You are on page 1of 2

Pang Limang Wika

“Ako’y nauuhaw”

Mahilig akong maglaro noong bata pa ako… At ang nilalaro ko noon ay tagu-
taguan at ang gusto ko rin ay habulan. Mabilis akong tumakbo noon kaya ang
mga kalaro ko ay para bagang natatalo sa akin. Pero talo ako sa tagu-taguan. At
sympre sa kabila ng excitement, napapagod din kaming maglaro. Ang
pinakamasarap na pakiramdam ay iyong mapawi ng inumin ang aming mga
pagod. At iyon ay napakaginhawa lalong lalo na kapag dumampi na ang tubig o
kaya malamig na pop cola.( pustahan pa nga kami kung sino ang natalo sya ang
magpapainom ng pop cola o tubig). Noong nag-aaral ako, kailangan na kailangan
kong maging gising, kaya naging paborito ko ang kape, kasi napapanatili akong
gising sa mga katambak na inaaral noon sa loob ng seminary. Kapag maysakit
ako, lalong lalo na kapag masakit ang tiyan ko, sabi ko sa sarili ko, kahit wala na
akong pera, basta di lang sumakit ang tiyan ko. Kaya kapag nakainom na ako ng
gamot para sa sakit ng tiyan, malaking ginhawa ito para sa akin at para bagang
nagiging panatag ako kapag nakaramdam na ako ay nakainom.
Pero kung tutuusin ang pagka-uhaw ay isa ding kagustuhan natin, na
gusto nating hingin at mapawi ng kung ano mang bagay. Noong una, magkaroon
lang ako ng cellphone na Nokia 5110 okey na ako, masaya na ako. Pero nung may
lumabas nanaman na bago, di tumigil ang gusto ko, gusto kong magkaroon nito.
Nakuha ko nga ang mga bagay bagay, pinagpaguran ko din at nung nakamit ko
na ang bagay bagay, ngunit parang may kulang, parang di ako nagihawahan.
Tingin ko, di ito ang bagay na nagpapatid uhaw sa atin. At ito ay parang
napakababaw.
Isa sa pinakagusto ko ay magpari kaya ako ay pumasok ng seminaryo ng
15 years old sa taon na 2001. Buo ang loob ko na pumasok, maliit pa ako gusto
ko na talagang pumasok, kaso ang problema, nung nag inquire ako nung
gradeschool pa ako, kasama ko nanay ko, bigla akong natakot dahil sa lugar na
tahimik at masyado akong malapit sa aking mga magulang kaya di ko pa kayang
mawalay sa kanya, kaya sabi ko sa kanya, kailangan kong maghanda kaya after
na lamang ng High School. Buo ang loob ko na pumasok, di ako pinilit ng nanay
at tatay ko. Di din naman ako pinilit ng ninuman. Ito ang desisyon ko na
masasabi ko ako mismo ang gumawa. At di ko naman pinagsisihan. Noong nasa
loob na ako ng seminary, ang daming mga bagay bagay na natuklasan ko. Natuto
talaga akong tumayo sa aking mga paa. Kala ko nga di ako makakatapos kasi
napahirap mag-aral. At nung pumasok ako di ko alam na Pilosopiya pala sa
kolehiyo sa seminaryo. Nagpatuloy ako, nakapagtapos pero lumabas ako, kasi
parang nauhaw ako sa karanasan, kulang pa ako, di ako pa ako hinog, di na
gadgets ang problema ko noon, kundi kung papaano ko harapin ang sarili ko.
Naging matapang ako kahit papaano sa kabila ng lahat. Nagturo at namuhay din
ako sa parokya at nabuksan ang mata ko sa paglilingkod sa altar at sa musika.
Maganda ang nangyari, napawi ng karanasan ko ang paglilingkod sa parokya na
mas mahalaga pala ang paglilingkod kaysa sa material na bagay. Ang mga bagay
ay ‘di naman sila permanente mabilis silang maglaho. Naging makatotohanan din
ang paglilingkod dahil itinuro sa akin kung papano magsakripisyo at magbigay
ng sarili. Kaya ako naliwanagan na bumalik uli sa seminaryo. Nagturo ako ng
dalawang taon at naging malinaw sakin ang gusto ko. Sa awa ng Diyos,
nakatanggap ako sa Teolohiya, sa susunod na baitang ng pagpapari mas lalo pang
naging malinaw kung ano ang ninanais ko at iyon ang nagbigay sakin ng
pagkakataong mamili. At nakapamili naman ako, lumabas ako pagkatapos ng
pangatlong taon ko sa Teolohiya. Naging buo nadin ang desisyon ko na di na ako
magpari. Kasi sabi sakin, di na ako pwedi… Iyong pagkakataon na malapit ako
sa Diyos noong nasa loob ako ng seminary at noong nakalabas ako, doon ko Siya
hinahanap, nagpupunta ako sa simbahan na malapit para makausap sya, uhaw
na uhaw ako noong oras na iyon sa Kanya, kaya di ko inalis ang sarili ko sa
parokya, naglingkod ako, umuuwi ako bawat Friday pagkatapos ng trabaho ko sa
maynila… Naging masaya ako sa ginagawa ko at nagpatuloy hangang pumasok
ako sa religious, at iyon sa Ordeng Pransikano, nagtagal din ako sa Orden ng
tatlong taon, natuto ako magmahal ng tapat at buoin ang bagay bagay na
nagkahiwalay. Umalis din ako sa Ordeng Pransikano at nagdesisyon akong
tapusin ang aking pag-aaral ng Teolohiya, at sa awa ng Diyos ako ay
nakapagtapos, minsan, nawawalan ako ng loob sa mga nagyari sa buhay ko, kala
ko di ko makakayanan pero alam ko na di ako iniwan ng Diyos sa kabila ng lahat
at patuloy padin ako sa maglingkod para sa kanya.
Sa bawat yugto ng buhay ko bilang naglalakbay, isang malaking bagay ang
aking nadarama. Pinawi at pinapawi ng Diyos ang uhaw ko, di ko man sya makita
nang personal kung anu man ang ginawa Niya pero nararamdaman ko na sa
pamamagitan ng mga karanasan ko, maari kong mapatunayan at sa mga taong
nakasama ko, na patuloy niya akong inaalalayan, at patuloy niyang pinapawi ang
uhaw hanggang buhay ako. Pero maraming pagkakataon din na di ko man
mabigyan si Hesus ng maiinom, at kadalasan ang ibibigay sa kanya ay isang
maasim na suka… Nakakahiya…Isa sa mga bagay na hinihingi ko ay ang patawad
sa Diyos ay ang aking pagkauhaw ay napakalayo sa pagkauhaw ni Hesus.
Sobrang layo? Oo napakalayo, humihingi sya ng inumin, binigyan pero isang
suka, maasim at di man mainom… hindi dahil luho ni Hesus iyon. Hindi!
Humihingi sya ng inumin para maipagpatuloy niya ang misyon nya hanggang sa
huli kaso nagbigay Tayong lahat ay may misyon, itutuloy ba natin iyon? Kahit
gaano ang kahirap ang nangyari kay Hesus, naipagpatuloy nya ang mga bagay
bagay hangang sa huli dahil buo ang kanyang loob.
Mamaya hahalikan natin ang Hesus na nakapako sa krus, na nagsisilbing
buhay na tanda ng kanyang pagmamahal sa atin, sana mangako tayo na
kauhawan din natin ang misyon ni Hesus.

You might also like