You are on page 1of 20

RAISEPlus WEEKLY PLAN

ARALING PANLIPUNAN 5

Mother Competency: Natatalakay ang Konsepto at Prinsipyo ng Pagkamamamayan.


Week & Day: Week 8 / Day 1

Objective
Materials / References
(Unpacked Lesson Flow Learning Tasks
/ Remarks
Competency)
Natutukoy ang Punan ang graphic organizer ng mga
batayan ng programa ng pamahalaan para sa
pagkamamamayang kapakanan ng mga mamayang Pilipino.
Pilipino

https://tinyurl.com/2vz76p8z

Sagot:
Review Pangkalusugan
Pangkapayapaan
Programa ng
Pamahalaan
Pang Impraestruktura
Pang Edukasyon
Pang-Ekonomiya

Activate Tingnan ang larawan at itananong ang


mga sumusunod:

https://tinyurl.com/ycknv5nc
 Sila ay naninirahan sa ating
bansa, ngunit sila bang lahat ay
mamamayang Pilipino?
 Paano mo masasabi na ang
isang tao ay mamamayang
Pilipino?
 Ano ang mga batayan ng pagka-
Pilipino?
Immerse Gawin: Sabihin Mo

Basahin ang awitin na pinamagatang


“Sabihin Mo” ng Smokey Mountain

Sabihin Mo

I
Sabi ng tatay ko,
Kapag merong nagtanong
Kung asan ang bayan mo
Isagot mo ay yung totoo

II
Sabi ng tatay ko
Di bale nang mahirap
Basta lahat ay pantay-pantay at
nagkakaisa

Koro;
Sabihin mong ikaw ay Pilipino
Kahit saang bansa ikaw ay mapunta
Sabihin mo ikaw ay Pilipino
Pilipino ka,’yan ang totoo…..

III

Sabihin man ng lolo mo


Ika’y kastila ano
Pagmasdan mo ang kutis mo
Kulay lupa walang kasing ganda.(ulitin
ang koro)

Itanong:
 Ano ang hinihiling ng ng awitin?
 Ayon sa awit, sino raw ba ang
Pilipino?
 Paano mo mapatunuyan na
ikaw ay isang Pilipino?
 Alam ba Ninyo ang ibig sabihin
ng pagkamamamayan?
Ang pagkamamamayan ay
nangangahulugan ng pagiging kasapi o
miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas. Hindi lahat ng
naninirahan sa isang bansa ay
mamamayan nito dahil may mga
dayuhang nakatira dito na maaaring
hindi kasapi nito.

Ang Mamamayang Pilipino – Ayon sa


Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang
Batas ng 1987, maituturing na
mamamayang Pilipino ang sumusunod:

• Mamamayan ng Pilipinas nang


pinagtibay ang Saligang Batas ng
1987 noong Pebrero 2, 1987;
• Ang ama o ina ay mamamayang
Pilipino;
• Mga mamamayang isinilang bago
sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga
inang Pilipino na pinili ang
pagkamamamayang Pilipino
pagsapit ng 21 taong gulang; at
• Mga dayuhang nagpasiyang
maging mamamayang Pilipino ayon
sa batas ng naturalisasyon.

Ayon sa Seksiyon 4 ng Saligang


Batas ng 1987, ang isang
mamamayang ng Pilipinas na nakapag-
asawa ng isang dayuhan ay
mananatiling isang Pilipino maliban na
lamang kung pinili niyang sundin ang
pagkamamamayan ng kaniyang
napangasawa.

Sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng


Pang. Gloria Macapagal Arroyo noong
Setyembre 17, 2003, ang dating
mamamayang Pilipino na naging
mamamayan ng ibang bansa sa
pamamagitan ng naturalisasyon ay
maaaring muling maging mamamayan
Pilipino. Siya ay magkakaroon ng
dalawang pagkamamamayan o dual
citizenship. Kailangan lamang niya
itong aplayan sa National Statistics
Office (NSO).

Dalawang Uri ng Mamamayang


Pilipino

• Likas o Katutubong
Mamamayan. Ang likas na
mamamayan ay anak ng isang
Pilipino. Maaaring isa lamang sa
kaniyang mga magulang o pareho
ang Pilipino.

• Naturalisadong Mamamayan.
Ang naturalisadong Pilipino ay mga
dating dayuhan na naging
mamamayang Pilipino dahil sa
proseso ng naturalisasyon.

Gawin:

Sino ang mamamayang Pilipino ayon


sa Saligang Batas?

https://tinyurl.com/y6xpp6a4

Sagot:
1. Mamamayan ng
Pilipinas nang
pinagtibay ang
Saligang Batas ng
1987 noong
Pebrero 2, 1987;
2. Ang ama o ina ay
mamamayang
Pilipino;
3. Mga mamamayang
isinilang bago
sumapit ang Enero
17, 1973 sa mga
inang Pilipino na
pinili ang
pagkamamamayang
Pilipino pagsapit ng
21 taong gulang; at
4. Mga dayuhang
nagpasiyang
maging
mamamayang
Pilipino ayon sa
batas ng
naturalisasyon.
Paano mo masasabing ikaw ay isang
Synthesize
mamayang Pilipino?
Evaluate Sagutin ang mga katanungan at ikahon
ang iyong sagot.
Sagot:
1. Ito ay nangangahulugan ng pagiging 1.Pagkamamamayan
kasapi o miyembro ng isang bansa
2.Naturalisadong
ayon sa itinatakda ng batas.
mamamayan
pagkamamamaya pangkalusugan 3.Republic Act 9225
n 4.dalawang
pagkamamamayan
2. Ito ang tawag sa mga dating 5. Seksiyon 4 ng
dayuhan na naging mamamayang Saligang Batas
Pilipino dahil sa proseso ng ng 1987
naturalisasyon.

Katutubong Naturalisadong
mamamayan mamamayan

3. Ito ay nagsasaad na ang mga dating


mamamayang Pilipino na naging
mamamayan ng ibang bansa sa
pamamagitan ng naturalisasyon ay
maari mulin maging mamamayang
Pilipino.

Republic Act Saligang Batas


9225 ng 1987

4. Ano ang kahulugan ng dual


citizenship?

dalawang naturalisado
pagkamamamaya
n

5. Ito ang batas na nagsasaad na ang


isang mamamayan ng Pilipinas na
anakapag-asawa ng isang dayuhan
ay mananatiling isang Pilipno
maliban na lang kung piliin niyang
sundin ang pagkamamamayan ng
kaniyang napangasawa.

Republic Act Seksiyon 4 ng


9225 Saligang Batas
ng 1987
Sagutin ang mga katanungan. Lagyan
ng tsek (/) kung Oo o Hindi

Tanong Oo Hindi
1. Ang nanay mo ba
ay isang Pilipino?
2. Ang tatay mo ba ay
isang Pilipino?
3. Ikaw ba ay
ipinanganak sa
ibang bansa ngunit
ang nanay o tatay
mo ay isang
Plus Pilipino?
4. Ikaw ba ay
binibigyan ng
Pamahalaan ng
Pilipinas ng
pagkamamamayan
g Pilipino kahit ang
iyong magulang ay
hindi Pilipino ngunit
ninanais mong
maging Pilipino?
5. Ikaw ba ay likas na
mamamayang
Pilipino?
RAISEPlus WEEKLY PLAN
ARALING PANLIPUNAN 5

Mother Competency: Natatalakay ang Konsepto at Prinsipyo ng Pagkamamamayan.


Week & Day: Week 8 / Day 2

Objective Materials /
Lesson
(Unpacked Learning Tasks References /
Flow
Competency) Remarks
Natutukoy ang Sagutin ang mga katanungan:
batayan ng
pagkamamamayang 1. Ano ang dalawang uri ng
Pilipino mamamayang Pilipino?
Review
2. Paano mo maituturing ang isang tao
bilang isang Pilipino ayon sa Artikulo
IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng
1987?
Ipakita ang mga salita:

Natutralisasyon Jus Saguinis


Jus Soli Dayuhan
Activate

Ano kaya ang kahulugan ng mga salitang


ito?
Immerse Ayon sa Commonwealth Act No. 475, ang
isang dayuha ay maaring maging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng
naturalisasyon.

Ang naturalisasyon ay isang legal na


paraan kung saan ang isang dayuhan na
nais maging mamamayan ng isang bansa
ay sasailalim sa isang proseso sa korte o
hukuman.

Mga Katangian ng Isang Dayuhan na


nais Maging Naturalisadong Pilipino

• Siya ay dalawampu’t isang taong gulang


na.
• Siya ay naninirahan sa Pilipinas nang
tuloy-tuloy sa loob ng sampung taon. Ito ay
maaaring maging limang taon na lamang
kung:

a. Ipinanganak siya sa Pilipinas


b. Nakapag-asawa siya ng isang Pilipino
c. Nakapagturo siya ng dalawang taon sa
pribado o pampublikong paaralan; at
d. Mayroon siyang bagong industriya o
nakagawa ng isang bagong imbensyon sa
Pilipinas.

• Siya ay may mabuting pagkatao.


• Naniniwala siya sa Saligang Batas ng
Pilipinas
• May matatag siyang hanapbuhay at may
ari-arian sa Pilipinas.
• Nakapagsasalita at nakasusulat siya ng
wikang Pilipino.
• Tinatanggap niya ang kulturang Pilipino.
• Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga
paaralang nagtuturo ng kultura at
kasaysayan ng Pilipinas.

Kapag nagawaran na ng
pagkamamamayan ang isang dayuhan,
kailangan na niyang itakwil ang kaniyang
dating pagkamamamayan at manunumpa
ng katapatan sa ating bansa.

Dalawang Prinsipyo ng
Pagkamamamayang Pilipino ayon sa
Kapanganakan

• JUS SANGUINIS. Ang


pagkamamamayan kung naaayon sa dugo
o pagkamamamayan ng mga magulang o
isa man sa kanila.

• JUS SOLI. Ang pagkamamamayan ay


naayon sa lugar ng kaniyang
kapanganakan anuman ang
pagkamamamayan ng kaniyang mga
magulang.

Pagkawala ng Pagkamamamayang
Pilipino

Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang


pagkamamamayan sa pamamagitan ng
mga ito:
1. Naging naturalisadong mamamayan siya
ng ibang bansa.
2. Naglingkod siya sa sandatahang lakas
ng ibang bansa.
3. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang
Batas ng ibang bansa pagsapit niya ng 21
taong gulang.
4. Nagpawalang-bisa siya ng
naturalisadong pagkamamamayang
Pilipino.
5. Napatunayan siyang tumakas sa
hukbong sandatahan ng ating bansa at
kumampi sa kaaway sa panahon ng
digmaan.
6. Itinakwil niya ang kaniyang
pagkamamamayan at nag angkin ng
pagkamamamayan ng ibang bansa
(expatriation).

Muling Pagkakamit ng
Pagkamamamayang Pilipino
Ang isang Pilipino na naging naturalisadong
mamamayan ng ibang bansa ay maaaring
maging Pilipino muli sa pamamagitan ng
sumusunod na mga paraan:
1. Muling naturalisasyon
2. Aksiyon ng Kongreso
3. Pagbabalik sa Pilipinas at muling
pagsumpa ng katapatan sa Republika ng
Pilipinas
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa
isang tumakas na miyembro ng
Sandatahang lakas.

Mga Dayuhan Hindi Maaaring Maging


Mamamayang Pilipino
Hindi lahat ng mga dayuhan na nais maging
naturalisadong Pilipino ay maaaring bigyan
ng pagkamamamayan. Narito ang mga
dahilan:
1. Gumamit ng dahas upang magtagumpay
ang kanilang kagustuhan.
2. Sumasalungat o nagrerebelde sa
nakatatag na pamahalaan.
3. Nahatulan sa kasalanang may
kaugnayan sa moralidad gaya ng
pagsusugal at prostitusyon.
4. Hindi naniniwala sa kaugalian, tradisyon,
at simulain ng mga Pilipino.
5. Pagiging mamamayan ng isang bansang
hindi nagkakaloob ng karapatang maging
naturalisadong mamamayan ng Pilipinas.
Gawin:

Isulat ang hinihingi sa Hanay A at Hanay B

Hanay A
Hanay B
Mga Katangian ng
Mga Dayuhan Hindi
Isang Dayuhan na
Maaaring Maging
nais Maging
Mamamayang
Naturalisadong
Pilipino
Pilipino

Bakit mahalagang malaman mo ang mga


Synthesize batayan ng isang pagiging mamamayang
Pilipino?
Evaluate Basahing mabuti ang sumusunod na Sagot:
pahayag. Piliin ang tamang sagot sa mga 1. Naturalisasyon
salita sa loob ng kahon at isulat sa patlang. 2. Jus Sanguinis
3. Jus Soli
Jus Sampung Expatriation 4. Sampung taon
Sanguinis Taon 5. Expatriation
Jus Soli Naturalisasyon Dual
Citizen

________1. Isang legal na paraan kung


saan ang isang dayuhan na nais maging
mamamayan ng isang bansa ay sasailalim
sa isang proseso sa korte.
________2. Ang pagkamamamayan kung
naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng
mga magulang o isa man sa kanila
________3. Ang pagkamamamayan ay
naayon sa lugar ng kaniyang
kapanganakan anuman ang
pagkamamamayan ng kaniyang mga
magulang.
________4. Ilang taon dapat manirahan ng
tuloy tuloy ang isang dayuhan sa Pilipinas
upang maging naturalisadong Pilippino?
________5. Ito ang tawag sa pagtatakwil
ng pagkamamamayan at nag angkin ng
pagkamamamayan ng ibang bansa.

Ipaliwanag ang mga sumusunod:

Konsepto ng
pagkamamamayan
Kaibahan ng
Plus
dalawang prinsipyo
ng
pagkamamamayan
(Jus Soli, Jus
Sanguinis)
RAISEPlus WEEKLY PLAN
ARALING PANLIPUNAN 5

Mother Competency: Natatalakay ang Konsepto at Prinsipyo ng Pagkamamamayan.


Week & Day: Week 8 / Day 3

Objective
Materials /
(Unpacked Lesson Flow Learning Tasks
References / Remarks
Competency)
Nasasabi kung sino Buuin ang ginulong titik upang mabuo
ang mga ang pamagat ng tula.
mamamayan ng
bansa
MAPAGMAYANKA
MA
Pilipino, Ako ay Pilipino
Review Pilipinas ngalan ng bansa ko
Ipaglalaban ko kahit na kanino
Pilipinas ikaw ay mahal ko

Pilipino ako, balat kayumanggi Pagmamahal


sa bayan di maitatanggi
Iisa lang ang lahi, iisa lang ang lipi
Mahal kong bayan, sambit ng aking labi
Tingnan ang mga larawan. Saiyong
palagay, ang mga sumusunod ba ay
DAYUHAN o MAMAMAYANG
PILIPINO? Ilagay ang D kung ang nasa https://tinyurl.com/2nz4vytr
larawan ay isang dayuhan at MP naman https://tinyurl.com/2aucrstn
https://tinyurl.com/5n7u42mh
kung ito ay mamamayang Pilipino https://tinyurl.com/yywkpnx7

Activate

______Ryan Bang ____Maine Mendoza


______Taylor Swift ______Anne Curtis

Immerse Nakasaad sa Saligang Batas ng 1987


ng Pilipinas ang mga katangian ng
isang mamamayang Pilipino.

May dalawang uri ng


pagkamamamayan: likas o katutubo at
naturalisado.

May dalawang prinsipyo ng likas na


pagkamamamayan ayon sa
kapanganakan: Ang Jus soli at Jus
saguinis.

Ang mga dayuhan ay maaring maging


mamamayang Pilipino sa pamamagitan
ng prosesong naturalisasyon. Ang
pagkamamamayan ay maaring mawala
at makamit.

Gawin:

Sabihin at ipaliwanag kung ang


nakasalungguhit na pangalan ay
mamamayang Pilipino o hindi batay sa
sitwasyon.

1. Si Mark ay anak ng isang Igorot at


isang Ilokano. Naninirahan sila sa
Maynila.

Si Mark ay ______________ sapagkat


_______________________________.

2. Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing


mahal na araw si Princess na isang
Australyano.

Si Princess ay ___________________
Sapagkat _______________________

3. Si Smith na isang Amerikano ay


nakapagpatayo ng isang malaking
kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon
na siyang naninrahan sa Pilipinas.

Si Smith ay ____________________
dahil ___________________________

Bilang isang mag-aaral, paano mo


Synthesize maipapakita ang iyong
pagkamamamayang Pilipino?
Sino ang mga mamamayang Pilipino?
Gumuhit ng watawat ng Pilipinas sa
bubong ng bahay kung ang tinutukoy ay
isang mamamayang Pilipino at bituin
naman kung hindi.

1.___ 2.___
___ay
Si Norma ___
Si Andy ay isang
isinilang sa Pilipino na
Cebu. Ang naglilingkod sa
kanyang ama at Hukbong Pandagat ng
ina ay kapwa Vietnam sa loob ng
taga Maynila 15 taon.

Evaluate
3.___ 4.___
___ ___
Tuwing
Ako ay ipinanganak Disyembre,
sa Hongkong. Ang nagbabakasyo n
aking ina ay Pilipina sa Pilipinas si
at Irish naman ang
aking ama. Rosa na isang
Koreano.

5.___
___
Ang ama ni Ted ay
Bikolano at ang
kaniyang ina ay
Boholano. Sila ay
naninirahan sa
Maynila.

Ilapat Dapat
Plus
Magbigay ng repleksiyon sa natutunan
mo tungkol sa aralin
RAISEPlus WEEKLY PLAN
ARALING PANLIPUNAN 5

Mother Competency: Natatalakay ang Konsepto at Prinsipyo ng Pagkamamamayan.


Week & Day: Week 8 / Day 4

Objective
Materials /
(Unpacked Lesson Flow Learning Tasks
References / Remarks
Competency)
Napahahalagahan Maglagay ng mga katanungan sa loob
ang ng kahon. Hayaan ang mag-aaral na
pagkamamamayang bumunot ng isang papel sa kahon at
Pilipino sagutin ang katanungan.
Mga katanungan:

1. Ano ang dalawang prinsipyo ng


pagkamamamayang Pilipino
ayon sa kapanganakan?
2. Ano ang kahulugan ng
pagkamamamayan?
3. Ipaliwanag ang kahulugan ng
Jus Sanguinis
4. Ipaliwanag ang kahulugan ng
Jus Soli
Review 5. Magbigay ng katangian ng isang
dayuhan nan ais maging
naturalisadong Pilipino
6. Ano ang kahulugan ng salitang
naturalisasyon?
7. Magbigay ng isang dahlia ng
pagkawala ng
pagkamamamayang Pilipino
8. Paano muling makamit ang
pagkamamamayang Pilipino?
9. Magbigay ng isang dahilan kung
bakit hindi maaring maging
mamamayang Pilipino ang isang
dayuhan.
10. Ano ang dalawang uri ng
Mamamayang Pilipino?
Activate
Basahin ang awiting “Ako ay Pilipino”

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng
Maykapal

Bigay sa 'king talino


Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal

Koro:
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay Ako!

Itanong:
Ano ang ibig ipahiwatig ng kanta?
Paano mo maipapakita at
mapapahalagahan ang pagka Pilipino?
Immerse Tingnan ang larawan.

 Ano ang ipinapakita sa larawan?


 Paano mo maipapakita na
karapat-dapat ka maging isang
mamamayang Pilipino?

Kaakibat ng ating pagkamamamayang


Pilipino ang tungkulin nating maging
mabuting mamamayang ng bansa at sa
pagbibigay halaga sa ating
pagkamamamayang Pilipino. https://tinyurl.com/3h3nvr6h
Gawin: Tatak Pinoy

Isulat sa mga kahaon kung paano mo


mapapahalagahan ang isang pagiging
Pilipino.

Paano mo napapahalagahan ang


Synthesize
pagkamamamayang Pilipino?
I Express Mo

Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa


pagiging isang mabuting mamamayang
Pilipino.

“Ako, bilang isang Mamamayang


Evaluate
Pilipino”
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________

Gumawa ng islogan tungkol sa


Plus kahalagahan ng iyong
pagkamamamayang Pilipino.
RAISEPlus WEEKLY PLAN
ARALING PANLIPUNAN 5

Mother Competency: Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa:


(a) pangkalusugan (b) pang-edukasyon (c) pangkapayapaan
(d) pang-ekonomiya (e) pang-impraestruktura
Week & Day: Week 8 / Day 5

Objective Materials /
Lesson
(Unpacked Learning Tasks References /
Flow
Competency) Remarks
Nakasasagot Pagsasagawa ng mga Panimulang Gawain
ng buong 1. Panalangin
Review
husay at 2. Pagtsek ng attendance
katapatan sa 3. Pag-sasaayos ng mga upuan
pagsusulit Makasunod sa mga alituntunin sa pagkuha ng
Activate
pagsusulit
Immerse A. Pagtugmain ang Hanay A sa Hanay B. Susi sa
A B Pagwawasto:
1.Pagkamamamayan A. Dual Citizenship
ayon sa dugo ng A. 1. B
magulang 2. D
2.Proseso ng B. Jus Ssaguinis 3. C
pagiging 4. A
mamamayan ng 5. E
isang dayuhan ayon
sa batas
3.Pagkamamamayan C. Jus Soli
batay sa lugar ng
kapanganakan
4.May dalawang D. Naturalisasyon
pagkamamamayan
5.Kasulatan kung E. Saligang Batas
saan nakasaad ang
pagkamamamayang
Pilipino

B. Basahin at bilugan ang titik ng tamang


sagot.
B. 1. b
1. Paano ka matatawag na isang likas na 2. d
mamamayang Pilipino? 3. d
a. ipinanganak ka sa Amerika 4. a
b. Pilipino ang iyong magulang 5. d
c. dayuhan ang iyong mga magulang 6. c
d. Intsik ang iyong ama at Koreano ang iyong 7. c
ina 8. c
9. a
2. Paano nawawala ang pagkamamamayang 10. d
Pilipino?
a. tinatanggap niya ang kulturang Pilipino
b. naniniwala siya sa Saligang Batas ng
Pilipinas
c. bumalik sa Pilipinas at muling nanunumpa ng
katapatan sa Republika ng Pilipinas
d. napatunayang tumakas sa hukbong
sandatahan ng Pilipinas at kumampi sa kaaway
sa panahon ng digmaan

3. Anong kasulatan kung saan nakasaad ang


pagkamamamayang Pilipino?
a. Republic Act 9225
b. Mapa Mga Lathalain
c. Commonwealth Act No. 475
d. Saligang Batas ng 1987

4. Ano ang tawag sa prinsipyo ng


pagkamamamayan batay sa lugar ng
kapanganakan?
a. Jus soli
b. Jus sanguinis
c. Naturalisasyon
d. Dual citizenship

5. Alin ang nangangahulugan ng pagiging


kasapi o miyembro ng isang bansa/estado ayon
sa itinakdang batas?
a. Jus Soli
b. Saligang Batas
c. Naturalisayon
d. Pagkamamamayan

6. Aling konsepto ng pagkamamamayan ang


naglalarawan na naaayon sa dugo ng magulang
o isa man sa kanila?
a. Jus Soli
b. Naturalisasyon
c. Jus Sanguinis
d. Dual Citizenship

7. Anong proseso ng pagiging mamamayan ng


isang dayuhan ayon sa batas sa bisa ng
Commonwealth Act 475?
a. Baptism
b. Dual Citizenship
c. Naturalisasyon
d. Pagkamamamayan

8. Isa sa mga katangian ng isang dayuhan


upang maging naturalisadong Pilipino ay ang
paninirahan nang tuloy-tuloy sa Pilipinas sa loob
ng sampung taon. Kailan ito maaaring mapaikli
ng limang taon?
a. kung ang isang dayuhan ay mayaman
b. kung ang isang dayuhan ay tanyag sa
kaniyang bansa
c. kung ang isang dayuhan ay nakapangasawa
ng isang Pilipino
d. Kung ang isang dayuhan ay may kilalang
mataas na opisyal sa Pilipinas

9. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng


pagpapahalaga sa pagkamamamayang Pilipino
maliban sa isa, ano ito?
a. ikinahihiya ang paggamit ng sariling wika
b. hindi ikinahihiya ang kulay kayumangging
balat
c. pagtangkilik sa mga produktong gawa sa
Pinoy
d. ipinagmamalaki ang wikang Filipino sa mga
dayuhan

10. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng


tama at wastong pahayag tungkol sa pagkamit
ng pagkamamamayan ng isang dayuhan?
a. Siya ay 18 na taong gulang.
b. Siya ay pumuntang Pilipinas para
magbakasyon.
c. Siya ay dapat naninirahan ng limang taon sa
Pilipinas.
d. Siya ay may 21 taong gulang at naninirahan
ng 10 taong tuloy tuloy sa Pilipinas.

Pagsasagawa ng Item Analysis.


Synthesize
Pagkuha ng Performance Level
Pagwawasto ng sagutang papel.
Evaluate Pagtatala ng nakuhang iskor ng mag-aaral.

Pagbibigay ng wastong sagot sa mga


Plus katanungan na hindi nakuha ang tamang
sagot.

You might also like