FPLPracticalExam Group2

You might also like

You are on page 1of 9

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

Pangkat # 2
Baitang at Seksyon Grade 12- St. Thomas Moore
Pangalan ng Lider Ashanti Kaye V. Butron
Mga Pangalan ng 1. Jeraldine C. Banate
Miyembro 2. Rainier Ivanne D. Barcelona
3. Clouisse Aleha V. Capulong
4. Jomar J. Flores
5. Lance Angelo R. Ignacio
6. Juspher C. Trazona
7. Crystal Jane N. Turo

Panuto: Pagsulat ng sariling Panukalang Proyekto (40 puntos)


Matapos ninyong mabasa ang ilang mahahalagang bagay sa pagbuo ng
panukalang proyekto, ang inyong pangkat ay naatasang bumuo ng isang
panukalang proyekto na tutugon sa pangangailangan ng inyong komunidad.
Bilang bahagi ng inyong komunidad, ano-ano ang nakikita o naririnig ninyong
pangunahing suliraning kinakaharap nito sa kasalukuyan?

Sundin ang pormat na ito sa pagbuo ng panukalang proyekto.

Pamagat
MCSians DC Channel: An Online
Relaxation and Stress Reliever
Program for Manila Cathedral
School Community
Pangalan:
Tirahan: 287 Tayuman St, Tondo, Manila, 1013 Metro Manila
Petsa: Agosto 23, 2021
Haba ng Panahong Gugugulin: Siyam na buwan
Paglalahad ng Suliranin
Ang Social Life ay isang salitang pangngalan na nauukol sa bahagi ng
oras ng isang tao na ginugugol sa pakikipag-ugnayan at paggawa ng mga
kasiya-siyang bagay kasama ang ibang tao. Karamihan sinasabi na ang
pagkakaroon ng isang social life ay mahalaga sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng isang tao. Partikular itong mahalaga para sa mga mag-aaral
at guro, dahil sa mga benepisyo nito para sa pang-edukasyon. Ito ay
nangangahulugan na ang pagkakaroon ng isang social life ay hindi lamang
tungkol sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap, bagkus ito ay ukol din sa
pag-aaral at pagkatuto.
Natuklasan sa pag-aaral nila Hurst, et. al, (2013), ang pakikipag-ugnayan
sa lipunan ay makabuluhan para sa mga mag-aaral sapagkat pinapabuti nito
ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kanilang
kaalaman sa karunungan sa pagbasa, kanilang kritikal na pag-iisip, at mga
kasanayan sa paglutas ng problema. Nakasaad din dito na ang mga
mag-aaral na mayroong social life ay may posibilidad na pagbutihin at
maging mas mahusay sa kanilang akademikong pagganap. Gayunpaman,
ang mga mag-aaral, gayundin ang mga guro, ay nahihirapan na
makipagsalamuha dahil sa bagong sistema ng pag-aaral na ipinatupad ng
Kagawaran ng Edukasyon dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa; kung
saan bawal lumabas ang mga mamamayang Pilipino sa mga pampublikong
lugar dahil sa coronavirus pandemic. Ayon sa kamakailang pag-aaral ni
Alghamdi (2021), tungkol sa positibo at negatibong epekto ng COVID 19
Pandemya sa social life at educational life ng mga mag-aaral; binibigyang
diin nito ang dalawang negatibong epekto ng pandemikong; ito ay ang
pagkaulila sa tinatawag na social setting sa loob ng isang silid aralan, at
malaman na ang online class ay hindi sapat para sa praktikal na pag-aaral
ng mga mag-aaral. Bukod dito, sa pag-aaral nila Elmer, et. al (2020) inilahad
na ang stress, anxiety, kalungkutan, at mga sintomas ng depression ng mga
mag-aaral ay lumala dahil sa pagkawala ng kanilang social life. Idinagdag
din dito na ang Social Isolation at pagkawala ng school environment
ambiance ay maaaring maging isa sa mga stressors na nagiging sanhi ng
burnouts at breakdowns ng mga mag-aaral.
Dahil sa pandemikong ito at sa bagong sistema ng pag-aaral na tinatawag
na Blended Learning; ang mga mag-aaral at guro ay nawawalan ng sigasig
sa pag-aaral at pagtuturo. Ang mga mag-aaral ay nawalan ng sigla
pagdating sa pag-aaral, habang ang mga guro naman ay nahihirapan din na
makipag- usap at makilala ng husto ang kanilang mga mag-aaral.
Upang malaman kung ang mga mag-aaral at guro ng Manila Cathedral
School ay nakakaranas din ng mga problema na ito, ang mga school officers
ay nagsagawa ng isang panayam noong nakaraang taon. Halos lahat ng
mga mag-aaral ay nagsabi ng parehong sagot kung saan ang kanilang
anxiety, pagkalumbay at pagkapagod ay lumala na humantong sa mental
breakdowns at burnouts nila habang sila ay nasa kanilang online classes.
Binanggit din ng mga mag-aaral na sila ay pagod na hindi lamang dahil sa
stress, ngunit dahil din sa katotohanan na nakakaramdam sila ng
kalungkutan at inip habang nag-aaral sa kanilang bahay. Sa kabilang banda,
ang mga guro ay mayroon ding pare-parehong kasagutan na kung saan
sinabi nila na sila ay nahihirapan sa pagtuturo at pakikisalamuha sa kanilang
mga mag-aaral. Idinagdag din ng mga guro na mahirap makihalubilo sa
kanilang mga mag-aaral sapagkat ang mga bata ay kadalasang walang imik
kapag kinakausap. Kaya naman, ang Manila Cathedral School Student
Officers ay nagplano ng isang programa kung saan madadama pa rin ng
kanilang mga kapwa mag-aaral at kanilang mga guro ang diwa ng isang
MCSian. Ang student officers ay nagpanukala ng programang
pinamagatang, “MCSians DC Channel: An Online Relaxation and Stress
Reliever Program for Manila Cathedral School Community”.
Mga Layunin
Ang layunin ng programa ay upang maiwasan ang mga negatibong epekto
ng bagong sistema ng pag-aaral sa mental health ng mga mag-aaral at guro,
sa pamamagitan ng paglikha ng isang virtual setting kung saan maaaring
madama ng mga mag-aaral at guro ang vibe of physical learning at school
environment ambiance kahit na sila ay nag-aaral at nagtuturo sa kanila
lamang tahanan.

Nilalayon ng inisyatiba na makamit ang pangkalahatang layunin nito sa


pamamagitan ng pagtuon sa mga sumusunod na tiyak na layunin:

● Sa pamamagitan ng paglikha ng isang voice channel na


pinangalanang "Safe Room," kung saan ang mga mag-aaral at guro
ay maaaring makipag-usap at magsabi tungkol sa mga bagay na
nakakapagpabagabag sa kanila, binabawasan ang posibilidad ng
magkaroon sila ng sakit sa pag-iisip tulad ng depression, anxiety,
stress, burnouts, at breakdowns.
● Ang tinatawag na school spirit at productivity ng mga mag-aaral ay
madadagdagan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang
voice channel, kung saan maaari silang makipag-usap sa isa't isa
habang nagsasagawa ng gawain o pag-aaral ng isang aralin.
● Maiparanas sa mga mag-aaral at guro ang social life sa virtual world sa
pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanila na sumali sa anumang
voice channel na nais nila, kung saan maari silang maglaro, mag-aral,
manood ng pelikula, o magkaroon ng isang maayos na pag-uusap ukol
sa mga bagay bagay.
Plano ng mga Gawain
Ang proyekto ay inaasahang magagawa sa loob ng 9 na buwan. Dahil ang
school year 2021-2022 ay nagsisimula sa Agosto 9, 2021 habang ang
programa ay magaganap mula Agosto 23, 2021 hanggang Abril 30, 2022;
lahat ng mga bagay na kinakailangan upang maghanda para sa programa ay
dapat gawin sa loob ng dalawang linggo Tuwing simula ng bagong buwan,
limang guro ang maaaring iboto ng mga mag-aaral, ang limang gurong iyon
ang mamamahala ng mga Zoom meeting.

Gawain Mga Kasapi sa Haba ng Panahong


Gawain Gugugulin

Paggawa ng
permission letter
upang manghingi ng - Butron, Ashanti
pahintuloy mula sa Kaye V.
Isang araw
School Director ng
- Banate, Jeraldine
Manila Cathedral C.
School na maisagawa
ang programa na ito.

Paggawa ng survey na
ipapasagot sa mga - Butron, Ashanti
magulang ng mga Kaye V.
mag-aaral upang
- Banate, Jeraldine
malaman kung hingin C.
Dalawang Araw
ang pahintulot sa
- Capulong, Clouisse
kanila na pinapayagan
Aleha V.
nila ang kanilang anak
- Flores, Jomar J.
na lumahok sa
programang ito.

Pagkuha ng
naaprubahan na liham
ng pahintulot mula sa
School Director at
pagkalap ng mga
tugon at mga
pahintulot ng mga
magulang na
- Butron, Ashanti
pagpapatunay na
Kaye V. Dalawang Araw
pinapayagan nila ang
- Banate, Jeraldine
kanilang anak na
C.
makilahok sa
programa sa
pamamagitan ng
isinagawang survey.

- Butron, Ashanti

Paggawa ng dalawang Kaye V.

discord server sa - Banate, Jeraldine


libreng aplikasyon na C.
Dalawang Araw
maaaring i-download sa - Ignacio, Lance
tinatawag na Google Angelo R.
Play Store at App Store.
- Trazona, Juspher
C.

- Butron, Ashanti Kaye


V.

- Banate, Jeraldine C.

- Barcelona, Rainier
Ivanne D.
Paggawa at paglista
ng mga account na - Capulong, Clouisse
Limang Araw
gagamitin ng mga Aleha V.

kalahok na mag-aaral - Flores, Jomar J.


at guro sa server. - Ignacio, Lance
Angelo R.

- Trazona, Juspher C.

- Turo, Crystal Jane N.

Pagbibigay sa mga - Butron, Ashanti Kaye


kalahok ng kanilang V.
email at password na - Banate, Jeraldine C.
Dalawang Araw
kinakailangan para
- Barcelona, Rainier
ma-open ang kanilang
account na gagamitin Ivanne D.
sa server. - Turo, Crystal Jane N.

- Butron, Ashanti Kaye


V.

- Banate, Jeraldine C.

Pagmamasid, - Barcelona, Rainier

pagkontrol at Ivanne D.

pagbabantay sa mga - Capulong, Clouisse


Siyam na buwan
kalahok sa mga Aleha V.
kaganapan sa - Flores, Jomar J.
dalawang server.
- Ignacio, Lance
Angelo R.

- Trazona, Juspher C.

- Turo, Crystal Jane N.

Budget

Ang budget sa naturang programa ay hindi nangangailangan ng


napakalaking halaga, sapagkat ang aplikasyon na gagamitin ay libre lamang
i-download ng mga kalahok sa App Store at Google Play Store. Ang Discord
ang aplikasyon na gagamitin sa paggawa ng mga voice channel rooms na
maaaring pasukan ng mga guro at estudyante, ngunit ito ay mayroong
limitasyon na dalawampung katao lamang ang maaaring makapasok sa
bawat rooms kung ito ay libre. Kung kaya, ang mga student officers ay
nangangailangan ng pondo na maaaring gamitin upang makapag-avail ng
tinatawag na Nitro sa gagamiting aplikasyon na discord. Ang Nitro na ito
mayroong iba't ibang uri; Nitro, Nitro+1boost, Nitro+2 boost, at iba pa. Ang
mga naturang nitro sa aplikasyon na maaaring gamitin sa proyekto ay
mayroong mga diperensya pag dating sa halaga kung kaya't napag
desisyunang Nitro lang ang gagamitin sa programang ito. Ang Nitro sa
discord ay nag kakahalagang 485 pesos kada buwan na mas abot kaya ang
presyo kung ikukumpara sa iba pang-uri ng nitro. Ang naturang programa o
proyektong ito ay nais isagawa sa loob ng siyam na buwan na mula Agosto
hanggang Abril. Kung kakalkulahin na 485 pesos kada buwan at nais
isagawa ng 9 na buwan ang lalabas na kakailanganing pondo ay 4,365.
Mga Bilang ng Halaga ng Kabuuang
Kagamitan Aytem / Piraso Bawat Aytem Halaga ng
Bawat Aytem

Nitro 9x 485.00 pesos 4,365.00 pesos

Mga Benepisyo ng Proyekto at


Mga Makikinabang Dito
Bilang konklusyon, nakaapekto ang COVID-19 sa sistemang
pang-edukasyon sa Pilipinas na nakasanayan na ng bawat isa. Dahil dito,
nagkaroon ng bagong sistema ng pag-aaral ang mga mag-aaral at guro
kung saan nagkaroon sila ng social isolation na maaaring humantong sa
mga sintomas ng loneliness at depression. Ang Manila Cathedral School
Student Officers ay gumawa ng isang paraan upang masolusyunan ang
suliranin na ito. Iminungkahi nila ang isang programa na pinamagatang
“MCSians DC Channel: An Online Relaxation and Stress Reliever Program
for Manila Cathedral School Community”. Ang programang ito ay ukol sa
pagbibigay ng discord server para sa Manila Cathedral School Community,
upang mapanatili ang kanilang diwang MCSian at makisalamuha sa
kanilang mga kapwa kamag-aral at guro. Ang programa ay tungkol sa
paglikha ng dalawang mga discord server; isa para sa mga guro at
mag-aaral sa elementarya samantalang nakalaan naman ang isa para sa
mga guro at mag-aaral sa junior at senior high school. Maglalaman ang
bawat server ng apat na voice channel room na pinangalanang Study
Room, Game Room, Movie & Chill Room, at Safe Room. Ang mga admin
ng dalawang mga server ay ang mga student officers kung saan sila ang
nagkokontrol at magmamasid sa mga lumahok na mga mag-aaral at guro
sa programang ito. Binabalak ng mga student officers na maganap ang
programang ito tuwing huling Biyernes at Sabado ng bawat buwan ng
school year 2021-2022. Sa programa na ito, pinapayagan ang mga kalahok
na mag-access sa mga server mula sa oras na inilaan nila sa kanila. Ang
mga kagawaran ng elementarya ay naka-iskedyul na magkaroon ng access
sa Sabado mula 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi. Sa kabilang
banda, ang departamento ng Junior at Senior High School ay naka-iskedyul
mula 8:00 ng gabi ng Biyernes hanggang 11:00 ng gabi ng Sabado.

Ang magiging resulta ng programa na ito ay magiging isang malaking


pakinabang sa mga sumusunod:

Mga mag-aaral,
Ang magiging benepisyo ng programa sa mga estudyante ay
mapapanatili nila ang kanilang MCSian spirit, sa pamamagitan ng
pakikipag-usap sa isa't isa. Ang mga mag-aaral ay maaari ring magsaya
kasama ang kanilang mga kamag-aral at mga minamahal na guro, sa
pamamagitan ng pakikilahok sa programang ito. Mababawasan din ang
posibilidad na magkaroon sila ng mga sakit sa pag-iisip tulad ng
Depression, Anxiety at Panic Attack. Maliban dito, ang programang ito ay
maaari ding magkaroon ng positibong epekto sa social life ng mga
mag-aaral, lalo na sa mga mag-aaral sa junior at senior high school;
sapagkat maaari silang makisalamuha at makahanap ng mga bagong
kaibigan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa server.

Mga minamahal na guro,


Ang maaaring kapaki-pakinabang na epekto ng programa na ito sa mga
guro ay ang pagbibigay ng closure sa kanilang mga mag-aaral. Maaari rin
makilala ng mga guro ang kanilang mga minamahal na mag-aaral, sa
pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa kanila tungkol sa
mga paksang nais nilang pag-usapan sa server. Tulad ng mga mag-aaral,
Maaari din na binibigyan ng programang ito ang mga guro ng oras upang
makapag pahinga at magkaroon ng oras na magsaya, sa pamamagitan ng
paggawa ng mga kapanapanabik na kaganapan sa server. Sa
pamamagitan din ng programang ito, maipapakita din ng mga guro sa
kanilang mga mag-aaral na hindi lamang sila isang guro, ngunit maaari ding
maging isang ina at isang mabuting kaibigan ng mga mag-aaral.

Mga Larawan ng Inyong Pagpupulong:


(Maglagay ng 3 hanggang 5 mga larawan)

You might also like