You are on page 1of 1

Setyembre 16, 2021

Para kay: BB. CATHERINE A. BARUELA


Principal I
Santo Tomas Elementary School -Annex
Calauan District

Sa pamamagitan ni: G. WILFORD A. ACUARDA


Master Teacher I

Paksa: Brigada Donation Drive

Pagbati ng Kapayaan!
Sa kasalukuyan ay nakakaranas tayo ng isang malaking pagsubok dahilan sa pandemya na dulot ng
COVID-19. Bawat isa sa atin ay lubos na naapektuhan, ang isa sa mga ito ay pansamantalang pagpapatigil
ng face-to-face classes upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng virus. Ngunit hindi kailanman dapat
isantabi ang edukasyon. Mas lalo dapat pag-ibayuhin at pag-alabin ang dedikasyon ng ating mga guro at
mga mag-aaral sa gitna ng mahirap na sitwasyon.
Kung kaya’t kaming mag-aaral na kumuhuha ng Masters of Public Administration Major in
Organization and Management sa Union College, Sta. Cruz, Laguna ay magsasagawa ng isang Culminating
Activity sa Santo Tomas Elementary School Annex. Layunin namin maging bahagi ng Brigada Eskwela
2021: Bayahihan Para Sa Paaralan, ang aming mga magiging donasyon at suporta ay nawa’y maging
malaking tulong upang maihatid ang wasto at tamang edukasyon para sa lahat. Ang napili naming mga
beneficiaries ay ang mga mag-aaral at mga guro.
Dahil dito, kami ay humihingi ng pahintulot at paanyaya sa aming gagawing aktibidad sa darating
na Oktubre 23, 2021 sa inyong paaralan sa ganap na ika-8 ng umaga. Ang aming grupo ay magsasagawa
din ng paunang interbyu patungkol sa background at kalagayan ng paaralan, mga guro, at estudyante sa
gitna ng pandemya.
Sa inyong mga katanungan, maaari po kayong makipag-ugnayan kina:
Engr. Jayvee Bonde Engr. Alvin Joseph D. Gamolo Bb. Jinkee Advento
Technical Committee Head OIC – Ecology in Public Admin. Subject OIC – Program Admin Subject
0916 173 7552 0966 798 9337 0956 769 0623
Lubos ang aming pasasalamat sa inyong magiging pagtugon.
Lubos na gumagalang,

Engr. ALVIN JOSEPH D. GAMOLO


Estudyante ng Masters in Public Administration
Union College of Laguna

You might also like