You are on page 1of 29

Dahilan ng Pagiging Maingay sa Klase ng mga Senior High School ng

Gabriel Taborin College of Davao Foundation, Inc.

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap kay Gng. Ana Mae Casomo


ng Gabriel Taborin College of Davao Foundation,Inc.

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan


ng Asignaturang Filipino II: Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

nina

Guevarra, Charmaigne
Divinagracia, Rezalyn
Mahumot, Aple Mae
Estorba, Flore Jean
Montemor, Adrian
Pagalan, Jackylen

Marso 2017
Dahon Ng Pagpapatibay

Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangagailangan ng asignaturang Filipino II:

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na

pinamagatang “Dahilan ng Pagiging Maingay sa Klase ng mga Senior High School ng

Gabriel Taborin College of Davao Foundation, Inc.” ay buong puso na inilahad ng mga

mananaliksik mula sa grupo ng ikatlong pangkat ng unang taon ng Edukasyon 2016-2017

na binubuo nina:

Guevarra, Charmaigne
Divinagracia, Rezalyn
Mahumot, Aple Mae
Estorba, Flore Jean
Montemor, Adrian
Pagalan, Jackylen

Tinatanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Gabriel Taborin College of

Davao Foundation Inc.

Bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino II: Pagbasa at

Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

GNG. ANA MAE CASOMO


Guro ng Filipino II
Pasasalamat

Pagkatapos ng mga araw na inilaan sa pangagalap ng datos, sa pagsasaayos ng

mga impormasyon at sa mahaba-habang panahon ng paghahanda para sa isang

pananaliksik na pinamagatang “Dahilan ng Pagiging Maingay sa Klase ng mga Senior

High School ng Gabriel Taborin College of Davao Foundation, Inc.” ay natapos na rin

ang pamanahong-papel na proyekto ng Filipino II: Pagbasa at Pagsulat tungo sa

Pananaliksik. Ang buong pag-aaral na ito ay hindi maisasakatuparan at hindi magiging

matagumapay kung hindi dahil sa mga mahahalagang papel na ginampanan ng mga

sumusunod:

a. Una sa lahat, ang panginoon na nagbigay ng karunungan at kakayahang mag-

isip upang mapagtagumpayan ang paggawa ng pamanahong-papel.

b. Kay Gng. Ana Mae Casomo na aming guro na walang-sawang nagbigay

gabay sa isang pamanahong-papel na maging matiwasay.

c. Sa mga mag-aaral ng Senior High School ng Gabriel Taborin College of

Davao Foundation, Inc. na nakiisa sa pagsagot sa mga talatanungan ng sarbey

kwestyuner na ginawa ng mga mananaliksik na siyang naging daan upang

makakalap ng datos at impormasyon na kinakailangan.

d. Sa mga maintindihin at mababait na magulang na walang sawang sumuporta

sa mga pinansyal at panahon ng mananaliksik na mapagtagumapayan ang

paggawa ng isang pamanahong-papel.

e. Sa mga sanggunian na pinagkukunan ng mga impormasyon ng mga

mananaliksik.
f. Kay Ginoong Remigildo Pernia na walang sawang umintindi at nagbigay oras

na gamitin ang kanyang laptop sa paggawa ng isang pamanahong-pa

-Mga Mananaliksik-
Talaan ng Nilalaman

Kabanata I. Suliranin at kaligiran nito………………………………………………1

a. Panimula………………………………………………………….1
b. Layunin ng Pag-aaral……………………………………………..2
c. Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………..2
d. Saklaw at Limitasyon……………………………………………..3
e. Depinisyon ng mga Terminolohiya……………………………......3

Kabanata II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura…………………….............4

Kabanata III. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik …………………………..5

a. Disenyo ng Pananaliksik………………………………………...5
b. Respondente…………………………………………………….5
c. Instrumento ng Pananaliksik…………………………………….6
d. Tritment ng Datos……………………………………………….6

Kabanata IV. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos……………………7-10

Kabanata V. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon………………………………11

a. Lagom………………………………………………………….11
b. Konklusyon……………………………………………………11
c. Rekomendasyon……………………………………………….12

Bibliograpiya…………………………………………………………………..13

Dahong-dagdag

Talaan ng Talahanayan

Talatanugan
Talaan ng Talahanayan

Grap 1………………………………………………………………………..7

Grap 2………………………………………………………………………..8

Grap 3………………………………………………………………………..9

Grap 4………………………………………………………………………..10
KABANATA I

Ang Suliranin At Kaligiran Nito

Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga guro ay ang pagiging maingay ng

mga mag-aaral sa loob ng klase. Sa kadahilanan, maraming naidudulot ang pag-iingay

kaya bilang mag-aaral kailangan nating isaalang-alang ang magiging epekto ng pag-

iingay sa klase. Isa na rito ang posibilidad ng pagbaba ng mga marka. Ito ay isinasagawa

upang makapagbigay tuon at mapagbuti pa ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay sadyang dinisenyo ng ikatlong grupo ng unang taon na

naglalayong malaman ang mga dahilan ng pagiging maingay sa klase ng mga Senior

High School ng Gabriel Taborin College of Davao Foundation Inc. Gayunman, ay hindi

natin maiiwasan ang pagiging maiingay sa klase subalit sa pag-aaral na ito ating

malalaman at maiintindihan ang kahalagahan ng bawat ginagawa ng isang mag-aaral

tungo sa kanyang kaunlaran. Sa pag-aaral na ito maihahayag ang mga iba’t-ibang paraan

kung paano maiiwasan ang pag-iingay sa loob ng klase. Ang pag-iingay sa klase ng isang

estudyante ay nagkakaroon ng bunga na pwidi din ikasama sa kinabukasan sa hinaharap

ng isang estudyante. Kaya ang mga mananaliksik ay humahanap ng kasagutan sa mga

sagot sa mga katanungan na kakaharapin nito.


Layunin Ng Pag-Aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang mga Dahilan ng Pagiging Maingay

sa Klase ng mga Senior High School ng Ga//briel Taborin College of Davao, Inc.

Tinangka ng pag-aaral na ito upang malaman din ang mga sumusunod:

1. ang mga iba’t ibang tiyak na rason kung bakit maingay ang mga Senior High

School.

2. ang mga iba’t-ibang epekto ng pag-iingay sa klase ng mga Senior High School .

3. kung paano mabawasan ang pagiging maingay ng mga Senior High School.

Kahalagahan Ng Pag-Aaral

Mahalaga ang pag-aaral upang malaman nila kung ano ang mga posibleng

dahilan kung bakit nag-iingay ang isang estudyante sa loob ng klase. Marami ang

pweding maging epekto nito sa kabuoan ng pagkatao ng isang estudyante.

Maaaring ika-baba ito ng kanilang marka kung patuloy ang kanilang pag-iingay

sa loob ng klase. Maaaring makadisturbo din sila sa iba pang tao na nasa paligid

nila.

Mahalaga rin na malaman ang sanhi nito upang mabigyan pansin kung

saan ito ang pag-iingay ng estudyante nagsimula. Maiging bigyan ito ng pansin

upang maagapan ang mga posibleng resulta ng pag-iingay ng mga estudyante. Sa

tulong din ng kanilang mga magulang at guro ay maitatama ito at mabibigyan

kasagutan o solusyon upang maiwasan ang pagkasira ng buhay ng kanilang anak

o estudyante.

2
Saklaw At Limitasyon

Ang sakop ng pag-aaral na ito nakaayon sa mga dahilan ng mga mag-aaral

ng Senior High School ng Gabriel Taborin College of Davao Foundation,Inc.

tungkol sa kanilang dahilan kung bakit sila nag-iingay sa loob ng klase. Mayroon

lamang siyamnapu (60) na estudyante ang batayan ng pagkuha ng aming datos.

Ang mga kasagutang ng mga naturang respondente ay kakatawan sa mga mag-

aaral ng Gabriel Taborin College of Davao Foundation,Inc. sakop sa pag-aaral na

ito na malaman ang mga dahilan at mas maintindihan ang rason kung bakit nag-

iingay ang mga estudyante sa loob ng klase.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para mas maintindihan at maunwaan ang pamanahong papel na ito

binigyang depinisyon ang mga salita o terminolohiya na magagamit sa

pamanahong papel na ito:

a. mag-aaral- isang taong nag-aaral at pumapasok sa eskwelahan.

b. Pananaliksik- pangongolekta ng mga datos ukol sa isang paksa

c. pag-ingay- mga tinig na malakas na nagdudulot ng ingay.

d. Talatanungan- mga tanong na ginagamit sa paglikom ng datos.

e. Deskriptibo- ito’y nagbibigay impormasyon sa pag-aaral ng pananaliksik.

3
KABANATA II

Mga Kaugnay Na Pag-Aaral At Literatura

Sa kolum naman ni [ CITATION Oje92 \l 1033 ]” The Art of Disciplining the Child”

(July, 1992), binigyang linaw niya ang pangyayari sa mga anak na napapabayaan ng mga

magulang. Ayon sa kanya , karamihan sa mga batang siga sa paaralan ay hindi nagabayan

ng maayos ng kanilang mga magulang ng kanilang mga magulang. Sila ay mahihilig

gumawa ng kalokohan hindi lamang sa paaralan kundi maging sa iba pang pampubliko at

pampribadong lugar.

Ayon naman kay Gaudancio V. Aquino malaki ang ginampanan ng pamilya sa

paghubog ng ugali ng mga kabataan. Ayon kay Melchor Salvado (1989), ang

pagpapabaya ng mga magulang sa mga anak ay nagiging dahilan upang magpabaya ang

anak sa pag-aaral maging sa kanyang sarili. Ayon naman sa artikulo ng Berbano 2014 isa

sa maraming poblema na kinakaharap ng mga estudyante sa kolehiyo ay ang kanilang

professor.

[ CITATION Kne02 \l 1033 ] apirmado na ang mga natutunan at naririnig na

kakayahan ay masisira dahil sa mga acoustics ng klasrom ang pagkasira nito ay

nakakapekto sa pandinig at binging bata. Ayon naman kay Eniza & Garavella (2003) ang

mga bata na nagsisimulang matuto ay mas mapinsala sa labas na ingay kaysa matandang

bata, minsan sa kasalukuyan ay nakababa ng bokabularyo.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo Ng Pananaliksik

Ang disenyo ng naisagawang pag-aaral ay gumamit ng paraan na deskriptibong

pananaliksik. Marami ang uri ng deskriptibong pananaliksik at ang napili ng mga

mananaliksik na gamitin sa pagkuha ng datos ay ang descriptive survey design, na

gumagamit ito ng mga talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos

para sa pananaliksik. Naniniwala ang mga mananaliksik na sapat at angkop ang

disenyong ito sa mga baguhang mananaliksik upang mas madali ang pagkuha ng datos

mula sa maraming respondente.

Respondente

Ang mga mananaliksik ay kumuha lamang ng animnapu (60) respondente para sa

kaugnay na pag-aaral na “Dahilan ng Pagiging Maingay sa Klase ng mga Senior High

School ng Gabriel Taborin College of Davao Foundation,Inc”. Ang ginamit ng mga

mananaliksik upang makakalap ng datos ay talatanungan (survey questionnaire) ngunit

pinili lamang ang mga nabigyan nito at ang kabuohan nito respondente ay iyon lamang

mga nag-iingay sa loob ng klase.

5
Instrumento Ng Pananaliksik

Sa pagkuha ng datos sa aming paksa, gumamit kami ng talatanungan na

nakapaloob doon ang mga katanungan kung ano ang rason, ang epekto at ang dahilan nito

sa pag-iingay ng isang estudyante sa loob ng klase at dito ay makukuha naming ang mga

impormasyon na kinakailangan para sa aming pananaliksik.

Tritment Ng Mga Datos

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang. Hindi ito

isang pangangailangan sa pagtamo ng digri tulad ng tesis at disertasyon. Hindi kailangan

ng sobrang lawak at malalim na paliwanag hinggil sa paksa na napili. Ang pangunahing

pagkukunan lamang ng mga datos ay ang mga kasagutan ng respondente sa kwestyuner

na ipinakalat. Bilang o dami lamang ng mga napili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem

sa kwestyuner ang inalam ng mananaliksik. Pagkatapos nakuha ang mga datos mula sa

sarbey kwestyuner ay kinakailangan ng mga mananaliksik magtala o kumuha ng

porsiyento dahil mayroon lamang animnapu (60) ang sumagot na respondente mula sa

apat na talatanungan ay mas naging mapadali para sa mga mananaliksik na kunin ang

mga porsiyento ng mga sagot na siyang gagamitin bilang mga datos.

Ang ginamit na pormula ng mga mananaliksik ay nakasaad sa ibaba upang

makuha ang naturang datos.

%= f x 100
n
F - ilan ang sumagot sa naturang tanong.
N- kabuhuang bilang ng mga respondent.
%- bahagdan

6
KABANATA IV

Presentasyon At Interpretasyon Ng Mga Datos

Ang mga mananaliksik ay isang mag-aaral ng Gabriel Taborin College of Davao

Inc. na nagsagawa ng sarbey na “Dahilan ng Pag-iingay sa Klase ng mga Senior High

School ng Gabriel Taborin College of Davao Foundation Inc”. Sa animnapu (60)

respondente ang mga mananaliksik ay may nakalap na kasagutan. Ito ay ininterpreta sa

pamamagitan ng grapikong presentasyon na mas higit na maunawaan ng husto.

Grap I

BILANG NG MGA ESTUDYANTENG NA NAG-IINGAY SA


KLASE

90%
80%
70% Oo
60% Hindi
50%
40%
30%
20%
10%
0%
Oo Hindi

Sa animnapu (60) respondente na sumagot sa Senior High School ay nakapagtala

ng walompu’t limang porsiyento (85%) ang sumagot ng Oo sa tanong na “Minsan naging


maingay ka ba sa klase” at labing limang porsiyento (15%) na man ang sumagot ng

“hindi” ang ibig sabihin nito na mas malaki talaga ang bahagdan ng mga estudyante na

maiingay

Grap II

MGA DAHILAN NG PAG-IINGAY NG ESTUDYANTE SA KLASE

80%

70%

60%
Gusto ng Atensyon
50% Pag-aaway
Pagkagutom
40%
Nakasanayan na mula
pagkabata
30%
Pagkairita sa lugar
20% Naimpluwensyahan ng sariling
barkada
10% Pagkaroon ng sariling problema
Pagkawala ng Konsentrasyon sa
0% Klase
st ag tom

en y
na P arili rob se

on
n ka ba ma
ul a a

Gu P agu a
ng ilin sa K t
sy ng as ka se

Pa kab r

Pagkagulat
an ar n ula

At w a
m ta s kad

gk at
g a
s g p la

sy
en on ntr ag Kla

pa lug
ya ag ng le
ah s yo g

ng -aa
r

Pagkawala ng Interes sa Klase


sa
s
P
re

na iri
a
te

o
In
ng

uw ro se
pl ka n
a

o
al

im ag g K
aw

Na P n
gk

sa
a
al
Pa

ka
aw

Na
gk
Pa

Sa animnapu (60) na respondente ang sumagot ng tanong na “Ano-ano ang mga

dahilan ng pag-iingay sa klase” ay nakapagtala ang mga mananaliksik ng tatlong

matataas na porsiyento. Ang una ay nagtala ng pitongpu’t limang porsiyento (75%) na

nagsasabing “naimpluwensyahan ng sariling barkada” sumunod na man ang nagsasabing

“pagkawala ng konsentrasyon sa klase” na nagtala ng apatnapung porsiyento (40%) at


ang panghuli na man ang nagsasabing “pagkawala ng interes sa klase” na nagtala ng

dalawampu’t walong porsiyento (28%). Sa kabuohan ay nagtala ng maliit na porsiyento o

limang porsiyento (5%) na nagsasabing pag-aaway ang isa sa mga kasagutan ng mga

respondente.

Grap III

NAKAKATULONG BA ANG PAG-IINGAY SA LOOB NG KLASE SA


PAG-UNLAD NG UGALI AT SA PAG-AARAL

90%
80%
70%
Hindi
60% Oo
50%
40%
30%
20%
10%
0%
Oo Hindi

Sa animnapu (60) respondente na sumagot sa Senior High School ay nakapagtala

ang mga mananaliksik ng pitongpu’t walong porsiyento (78%) na sumagot ng Hindi sa

tanong na “Nakatutulong ba ang pag-iingay sa loob ng klase sa pag-unlad ng ugali at

pag-aaral” at dalawampu’t dalawang porsiyento (22%) ang sumagot ng Oo.

Ipinapahiwatig dito na mas mataas ang bahagdan ng Oo.


Grap IV
9

ANG MGA NARARAPAT GAWIN UPANG MAIWASAN ANG PAG-


IINGAY SA LOOB NG KLASE
40%
30%
20%
Maging aktibo sa mga gawain sa
10% loob ng klase
0% Bigyang importansya ang
kaalaman sa mabuting pag-
uugali
Maging mapagmasid sa paligid
Makinig nang maigi sa Guro

Sa animnapu (60) respondente na sumagot sa tanong na “Ano ang nararapat

gawin upang maiwasan ang pag-iingay sa loob ng klase” ay nakapagtala ng tatlongpu’t

limang porsiyento (35%) na nagsasabing “ makinig nang maigi sa guro” sumunod na man

ang nagsasabing “bigyang importansya ang kaalaman sa mabuting pag-uugali” na

nakapagtala ng tatlongpu’t dalawang porsiyento (32%) at ang pinakababang naitala ay

sampung porsiyento (10%) na nagsasabing “maging mapagmasid sa klase”.


KABANATA V 10

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang dahilan kung bakit nag-

iingay ang mga mag-aaral ng Senior High School ng Gabriel Taborin College of Davao

Foundation Inc. Ang disenyong gamit ng mga mananaliksik ay ang Deskriptive-Analytic

na gumagamit ng talatanungan na survey questionnaire upang makakuha ng datos sa

animnapu (60) na respondente ng Gabriel Taborin College of Davao Foundation Inc.

Kongklusyon

Matapos makakuha ng datos at impormasyon mula sa sarbey, at pag-gawa ng

ebalwasyon. Mula sa pag-aaral, humantong ang mga mananaliksik sa mga sumusunod na

konklusyon:

a. Halos lahat ng mga estudyante ng Senior High School ay maiingay.

b. Halos lahat ng dahilan ng mga estudyante ng Senior High School ay ang

impluwensya ng barkada sa pagiging maingay sa klase.

c. Halos lahat ng mga estudyante sa Senior High School ay hindi nakatutulong sa

pag-unlad ng ugali at sa pag-aaral ang pagiging maingay sa loob ng klase.


d. Kadalasan sa mga estudyante ng Senior High School ay sumagot ng makinig nang

maigi sa guro upang maiwasan ang pagiging maingay sa loob ng klase.

Rekomendasyon

Kaugnay sa mga konklusyon na ginawa ng mga mananaliksik ay nakabuo

ng mga ibat-ibang rekomendasyon na makatutulong sa pag unlad at sa pag-aaral

ng mga estudyante ng Senior High School ng Gabriel Taborin College of Davao

Foundation, Inc. na maipalaganap ang mabuting kalooban sa loob ng klase. Narito

ang iba’t ibang rekomendasyon na maaring maging kapaki-pakinabang sa lahat ng

mga mag-aaral.

1. Kung magsisimula na ang klase, iwasan ang anumang tinig na hindi

kinakailangan.

2. Huwag masyadong mag-iingay sa klase dahil sinisira nito ang

katahimikan ng mga taong pokus sa pag-aaral.

3. Maaaring mag-ingay sa labas ng paaralan na hindi nakakadisturbo sa

mga mag-aaral at guro.

4. Siguraduhin na nililimita mo ang iyong boses kung sa oras ng

pagsasalita.
BIBLIOGRAPIYA 12

al, K. e. (2002). scielo.br.php. Retrieved March 21, 2017, from www.scielo.br.php:


www.scielo.br/scielo.php?pid=S0104-56872005000200014&script=sci_arttext&lng=en

Aquino, G. V. (n.d.). angelfire.com. Retrieved March 21, 2017, from www.angelfire.com:


http://www.angelfire.com/freak2/valerio/feleo/sosyolohiya.html

Berbano. (2014). angelfire.com. Retrieved March 21, 2017, from www.angelfire.com:


http://www.angelfire.com/freak2/valerio/feleo/sosyolohiya.html

Garavella, E. &. (2002). scielo.br.php. Retrieved March 21, 2017, from www.sceilo.br.php:
www.scielo.br/scielo.php?pid=S0104-56872005000200014&script=sci_arttext&lng=en

Ojero. (1992, july). angelfire.com. Retrieved March 21, 2017, from www.angelfire.com:
http://www.angelfire.com/freak2/valerio/feleo/sosyolohiya.html

Salvado, M. (1989). angelfire.com. Retrieved March 21, 2017, from www.angelfire.com:


http://www.angelfire.com/freak2/valerio/feleo/sosyolohiya.html
13

Mga
Mananaliksik
Personal Profile:
Pangalan :Rezalyn A. Divinagracia

Tirahan :Bunawan, Davao City

Edad :23 yrs. old

Kapanganakan :Marso 14 1994

Civil Status :Single

Citizenship :Filipino
Natamong Edukasyon:
Tertyari :Gabriel Taborin College of Davao Foundation, Inc. Kasalukuyan

Sekondarya :F.A Andolana Memorial High School 2009-2010

Elementarya :Sto. Nino Elementary School 2005-2006

Family Background:
Ina :Nenita A. Divinagracia

Trabaho :Housewife

Ama :Amadeo A. Divinagracia Sr.

Trabaho :Magsasaka

Personal Profile:
Pangalan :Charmaigne B. Guevarra

Tirahan :Prk. Saguittarius Lasang Davao City

Edad :18 taong gulang

Kapanganakan :Agosto 16, 1998

Civil Status :Single

Citizenship :Filipino
Natamong Edukasyon:
Tertyari : :Gabriel Taborin College of Davao Foundation, Inc. Kasalukuyan

Sekondarya :A.L Navarro National High School 2014-2015

Elementarya :A.L Navarro Elementary School 2010-2011

Family Background:
Ina :Arly B. Guevarra

Trabaho :OFW

Ama :Vicente M. Guevarra Jr.

Trabaho :Price Controller

Personal Profile:
Pangalan :Adrian B. Montemor

Tirahan :Prk. Saguittarius, Lasang Davao City

Edad :19 taon gulang

Kapanganakan :Hunyo 21, 1997

Civil Status :Single

Citizenship: :Filipino
Natamong Edukasyon:
Tertyari :Gabriel Taborin College of Davao Kasalukuyan

Sekondarya :Manuel S. Nasser Sr. National High School 2015-2016

Elementarya :La Union Elementary School 2010-2011

Family Background:
Ina :Ana Maria Montemor

Trabaho :Housewife

Personal Profile:
Pangalan :Aple Mae C.Mahumot

Tirahan :Km. 22 Budbud Banawan Davao City

Edad :21 taong gulang

Kapanganakan :Abril 17, 1995

Civil Status :Single

Citizenship :Filipino
Natamong Edukasyon:
Tertyari :Gabriel Taborin College of Davao Foundation, Inc. Kasalukuyan

Sekondarya :A.L Nvarro National High School 2011-2012

Elementarya :F. Calderon Elementary School 2007-2008

Family Background:
Ina : Annie C. Mahumot

Trabaho : Housewife

Ama : Eleuterio B. Mahumot

Trabaho : Machine Operator

Personal Profile:
Pangalan :Jackylen L. Pagalan

Tirahan :Prk. Tagumpay Gredu Panabo City

Edad :18 taong gulang

Kapanganakan :Hunyo 24, 1998

Civil Status :Single

Citizenship :Filipino
Natamong Edukasyon:
Tertyari :Gabriel Taborin College of Davao Foundation, Inc. Kasalukuyan

Sekondarya :Panabo National High School 2014-2015

Elementarya :Sto. Nino Elementary School 2010-2011

Family Background:
Ina :VirginiaPagalan

Trabaho :Housewife

Ama: :Narciso Pagalan

Trabaho. :Traysikad drayber

Personal Profile:
Pangalan :Flore Jean Estorba

Tirahan :Km. 24, Inabangga, Bunawan, Davao City

Edad :21 taong gulang

Kapanganakan :August 5, 1995

Civil Status :Single

Citizenship :Filipino
Natamong Edukasyon:
Tertyari :Gabriel Taborin College of Davao Foundation, Inc. Kasalukuyan

Sekondarya :A. L. Navarro National High School 2012-2013

Elementarya :Bunawan Aplaya Elementary School 2008-2009

Family Background:
Ina :Florencia D. Estorba

Trabaho :Deceased

You might also like