You are on page 1of 1

Pananaliksik

Teknolohiya, Sa Nagbabagong Mundo


PAGPAPASALAMAT: Una sa lahat nais kong magpasalamat ng lubusan sa Diyos na
ating Ama sapagkat ako ay kanyang binigyang buhay, binigyan ng maayos na
buhay kapiling ang aking mahal na pamilya at mga kaibigan. Ako ay binigyan niya
ng pribileheyo na siya ay aking paniwalaan at sambahin. Nagpapasalamat din ako
sa aking pamilya, lalo na sa aking mga magulang at kapatid na laging andyan at
walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa akin. At para sa aking mga mahal
na kaibigan, maraming maraming salamat sa bawat isa sa inyo hindi ko alam kung
ano ang mga tamang salita na aking sasabihin upang mapasalamatan kayong lahat.
Hindi ko alam kung pang-MMK ba dapat ang aking pasasalamat sa inyo, maraming
salamat sa inyong pagmamahal, pagsuporta sa lahat ng aking kabaliwan, kalokohan
o kung ano pa mang maisipan kng gawin. Hindi niyo alam kung gaano ako
nagpapasalamat sa Diyos Ama dahil kanyang inihadya na kayo ay aking makilala,
maging kaibigan at parte ng aking buhay. Pinapasalamatan ko rin ang lahat ng
aking nagging guro mula Kindergarten hanggang ngayon sa kasalukuyan kong
Grade, sapagkat kung hindi sakanilang pagtuturo wala ako sa kung nasaan ako
ngayon Sila ang ginamit ng Diyos upang ako ay matuto ng mga bagay bagay na
kailangan kong matutunan. Lalo na sa aking guro noong ako ay nasa ika-apat na
baitang hanggang noong akoy nasa ika-pito ng baitang na, malaki rin ang aking
pasasalamat sakanya sapagkat ang dami niyang naturong aral, nabigay na mga
payo base sa kanyang mga napagdaan sa buhay at higit sa lahat ang dami niyang
naibahaging kwento tungkol sa kanyang buhay na kasama ang Panginoong Diyos,
kung paano ang tamang pagpurit pagsamba sa Diyos Ama at mga wisdom na
kanyang natanggap mula sa Panginoon.

You might also like