You are on page 1of 1

Nurse, tumulong sa pagpapaanak sa kapwa Pinoy sa loob ng eroplano

Pinuri ng netizens ang isang nurse mula Bacolod City matapos niyang ibahagi ang kuwento ng
kaniyang pagtulong sa isang Pilipinang nanganak sa loob ng eroplano.

Kuwento ng nurse na si Francis Dominic Mendoza, sakay sila ng eroplano Martes ng madaling
araw nang nangyari ang insidente.

Mula Doha, Qatar ang eroplano at pauwi sila ng Pilipinas. Sa bandang Thailand nag-labor ang
Pilipinang kaniyang tinulungan.

Dagdag pa ni Mendoza, tinulungan niya ang mga Pilipinong cabin crew para ligtas na maisilang
ang sanggol. Ginamit nila ang first aid kit sa eroplano at iba pang improvised na gamit.

Nag-emergency landing ang eroplano sa Bangkok para mabigyan ng medical attention ang ina at
ang sanggol.

Ani Mendoza, bahagi ng kaniyang responsibilidad ang pagtulong sa mga nangangailangan kahit
sa labas ng ospital.

Nagtatrabaho bilang nurse si Mendoza sa Ireland.

_____________________________________________________________________________________

Ang paggawa ng mabuti at pagtulong sa kapuwa ay mahalaga. Kagaya ng isang nurse na habang
nakasakay sa eroplano ay tinulungan ang nanganganak na pasahero. Hindi nagdalawang isip ang
nasabing nurse na si Francis Dominic Mendoza na tumulong kahit na nasa kalagitnaan ng paglipad ng
eroplanong sinasakyan. Ginamit niya ang mga first aid kit bilang improvised na gamit. Totoo nga namang
kung ikaw ay tutulong ay tutulungan ka rin. Dahil sa nangyari pati ang piloto ay nag emergency landing
sa Bangkok upang tumulong narin sa ina at magkaroon ng medical attention at maipanganak ang bata.
Masaya tumulong sa kapuwa. Naglingkod si Mendoza kahit wala sa trabaho na imbes na magrelax sa
eroplano habang pauwi sa Pinas ay tumulong parin siya.

You might also like