You are on page 1of 1

GAWAIN 1:

A. Paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili
 Ang dignidag ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat nang tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kanyang
kapwa. Dahil sa dignidad nangingibabaw ang paggalang at pakikipagpatiran, dahil sa mata ng Diyos, ang lahat ay
pantay-pantay. Pinararating nito na ang paggalang sa dignidad ng tao ang nagsisilbing daan upang mahalin ang
kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili. Kung may pagmamahal ka sa sarili, ay kaya mo ring ibigay ito sa iba. Lahat ng
bagay ay nagmumula lahat sa ating gawa at pakikitungo sa ating kapwa.

B. Ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at magkapareho nilang tao.
 Ang tao ay nilikha ng Panginoon na pantay-pantay. May isip na nakakapagpasya kung ano ang tama at mali. Kung ano
ang makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa
kaniya. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao. Kaya’t kung paano mo mahalin ang iyong sarili ay ganoon ka rin
sa ibang tao. Nagmumula lahat sa iyong sarili kung paano ka itatrato ng ibang tao.

C. May dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang kalagayang panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba
pa.
 Tayo ay nilikha ng ating Panginoon na may dignidag anuman ang ating kalagayang panlipunan, kulay, lahi, edukasyon,
relihiyon at iba pa. Nilikha tayo para mahalin, alagaan at lahat ng positibong dapat nating maranasan. Sapagkat tayo
ay tao at karapat-dapat.

Gawain 2:
Sarili:
 Pagkakaroon ng respeto sa sarili.
 Pag-aalaga sa sarili. Pag-aalagang pisikal, mental, emosyonal at spiritwal.
 Bigyan ang sarili ng pagkakataon na makapag “relax” sa mga module.
 Kumain ng mga masusustansyang pagkain.

Kapwa:
 Paggalang sa kapwa tao.
 Respetuhin ang sinasabi ng mga nakakatanda sa iyo.
 Pagtulong sa taong nangangailangan ng tulong.

Gawain 2:
Sarili:
 Ang paraan ko sa pagmamahal ng aking sarili ay aalagaan kung mabuti ang aking sarili. Iwasan ang paggawa ng nga
bagay na makasisira sa sarili gaya ng pagbibisyo. Kumain rin ng tamang pagkain para ako ay malusog. Nag-eehersisyo
ako araw-araw. Palagi rin akong nag-iisip ng mga positibong bagay para hindi ma “stress”.

Kapwa:
 Ang paraan ko sa pagmamahal ng aking kapwa ay aakayin ko siya sa matuwid na landas at hindi ko siya hahayaang
mapariwara o masira ang buhay, kung nakikita kong mali ang kanyang ginagawa. Huwag matakot na iwasto siya,
payuhan ng mga dapat gawin upang siya ay mapabuti. Aakayin ko rin siyang mapalapit sa ating Panginoon, dahil ang
painakabisang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa ay maakay mo siya na mapalapit sa ating Panginoon,
sapagkat kung mangyayari ang ganito madali na niyang matutukoy ang mga maling gawi niya at makapamumuhay
siya na mayroong takot sa Panginoon.

You might also like