You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
Division of Davao City
DANIEL R. AGUINALDO NATIONAL HIGH SCHOOL
Matina, Davao City

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Grade 10- Amethyst


January 22, 2018 (12:55-1:40 P.M)

I. LAYUNIN:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag ang mga batayan ng pagiging mamamayang Pilipino.


2. Naisa-isa ang mga dahilan ng pagiging mamayanang Pilipino at
pagkawala ng pagiging mamamayan nito batay sa Artikulo IV ng Saligang
Batas.
3. Nakagagawa ng data retrieval chart na nagpapakita ng mga batayan sa
pagiging mamamayang Pilipino at dahilan ng pagkawala nito.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Pagkamamamayan ayon sa legal na pananaw
B. Sanggunian: Araling Panlipunan 10 Learners module
Pahina 355-358
C. Materyales: Tulong Biswal, Pentel Pen,laptop, projector
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
A1. Pagdarasal
A2. Pag-aayos ng silid-aralan
A3. Pagbati
A4. Pagtatala ng lumiban
B. Aktibiti (Picture Analisis)
B1. Ang klase ay hahatiin sa walong pangkat.
B2. Ang guro ay magpapakita ng iba’t-ibang larawan sa pamamagitan ng
slideshow.
B3. Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang opinyon kung ang larawan ay
isang mamamayang Pilipino o hindi.
C. Analisis
C1. Ano ang batayan ng pagiging mamamayang Pilipino?
C2. Paano nawawala ang pagkamamayang Pilipino?
C3. Gaano kahalaga ang isang mamamayan sa lipunan?
D. Abstraksyon
D1. Basahin ang teksto mula pahina 356-358 ng modyul
D2. Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o
katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay
maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Sa Pilipinas, inisa-isa ng
estado sa Artikulo IV ng Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng
mga mamamayan Pilipino.
D3. ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN
SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng
saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga
ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSIYON 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong
mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o
malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga
nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1,
Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
SEKSIYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o
muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEKSIYON. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng
mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung
sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng
batas, na nagtakwil nito.
SEKSIYON. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat
sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
D4. Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal; Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng
naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1.)ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa;
2.)tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan,
at 3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
D5: Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan
Jus sanguinis Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong
sinusunod sa Pilipinas.
Jus soli o jus loci Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan
siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
E. Aplikasyon
D1. Sa isang kalahating papel ang mag-aaral ay inaasahang
makakapagbigay ng tatlong batayan ng pagiging mamamayang Pilipino at
tatlong dahilan ng pagkawala nito.
D2. Bibigyan lamang sila ng guro ng 5 minuto upang gawin ito.
F. Paglalahat
F1. Ang guro ay magpapatugtog ng isang awit habang ang mga mag-
aaral ay ipinagpapasa-pasa ang isang kahon na naglalaman ng mga
katanungan.
 Ano ang ibig sabihin ng naturalisasyon?
 Ano ang dahilan ng pagkawala ng citizenship? (magbigay ng isa)
 Ano ang batayan ng pagiging mamamayang Pilipino?
IV. PAGTATAYA (Ebalwasyon)
 Paghambingin ang “Naturalization at Natural born citizen”, Ano ang
kaibahan ng dalawa? Ang sagot ay ilalagay sa kalahating papel.

V. TAKDANG ARALIN
Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang isang pagiging mabuting
mamamayang Pilpino? Ilagay ang sagot sa isang kapat na papel.

Inihanda ni: Mary Ann M. Palima Iniwasto ni: Mrs. Virginia G. Macrohon
Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like