You are on page 1of 28

Republic Of The Philippines

Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

May 31, 2022

FLORDELIZA C. GECOBE PhD, CESO V


Schools Division Superintendent
Schools Division of Quirino
Cabarroguis
Through: Schools Division Research Committee

Madam:
This is to submit my action research proposal entitled SALOK-

DUNONG AT ANG EPEKTO NITO SA PERFORMANCE NG MGA MAG-

AARAL SA BAITANG 7 SA PAGBASA AT PAG-UNAWA under Non-

Basic Education Research Fund (Non-BERF) for your approval and

acceptance.

Thank you.

Very truly yours,


MARY JANE G. CABBIGAT
Research Proponent

NOTED:
FERDIE B. MAXIMO LIWLIWA B. BARENG, Ph.D.
School Head Public School District Supervisor -Maddela II

Date: _____________________ Date: _____________________________

1
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

SALOK- DUNONG AT ANG EPEKTO NITO SA PERFORMANCE NG MGA


MAG-AARAL SA BAITANG 7 SA PAGBASA AT PAG-UNAWA

An

ACTION RESEARCH PROPOSAL

Presented to the

SCHOOLS DIVISION RESEARCH COMMITTEE


Schools Division of Quirino
Cabarroguis

MARY JANE G. CABBIGAT


Researcher
Balligui High School
S.Y. 2021-2022

2
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

SALOK- DUNONG AT ANG EPEKTO NITO SA PERFORMANCE NG MGA


MAG-AARAL SA BAITANG 7 SA PAGBASA AT PAG-UNAWA

Mary Jane G. Cabbigat


Teacher III
Balligui High School

I. Konteksto at Rasyunal

Kaugnay ng misyon ng Kagawaran ng Edukasyon , “To protect and

promote the right of every Filipino to quality, equitable, culture base and

complete basic education.” ang edukasyon ay napakahalaga sa buhay ng

bawat batang mag-aaral. Ang bawat bata ay may karapatang mabigyan ng

edukasyon. Ito ang natatanging paraan para maiangat nila ang kanilang

kabuhayan sa hinaharap.

Isa ang edukasyon sa pinakapangunahing pangangailangan ng bawat

bata sa isang pamilya. Ito ang dahilan kung bakit ang ating gobyerno ay

naglunsad ng iba’t ibang programang nakatutulong sa mga pamilyang

mahihirap na matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan lalo

na sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Kaugnay nito, napakalaking papel ang gampanin ng Kagawaran ng

Edukasyon sa pamamagitan ng mga kaguruhan bilang mga fronliners para

maihatid ang balon ng kaalaman at nang matanglawan ang munting

3
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

kaisipan ng mga mag-aaral. Dahil dito, napakalaki at napakabigat ang

tungkuling nakaatang sa mga kaguruhan na maihatid ang edukasyon sa

mga mag-aaral upang matiyak na walang batang maiiwan (the battle cry of

the DepED) pagdating sa edukasyon.

Ang pagbabasa ay isa sa mga paraan upang maiangat ang kapasidad

at kakayahang pang-unawa ng mag-aaral. Dito natatamasa ng mag-aaral

ang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng komprehensibo at

epektibong pagkatuto.

Ayon kay Mc Whorter (2009), ang pagbabasa ay susi sa tagumpay ng

isang tao, lalong lalo na sa larangang pang-akademiko. Ayon naman kay

Coady (Austero, 2004), importanteng isaalang-alang mo ang dating

kaalaman sapagkat malaki ang maitutulong nito para mapabilis ang

pagkakaunawa sa tekstong binabasa. Samakatwid, kailangang lalakbayin ng

guro at mag-aaral ang sigla’t sagisag sa makabuluhan, mabungang

pagtuturo at pag-aaral upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan

ng bansa sa hamon ng nagbabagong daigdig.

Ang SALOK- DUNONG (Simplified Assessment Learning Operations

through reading to Kindle, and Deepen students’ Understanding on New

concepts Of ideas to enhance their comprehension skills in the New normal

towards Genuine and quality education) at ang Epekto nito sa Performance

ng mga Mag-aaral sa Baitang 7 ng Balligui High School. Ang mananaliksik

ay nagsagawa ng pagpapabasa sa mga mag-aaral mula sa baitang 7 para

matiyak kung anong lebel ang kanilang reading comprehension skill. Sa

4
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

pamamagitan ng home visitation at phone call ay matagumpay na

naisagawa ang pretest upang tayahin ang antas ng kanilang pang-unawa.

Dahil dito, napag-alaman ng mananaliksik na may 20 na mag-aaral ang

napapabilang sa frustration, 35 ang instructional at 19 ang independent.

Ito ang dahilan kung bakit naisipan ng mananaliksik na buuin at

isagawa ang saliksik na ito bilang SIM (Strategic Intervention Material) para

maiangat ang kakayahang pagbasa at pang-unawa ng mga mag-aaral.

II. Katanungan sa Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong iangat ang antas ng pang-

unawa ng mga mag-aaral ng Grade 7 sa larangan mg pagbasa at pag-

unawa. Ilan sa mga sagot ay maibabase sa mga tanong gaya ng mga

sumusunod:

1. Ano-ano ang mga mean na marka ng tagatugon

(participants) bago at pagkatapos ng implementasyon ng

SALOK DUNONG?

2. Mayroon bang pagkakaiba ang marka ng mean mula sa

mga tagatugon (participants) pagkatapos ng pagsasagawa

ng SALOK-DUNONG upang mapaunlad ang kasanayan sa

pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral ng baitang 7?

3. Gaano nakaaapekto ang paggamit ng SALOK-DUNONG sa

pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa baitang 7?

4. Ano-ano ang mga karanasan ng mga tagatugon ukol sa

implementasyon ng SALOK-DUNONG?

5
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

5. Ano-ano ang mga hamong kinaharap at naranasan ng

mananaliksik ukol sa implementasyon ng proyektong

SALOK-DUNONG?

III. Panukalang Interbensyon

Ayon kay Richard Anderson at David Pearson (1984). Ang lahat ng

ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito

ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito ay nakaiimpluwensya

nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng

mambabasa. Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-

unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto. Ang iskema ay

nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad. Ayon naman kay

Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong

pahulaan (psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa

ay nagsisilbing "taya" kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha

at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa

ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang

mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa

paksa.

Kaugnay dito, ang paoject SALOK- DUNONG (Simplified Assessment

Learning Operations through reading to Kindle, and Deepen students’

Understanding on New concepts Of ideas to enhance their comprehension

skills in the New normal towards Genuine and quality education) AT ANG

EPEKTO NITO SA PERFORMANCE NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 7 NG

6
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

BALLIGUI HIGH SCHOOL ay isang paraan upang matiyak na nauunawaan

ng isang mag-aaral ang kanyang binabasa. Ang mananaliksik ay bubuo ng

SIM (Strategic Intervention Material) bilang kagamitang pampagturo para

maiangat ang antas ng pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral.

Gagamitan ito ng mga pinasimpleng mga katanungan bilang mga

gabay na tanong. Ang kagamitang binuo ang gagamitin bilang SIM sa

pagpapabasa sa mga mag-aaral na isasagawa dalawang (2) beses sa isang

lingo upang tayahin ang antas ng kabihasnan (mastery level) sa bawat tiyak

na kasanayan na nalilinang sa mga mag-aaral na nasa frustration level.

Pagkatapos ng palagiang pagtataya sa antas ng kabihasnan sa pagbabasa,

magsasagawa ng pangwakas na pagtataya ang mananaliksik dalawang

lingo pagkatapos ng pagsasagawa ng interbensiyon upang masuri ang

resulta bago magkaroon ng focus group discussion sa mga tagatugon nang

may pagsasaalang-alang sa minimum safety health protocols ng pandemya

para mabuo ang kilos saliksik na ito nang makabuluhan.

IV. Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng one-group pretest–post test

design, ang design na ito ay may layuning malaman kung ano ang epekto ng

isang interbensiyon sa isang sample.

A. Pinagmulan ng mga datos

Ang pananaliksik ay isasagawa sa Balligui High School. Ito ay

kinabibilangan ng mga mag-aaral sa Grade 7 na may populasyon na 74.

Isasagawa ang interbensiyong SALOK-DUNONG sa dalawampung (20) mag-

7
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

aaral na nasa frustration level sa pagbasa at pag-unawa. Ang mananaliksik

ay gagamit ng purposive sampling na disenyo kung saan ang mga tagatugon

ay pipiliin ayon sa pangangailangan ng saliksik.

B. Pamamaraan sa pangangalap ng mga datos

Ang pagkalap ng datos para sa pananaliksik na ito ay naisagawa at

naisakatuparan sa pamamaraan ng tatlong magkakaibang teknik pre-

implementation, implementation at post implementation; para sa

implementasyon ilan sa mga gawain ay ang mga sumusunod, paghahanda

at paggawa ng kilos saliksik proposal, paghahanda at paggawa ng pretest at

post-test, paghahanda/pagbuo ng kagamitang panlinang (Strategic

Intervention Material o SIM) para sa mga batayang kasanayan sa pagbasa at

pag-unawa, pagbuo ng banghay-aralin kung saan nakalahad ang gagamiting

interbensiyon, pagdodokumento ng suliranin at paghingi ng pahintulot sa

puno ng paaralan na isagawa ang pananaliksik maging ang pagkuha ng

rekomendasyon mula sa School Research Committee at pagsumite sa

Schools Division Research Committee ng Kilos- Saliksik Proposal.

Para sa implementasyon; pagsasagawa ng pretest upang matukoy kung

sino ang mga nasa lebel na frustration, instructional at independent,

pagtataya sa antas ng kabihasaan (mastery level) sa bawat tiyak na

kasanayan na nililinang sa mga mag-aaral at pagkompyut sa resulta ng

pretest, paggamit ng mga gawain/pagsasanay na inihanda o ang paggamit

ng interbensiyon, palagiang pagtataya sa antas ng kabihasaan (mastery

level) sa bawat tiyak na kasanayan na nililinang sa mga mag-aaral,

8
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

pagsasagawa ng post-test o pangwakas na pagtataya dalawang linggo

pagkatapos ng interbensiyon, pagkompyut sa resulta at pag-uulat sa resulta

ng posttest at pagkakaroon ng focus group discussion (FGD) mula sa mga

tagatugon, sa huling bahagi ang post implementation, ang mga sumusunod

naman ay ang mga gawain; kumpletuhin ang buong kilos saliksik, paghingi

ng rekomendasyon mula School Research Committee bago isumite and

kilos saliksik, pagsumite ng buong kilos saliksik sa Schools Division

Research Committee.

C. Isyung pag-aanalisa sa mga datos

Ang mananaliksik ay kikilos alinsunod sa etika ng

pagsasaliksik. Paghingi ng pahintulot sa mga kinauukulan bago

gawin ang saliksik at ang mga datos ay gagamitin lamang ayon sa

nilalaman ng saliksik at ito ay konpidensyal.

D. Plan for Data Analysis

Para masuri ang mga datos, ang mga sumusunod na

kagamitang pang-statistical ay magagamit.

1. Mean ang gagamitin upang malaman ang mean na scores ng mga

tagatugon bago at pagkatapos gamitin ang SALOK-DUNONG.

2. Paired samples t- test gagamitin upang malaman kung may

pagkakaiba sa mean na scores ng mga tagatugon bago at

pagkatapos gamitin ang SALOK-DUNONG.

9
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

3. Eta-squared gagamitin upang maalaman kung gaano naka-apekto

ang proyektong SALOK-DUNONG sa pagbasa at pag-unawa ng

mga mag-aaral sa baiting 7.

4. Thematic analysis gagamitin upang tukuyin kung ano ang

nagging karanasan ng mga tagatugon ukol sa paggamit ng

interbensiyon.

5. Reflective analysis gagamitin upang malaman ang mga hamong

kinaharap at naranasan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng

saliksik na ito.

10
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

V. Action Research Work Plan and Timeliness

MARCH APRIL MAY 2022 JUNE


2022 2022 2022
1 2 3 4 1 2 3 4 1 2 3 4 1 2 3 4
PRE-IMPLEMENTATION
1.Paghahanda at
paggawa ng kilos
saliksik proposal.
2.Paghahanda at
paggawa ng pretest at
post-test.
3.Paghahanda/
pagbuo ng
kagamitang panlinang
(Strategic Intervention
Material o SIM) para
sa mga batayang
kasanayan sa pagbasa
at pag-unawa.
4.Pagbuo ng banghay-
aralin kung saan
nakalahad ang
gagamiting
interbensiyon.
5. Pagdodokumento
ng suliranin at
paghingi ng
pahintulot sa pinuno
ng paaralan na
isagawa ang
pananaliksik maging
ang pagkuha ng
rekomendasyon mula
sa school research
komite bago isumite
ang kilos-saliksik
proposal.
6.Pagsumite sa
Schools Division
Research Committee
ng Kilos- Saliksik
Proposal.
IMPLEMENTATION

11
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

1.Pagsasagawa ng
pretest upang
matukoy kung sino
ang mag-aaral na
nasa lebel na
frustration,
instructional at
independent.
2. Pagtataya sa antas
ng kabihasaan
(mastery level) sa
bawat tiyak na
kasanayan na
nililinang sa mga
mag-aaral at
pagkompyut sa
resulta ng pretest.
3. Paggamit ng mga
gawain/pagsasanay
na inihanda o ang
paggamit ng
interbensiyon.
4.Palagiang pagtataya
sa antas ng
kabihasaan (mastery
level) sa bawat tiyak
na kasanayan na
nililinang sa mga
mag-aaral
5.Pagsasagawa ng
post test o pangwakas
na pagtataya
dalawang linggo
pagkatapos ng
interbensiyon.
6. Pagkompyut sa
resulta at pag-uulat
sa resulta ng post test.
7.Pagkakaroon ng
focus group discussion
mula sa mga
tagatugon.
POST – IMPLEMENTATION
1.Kumpletuhin ang
buong kilos saliksik.
2.Paghingi ng

12
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

rekomendasyon mula
School Research
Committee bago
isumite and kilos
saliksik.
3.Pagsumite ng buong
kilos saliksik sa
Schools Division
Research Committee

VI. Estimasyon ng guguguling halaga

Gawain Aytem Bilang Yunit Halaga/ Kabuuan


Yunit
Load allowance 1000

Bond paper 3 Ream 195 585

Ink 1 Set 1350 1350


Para sa
paggawa ng Folders 5 Pcs 50 50
kilos saliksik Expanded envelope 5 Pcs 15 75
proposal
20 copies pre test 20 Pcs 3 60

20 copies of SIM ( 6
sets) 120 pcs 30 3,600

Pagpapatupa
d ng Load allowance 6 session 300 1000
interbensiyon

Pagkompyut Bond paper 1 ream 195 195


at pagsumite
ng kilos Hard bound 1 set 350 350
saliksik.

Pagdissiminate
at paggamit ng Tarpaulin 1 pc 500 500
interbensiyon

GRAND TOTAL: Php


8,765.00

13
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

VII. Plano para sa pagpapamudmod at adbokasiya

Mga Pangangailangan Pet


Program Mga Detalyado sa
Stratehiya
a Gawain ng Tao Pisikal Halag
Gawain a
Upang
malinang Pagkakaro Flyers 200 Octo
ang Pagdissi on ng LAC snacks 3500 ber
kakayahan minate at session sa 202
School
at paggamit paaralan. 2
head
performance Basic ng Propo
ng mga mag- Educatio interbens nent
aaral sa n iyon All
baitang 7 sa Research
Teach
pagbasa at Program
ers
pag-unawa
gamit ng
Proyektong
SALOK-
DUNONG.

14
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

VIII. Sanggunian

Badayos, Paquito B. (1999). Metodolohiya sa pagtuturo ng wika: Simulain at


estratehiya. Makati: Grandwater Publications and Research
Corporations.

Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa


Filipino: Mga teorya, simulain, at istratehiya. Malabon: Mutya
Publishing House, Inc.

CONTEMPORARY EDUCATIONAL TECHNOLOGY, 2015, 6(4), 319-337 319:


A Case Study on Online Mathematics Teaching with Pen-based
Technology: Experiences of Two Instructors Hasan Karal Karadeniz
Technical University, Turkey Mehmet , Kokoc Karadeniz, Turkey Canan
Colak, Turkey Yasin Yalcin

Department of Education [DepEd]. (2019). Deped Order 021, s. 2019. Policy


guidelines on the k to 12 basic education program.

DepEd Order No. 39, series 2012. Policy guidelines on addressing learning
gaps and implementing a reading and writing program in secondary
schools effective school year (SY) 2012- 2013.

15
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

Pre Test/ Post Test


PART A:
Pangalan: _____________________ Seksiyon: __________ Petsa: _________

Pagganyak: Ano ang ginagawa mo sa mga basurang nasa loob ng inyong


bahay?

Basura: Isang Malaking Problema

Inihahanda na ni Kune ang mga basura tulad ng plastic, bote, garapa at mga lumang
magasin at diyaryo galing sa kabilang bahay na ipagbibili niya kay Mang Pedring na
magbobote. Napatigil siya nang matawag ang kanyang pansin ng isang Editoryal tungkol sa
Basura ng Pilipino Star Ngayon, na ipinalabas noong Nobyembre 19, 2000. Ito ang ilan sa
kanyang nabasa.
Problema ang basura sa Metro Manila ngayon at lalo pang magiging ga-bundok sa
hinaharap kung hindi kikilos ang pamahalaan. Nagbabala ang Greenpeace, isang
international campaign group, na lulubha ang problema sa basura sa Metro Manila kung
hindi gagawa ng estratehiya and pamahalaan tungkol dito. Isinusulong ng grupo ang paraan
ng recycling at composting kaysa sa tradisyonal na “dump, bury,burn”.
Sa mga nakaraan naming editorial, madalas naming sabihin na ang composting ay
isang magandang paraan para malutas ang problema sa basura. Ang dapat lamang gawin
ay katulungin ang Department of Agriculture upang maisulong ito at matiyak na
makikinabang ang mga magsasaka.
Matapos mabasa ang artiko, napaisip si Kune at tiningnan muli ang mga bagay na
ipagbibili sana niya. May ilan sa mga yun na maaari pa nilang magamit sa ibang bagay. Dali-
dali niyang ibinukod ang mga iyon at ibinalik sa loob ng kanilang bahay.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa nabasang teksto.


Literal
1. Ano ang pamagat ng tekstong inyong binasa?
2. Sino ang nagbabala tungkol sa lumulubhang problema sa basura?

16
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

3. Saang pahayagan nabasa ni Kune ang editorial


Pagpapakahulugan
4. Bakit kaya magiging malaking problema ang basura sa Metro Manila
kung hindi ito masosolusyonan?
5. Bakit kaya mas maganda ang composting at recycling kaysa sa dump,
bury, burn bilang solusyon sa pagtatapon ng basura?
Paglalapat
6. Sa paanong paraan mo kaya magagamit ang mga gulong ng sasakyan
sa ibang paraan?

PART B
Name: ________________________________________ Date: ___________
Score: _________
I. Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel o notbuk.
1. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang
tahimik niyang naibulong sa sarili. Mahihinuhang ang babaeng
tulad ni Lokes a Babay ay…

a. Magalitin b. mapagtimpi
c. masayahin d. matampuhin

2. Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na


huwag palalapitin sa kaniyang magarang tahanan ang kaniyang
asawa.
Mahihinuhang si Lokes a Babay ay…
a. mahirap pakisamahan at walang nakasusundong tao
b. naging masama na rin ang ugali dala ng kaniyang
kayamanan o salapi
c. mapaghiganti at ikinatutuwa ang kapahamakan ng iba
tulad ng kaniyang asawa

d. may itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasinghina ng


inaakala ng kaniyang asawa

3. Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabuhay sa pangangaso.


Mahihinuhang ang kanilang lugar ay….

17
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

a. nasa gubat c. nasa tabing-dagat


b. nasa lungsod d. nasa kapatagang taniman
ng palay
4. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita
aabalahin subalit huwag na huwag mo na rin akong aabalahin.

Mahihinuha sa sinabing ito ni Lokes a Babay na…


a. Ang lalaki ay siyang hari sa kanilang tahanan.
b. Ang babae ay naghahanap ng kalinga at pagmamahal sa
asawa.
c. Ang babae ay maaaring umalis kahit walang matibay na
dahilan.
d. Ang babae ay gaano man kabait, napupuno rin at
natututong ipagtanggol ang sarili.
5. Iniluto ni Lokes a Mama ang matabang usa at ito’y kaniyang
kinaing mag-isa nang hindi man lang inalok ang kaniyang
tahimik at hindi tumutol na maybahay.

Mahihinuha sa pahayag na ito na…


a. Ang babae ay hindi hinayaang kumain ayon sa paniniwala.
b. Ang lalaki ay siyang tagapagluto at tagapamahala sa
kusina.
c. Ang babae ay kailangan munang may mahuli ring hayop
bago
d. Ang lalaki ay pinuno o lider ng sambahayan kaya’t mas
nagawa niya ang nais kaysa babae.

6. “Mayaman na ako! Mayaman na ako!” Mahihinuhang ang


pahayag na ito ay…
a. naiiyak c. nagtataka
b. nalulungkot d. natutuwa
7. Ang tinutukoy na isang mangangaso ay...
a. mag-ama c. mag-ina

18
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

b. mag-asawa d. magkapatid
8. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin.” Mahihinuhang
ang pahayag na ito ay…

a. maluhain c. nahihirapan
b. matiisin d. sumusuko
9. Ano ang maraming naipon ni Lokes a Babay na walang kamalay-
malay si Lokes a Mama?

a. ari-arian c. perlas
b. diyamante d. salapi
10. Hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso maging
ang asawa niyang si Lokes a Babay ay nangangaso rin.
Mahihinuhang ang pahayag na ito ay...

a. pantay-pantay ang responsibilidad


b. masagana ang buhay ng mag-asawa
c. naghihirap ang mag-asawa
d. pansariling pagsusumikap
11. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng mga ebidensiyang
nakasulat, nakalarawan o naka-video?

a. Nagpapahiwatig c.Dokumentaryong ebidensiya


b. Nagpapakita d.Nagpapatunay Katunayan
12. Mga salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa
ipinapahayag.

a. Kapani-paniwala
b. Pinatunayan ng mga detalye
c. Nagpapatunay / Katunayan
d.Dokumentaryong edidensiya

19
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

13. Tumutukoy sa hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo na


mga ebidensiya.

a. Nagpapahiwatig
b. Kapani-paniwala
c. Pinatutunayan ng mga detalye
d. Nagpapakita
14. Isang pahayag ng pagbibigay ng patunay na kung saan makikita
mula sa mga detalye ang mga patunay.

a. Pinatutunayan ng mga detalye


b. Dokumentaryong ebidensiya
c. Taglay ang matibay na kongklusyon
d. Nagpapakita
15. Isang katunayang pinalalakas ang ebidensiya o impormasyon at
totoo ang kongklusyon.

a. Pinatutunayan ng mga detalye


b. Kapani-paniwala
c. Taglay ang matibay na kongklusyon
d. Nagpapakita

20
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

21
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

22
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

23
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

24
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

25
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

26
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

27
Republic Of The Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
BALLIGUI HIGH SCHOOL

28

You might also like