Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1
Modyul 1
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.
Mga kasanayang Pagkatuto:
CODE: EsP7PSIa-1.1Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang
na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspeto
CODE: (EsP7PS-Ia-1.2) Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod nang may 85% na tagumpay:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili bilang nagdadalag/nagbibinata
2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
3. Nakapagninilay sa araling tinalakay
II. Nilalaman:
Paksang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/ Pagbibinata (Developmental Task)
A. Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata
Integrasiyon: MAPEH (Health)
Stratihiya: Deductive
Kagamitan: Powerpoint, TV (Optional)
Sanggunian: Teachers guide pp 4-18; Learner’s materials pp.14-21
III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung anu-ano ang kanilang napansin sa
kanilang mga sarili ngayong nasa sekondarya na sila. Makakatulong ang mga
sumusunod na mga katanungan:
1. Sa mga kalalakihan, sino dito ang nag iiba na ang boses? Lumalaki ang braso?
2. Sa mga kababaihan naman, sino dito ang nagsisimula ng magkaroon ng regla?
1
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
B. Pagtuklas
Panuto: Hatiin sa dalawang bahagi ang pisara. Sa unang bahagi isulat ang mga
pagbabagong napansin sa mga kalalakihan, sa kabila naman ay ang mga kababaihan.
Tanggapin lahat ng mga sagot na isinulat ng mga mag-aaral.
LALAKI BABAE
C. Pagtatalakay
Kung napapansin ninyo, marami kayong naitalang pagbabago, kung tutuusin,
ilan lang ito sa mga pagbabagong nakikita ninyo sa inyong sarili. Kayo ngayon ay
tumatahak sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata. Upang lubos na makilala ang
inyong mga sarili, dapat ninyong maunawaan ang tungkol sa yugtong ito.
D. Pagpapalalim
Ang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang
para sa iyo kundi maging sa mga taong nakapaligid sa iyo. Hindi lang sa
pangangatawan ang basihan kundi pati na rin ang pag-iisip. Mahalagang matutuhan
ang dapat gawin upang maiwasan ang kalituhan sa sarili o insecurities. Narito ang
mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinata.
- Pangkaisipan
- Panlipunan
- Pandamdamin
- Moral
IV. Pagtataya
Panuto: Sa isang kalahating papel, kopyahin at sagutin ang katanungan.
1. Ano ano ang mga mahahalagang tungkulin na dapat maunawaan para sa paghubog
ng isang maayos at ganap na pakikipag-ugnayan?
2. Ipasa ito pagkatapos sagutin
V. Takdang Aralin
Journal Writing
Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ito sa kanilang Journal notebook
1. Dapat bang lagyan ng hangganan ang lakas at kakayahan ng isang tao na
angkop lamang sa kanyang kasarian, Oo o Hindi at bakit?
2.Ipasa ang kwaderno sa susunod na pagkikita
Repleksiyon:
2
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.
I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod nang may 85% na tagumpay:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili ayon sa walong inaasahang
kakayahan at kilos ni Havighurts.
2. Nakapagbibigay-diin sa papel na kanyang ginagampanan bilang nagdadalaga at
nagbibinata
3. Nakapagninilay sa mismong aksiyon bilang nagdadalaga at nagbibinata
II. Nilalaman:
Pakasang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Task)
A. Pagtamo ng Pagbabago at ganap na Pakikipag-ugnayan
3
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
Upang lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral ang natutunan nila nitong
nakaraang aralin, magpapakita ng flash cards ang guro na nilalaman ng parirala.
Kilalanin ng mga mag-aaral kung saang aspeto ng palatandaan na nabibilang ang
parirala.
Hal:
Hindi nagsisinungaling Moral
Nahihilig sa pagbabasa Pangkaisipan
B. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa pakikipag-ugnayan bilang
babae/lalaki. Gawing gabay ang mga tanong:
1. Ano ang inyong reaksiyon pag nakakita ka ng kaklaseng babae na
natagusan ng dugo sa kanyang palda? Ano ang gagawin mo?
2. Ano ang iyong pakiramdam kung may lalaking nanliligaw sa iyo? Ano
ang gagawin mo?
C. Pagtuklas
Magpaskil ng larawan ang guro na nagpapakita na iba’t ibang gawain na
ginagampanan ng babae at lalaki. Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi kung
anong gawain ang nasa larawan.
4
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
D. Pagtatalakay
Sa larawan, pinapakita nito ang ibat-ibang mahalagang gawain na ginagampanan
ng babae at lalaki sa pamilya. Bilang nagdadalaga at nagbibinata, mahalagang
mapaunlad ang kanyang kakayahan na inaasahan ng kaniyang lipunan.
E. Pagpapalalim
Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at
kilos na dapat malinang ayon kay Havighurts. Sa puntong ito, tatalakayin ng guro ang
dalawa sa walong inaasahang kakayahan ayon kay Havighurts.
- Pagtamo bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations)
- Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae at lalaki.
IV. Pagtataya
Panuto: Magibigay ng maikling pasulit ang guro. Ang pasulit ay nasa anyong
pagsulat ng isang sanaysay. Isulat ito sa kalahating papel.
1. Paano mo tunay na maipakikita ang pagiging mapanagutan sa iyong
pakikipagkapwa?
V. Takdang Aralin
Journal Writing
1. Maghanap ng isang pelikula o teleserye namay tema patungkol sa pagbabago ng isang
babae at lalaki,.
2. Magsulat ng isang sanaysay patungkol sa kwentong ito. Isulat din kung anong aral
ang mapupulot sa kwentong ito.
3. Ipasa sa susunod na pagkikita
Repleksiyon:
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial:
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin:
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon:
E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation:
F. Alin sa mga istratehiyang pagtututo ang makatulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na sulosyon sa tulong ng aking punung-guro
at superbisor?
H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginamit o nadiskubri na gusto
kung ibahagi sa ibang guro?
5
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.
6
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang
mga sumusunod nang may 85% na tagumpay:Naipaliliwanag ang paglinang ng
mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon
ng pagdadalaga / pagbibinata ayon kay Havighurts
1. Naibabagay ang sarili ayon sa pagbabago sa katawan at paglapat na
tamang asal
2. Nakagagawa ng pagninilay sa mismong aksiyon
II. Nilalaman:
Paksang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Task)
A. Pagtanggap sa mga Pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang
pamamahala.
B. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
Integrasiyon: MAPEH (Health)
Stratihiya: Deductive
Kagamitan: Powerpoint, TV (Optional)
Sanggunian: Teachers guide pp 6-21; Learner’s materials pp.18-21
III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
Magbalik aral sa natalakay nitong nakaraang pagkikita sa pamamagitan ng
pagtanong sa mga mag-aaral.
1. Ano ang naalala ninyo sa nakaraang aralin?
2. Anu-ano ang dalawang aspeto ang una nating pinag aralan sa walong
inaasahang kakayahan ayon kay Havighurts?
Kung sakali mang may takdang aralin na binigay ang guro maaari ding ibahagi
sa mga mag-aaral ang kanilang sagot sa binigay na takdang aralin.
B. Pagganyak
Magpapakita ng short film ang guro patungkol sa mabuting asal. Pagkatapos
panoorin ang short film, magtatanong ang guro sa mga mag-aaral. Gawing
gabay ang mga sumusunod:
1. Anu-anong mabuting asal ang ipinakita ng bida?
2. Ano ang naging epekto ng asal niya sa ibang tao?
3. Anong mabuting aral napupulot ninny bilang nagdadalaga at nagbibinata?
C. Pagtuklas
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga
pagbabagong iyong itinala sa naunang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala
7
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11
taon. Kopyahin at isulat ito sa buong papel.
Gamit ang iyong binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon”, tatawag ang guro ng
mag-aaral upang ibahagi ang kaniyang ginawa. Tatayain din ng mag-aaral
kung positibo o negatibo ang mga naging pagbabago sa kaniyang sarili.
D. Pagtatalakay
Habang lumilipas ang panahon at ikaw ay nagkaisip, nakikita mo unting
unting paglawak ng mundong iyong ginagalawan. Ang pagiging mapanagutan
sa pakikipagkapwa ay lagpas na sa simpleng paggalang sa kapwa. Ito ay pag-
unawa sa katotohanang hindi nabubuhay ang tao para sa sarili lamang.
E. Pagpapalalim
Bilang nagdadalaga at nagbibinata, dapat ding pagtuonan ng pansin ang mga
pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan at asal. Maging gabay sa inyo
ang dalawa sa walong inaansahang kakayahan ayon kay Havighurts.
- Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang
pamamahala
- Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal
IV. Pagtataya
Panuto: Humanap ng kapariha. Sa isang kalahating papel, gumawa ng
dalawang hanay. Sa unang hanay, isulat ASAL/UGALI NA GUSTONG
BAGUHIN. Sa ikalawang hanay nanam ay ang RASON KUNG BAKIT
GUSTONG BAGUHIN. Kailangang makatala sila ng 5 asal o ugali.
ASAL/UGALI NA GUSTONG RASON KUNG BAKIT GUSTONG
BAGUHIN BAGUHIN
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
8
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
V. Takdang Aralin
Journal Writing
1. Sa inyong dyornal, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay, gamiting gabay ang
mga tanong:
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabagong ito sa iyo bilang nagdadalaga at nagbibinata?
3. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan?
Repleksiyon:
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial:
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin:
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon:
E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation:
F. Alin sa mga istratehiyang pagtututo ang makatulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na sulosyon sa tulong ng aking punung-guro
at superbisor?
H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginamit o nadiskubri na gusto
kung ibahagi sa ibang guro?
9
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.
I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod nang may 85% na tagumpay.
1. Naipaliliwanag ang angkop na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ayon kay
Havighurts
2.Nakakabuo ng sariling Pagpapasiya sa ibinigay na task.
II. Nilalaman:
Paksang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Task)
A. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya
B. Paghahanda para sa paghahanap buhay
Integrasiyon: MAPEH (Health)
Stratihiya: Deductive
Kagamitan: Powerpoint, TV (Optional)
Sanggunian: Teachers guide pp 6-21; Learner’s materials pp.18-21
III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
10
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
B. Pagganyak
Magtatanong ang mga guro sa mga mag-aaral tungkol sa hangarin na gusto
nilang matupad. Narito ang mga gabay na tanong:
1. Ano ba ang pangarap ninyo sa buhay?
2. Bakit ito ang napili niyo? Kaya niyo ba itong maabot?
3. Anu-ano ang mga hakbang para maabot ito?
C. Pagtuklas
Magpaskil ng isang case study ang guro sa pisara tungkol sa mabuting
pagpapasiya. Isulat ang sagot sa ¼ sheet of paper. Sagutin ang mga tanong.
D. Pagtatalakay
Sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, kinakalangang matutong linangin ang
kakayahan sa maingat npagapasiya. Makatutulong na sumangguni sa nakakatanda
sa mga pasiyang gagawin. Ngunit mas mainam na sanayin ang sarili sa pagpili
tungo sa kabutihan- yaong nakabubuti sa kapwa at sa iba.
E. Pagpapalalim
Upang mas maunawaan at maintindahan ninyo ang tungkol sa
pagpapasiya, ipagpapatuloy ng guro ang pagtatalakay sa walong inaasahng
kakayahan lalo na sa:
- Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng pagpapasiya
- Paghahanda para sa paghahanap buhay
IV. Pagtataya
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Bilang isang nagdadalaga at
nagbibinata, ano ang itong iispin at gagawin sa mga sitwasyong ito. Isulat sa kwaderno ang
inyong sagot.
1. May iniinom kang juice, nang maubos ito wala kang makitang basurahan kaya’t sabi
ng kaibigan mo itapon mo na lang ito sa iyong dinadaanan. Anong gagawin mo?
11
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
V. Takdang Aralin
Gumawa ng repleksiyon patungkol sa aralin.
Repleksiyon:
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial:
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin:
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon:
E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation:
F. Alin sa mga istratehiyang pagtututo ang makatulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na sulosyon sa tulong ng aking punung-guro
at superbisor?
H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginamit o nadiskubri na gusto
kung ibahagi sa ibang guro?
12
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
Nilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.
I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod nang may 85% na tagumpay.
1. Naipaliliwanag ang angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ayon kay Havighurts
2. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng inaasahang kakayahan
at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata
13
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
II. Nilalaman:
Paksang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Task)
A. Paghahanda para sa Pag-aasawa
B. Pagkakaroon ng mga Pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal
Integrasiyon: MAPEH (Health)
Stratihiya: Collaborative
Kagamitan: Powerpoint, TV (Optional)
Sanggunian: Teachers guide pp 6-21; Learner’s materials pp.18-21
III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
Magbalik aral sa natalakay nitong nakaraang pagkikita.
B. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral. Gawing gabay ang katanungan:
1. Anong gusto mong mangyari sa buhay mo?
2. Pagkatapos mong mag-aaral, sumagi ba sa iyong isipan ang pag-aasawa o
pagkakaroon ng pamilya?
3. Anu-anong mga kasanayan na dapat mong linangin bilang nagdadalaga at
nagbibinata na makakatulong sa susunod na yugto ng ating buhay?
C. Pagtuklas
Magkakaroon pagsasadula tungkol sa mga kinakailangan sa paghahanda sa
paghahanap buhay, pag-aasawa at mabuting asal.
Panuto: Hahatiin sa tatlong grupo ang mag-aaral. Bawat grupo ay pipili ng
isang lider upang mamuno sa gagawing pagsasadula. Bawat grupo ay
bibigyan ng iba’t ibang senaryo. Ilahad ng guro ang rubriks para sa
pagbibigay puntos.
14
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
naipakita ang
awtput sa
pangkalahatan na
may kulang na
konte.
0-5 Medyo may
kulang sa
konsepto na
dapat matutuhan.
D. Pagtatalakay
Kritikal ang panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Ito ay maaring bumuo
o sumira ng iyong kinabukasan. Kailangang maging maingat at di padalos-
dalos sa mga gagawing pagpapasiya at kailangang maging bukas ang isipan
sa lahat ng mga bagay na darating sa kaniyang buhay at kailangang
mapaunlad ang sarili upang magampanan niya ang kaniyang tungkulin
bilang nagdadalaga at nagbibinata.
E. Pagpapalalim
Sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, kailangang mahubog ang iyong
mga pagpapahalaga. Bibigyang-tuon sa mga sumusunod na aralin ang
pagtalakay sa:
-Paghahanda para sa Pag-aasawa
Ang pag-aasawa ay ganap lamang na natatamo sa huling yugto ng
pagdadalaga/pagbibinata at sa maagang yugto ng pagtanda (adulthood).
- Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) gabay sa mabuting asal.
IV. Pagtataya
Sagutin at isulat sa kalahating papel ang sagot.
1. Ano ang mga mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos sa bawat
yugto ng pagtanda?
2. Paano masasanay ang sarili na magkaroon ng positibong pag-iisip?
V. Takdang Aralin
Gamit ang mga Art materials, gagawa ang mga mag-aaral ng isang Self Talk.
Tukuyin ang isang aspeto kung saan itinuturing nilang mababa ang tingin sa sarili.
Mag-isip ng positibong pakikipag-usap sa sarili (self-talk) o mga bagay na
sasabihin sa iyong sarili upang malampasan o unti-unting mawala ang mga
nararamdaman mababang pagtingin sa iyong sarili.
Matapos isumiti sa guro ang ginawang task, maaari nila itong ipaskil kung saan
madaling makita o di kaya naman ay I post sa social media upang maging paalala
sa kanilang dapat gawin bilang nagdadalaga at nagbibinata.
15
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
Repleksiyon:
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial:
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin:
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon:
E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation:
F. Alin sa mga istratehiyang pagtututo ang makatulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na sulosyon sa tulong ng aking punung-guro
at superbisor?
H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginamit o nadiskubri na gusto
kung ibahagi sa ibang guro?
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
16
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
EsP7PSIa-1.1
EsP7PS-Ia-1.2
EsP7PS-Ib-1.3
EsP7PS-Ib-1.4
I- MGA LAYUNIN:
II- NILALAMAN:
III-PAMAMARAAN:
a. Panalangin
b. Pagbibigay ng Panuto
c. Pagmamasid sa mga mag-aaral habang sumasagot sa pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang sagot sa patlang.
________1. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na
dapat malinang sa panahon pagdadalaga/pagbibinata maliban sa isa. Ano
ito?
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad.
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalake.
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa.
d. Pagtamo ng bago at gananp na pakikipagugnayan sa mga kasing
edad
________2. Ilang kakayahan at kilos na dapat malinang sa isang
nagbibinata/nagdadalaga ayon kay Havighurst?
a. 4 na kilos at kakayahan
b. 5 na kilos at kakayahan
c. 7 na kilos at kakayahan
d. 8 na kilos at kakayahan
________3. Alin sa sumusunod ang HINDI inaasahang kakayahan at kilos sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata?
17
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
18
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
19
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
d.Pagwawasto sa papel
1. a
2.d
3.d
4.c
5.b
6.a
7. b
8. b
9. c
10.b
11. c
12. a
13.c
14.a
15.d
V- REPLEKSYON:
a. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya; _______________
b .Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa
remediation:_____________
20
Department of Education
Region X
Division of Cagayan de Oro City
SOUTHWEST II DISTRICT
Mambuaya National High School-
Cadayonan Extension
KM 14, Besigan, Cagayan de Oro City
21