You are on page 1of 2

Ang pagdidisiplina sa kabataan ay nakasalalay sa mga magulang, may iba't ibang

paraan sila sa pagdidisiplina. Ang aking mga magulang ay ang aking unang guro,
kung ano ako ngayon, kung bakit ako ganto ay dahil yun sa pagpapalaki at
padidisiplina nila. Ngayon sasabihin ko kung pano ako pinalaki ng aking mga
magulang.

Nagpapasalamat ako na pinalaki nila ako na mapagmahal at marespeto, na


walang pinipiling taong rerespetuhin kahit bata man o matanda, mayaman o
mahirap ay dapat mag bigay respeto. Dahil dito lahat ng nirerespeto ko ay
natutunan ding respetuhin ako at ang aking mga desisyon. At sabi nila na hindi
lamang atraksyon o pagkaroon ng "crush" ang nagpapakita ng pagmamahal, ang
pagrespeto sa isang tao ay nagpapakita o nagpapahayag ng pagmamahal.

Nagpapasalamat din ako na tinuruan nila ako maging kontento kung ano ang
meron ako. Na wag ng isipin kung ano ang wala sakin at pahalagahan kung ano
ang meron ako. Ang pagiging kontento ko ay ang nagpatanto sakin na hindi ko
kailangan gayahin kung ano ang meron sa iba. At dun ko napagtanto na ang aking
pamilya ay ang kayamanang kuntento nako at wala ng iba pang hihilingin kundi
makasama sila habang buhay habang inaabot ko ang aking mga pangarap.

At panghuli nagpapasalamat ako na pinalaki nila ako na may takot sa Diyos, na


hindi mawalan ng pananampalataya, na sa bawat pagsubok ay lagi kong kakampi
ang Diyos. Ang Diyos ang nagpapanatili sa aking pamilya na buo at puno ng
kasiyahan at pagmamahal. Ngunit di lamang sa kasiyahan andiyan ang Diyos pati
narin sa mga panahon ng kalungkutan o pagluluksa, at laging tatandaan na laging
nandiyan ang Diyos upang gabayan ka na malagpasan ang iyong mga pagsubok,
ang Diyos ang magsisilbi mong liwanag o pag-asa. Nagpapasalamat ako sa Diyos
na binigyan niya ako ng responsible at mapagmahal na mga magulang na
gumabay sakin upang maging isang mabuting tao.

You might also like