You are on page 1of 10

GRADE 6 PAARALAN: SILANGAN ELEMENTARY SCHOOL BAITANG/ ANIM (6)

DAILY LESSON ANTAS:


PLAN GURO: HAILA NUR V. SUHOD ASIGNATURA: ARALING
(Pang-araw-araw na Tala sa PANLIPUNAN
Pagtuturo) PETSA/ Hulyo 08, 2022 MARKAHAN: IKALAWA
ORAS Biyernes
11:00 AM – 12:00 NN

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipapamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga pag babago sa


Pangnilalaman: lipunang Pilipino sa panahon ng panankop ng mga Hapon.
B. Pamantayan sa Pagganap: Nakapag papahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto, dahilan,
epekto at pagbabago sa lipunan sa panahon ng pananakop ng mga Hapon.
C. Mga Kasanayan sa
AP6KDP-IIe-5
Pagkatuto:
Natatalakay ang mga layunin at mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga
Isulat ang code ng bawat
Hapones.
kasanayan
II. NILALAMAN
Mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones.
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
Alvenia P. Palu-ay. Makabayan Kasaysayang Pilipino, Batayang Aklat sa Ikalimang
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Baitang Quezon City: LG & M, 2006, 180-194. Eleanor D. Antonio, et al
Guro
2. Mga Pahina sa Makabayan 5 Manila, Philippines: Rex Printing Company, Inc., 2004, 354-355 Estelita
Kagamitang Pang-Mag- B. Capiña and Gloria P. Barrientos.
aaral
Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 1 Makati
City: EdCrisch International, Inc., 2006, 206-210. Project EASE (Effective and
3. Mga Pahina sa Teksbuk
Alternative Secondary Education).

4. Karagdagang Kagamitan Araling Panlipunan I, Modyul 14, Ang Pilipinas sa Panahon ng Ikalawang Digmaang
mula sa Portal ng Pandaigdig. Department of Education, 2014, 8-25.
Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Laptop, Zoom Meeting, Kahoot, Youtube at PowerPoint Presentation.
Panturo
IV. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
BAGO ANG ARALIN
A. Balik-Aral sa nakaraang Magandang Hapon mga bata! Magandang Hapon po Teacher.
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin Bago tayo mag simula ay tayo muna ay Panginoon, maraming salamat po
manalangin, maaari mo bang pangunahanang sa ibinigay ninyong panibagong
ating panalangin nak Jessica. pagkakataon upang kami ay
matuto. Gawaran mo kami ng
isang bukas na isip upang
maipasok naming sa aming isip
ang mga itinuturo sa amin ng
Maraming salamat, nak Jessica. aming guro. Amen.

Bago ang lahat, Nais ko munang ipakilala ang


aking sarili. Ako nga pala si Teacher Haila Nur
Suhod maaari ninyo akong tawaging Teacher
Haila. Ako ang magiging guro ninyo ngayong
araw para sa aralin na ito.

May mga iilan lamang akong patakaran at


paalala para sa ating Virtual class

ngayong araw. Una, Panatilihing naka-mute ang


inyong mga mikropono maliban nalamang kung
may pahintulot ni Teacher.

Pangalawa ay, pindutin ang raise hand button


kung nais sumagot.

Pangatlo, Hanggat maaari ay panatilihing naka


bukas ang inyong mga camera para sa ating
class monitoring.

Pang apat ay iwasan ang anumang anyo ng mga


hindi kinakailanang aksyon na maaring mag
dulot ng pag kagambala sa klase.

At pang huli ay Hinihikayat ko kayong lahat na


lumahok sa bawat tanong at aktibidad para sa
ating graded recitation.

Ngayon ay dumako naman tayo sa Attendance.


Sino ang president sa inyong klase? Maari ko
bang malaman ang bilang ng mga lumiban sa
ating klase?

Maraming salamat, Rocel.

Bago natin simulan ang ating diskusyon, tayo Teacher ako po, at wala pong
muna ay mag balik tanaw sa ating nakaraang lumiban sa ating klase ngayong
aralin. araw.

Sino ang nakaka tanda o nakaka alala ng ating


huling aralin?

Mahusay! Ngayon upang talagang ma alala natin


ang huling aralin ay nag handa ako rito ng isang
maikling pag babalik tanaw.

Mangyari lamang na pindutin ang link na aking


isesend sa ating chat box. Ako po, Teacher. Ang ating huling
aralin ay tungkol sa kolonyalismo
Panuto: Sagutin ang bawat tanong na lalabas sa ng mga Amerikano.
inyong Screen.

Q1. Uri ng pamamahala na kung saan malayang


maka-pipili ang mga tao ng mamumuno sa
bansa sa pamamagitan ng halalan.

Sagot: Demokrasya- Uri ng pamahalaan na


ipinamana sa atin ng mga Amerikano. Ito ay
isang konsepto na kung saan ay malayang
makapipili ang mga tao sa magiging pinuno ng
kanilang bansa sa pamamagitan ng halalan.

Q2. Ito ay batas na nag-uutos na magkaroon ng


libreng edukasyon para sa elementarya noong
panahong ng mga Amerikano.

Sagot: Batas blg. 74- Ang Batas Bilang 74 ay


inilunsad ng mga Amerikano sa bansa upang Sagot: Demokrasya
mapabuti at mareporma ang sistema ng
edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng libreng edukasyon para sa lahat
ng mga pilipino sa mga pampublikong paaralan
ng bansa.

Q3. Kulturang itinuro sa atin ng mga Amerikano.


Sagot: Batas blg. 74
Sagot: Pagsuot ng Americana- Isa sa mga
kulturang Amerikano na natutunan ng mga
Pilipino ay ang pag sususot ng Americana. Ang
Americana ay isang pormal na kasuotan na
isinusuot ng mga kalalakihang Amerikano.

Q4. Kailan itinayo ang Philippine General


Hospital?

Sagot: 1910- Ang Philippine General Hospital ay


ang pinaka tanyag na ospital na naitayo ng mga
Amerikano sa bansa noong 1910.

Q5. Ano ang ipinakilala ng mga Amerikano sa Sagot: Pagsuot ng Americana


mga Pilipino upang mapabuti ang komunikasyon
sa bansa?

Sagot: Ipinakilala ng mga Amerikano ang


telepono noong 1905 upang mapabuti ang
komunikasyon sa bansa.

Q6. Bakit pinalaganap ng mga Amerikano ang


edukasyon sa bansa?

Sagot: Pinalaganap ng mga Amerikano ang Sagot: 1910


edukasyon sa bansa upang mabigyan ng libreng
pag-aaral ang mga Pilipino dahilsa bisa ng Batas
blg. 74 at sa pagtatatag ng Kagawaran ng
Edukasyon sa Bansa.

Mahusay! Binabati ko kayong lahat sapagkat


tunay ngang kayo’y may natutunan sa ating
huling tinalakay. Sagot: Telepono

At Para sa ating Top 3, kayo ay makakatanggap


ng puntos bilang inyong reward. Muli Binabati
ko kayong lahat.

Sagot: Pinalaganap ng mga


Amerikano ang edukasyon sa
bansa upang mabigyan ng libreng
pag-aaral ang mga Pilipino dahilsa
bisa ng Batas blg. 74 at sa
pagtatatag ng Kagawaran ng
Edukasyon sa Bansa.

B. Paghahabi sa layunin ng Sa araling ito, ina asahang malilinang ninyo ang


aralin mga sumusunod na ka alaman, kakayahan at
pag-unawa:

1. Naiisa-isa ang mga mahahalagang


pangyayari sa panahon ng pananakop
ng mga Hapones.
2. Nakapag papahayag ng kritikal na
pagsusuri at pagpapahalaga sa
konteksto, dahilan, epekto at
pagbabago sa lipunan sa panahon ng
pananakop ng mga Hapon.
3. Naipapamalas ang mapanuring pag-
unawa sa pamamahala at mga pag
babago sa lipunang Pilipino sa panahon
ng panankop ng mga Hapon.
C. Pag-uugnay ng mga Ngayon, may ipapakita akong mga iilang
halimbawa sa bagong larawan at tutukuyin niyo lamang kung ano ang
aralin ngalan ng larawan na aking ipapakita. Handa
naba kayo? Okay, tayo na’t magsimula.

Ramen po teacher.

1.
Sagot: Ramen.
- Ay isang masabaw na noodles na lutuing
nanggaling sa bansang Hapon.

Nakakain naba kayo nito? Sino ang mahilig dito?

Origami po, teacher.

2.
Sagot: Origami
- Ang Origami ay nang galling sa salitang
“Ori” na nangangahulugang pag tiktiklop
at “kami” na nangangahulugang papel.
Ito rin ay nag mula sa bansang Hapon. Anime po teacher.

3.
Sagot: Anime Ang tatlong mga larawan po ay
Ang anime ay isang hand drawn o computer konektado o related po sa
generated animation na nag mula sa bansang bansang Hapon.
Hapon.

Tungkol po sa mga Hapon


teacher.

4.
Sagot: Sushi
- Ay isang lutuing hapones na binubuo ng
hinandang kaning may suka at may
sariwang isda sa ibabaw.
5.
Sagot: Karaoke
- Ito ay isang uri ng libangan na nag mula
sa bansang Hapon na gumagamit ng
mikropono at uma awit kasabay ang pre
recorded na kanta.

Ngayon na nakita niyo na ang lahat ng mga


larawan ano ang inyong napansin?

Mahusay na obserbasyon mga bata!

Mayroon naba kayong Ideya kung ano ang ating


tatalakayin ngayong araw? Sige ano kaya ito?

Tama, Ang ating leksyon ngayong araw ay may


kaugnayan sa Bansang Hapon.

SA PANAHON NG ARALIN
D. Pagtalakay ng bagong Sa aralin na ito ay tatalakayin natin ang Layunin
konsepto at paglalahad ng at mga mahahalagang pangyayari noong
bagong kasanayan #1 panahon ng pananakop ng mga Hapon.

Ang bansang Hapon ay nakipag digma sa mga


bansang na sa Asya. Noong 1932 sinakop ng
bansang Hapon ang Manchuria, Isinunod ang
malalaking bahagi ng China noong 1937. Hindi
nag tagal ay sinakop narin ng bansang Hapon
ang French, Indo China noong 1940. Ang
Pilipinas ay isa sa mga bansang inanyayahan ni
Arita ang Ministrong Panlabas ng Hapon. Hiningi
at sinabi ni Ministro Arita na makiisa ang
Pilipinas sa kanyang programa na sama samang
Kasaganaan sa Kalakhang Silangang Asya o
(Greater East Asia Co-Prosperity Sphere).

Ang Great East Asia Co-Prosperity Sphere


Propaganda ay isang agenda o propaganda ng
mga Hapones sa lahat ng mga bansa sa Asya na
mag tulungan para sa ika-uunlad lamang ng
Asya at hindi kailangan ng tulong ng mga
kanlurang bansa tulad ng Amerika.

Ano nga uli ang Greater East Asia Co-prosperity


Sphere Propaganda?

Ang Greater East Asia Co-


Prosperity Sphere Propaganda ay
Mahusay! propaganda na kung saan lahat ng
bansa sa Asya ay mag tutulungan
Ang Pagbomba sa Pearl Harbor para sa ikauunlad lamang ng asya
Sa pagbomba ng Pearl Harbor sa Hawaii noong at hindi kailangan ng tulong ng
ika- 7 ng Disyembre 1941, nag simula ang mga kanlurang bansa.
ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa utos ng
Hukbong Imperyal ng Hapon binomba at
pinasabog ang Pearl Harbor na nag dulot ng
malaking pinsala sa United States.

Kalian nga uli pinasabog ang Pearl Harbor?


Layunin ng Pananakop ng mga Hapones.

Dahil sa dumaraming bilang ng mga Hapones at


lumalaking sector ng ekonomiya naghangad
silang mapalawak ang kanilang teritoryo sa
pamamagitan ng pag sakop ng mga bansa. Isa sa
mga bansang nasakop nila ay ang Pilipinas. Ang
pagkontrol sa ekonomiya ng bansa ang isa sa Ika-7 po ng disyembre, Teacher.
malaking adhikain upang makamit nila ang
kanilan hangarin, at ito ay ang Imperyalismo.

Ano nga uli ang layunin ng mga Hapones sa


pagsakop sa Pilipinas?

Ano nga ba ang Imperyalismo?


Ang Imperyalismo ay bataas o paraan ng
pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang bansa ay nag hahangad na
palawakin ang teritoryo.

Paki ulit nga ang kahulugan ng Imperyalismo?

Ang mapalawak po ang kanilang


Ipinahayag ni Heneral Douglas Mac Arthur teritoryo.
noong Disyembre 26, 1941 na bukas na ang
lungsod o “Open City” ang Maynila. Ang
pahayag na ito ni Heneral Douglas Mac Arthur
ang naisip niyang paraan upang maiwasan ang
higit at malaking pamiminsala sa lungsod. Sa
pagiging bukas ng lungsod ng Maynila ay madali
ng naka pasok ang mga Hapones. Ginawa ng
mga Hapones ang lahat ng pamiminsalang kaya
nilang gawin tulad ng pag sira sa mga radyong
shortwave, inagaw ang mga sasakyan, tirahan, Ang Imperyalismo ay bataas o
at pagkain ng mga Pilipino. Pinag malupitan at paraan ng pamamahala kung saan
nilapastanganan nila ang mga Pilipino. ang malalaki o makapangyarihang
bansa ay nag hahangad na
palawakin ang teritoryo po
Sino nga uli ang naka isip na gawing “Open City” Teacher.
ang maynila?

Kailan niya idineklarang “Open City” ang


Maynila?

Mahusay!

Inatasan ni Pangulong Franklin Roosevelt si


Heneral Douglas Mac Arthur na Lisanin ang
Pilipinas at tumungo sa Australia. Ngunit bago
siya lumisan ay ipinahayag niya na siya ay mag
babalik. Kaya nag iwan siya ng mga katagang “ I
shall return”.

Ano nga uli ang katagang iniwan ni Heneral


Douglas Mac Arthur?

Ang labanan sa Bataan Si Heneral Douglas Mac Arthur po


Teacher.
Ay isa sa mga kilalang pangyayari noong
ikalawang digmaan. Disyembre 26, 1941 po.

Ang Maynila ay tuluyan ng nasakop ng mga


hapones noong Enero 2, 1942. Ang mga
sundalong Pilipino at Amerikano ay umurong
mula sa Bataan patungo sa kuta ng Corregidor.

Ang Corregidor ay ang kuta ng mga sundalong


Pilipino at Amerikano.

USAFFE o United States of America Armed


Forces in the Far East ay nakipag laban sa mga
Hapones. USAFFE ang tawag sa mga sundalong
Pilipino at Amerikano na nag sanib puwersa
upang kalabanin ang mga Hapones. “I Shall Return” po teacher.

Ano nga uli ang Ibig sabihin ng USAFFE?

Sino naman ang mga USAFFE?

Napaka Husay!

Si Heneral Jonathan Wainwright ang ipinalit kay


Heneral Mac Arthur na ipag tanggol an gating
bansa. Pinili ni Heneral Wainwright na sumuko
sa mga Hapones kaysa maubos lahat ng kanyang
mga tauhan sa labanan. Ito ang dahilan ng pag
bagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapones
noong Abril 9,1942.

Martsa ng Kamatayan (Death March)


Nang bumagsak ang Bataan, pinasimulan ng
mga Hapones ang nakakapanlumong Death
March noong Abril 9, 1942.
Sa Kampo O’Donel sa Capas, Tarlac inilipat ang United States of America Armed
mga sumukong sundalo, halos 62,000 ay mga Forces in the Far East po Teacher.
Pilipino at 11,000 naman ang mga Amerikano na
bihag ng mga Hapones noon na sapilitan nilang Ito po ang tawag sa mga
pinag martsa sa loob ng 7 hangang 11 na araw. sundalong Pilipino at Amerikano
Ang lahat ay pinalakad mula Bataan hangang na nag sanib puwersa upang
Tarlac. Pinag lakad sila ng walang pagkain, kalabanin ang mga Hapones
inumin,at gamut. Teacher.

Habang ang mga Pilipino at Amerikano ay


naglalakad sila ay walang awang pinapalo o
sinasaksak gamit ang bayoneta ng mga Hapones
kung kaya ay nasa 12,000 ang mga sundalong
Pilipino at 12,000 na Amerikano ang namatay sa
naganap na Death March dahil sa sakit o sugat,
walang pahinga, pagkain, at inumin.

Labanan sa Corriegidor

Isang Linggong walang tigil na pagbomba ang


ginawa ng mga Hapones sa mga Pilipino sa
Corrigidor Abril 29,1942. Naganap ang
pagbobombang nasabi kasabay ang pagdiriwang
ng kaarawan ni Emperor Hirohito. Ang
pangyayari ng Mayo 6, 1942, ang nagsilbing
hudyat sa mga Pilipino na tuluyan ng nasakop ng
mga Hapones ang ating bansa.

Ngayon ay alam niyo na ang mga mahahalagang


pangyayaring naganap noong ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Gawain 1: Pag sunod sunurin!
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari
na naganap noong ikalawang digmaang pang
daigdig.

____ Pag deklara sa Maynila bilang Open City.

____ Pag salakay ng mga Hapones sa Bataan.


F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative ____ Pagdeklara ng Amerika ng digmaan laban
Assessment) sa mga Hapon.

____ Pagbagsak ng Corregidor.

____ Pagpapahirap sa mga sumukong sundalo


sa pamamagitan ng Death March.

____ Pag bomba ng mga Hapones sa Pearl


Harbor sa Hawaii.
Tandaan :
Ang pagmamahal sa bayan ay di dapat iwaglit.
Sakripisyo ng mga bayaning nag buwis ng
kanilang buhay ay dapat itatak sa ating puso at
isip.
G. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw-araw na buhay Gawain 2: Isagawa

Panuto: Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon ng


digmaan, paano mo maipapakita ang
pakikipaglaban sa mga Hapones?

PAGKATAPOS NG ARALIN

H. Paglalahat ng Aralin Atin uling balikan ang mahahalagang


pangyayaring naganap noong ikalawang
digmaang pandaigdig.

Pakibasa nga,

Una, Noong Disyembre 7, 1941 binomba ng mga


hapones ang pearl harbor sa Hawaii.

Kinabukasan noong Disyembre 8, 1941


nagdeklara ang America ng digmaan laban sa
bansang Japan.

Nagsimula na ang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig.

Noong Disyembre 26, 1941 idineklara ni Heneral


Douglas MacArthur ang Maynila bilang Open
City upang mailigtas ang siyudad sa pagkasira
dulot ng digmaan.

Noong Abril 9, 1942 sinalakay ng mga hapon ang


Bataan sa pamumuno ni Hen. Masaharu
Homma.

Sa araw din iyon sumuko ang puwersang


USAFFE sa mga Hapones at bumagsak ang
Bataan.

Pinarusahan ng mga Hapones ang mga


sumukong sundalong Pilipino at Amerikano sa
pamamagitan ng paglalakad ng may kasamang
pagpapahirap na tinatawag na Death March.

Ang iba na nakaligtas sa Death March ay


isinakay sa tren sa San Fernando Pampanga at
idinala sa Camp O Doneell sa Capas Tarlac.

Sunod naman sinalakay ng mga Hapon ang


Corregidor.

Noong Mayo 6, 1942 tuluyang napabagsak ng


mga Hapon ang Corregidor.

I. Pagtataya ng Aralin PAGTATAYA


TAYAHIN
Panuto:Pilin ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang Heneral na Amerikano na


nagsabing “I Shall Return”.
a. Heneral Arthur Mac Arthur
b. Heneral Wesley Merit
c. Heneral Masaharu Homma
d. Heneral Douglas Mac Arthur
2. Ito ay himpilang panghimapawid at
pandagat ng mga Amerikano na
pinasabog ng mga Hapon sa Hawaii?
a. Pearl Harbor
b. Subic Clark Air Base
c. American Air Base
d. American Air Force Base.

3. Tawag sa puwersa ng mga Pilipino at


Amerikano na nakipaglaban sa mga
Hapon.
a. HUKBALAHAP
b. Philippine War Veteran
c. USAFFE
d. Balikatan Exercise

4. Huling Heneral na sumuko sa mga


Hapones.
a. Heneral Douglas Mac Arthur
b. Heneral Jonathan Wainwright
c. Heneral Edward King
d. Heneral Arthur Mc Arthur

5. Kailan bumagsak sa mga Hapones ang


Corregidor?
a. Mayo 3, 1942
b. Mayo 4, 1942
c. Mayo 5, 1942
d. Mayo 6, 1942

At Para sa inyong Takdang Aralin.

Panuto: Bilang isang kabataang Pilipino, paano


J. Karagdagang Gawain para
mo maipapakita ang iyong pag papasalamat sa
sa takdang-aralin at
mga sundalong Pilipinong lumaban sa mga
remediation
Hapones? Isulat ang iyong sagot sa inyong
kuwaderno.

Inihanda ni:

HAILA NUR V. SUHOD


Guro

Sinuri ni:

MARIA VICTORIA ALLINGAG


Dalubguro

You might also like