You are on page 1of 4

ASSIGNMENT IN CL 09/17/20

A.
1. Pagkatapos basahin ang mga gamit ng asin, sa iyong
palagay, mahalaga ba ang asin? Bakit? Paano
nakakaugnay sa atin bilang mga tao ang mga gamit ng
asin?
- Para sa akin napakahalaga ang benepisyo ng asin sa
ating pamumuhay dahil nakakatulong ito sa maraming
paraan tulad na lamang sa pampalasa sa sangkap, pag-
iimbak ng pagkain, at pati narin sa panggagamot.
Nagkakaugnay ang tao at gamit ng isang asin, dahil
katulad ng asin tayong mga tao ay maraming benepisyong
naiidulot sa kapwa natin at tayo ay nilikha ng Panginoon
para sa mga katangi tanging tungkulin na dapat nating
gampanan ng walang hinihiling kapalit at bukal sa puso.
Inaasahan din ng Diyos na tayo ay magbigay lasa o
magbigay kabuluhan at maging magandang ehemplo sa
ating pamilya, kaibigan, at sa buong sambayanan.
2. Naangkop bang katawagan ang asin para sa atin. Bakit?
- Para sa aking sariling pananaw tayong mga tao ay
naangkop na tawaging isang asin, dahil tayo ay nilikha ng
Panginoon upang tumulong sa ating kapwa at maging
isang magandang ehemplo sa buhay ng tao upang ma
udyok din nila na magkaroon din ng kapakinabangan sa
ibang tao. Naniniwala ako na bawat isa sa atin ay may mga
tungkulin at misyon na dapat nating gampanan at isapuso
ang lahat ng ating naiaambag sa tao. Tayong lahat ay
maaring maging asin upang maging simbolo para sa mga
taong kulang ang pananampalataya sa Diyos at mapigilan
ang mapalapit sa tukso na nakapaligid sa kapaligiran.
3. Sa palagay mo bakit tayo tinatawag ni Hesus na asin ng
daigdig?
- Sa aking palagay, tinatawag tayo ni Hesus na kanyang
anak bilang isang asin ng daigdig dahil katulad ng asin
tayo ay dapat na magpakumbaba sa ating kapwa, tayo din
ang nagsisilbing asin upang mapalambot ang puso ng mga
hindi bukas sa Panginoon, tayo din ay tinatawag at
hinahalintulad sa asin dahil tayo ang nagpapatatag ng
kalooban ng bawat isa na hindi sumuko sa laban at
magpatuloy lang sa kinakaharap na problema dahil ang
lahat ng ito ay malalagpasan kung may kasamang
pananalig sa Diyos.
B. KARAGDAGANG HAMON
Sumulat ng ilang posibleng paraan kung paano kayo
maaring magsilbing asin ng daigdig.
a.Sa paaralan
- Makakatulong ako at makakapagbigay kahulugan sa aking kapwa
sa pamamgitan ng pagkakaroon ng respeto sa guro, pagiging isang
mabuting ehemplo sa kapwa kamag-aral , pag babahagi sa
kaalamang natutunan sa mga nangangailangan ng gabay, at
maging responsible sa mga gawain.

b. Sa tahanan

- Makakapagbibigay kahulugan tayo sa ating pamilya sa


pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan,
pagmamalasakit,pagmamahal, at pagiging masunurin. Maari din
nating matulungan ang ating pamilya na magkaroon ng matatag na
pundasyon at pananampalataya sa Diyos upang maging masaya
ang pagsasama at mag karoon ng pagkakaintindihan sa bawat isa.

C. Sa pamayanan

- Upang makapagbigay kahulugan at makatulong tayo sa buhay ng


ating kapwa ay kinakailangan natin na maging mapagmalasakit,
mapagkumbaba, mapagkalinga, mapagmahal, at mapagbigay lalo
na sa mga nangangailangan ng ating tulong. Dapat din nating
isaisip na lahat ng ating naitutulong ay para sa Diyos, dapat na
paglaanan natin ng oras ang lakas ang lahat ng makakaya natin
para makatulong sa kapwa. Tandaan natin na ang bukal na
pagtulong sa ating kapwa, pag iintindi at pag aalala ay
makakatulong sa atin upang lubos na manitili si Hesus sa ating
puso at isip.
C. Piliin ang linyang lubos na nakapukaw sa inyong
atensyon at isulat ang inyong pagninilay tungkol sa
kantang Ikaw ang asin ng Daigdig.

- Ang mas nakapagpukaw sa aking atensyon ay ang


pangatlong talata ng kanta dahil iminumungkahe
dito na dapat ay magsilbi tayong ilaw na siyang
gabay upang matulungan natin ang ating kapwa na
makilala pa ng lubusan ang Panginoon at akayin
sila patungo sa mabuting balita ng kaligtasan. Nais
ding ipahiwatig ng kanta na dapat ay tumulong tayo
sa ating kapwa ng walang kapalit na salapi, dahil
ang pagiging isang Katoliko ay tumutulong hindi
lang sa isip kundi pati na sa gawa. Tungkulin natin
na tumulong sa ating kapwa dahil bawat isa tayo ay
may misyong nakalaan na dapat ay maipadama
natin sa kanila at maibahagi ang salita ng Diyos.
Bawat isa sa atin ay nagsisilbing ilaw, kung kaya’t
dapat natin itong isapuso at magsilbi sa kapwa
hanggat nakakaya.

You might also like