You are on page 1of 3

Ang mga Epekto ng Pag-aaral sa Online na Edukasyon sa Pagganap ng mga mag-

aaral dahil ng COVID 19 Pandemic.

______________________________________________________________________

Isang Konseptong Papel na inihaharap sa Kaguruan ng Senior High School ng Saint


Paul School of Professional Studies

Campetic Palo, Leyte

______________________________________________________________________

Bilang Pangunahing Pangangailangan sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika ng Kulturang Filipino

Isinumite ni

Reginahays B. Cabigon

at

Louraine Marithe M. Casas

Grade 11- Colossians

Isinumite kay

Bb. Glory Vie O. Oraller

2022
I.Rasyunal

Bilang isa sa mga estudyanteng nakararanas sa epektong pag-aaral sa Online na


edukasyon na hatid ng Pandemyang Covid 19. Hindi lahat ng estudyante ay madaling
makaintindi sa mga talakayin, mayroon napag-iiwanan at mayroon rin namang mabilis
matuto. May estudyanteng lagi-laging inuutusan ng mga magulang, estudyanteng
mabilis magambala, estudyanteng hindi makapagpokus dahil sa laro o social media.
Noong unang bahagi ng Marso 2019, natuklasan ang isang virus na maaring
makasanhi ng pandemya na unang tumama sa China na umabot sa iba’t ibang parte ng
Asya. Dahil dito mas lalong humigpit ang LGU’s at pinasara lahat ng establasyon
mapagobyerno o pribadong establisyemento. Maging ang mga paaralan rin ay
naapektuhan kung kaya’t napagdesisyunang ng mga nakatataas sa DEPED na isulong
ang Online na Edukasyon.

May dalawang klase ng Pandemyang edukasyon at ito ay online na edukasyon o


modular na maaring pagpilian ng mga estudyante. Ang industriya ng Edukasyon ay
gumagamit ng mga teknolohiyang tulad ng Zoom, Gmeet, Facebook, at Google
Classroom.Habang hindi pa natin alam kung ano ang mga epekto ng virus na ito, alam
naman ng lahat kung gaano kahirap sa mga estudyante and ganitong sitwasyon sa
pag-aaral kung kaya’t silang mag-aaral ang mas apektado dito. Bilang isang resulta,
maraming estudyante ang nahihirapan at nakararanas ng mga paghihirap sa kanilang
edukasyon ngunit kailangan pa rin nila itong tapusin. Ang ilang mga bakuna ay maaring
maging solusyon na makabalik na rin ang mga mag-aaral sa kanilang paaralan.

II.Layunin

> Ang mga paaralang pandemiko ay dapat bigyan ng mapagkukunang teknikal upang
mabawasan ang paghahati-hati ng mga digital at sa pag-aaccess ng internet.

> Bigyang tulong ang lahat ng paaralan at nang maiabot ito sa mga gurong
kinakailangan ng suporta dahil sila rin ay isa sa mga apektado hindi lamang ang mga
mag-aaral.

III.Metodolohiya

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng internet nang makakalap ng datos. Ang mga
mananaliksik ay nangalap ng impormasyon sa internet at sa lahat ng artikulong
mapagkukunan. Binasa at sinuring mabuti ng mga mananaliksik ang lahat ng datos
upang mas mapatibay at maibigay ang nais na kasagutan sa pananaliksik na ito.
IV.Inaasahang Bunga

Sa katapusan ng aming pagsasaliksik ay ang mga inaasahan naming makuha ay ang


mga opinyon ng mga estudyante kung sang-ayon ba silang ibalik ang pisikal na pag-
aaral o manatili sa Online na edukasyon.

V.Mga Sanggunian

https://sf.gov/fil/schools-childcare-and-youth-programs-during-covid-19-
pandemicerererererererfg2ew32

https://www.deped.gov.ph/2020/05/01/pahayag-ng-pakikiisa-ng-kagawaran-ng-
edukasyon/

https://teachforthephilippines.com/tuloy-ang-pagkatuto/

You might also like