kagamitan.
B. Makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar.
C. Pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon.
D. Matutugonan ang mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas
maginhawang pamumuhay ng pamilya.
_____23. Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing anihan kaya
napagpasyahan niyang mangibang bansa at iniwan na lang ang sakahan sa kanyang mga kapatid. Hindi
naman siya nangulila sapagkat may komunikasyon naman siya sa mga ito. Alin sa mga sumusunod ang
naging epekto ng migrasyon sa buhay ni Jun-jun?
A. Ang pagtangkilik sa gawang dayuhan.
B. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan.
C. Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid.
D. Ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya.
More downloads: https://www.depedtrends.com
_____24. Ang mga kabataan ngayon ay mahilig sa mga banyagang musika na mula sa Amerika, Espanya
at Korea. Sa kadahilanang ito, mangilan-ngilan na lamang ang tumatangkilik sa musikang Pinoy. Ano ang
pinakamabisang paraan upang maiwasan ang negatibong epekto nito lalo na sa pagpapahalaga ng mga
kabataang Pilipino?
A. Ang pagtangkilik sa sariling gawang Pilipino.
B. Ang hindi pagtanggap sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon.
C. Huwag papansinin ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa buhay.
D. Ang malalim na pagkakahubog ng mga magulang sa mga anak ukol sa mga pagpapahalaga at
kultura bilang isang tunay na Pilipino.
_____25. Si Anna ay isang domestic helper sa Macau at naiwan niya ang dalawang anak at ang asawang
si Eloy sa Pilipinas. Halos maglilimang taon na siya doon at kahit pa marami siyang ginagawa ay
nabibigyang oras pa rin niya ang pamilya upang kausapin ang mga ito araw-araw. Sa sitwasyon nila, ano
ang epektibong paraan upang maiwasan at mapaghandaan nila ang epekto ng migrasyon sa kanilang
pamilya upang hindi ito mauwi sa paghihiwalay?
A. Ang pagkakaroon ng mga counseling centers.
B. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t isa.
C. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa.
D. Pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto, at tiwala sa isa’t isa.

More downloads: https://www.depedtrends.com


ANSWER KEY

1. D
2. C
3. C
4. D
5. A
6. D
7. D
8. D
9. D
10. B
11. A
12. D
13. B
14. B
15. B
16. D
17. C
18. D
19. C
20. A
21. B
22. D
23. D
24. D
25. A

More downloads: https://www.depedtrends.com

You might also like