You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Lipa City

LODLOD NATIONAL HIGH SCHOOL


Lipa City
IKATLONG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN 10

I. PANUTO:Basahing mabuti ang bawat pangungusap.Sagutin ang mga katanungan ayon sa hinihingi,piliin ang
letra ng inyong napiling kasagutan.Isulat Ang kasagutan sa nakalaang espasyo.

1. Ang konsepto ng CITIZENSHIP O ang kalagayan O katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan O estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.Sa panahon ng kabihasnang Griyego ang
pagiging CITIZEN ay .

A. Isang pribelihiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin.

B. May karapatan na makilahok sa gawain sa lipunan ng POLIS.

C. Sinusunod lamang ang kautusan ng may katungkulan.

D. Kung kinakailangan na makilahok sa ekonomiya.

2. Ang isang aktibong mamamayan ay kaniyang ginagamit ang pamamaraang ipinahintulot ng batas upang
iparating sa mga kinaukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin.maliban sa .

A. Hindi tagasunod sa mga ipinag – uutos ng pamahalaan.

B. Hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan.

C. Hindi niya kinalimutan na makipagdiyalogo upang bumuo ng isang kolektibong pananaw

D. Hindi gumagawa ng ikabubuti sa bayan.

3. Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan. Tinitingnan ngayon ang


pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado. Bagkus,maituturing
ito bilang .

A. Pagbubuklod – buklod ng mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan.

B. Paglalahad ng katayuan sa buhay.

C. Pagtugon sa mga pangangailangan sa araw- araw.

D. Pagkakaiba ng mga prinsipyong pinaniniwalaan.

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na pangunahing katangian ng isang mamamayang Pilipino?

A. Mayroong pagmamahal sa bayan

B. Tumutulong sa iba nang kundisyunal

C. Sumusunod sa mga batas-trapiko

D. Hindi nanloloko sa kapwa-tao

5. May tatlong uri ng mga karapatan ang bawat mamamayan,Ang Natural Right na kung saan ang karapatang
taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng estado .Ano naman ang Statutory Right?

A. Karapatang mabuhay,maging Malaya at magkaroon ng ari – arian

B. Karapatang political,sibil,sosyo – ekonomik at karapatang akusado

C. Mga karapatang kaloob ng bumuong batas at maaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas

D. Karapatang bigay ng Diyos

6. Si James Matthews ay isang American national na matagal nang naninirahan dito sa Pilipinas. Siya ngayon
ay itinuturing na ding mamamayang Pilipino. Anong proseso ang isinagawa ni James upang maisakatuparan
ito?

A. Naturalisasyon C. dual citizenship

B. Jus sanguinis D. jus soli

7. Ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan ay nagdulot ng pagbabago sa ating lipunan nararapat lamang
na kalimutan ang maling pananaw na pamahalaan lamang ang may tungkulin na bigyang – solusyon ang mga
isyung panlipunan. Sahalip,maging

A. Aktibo tayo makikilahok sa mga diskurso sa pamamahala.

B. Di magkasamang buuin ng pamahalaan at ng mamamayan ang solusyon sa mga sulira- Ning


kinakaharap ng lipunan.

C. Ang mga mamamayan ay susunod sa lahat ng kautusan ng pamahalaan.

D. Di pagtulong ng tao sa pamahalaan.


8. Ang Participatory Governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayamn para maisakatuparan ang ating
iginigiit na pagbabago sa pamahalaan,Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan .

A. Ang mga mamamayan ang pipili kung ano ang para sa ekonomiya.

B. Ang pamahalaan ang may solusyon sa mga suliranin ng bayan.

C. Ang mamamayan ay walang lubos na kakayahan sa pagbalangkas ng solusyon sa ng mga suliranin

D. Ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at Pagpapatupad


ng solusyon sa suliranin ng bayan.

9. Si Felipe ay ipinanganak sa Pilipinas ngunit siya ay namalagi sa Italy upang mag-aaral ng culinary arts.
Halos apat na taon na siyang nakatira dito. Si Felipe ba ay Pilipino?

A. Siya ay Pilipino dahil ipinanganak siya sa Pilipinas

B. Siya ay Hindi Pilipino dahil matagal siyang nanatili sa Italy

C. Siya ay Pilipino dahil matagal siyang nanirahan sa Pilipinas

D. Siya ay hindi Pilipino dahil iba ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang

10.Kung ang JUS SANGUINIS ay ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng
kanyang mga magulang .Ang JUS SOLIS O JUS LOCI ay

A. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.

B. Ang pagkamamamayan ay nakabatay kung saan siya ay nagtatrabaho.

C. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa ekonomiya ng bansa.

D. Ang pagkamamamayan ay nakabatay s autos ng pangulo.

11. Tungkuling ng isang mamamayan na laging boboto sa halalan dahil

A. Ito ang paraan na mapili mo ang gusto mong kandidato

B. Ito ay nagpapahayag ng pagmamalasakit sa kalikasan.

C. Ito ay paraan na mapili mo ang tao na may malaking bayad.

D. Ito ang paraan ng makalikom ng impluwensya sa bayan.

12. Batay sa Artikulo ng pagkamamamayan, nakasaad sa seksyon 1,ang tungkol sa pagkamamamayan ng


Pilipinas maliban sa

A. Yaong ang naging mamamayan ay ayon sa batas.

B. Yaong naging mamamayan ayos sa kautusan ng Pangulo.

C. Yaong bang mga ama O ina ay mamayan ng Pilipinas.

D. Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpatibay ng Saligang Batas.

13. Papaano makikita ang positibong epekto ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ng mga mamamayan sa
pang-araw-araw na buhay?

A. Marami sa mga kababaihan ay nasa mga kanto at nag-iinuman

B. Ang mga kabataan ay sumasama sa grupo ng mga mamamayan sa paglilinis ng kagubatan

C. Ang mga kababaihan ay masayang nagkukuwentuhan dala-dala ang kanilang maliliit na anak

D. Ang mga mamamayan ay nagtatalo-talo dahil sa makukuhang pakinabang sa itatayong minahan

14. Ang pamahalaan ay isang organisasyon na ang tungkulin ay pangalagaan ang kapakanan ng mga
mamamayan. Paano kung ang pinuno o nanunungkulan ay hindi marangal, mapanlinlang at makasarili at
mapang-abuso sa kapangyarihan?

A. Ang opisyal ay maaaring makasuhan ng kurapsyon sa pamahalaan.

B. Ang opisyal ay dapat na mabitay dahil abusado

C. Ang opisyal ay hindi dapat pamarisan

D. Ang opisyal ay salot sa lipunan

15. Bago kumilos ang estado upang limitahan ang mga karapatang pantao dapat isaalang-alang ang mga
sumusunod maliban sa isa:

A. Dapat itong naaayon sa batas

B. Hindi ito dapat lumabis sa kinakailangan upang matamo ang hangarin

C. Dapat ito ay mahalaga sa pagpapanatili ng lipunan

D. Walang pangangalaga sa seguridad ng bansa

16. Ang pakikilahok sa eleksyon ang pinaka simpleng paraan ng pakikilahok ng mamamayan Ang pagboto ay
isang karapatang
A. Politikal C. Sosyo - ekonomik

B. Sibil D. pangkabuhayan

17. Layunin ng Participatory Governance ang magkasamang balangkasin ng pamahalaan at ng mamamayan


ang badyet ng lungsod sa pamamagitan nito

A. Naiparating ng taumbayan ang kanilang mga pangangailangan

B. Naitaguyod ang kaunlaran ng bansa.

C. Nagiging magandang lugar ito para sa usaping political

D. Maipahiwatig ang kaisipang pantao.

18. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang
mamamayan?

A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang
komunidad.

B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.

C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.

D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.

19. Ang isang mamamayan o indibiduwal ay mawala ang kaniyang pagkamamamayan kung

A. Siya ay napasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.

B. Ang hindi panunumpa ng katapatan sa batas ng ibang bansa.

C. Tumutulong para maipabagsak ang bayan.

D. Tumutulong sa kaunlaran.

20. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kaalaman tungkol sa mga
karapatang pantao?

A. Makiisa ng pagdaraos sa mga seminar sa paaralan.

B. Magkaroon ng ibayong pag-aaral at pananaliksik.

C. Humingi ng parangal at pagkilala sa pamahalaan.

D. Sumali sa rally ng mga manggagawa.

21. Batay sa Artikulo IV , nasa seksyon 5 na ang dalawang katapatan ng mamamayan ay salungat sa
kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.Ito ay nangangahulugang

A. Ang panunumpa ng katapatan sa dalawang bansa ay isang paglabag sa batas.

B. maaaring manunumpa ng katapatan sa dalawang bansa hindi ito isang paglabag.

C. Maaaring maraming bansa dapat ang paglilingkuran at panunumpaan ng katapatan.

D. Ang panunumpa ng katapatan ay walang bias sa ibang bansa.

22. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng kapayapaan dahil sa paglabag sa karapatang pantao?

A. Nagkarambulan ang isang grupo ng kabataan dahil mga lasing sila.

B. Nagrally ang isang grupo dahil pinagkaitan sila ng sapat na sahod.

C. Ang kapatid ni Dodi ay dinakip dahil sa droga.

D. Isang artista ang inalisan ng lisensya na magmaneho dahil sa paglabag niya sa batas trapiko.

23. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mapangangalagaan at maisusulong ang karapatang pantao
maliban sa _______?

A. paglilingkod sa barangay bilang tagapagtaguyod ng mga karapatan

B . pagsasama-sama sa pagtatanyag ng mga simulain ng bansa

C. pagpapahayag ng saloobin kaugnay ng karapatang pantao

D. ilagay sa kamay ang batas laban sa mga lumabag sa iyong karapatang pantao.
24. Ang CHILDRENS RIGHTS ay mga karapatang kailangan ng mga bata upang magkaroon ng

A. mabuti at ligtas na buhay

B. Ang Hindipagkahubog ng kanilang kakayahan

C. upang hindi magtagumpay sa buhay

D. Walang patutunguhan sa buhay

25. Hindi natatapos sa paglahok sa eleksyon ang Political na pakikilahok ng mga mamamayan Sa halip,unang
hakbang lamang ito para sa isang

A. Aktibong bayan C. agrisibong lipunan

B. Malayang lipunan D. Produktibong bayan

26. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng isang pamayanan para isulong ang karapatang pantao maliban sa

A. Pag-aralan ang isyu ng karapatang pantao sa lebel ng pamilya at barangay.

B. Bantayan ang mga kawani ng pamahalaan laban sa pang-aabuso.

C. Makiisa sa pagdiriwang ng National HUman Rights Week.

D. Magdesisyon sa mga kaso ng mga kasapi ng Nagkakaisang mga Bansa.

27. Ang mga taga-Purok C, isang lugar ng informal settlers sa Quezon City, ay binigyan ng housing relocation
sa lalawigan ng Rizal bago pa man gibain ang kanilang mga bahay na nakatirik sa lupang pag-aari ng
pamahalaan. Alin ang tama at angkop sa sitwasyon?

A. Ang mga residente na nasa pugad ng kriminal ay dapat magpasalamat sa kabutihan ng lokal pamahalaan.

B. Ang pamahalaang panlungsod ay walang pakialam sa mga informal settlers.

C. Ang karapatang pantao ng mga taga- Purok C ay pinangangalagaan ng pamahalaang panlungsod.

D. Ang mga taga Purok- C ay dapat magbayad nang malaki sa paglipat sa relocation site.

28. Ang pagiging Makabansa ay isang malinaw na manipestasyon ng pagmamahal sa ating bayan.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangiang ito?

1. Pagtangkilik sa sariling mga produkto at serbisyo 2. Pagtulong sa mga nangangailangan

3. Pakikinig sa mga Original Pilipino Music (OPMs) 4. Pagsasagawa ng mga tradisyunal na aktibidad

A. 1,3,4 B. 2,3,4 C. 1,2,3 D. 1,2,3,4

29. Tungkulin ng mga mamamayan ng isang bansa na tulungan ang mga mamamayan ng mga bansa sa
mundo na may hindi magandang kalagayan dahil

A. Ito ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa ibang bansa.


B. Bahagi ng ating pagkatao.
C. Tao din sila katulad natin.
D. Bahagi ng ekonomiya ng bansa
30. Gaano kahalaga ang isang mamamayan sa lipunang Pilipino?

A. Ang isang mamamayan sa lipunang Pilipino ay hindi nagbigay buhay sa lipunan.

B. Ang isang mamamayan ay nakatulong sa pagpapalakad at lagging maayos na lipunan.

C. Maaaring ang kanyang mga opinion ay may malaking hadlang sa pagpapatakbo ng lipunan.

D. Ang isang mamamamayan sa liunan ay mga kapitalista.

31. Ano ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa Universal Declaration of Human Rights sa bawat
aspekto ng buhay ng tao?

A. Pagiging malaya at pagkapantay – pantay

B. Karapatang sosyal at political

C. Karapatang espiritwal at emosyonal

D. Pagiging matulungin sa kapwa.

32. Kung ikaw ay napasailalim sa isang pagsisiyasat O kaya ay imbestigasyon, anong Karapatang pantao ang
maaari ilalapat nito?

A. Everyone is innocent until proven guilty

B. You have the right to seek legal help

C. You have a right to a fair and public trial

D. We are all equal before the law


33.Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay nitong karapatang pantao.Mahalaga ito Sapagkat

A. Nagsilbi itong pundasyon ng estado sa paggawa ng mga batas at polisiya

B. Nagsilbi itong layunin sa kalakalang pandaigdig

C. Nagsilbi itong gabay sa kaunlaran

D. Nagsilbi itong kita ngt bansa.

34. Nilalayon ng CIVIL SOCIETY na maging kabahagi sa pagbabago ng mga polisiya at nagigiit Ng
accountability at transparency mula sa estado. Mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyong mamamayan dahil

A. Magiging katulong ang pamahalaan sa pagbuo ng programa.

B. Ang mamamayan ang pinangalagaan ng sobereniya ng estado.

C. Magiging katuwang sa katiwalian ng bansa.

D. Ang mamamayan ang pinagmulan ng katiwalian.

35. Ang isang aktibong mamamayan ay kaniyang ginagamit ang pamamaraang ipinahintulot ng batas upang
iparating sa mga kinaukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin.maliban sa .

A. Hindi tagasunod sa mga ipinag – uutos ng pamahalaan.

B. Hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan.

C. Hindi niya kinalimutan na makipagdiyalogo upang bumuo ng isang kolektibong pananaw

D. Hindi gumagawa ng ikabubuti sa bayan.

36. Paano matitiyak ng mamamayan kung nanaig ang Good Governance sa isang lipunan?

A. May partipasyon ng lahat ng mamamayan

B. Hindi Patas at walang kinikilingan

C. Hindi nagbigay proteksyon

D. May partisipasyon ng ibang bansa

37.Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan,igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga


karapatan para sa bayan kanyang gagamitin ang pamahalaang

A. ipinahintulot ng batas upang iparating sa mga kinaukulan ang kaniyang hinaing , saloobin

B. hindi siya nakipagdiyalogo upang bumuo ng isang hindi kolektibong pananaw at tugon Sa mga
hamong kinakaharap.

C. Hindi ang tao gumagawa ayon sa kagustuhan ng nakararami.

D. Ipinahintulot ng batas na wag sabihin ang ninanais ng mga mamamayan.

38. Tungkulin ng isang mamamayan ang maglingkod sa military sa oras ng pangangailangnan paraan ito
upang maipakita mo ang iyong pagmamahal sa iyong bayan maliban sa

A. Ito ang iyong lupang sinilangan

B. Tahanan ng iyong lahi

C. May utang na loob na dapat bayaran

D. Kapwa tayo mga Pilipino.

39.Ano ang pagkakakaiba ng ligal na pananaw ng pagkamamamayan sa lumawak na pananaw nito?

A. Ang pagiging citizen ay isang tungkulin na dapat gampanan.

B. Ang pagiging citizen ay isang pribelihiyo at kanyang iginigiit ang kanyang mga karapatan Para sa
ikabubuti ng bayan.

C. Ang mga mamamayan ay tagasunod lamang sa ipinag – uutos ng pamahalaan.

D. Ang pagiging mamamayan ay natatamasa lamang at hindi pananagutan.

40. Ang Universal Declaration of Human Rights ay isang dokumentong naglalahad ng mga Karapatang pantao
ng bawat indibiduwal.Bakit naging sandigan ito ng maraming bansa?

A. Upang panatilihin ang kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng tao.

B. Upang magkaroon ng trabaho ang mga mamamayan.

C. Upang maisaayos ang buwis ng mga mamamayan.

D. Upang maging matatag ang isang kompanya.


41. Ang Constitustional Rights ay mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng estado.

Anong karapatan ng nagbigay – proteksyon sa indibiduwal na inakusahan sa anumang krimen?

A. Karapatang political

B. Karapatang sibil

C. Karapatang sosyo – ekonomik

D. Karapatan ng akusado

42. Ang UDHR BILL OF RIGHTS AT CHILDRENS RIGHT ay mga dokumento na naglalaman ng

A. Karapatang pantao C. malawak na pananaw

B. Legal na pananaw D. karapatang pang – ekonomiya

43. Kung ang TANGOS(Tradistional NGOs) ay nagsagawa ngt mga prudukto para sa malaking, Ano ang tulong
na maibigay ng FUNDANGOs(Funding – agency NGOs)?

A. Nagbigay suporta sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal na serbisyo

B. Binubuo ng mga propesyunal at mga galling sa sektor ng akademya

C. Nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga peoples organization para tumulong sa mga


Pangangailangan

D. Nagbigay ng abuloy sa mga may trahedya.

44.Maituturing ding isa sa pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipno sa kasalukuyan Ay ang
KATIWALIAN(corruption).Ano ang korapsiyon ay tumutukoy sa

A. Paggamit ng posisyon sa pamahalaan upang Hadlangan ang palaganap ng pansariling interes

B. Paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang makatulong sa mahihirap.

C. Paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang maging katuwang sa kabutihan.

D. Paggamit sa posisyon upang maglingkod ng buong katapatan.

45.Mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang dalawa sa katangian ng GOOD GOVERNANCE. Ang
Kapananagutang political at

A. Sosyal C. sibil

B. Ekonomiko D. Katapatan

46.Ayon kay MURRAY CLARK HAVENS (1981),Ang CITIZENSHIP ay ugnayan ng

A. Indibiduwal at ng estado C. Indibiduwal at pangulo

B. pamahalaan at dayuhan D. Pamahalaan at Kapitalista

47. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng karapatang ng isang Pilipino maliban sa

A. edukasyon at makapag-aral C. Pagkain at pananamit

B. malayang pananalita D. Sedisyon

48. Ito ay tumutukoy sa mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipinagkaloob ng estado

A. Natural Rights C. Constitutional Rights

B. Statutory Rights D. Universal Rights

49. Ang mga sumusunod ay mga requirements ng pagiging isang botaneng Pilipino maliban sa

A. Mamamayan ng Pilipinas C. 18 taong gulang pataas

B. Tumira sa Pilipinas kahit 11 buwan D. Hindi diskwalipikado sa pagboto

50. Ang mga sumusunod ay mga taong diskwalipikadong bumoto sa halalan ng Pilipinas maliban sa isa:

A. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon

B. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.

C. Mga taong nasentisyahan ng hukuman sa mga kasong kinalaman ang krimeng laban sa seguridad ng bansa

D. Mga taong piniling magtrabaho sa ibang bansa bilang OFW

Inihanda ni:

ROY CEDRIC O. RECEDE

Guro

You might also like