You are on page 1of 9

Mga Prinsipyo para sa

Magandang Buhay
"Tingnan ang mabuti
sa iyong sarili at
sa iba."
Paraan sa Paggalang sa Buhay
Paggalang
Ang paggalang sa buhay o paggalang sa sarili ay nangangahulugan ng
respeto at pagmamahal mo sa iyong sarili, ang pagpapahalaga mo sa
iyong buhay na biyaya ng panginoon kung may pagmamahal ka sa iyong
sarili laging tama ang gagawin mo at laging sa ikabubuti mo. Kung may
paggalang ka sa iyong sarili di malayong igagalang at rerespetuhin
karin ng marami.

Kung mahal mo ang sarili mo huwag kang gumawa ng mga bagay na


alam mong makasasama sa iyo, kung mahal mo ang sarili mo
gumawa ka rin ng maganda para sa kapwa mo, dahil lahat ng
ginagawa mo ay nagrereplika sa lahat ng mga ginagawa mo mabuti
man ito o masama.
Pagtanggol
Ang pagtanggol sa sarili at sa kapwa ay nangangahulugan na lubos na
pagpapahalaga mo sa iyong sarili. Maaaring ayaw mo itong masaktan o
malayo sa kapahamakan dahil may iniingatan ka at mahal mo ang iba
pati ang iyong sarili. Ang pagtatanggol rin sa naapi ay pagpapakita rin
ng katarungan upang tunay na magkaroon ng kalayaan ang bawat isa.

Halimbawa:
Si Laura ay ipinagtanggol ang kanyang kaklase dahil
pinagtatawanan siya. Dahil meron tayong lahat karapatan na
ipagtanggol at tungkulin rin nating ipagtanggol ang sarili at ang mga
nangangailangan.
Pagmamahal
Ang buhay ng isang tao ay masasabing biyaya at kaloob ng Panginoon.
Ipinagkaloob niya ito sa atin upang ating pahalagahan at pag-ingatan.
Kaya bilang pasasalamat sa biyaya ng buhay, bigyan natin ito ng
pagpapahalaga at mahalin natin ng buong puso gaya ng pagmamahal
niya sa ating lahat.

Pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa.


Pagsasabuhay ng mga salita, turo at utos ng Diyos.
Paggawa ng mabuti para sa kabutihang panlahat.
Pananalig at pananampalataya sa Diyos.
Pagmamahal sa sarili, sa pamilya, sa kaibigan at lalo't higit ay sa
kapwa.
Paglingkod
Kawanggawa sa ating kapwa ito ang hakbang sa pagmamahal at
paglilingkod sa kapwa. Kawanggawa ito ang kaugalian ng isang na
maglingkod at mahalin ang kapwa katulad ng pagbibigay ng
pangangailan ng isang tao o pagtulong sa kanila sa paglilinis ng
kapaligiran. Pagbibigay ng kusang loob o bukal sa puso ng usang tao na
walang hininging kapalit.

Pagdonate sa mga nasalanta.


Pagtulong sa paglinis ng inyong bahay.
Pakikilahok sa mga choir o charity.
Pagiging isa sa student council.
Pagtugon tuwing may nangangailangan.
Bakit nga ba natin ito
ginagawa?
Ang buhay ng tao ay sagradong katotohanan na ipinagkatiwala sa atin.
Dapat itong pagyamanin ng may pananagutan at gawing ganap na
pagmamahal para sa Diyos at sa ating kapwa. Bawat nilalang ay dapat
IGALANG, IPAGTANGGOL, MAHALIN, at PAGSILBIHAN ang buhay ng tao.
Dahil sa ganitong tunguhin lamang magkakaroon ng katarungan, pag-
unlad, tunay na kalayaan, kapayapahaan, at kaligayahan.
Salamat!

You might also like