You are on page 1of 1

Ako si Paul. Isang magaaral ng ika-10 baitang.

Dahil nga rin sa pandemya ak oay nahilig sa


pagsisiklista. Lumilibot doon, dito, kabilang bayan at maging iba’t ibang pasyalan sa ating lungsod. Isang
malaking aral rin ang akin napulot o maikukumpara ang isang pangyayari sa aking pagsisiklista. Minsan
na nga akong pumunta sa Lungsod ng Palayan na 41 kilometro ang layo at 82 kilometro papunta at
pabalik. Noong papunta ako sa Palayan na magisa ay maayos naman at hindi pa napapagod hindi rin
maaraw. Nang makarating ako sa Provincial Capitol ay kumain saglit at kumuha ng larawan sa
napuntahan.

Ngunit habang pauwi na ako noong 7am ay habang tumatagal hindi ko na kaya. Pagod, Hirap at
higit sa lahat ay napainit na noon. Hindi ko na talaga noon kaya ang init at wala pa akong Helmet at hindi
ba nakamahabang manggas. Pakiramdam ko ay magkakaroon na ako ng Heat stroke sa pangyayaring
iyon. Gusto ko nalang magpakahimatay para kunin nalang ako ng ambulansya para lang makauwi sa San
Jose na 41 kilometro pa ang layo. Ngunit dahil nagtiyaga mga 10:30 ay nakauwi na ako sa bahay na
tumutulo ang pawis at hingal na hingal. Ito ay hindi lang nagging malakas ako sa pagbibisikleta kundi
nagsilbi ring aral sa akin sa buhay. Sa ating buhay talaga minsan parang gusto na nating sumuko dahil
mahirap at magisa lamang tayo pero lagi natin tandan na kaya natin ito sa tulong ng Diyos. Huwag
tayong sumuko, sa isang labanan sa buhay ay maari tayong magpahingi ngunit huwag tumigil at sumuko.
Balanga raw makakamit natin ang mga gusto natin magiging masaya tayo. Ngaun bilang estudyante
kailangang magaral muna, magtiyaga, lagpasan ang butas ng pagaaral. Ito ang akling natutunan sa
pagbibiksileta.

You might also like