You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education

ARALING PANLIPUNAN 10 IKA-APAT NA MARKAHAN


UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin ANG TITIK ng tamang sagot markahan
ang letra sa SAGUTANG PAPEL (ZIP GRADE) na inilaan. IWASAN ANG MAGBURA IKAW AY PAPASA KUNG IKAW AY MAG
BABASA
1. Saan nagsimula ang konsepto ng citizenship?
A. Kabihasnang Romano B. Kabihasnang Ehipsyo C. Kabihasnang Griyego D. Kabihasnang Mohenjo Daro
2. Ang mga dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng prosesong ______.
A. Naturalisasyon B. Ligal C. Citizenship D. Lumawak
3. Ano ang tawag sa katayuan o ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado?
A. Naturalisasyon B. Citizenship C. Dual Citizenship D. Batas Republika
4. Ano ang tinutukoy na pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat ditto ang mahahalagang batas na dapat
sundin ng bawat mamamayan?
A. Referendum B. Ordinance C. Konstitusyon D. Memorandum
5. Ganap na mamayan ka ng Pilipinas kung ipinanganak ka bago sumapit ang __________ na ang iyong ina ay Pilipino at
iyong pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang.
A. Enero 17, 1971 B. Enero 17, 1973 C. Enero 17, 1972 D. Enero 17, 1970
6. Saang bahagi ng Saligang Batas ng 1987 nailahad kung sino-sino ang mga mamamayang Pilipino?
A. Artikulo II, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1987 B. Artikulo III, Seksyon 2 ng Saligang Batas ng 1987
C. Artikulo IV, Seksyon 1 ng Saligang Batas ng 1987 D. Artikulo V, Seskyon 4 ng Saligang Batas ng 1987
7. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa konsepto ng pagkamamamayan batay sa araling
binasa?
H. Ang dayuhang naninirahan, nakapag-asawa at nagtatag ng malaking negosyo sa bansa ay isa ng ganap na mamamayang
Pilipino.
I. Ang konsepto ng pagkamamamayan ay umusbong noong panahon ng Kabihasnang Griyego.
J. Nagiging ganap na mamamayan ang isang tao kung siya ay nabigyan ng karapatan ng Saligang Batas na maging
mamamayan ng bansa.
K. Maituturing kang ligal na mamamayang Pilipino kung taglay mo ang kwalipikasyong nakapaloob sa Artikulo IV, Seksiyon
1 ng Saligang Batas ng 1987.
A. H at I lamang B. J at K lamang C. H, I at J lamang D. I, J at K lamang
8. Alin sa sumusunod ang HINDI itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang Batas na ito
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang
Pilipino pagsapit sa tamang gulang
9. Sino sa sumusunod ang mamamayang Pilipino?
V. Si Nakamura na ang ina ay Pilipino at ang ama ay isang Hapones
X. Si Johnson, isang Canadian na naging Naturalisadong Pilipino
Y. Si Luningning na nakapag-asawa ng isang Amerikano
Z. Si Princess na anak ng Intsik at Amerikano
A. V at X B. X at Y C. V, X, at Y D. V, X, Y at Z
10. Ano ang tawag sa isang taong may bansa na kinabibilangan at pagkakakilanlan?
A. Mamamayan B. Visa C. Pasaporte D. Naturalisasyon
11. Ano ang tawag sa prinsipyo ng pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan?
A. Jus Soli B. Naturalisasyon C. Jus Sanguinis D. Dual Citizenship
12. Ano ang tawag sa prinsipyo ng pagkamamamayan batay sa pagkamamamayan ng isa sa kanyang mga magulang?
A. Jus Soli B. Naturalisasyon C. Jus Sanguinis D. Dual Citizenship
13. Anong uri ng prinsipyo ng pagkamamamayan ang sinusunod sa Pilipinas?
A. Jus Soli B. Repatriation C. Jus Sanguinis D. Expatriation
14. Ano ang tawag sa muling pagpapanumbalik ng pagkamamamayan kung ito ay naalis sa isang tao?
A. Natural-Born B. Repatriation C. Naturalized D. Expatriation
15. Ito ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na gusting maging isang mamamayan ng isang bansa ay
sasailalim sa isang proseso ng hukuman.
A. Repatriation B. Naturalisasyon C. Expatriation D. Dual Citizenship

Address: Malamig, Bustos, Bulacan


Email Address: 306727@deped.gov.ph
Telephone No.: 761-9080
Republic of the Philippines
Department of Education

16. Nagdudulot ng mabahong amoy at usok ang pagawaan ng plastik sa inyong barangay. Kung is aka sa mga opisyal ng
barangay, ano ang maaari mong gawin?
A. Huwag na lang pansinin dahil hindi naman umaabot ang amoy sa bahay ninyo.
B. Pulungin ang mga kabarangay at mag-rally sa tapat ng pagawaan.
C. Ipaalam sa tanggapan ng punong lungsod.
D. Pagalitan ang may-ari ng pagawaan.
17. Nagmamadali ka patungong paaralan dahil mahuhuli ka na. Para makatawid sa kalsada, kailangan mo munang
hintaying lumitaw ang kulay berde sa ilaw trapiko. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabayan ko ang ibang taong tumatawid.
B. Tatawid na ako dahil wala naming nakakakitang pulis.
C. Hihintayin kong lumitaw ang kulay berde sa ilaw-trapiko.
D. Tatawid na ako kahit hindi berde ang ilaw trapiko dahil mahuhuli na ako.
18. Nakita mong may kodigo ang iyong kaklase habang kayo ay may pagsusulit. Ano ang iyong gagawin?
A. Magsasawalang-kibo na lang ako.
B. Makikikopya rin ako para mataas ang makuha kong marka.
C. Sasabihan ko siya na hindi tamang magkaroon ng kodigo.
D. Magagalit ako sa kanya kapag hindi niya ako pinakopya.
19. Si Ryan ay nagretiro na bilang isang pulis. Isang araw, nagkaroon ng kaguluhan sa kanilang barangay. Ano ang dapat
gawin ni Ryan?
A. Pagpapaluin ang mga nanggugulo. B. Habulin ang lahat ng mga nanggugulo sa lugar.
C. Huwag na itong pakialaman dahil hindi na siya pulis. D. Awatin ang mga nanggugulo at tumawag ng ibang pulis.
20. May proyekto sa iyong barangay ukol sa pagre-recycle ng mga basura. Marami kayong iba’t ibang basura sa inyong
bahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan ko ang mga basura sa bahay.
B. Dadalhin ko ang mga basura sa barangay upang i-recycle.
C. Ipagbibili ko ang mga basura sa junk shop para may panggastos ako sa aking bisyo.
D. Hihintayin ko ang trak ng basura para kunin ang samu’t saring basura.
21.Ano ang kahulugan ng civil society?
A. Isang sektor ng lipunan na nasa estado o kabilang sa pamahalaan
B.Binubuo ito ng mga mamamayan sa lipunan na umaaasa sa pondo ng pamahalaan
C.Samahan ng mga mamamayan na nais kumita at tumulong sa mga mahihirap na Pilipino.
D.Isang sektor ng lipunan na nasa labas ng estado o hindi kabilang sa pamahalaan kung saan nakikiisa ang mga tao upang
makatulong sa kanilang mga adhikain
22.Alin sa sumusunod ang maari mong salihan na organisasyon na nagsusulong ng kagalingan na tumutulong sa mga
kabataan ng inyong komunidad?
A.Feeding Program B.Reforestration Program
C.Programang Pangkabuhayan D.Samahan ng nagbibigay ng libreng tutorial
23.Mahalaga na makialam, magmatyag, at magmasid sa mga pangyayaring nagaganap sa iyong komunidad. Paano ka
makatutulong sa pamahalaan sa pagsugpo ng maling gawain sa inyong komuninad?
A.Pagpaparating sa kinauukulan ng mga fake news sa lugar.
B.Magmungkahi na bigyan ng trabaho ang mga tsismosa sa inyong lugar upang magmatiyag.
C.Isumbong sa nakababatang kapatid ang mga kahina-hinalang tao sa lugar
D.Kung may nakikitang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalan at mga organisasyon na may maling gawain dapat
dumulog sa may kapagyarihan upang makatulong.
24. Anong batas ang nag sasaad ang pagpapa-unlad at pagsuporta sa mga produkto ng bansa na nilabas ni Pangulong
Gloria Arroyo noong May 27, 2008?
A. Administrative Order 226 C. Administrative Order 228
B. Administrative Order 227 D. Administrative Order 229
25. Bilang mag-aaral paano mo maipakikita ang pakikilahok mo bilang mamamayan sa mga gawaing panlipunan?
A.Pinagbubuti ang pag-aaral sa tuwing may pagsusulit lamang.
B.Pagtangkilik sa mga produktong ginagamit ng mga Korean aktor.
C.Tumutulong sa pagbabago ng lipunan,nilalabanan ang lumalaban sa pamahalaan.
D. Magboluntaryo, tumulong at kumilos upang umangat ang kalagayan ng ating kapwa sa panahon ng pandemya.

Address: Malamig, Bustos, Bulacan


Email Address: 306727@deped.gov.ph
Telephone No.: 761-9080

You might also like