You are on page 1of 1

Pangalan: Jeremy N.

Alao

Talumpati ng Pamamaalam

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Mahal na Diyossa binigay niyang


pagkakataon na makapasok ako sa seminaryo. Salamat sa Diyos dahil sa loob ng
seminaryo naging malinaw sakin ang mga bagay-bagay pero hindi pa sapat ang
aking nalalaman ngunit sa loob ng dalawang taon madami akong natutunan na
magagamit ko sa aking pamumuhay sa labas ng seminaryo. Maraming salamat sa
Seminaryo ni San Benito dahil binigyan ako ng gabay sa aking tatahakin na landas
at mananatiling gabay padin. Sa loob ng seminaryo hindi lang pagpapakabanal ang
aking natutunonan kundi apat na pormasyon, ito ay pagpapakatao, pagsasa-Diyos,
pag-aaral at pastoral, ito ay malaking tulong sa akin sap ag labas ng seminaryo. Sa
seminaryo natuto ako bumitaw sa mga bagay-bagay na hindi makakatulong sa akin
tulad ng pagsasayang ng oras, mga dapat ginagawa at di ginagawa. Sa loob
napalalim ang aking paniniwala sa Mahal na Diyos na manalig sa kanya sa lahat ng
bagay. Sa loob natuto akong maging mapagkumbaba dahil ang pagiging
mapagkumbaba ay malaking tulong sa bawat tao. Sa mga natutunonan ko sa loob
ng seminaryo ito ay aking ibabahagi sa iba lalo’t na ang padarasal ay malaking
tulong sa bawat tao at sa loob ng seminaryo ito ay aking ibabahagi sa labas, lalo’t
na ang padarasal ay malaking tulong sa bawat tao. Masakit man isipin aking
lilisanin na ang seminaryo sapagkat iba nang bokasyon na ang aking tatahakin
ngunit hinding-hindi ko malilimutan ang ang mga nkasama ko at tumulong sa akin
habang nasa loob ako. Salamat sa mga taong sumoporta sa akin habang nasa loob
ako, sa mga pari na nagbigay ng liwanag sa akin sa mga bagay-bagay at sa mga
seminarista salamat sa inyo sa dalawang taonng paglakbay ko na nakasama ko
kayo pinaramdam nyo sa akin ang kahalagahan ng bawat isa. Maraming salamat!

You might also like