You are on page 1of 1

'Again Dear Completers, Congratulations in your Moving Up'—Sir Baloc, SJCNHS-JHS Principal III

Naganap nitong Huwebes, Hulyo 15, 2021 ang Ikalawang Birtwal na Moving Up Ceremony ng San Jose
City National High School-Junior High School Batch 2020-2021 sa isang Facebook Live ng SJCNHS FB Page
na may temang "Strengthening the Quality of Education Amid the Covid-19 Pandemic".

Ang nasabing birtwal na Moving Up ay sinimulan ng isang maikling mensahe mula sa host nito na si Sir
Kenneth Dumlao na isa ring guro sa SJCNHS.

Sinundan ito ng ating Pambansang awit pagkatapos ay isa namang panalangin ng Grade 10 completer na
si Gracielle Ann Renee R. Mallare, at ang himno natin sa Rehiyon 3.

Nasundan pa ito ng Bating Panimula ni Pauline Claire R. Santos, With High Honors Grade 10 completer
din at mensahe mula sa Prinsipal ng eskwelahan sa SJCNHS-JHS na si Sir Aldrin J. Baloc.

Ipinakilala sunod ang mga tauhang nagtuturo at hindi nagtuturo na gumabay sa ating mga mag-aaral na
nakatapos ng Junior High at muling nagsalita si Sir Baloc ng SJCNHS-JHS para sa kompirmasyon ni
Education Program Supervisor-In-Charge, Beatriz Martinez PhD sa mga Grade 10 completers.

Isa-isang ipinakita sa screen ang mga magtatapos mula With Honors, With High Honors at With Highest
Honors, iba-iba man ang modality tulad ng Online Learning, Modular o Blended Learning ay pare-
parehas ding nakaraos sa Taong Panuruan na ito sa kabila ng Pandemya.

Pagkatapos nito ay nagbigay ng mensahe ang nag-iisang With Highest Honors na si Janelle D. Felimon at
isang pandulong mensahe mula kay Ma'am Haydee B. Cabie, G10-in-Charge.

Todo rin ang suporta ng mga magulang, kaibigan, guro, kapamilya o kakilala ng mga nagtapos sa Junior
High sa comment section ng FB Live.

You might also like