You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region X
Division of Cagayan de Oro City
LEGISLATIVE DISTRICT I
MAMBUAYA NATIONAL HIGH SCHOOL
Mambuaya, Cagayan de Oro City

IKALAWANG MARKAHAN
FILIPINO GRADE 7
Test I. Panuto: Basahin ang bawat tanong o pahayag at mula sa mga opsyon, piliin ang wastong sagot at isulat sa
sagutang papel.
1.Ang pulo na ito ay may sukat na 104,688 kilometro kwadrado na pinakamalaking at pinakamahalagang pulo ng
bansa.
a. Luzon c. Mindanao
b. Visayas d. Pilipinas
2.Isa ito sa lungsod sa pulo ng Luzon na tinatayang may pinakamaraming populasyon na naninirahan.
a. Cebu c. Quezon City
b. Manila d. Quiapo
3.Makikita rin sa Luzon ang pinakatanyag na bulkan sa buong mundo.
a. Bulkang Taal c. Bulkang Pulag
b. Bulkang Apo d. Bulkang Mayon
4.Nahahati ang pulo ng Luzon sa ____ rehiyon at 38 na lalawigan.
a. 10 c. 12
b. 8 d. 6
5. Ito ang kabisera ng bansa dahil ito ang sentro ng kalakalan sa ating bansa.
a. Cebu c. Quezon City
b. Manila d. Quiapo
6.”Ang panitikan ay talaan ng buhay ang literatura sapagkat dito naisisiwalat ng tao ang malikhaing paraan; ang kulay
ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap, ayon kay
__________.”
a. Webster c. Dr. Jose P. Rizal
b. Dr. Paquito B. Badayos d. Arrogante
7.Ito ay uri ng panitikan na kung saan ang lahat ng mga kwento ay naipasa-pasa sa iba’t-ibang henerasyon sa
pamamagitan ng pasalita na pagkukwento mula sa isang tao patungo sa ibang tao.
a. Pagbabasa c. Pasalin-dila
b. Pasulat d. Pagsasalita
8.Nalalaman at nauunawaan natin ang ibang-ibang uri ng panitikan sa pamamagitan ng mga nababasa natin sa mga
aklat na naisatitik ng mga manunulat ang iba’t-ibang kwento na sumasalamin sa mga totoong nangyari at naganap sa
totoong buhay o di kaya’y mula sa malikhaing imahinasyon ng isang manunulat.
a. Pagbabasa c. Pasalin-dila
b. Pasulat d. Pagsasalita
9.Ang mga Nobela, Maikling Kwento, Dula, Talambuhay, Talumpati, Sanaysay at Balita ay isa sa mga halimbawa ng
akdang _______ bilang anyo ng panitikan.
a. Akdang Tuluyan o Prosa c. Akdang Pasulat
b.Akdang Tuluyan d. Akdang Pasalin
10.Ang mga ito naman ay nabibilang sa akdang ___________ katulad ng Tulang Pasalaysay, Epiko, Awit at Korido,
Awiting Bayan, Tulang Padula o Dramatiko at Tulang Patnigan.
a. Akdang Tuluyan o Prosa c. Akdang Pasulat
b.Akdang Tuluyan d. Akdang Pasalin
11.Ayon naman kay ______________, “Ang panitikan ay kalipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa
pamamagitan ng malikhain pagpapapahayag, aestetikong anyo at pandaigdigang kaisipan.”
a. Webster c. Dr. Jose P. Rizal
b. Dr. Paquito B. Badayos d. Arrogante
12.Isa sa mga Uri ng Panitikan.
a. Pagbasa c. Pagdinig
b. Pasalin d. Pasulat
13.Isa sa mga Anyo ng Panitikan.
a. Akdang Tuluyan o Prosa c. Akdang Pasulat
b.Akdang Pabasa d. Akdang Pasalin
14.Siya ang nagpakilala ng Tugmang de Gulong na nabibilang rin sa panitikan ng Pilipinas na kung saan layunin nito na
tulungang maitaas ang antas ng panitikan at upang maibahagi ng pasalin-dilang panitikan na maaring nasa anyo ng salawikain ,
maikling tula o kasabihan.
a. Webster c. Dr. Jose P. Rizal
b. Dr. Paquito B. Badayos d. Arrogante
15. Ang bugtong ay naibahagi ni ____________, sa isang diurnal para sa Panitikan ng Silangang Asya habang siya’y naninirahan
sa London.
a. Webster c. Dr. Jose P. Rizal
b. Dr. Paquito B. Badayos d. Arrogante
16.Ito ay nagsimula pa bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa upang libangin ang mga taong nagtitipon sa tuwing
may lamay, gabi, kaarawan o may kasiyahan nagaganap.
a. Tulang Panudyo c. Tulang Tugma
b. Tugmang de Gulong d. Bugtong
17. Ito ay paalala na maari nating makikita at mababasa sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep, bus at tricycle.
a. Tulang Panudyo c. Tulang Tugma
b. Tugmang de Gulong d. Bugtong
18.Ito ay pumapaksa sa pag-ibig, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan, pamimighati o pangangamba o maaring ginawa upang
maging panukso sa kapwa.
a. Tulang Panudyo c. Tulang Tugma
b. Tugmang de Gulong d. Bugtong
19.Ito ay binubuo ng isang pangungusap o dalawa na tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan.
a. Tulang Panudyo c. Tulang Tugma
b. Tugmang de Gulong d. Bugtong

Test II. Panuto: Basahin ang bawat tanong o pahayag at mula sa mga opsyon, piliin ang wastong sagot at isulat sa
sagutang papel.

Niyog Plantsa Aso Kalendaryo


Mata Pito Mais
Bahaghari Bubuyog Papel Mangga
Itlog Kampana Daliri
Gunting Kidlat Pako Kandila

20. Limang magkakapatid 25. Hindi hayop, hindi tao 30. Heto na si kaka
Laging kabit-kabit. May buhok. Bubuka-bukaka.
21. Mabilog na daigdig 26. Hinila ko ang baging 31. Walang binta at pint0
Ang laman ay tubig. Sumigaw ang matsing Ang bahay ni Bino.
22. Heto na si Lelong 27. Dalawang batong maitim 32. Apoy na iginuhit
Bubulong- bulong. Kay layong mararating. Isinulat sa langit.
23. Ang palda ng reyna 28. Nang utusan ko si Pedro 33. Nagtago si Pedro
Ang kulay ay iba-iba Palaging mainit ang ulo. Labas ang ulo.
24. Araw-araw namamatay 29. Mataas kung naka upo 34. Maliit na instrumento
Taon-taon nabubuhay Mababa kung nakatayo. Malayo’y dinig mo.

Test III. Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa
wakas ng kwento. Isulat ang bilang 1-6 sa bawat patlang ng bawat pahayag.

Kung Bakit Dinadakit ng Kawin ang mga Sisiw


(Kwentong Bayan)
______ 35. Pagkagising ni Inahing Manok nang umagang iyon ay napapansin niyang nawawala ang hiniram niyang singsing kay
Lawin. Natakot siya kaya hanap siya nang hanap. Hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa ni Inahing Manok.
Ngunit hindi niya akita ang singsing ni Lawin.
______ 36. Kinabukasan, maraming bisita si Tandang. Masaya ang pista. Nagsayawan sila haggang sa antukin na si Inahing
Manok.

______ 37. Namatay na si Inahing Manok at si Lawin ngunit magkagalit pa rin ang humaliling mga Inahing Manok at Lawin.
Magmula noon hanggang sa kasalukuyan ay di pa nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ng Lawin ang mga sisiw ni
Inahing Manok.

______ 38. Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkakapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita nila ang lawin na lumilipad
pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan ang inahing manok na anyong lalaban sa lawin. Agad nilang
ipinalaalam sa kanilang Lolo at Lola ang nangyari at kinuwentuhan sila sa nangyari.

______ 39. Nagalit si Lawin sa pagkawala ng kanyang singsing. At sinabi niya kay Inahing Manok na kapag hindi nakita ang
singsing ay kukunin at kanyang dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.Araw-araw ay naghahanap si Inahing
Manok at tinulungan pa ng iba pang Inahing Manok upang hindi dagitin ni Lawin ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila ito
makita hanggang tuluyan nang magkagalit si Lawin at si Inahing Manok.

______ 40. Noong araw, magkaibigan si Inahing manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing si Inahing Manok kay Lawin
upang gamitin niya sa pista sa kabilang nayon na narororon si Tandang na kanyang iniibig.Ingatan mong mabuti ang singsing ko,
Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat bigay pa iyan sa akin ng aking ina.

Ang Alamat ng Liliw


(Alamat)

______ 41. Lahat sila ay nagmatyag sa tuktok ng kawayan. Hinihintay nila kung ano ang unang ibon ang dadapo sa tuktok ng
kawayan. Ilang sandali, isang Lawin ang dumapo. Malungkot ang mga tao, dahil malas daw ang ibon na Lawin. Hindi sila
makakapayag na iyon ang itawaga sa bayan nila.
______ 42. Maingat na pinag-aralan ni Gat Tayao ang mga pangalan. Ang nasa isip kasi ni Gat Tayao ay may mga relasyon sa
mga ibong makikita roon ang maging pangalan ng kanilang bayan.
______ 43. Nakinig si Gat Tayao sa hinaing ng mga tao. Ipinalipat niya ang kawyan sa ibang lugar. Muli silang naghintay.
______ 44. Ang bayan ng Liliw ay naitatag noong 1571. Ito ay pinamumunuan ni Gat Tayao. Hindi alam ng mga tao kung ano
ang itatawag nila sa kanilang bayan. Nagpatawag si Gat Tayao ng pagpupulong para sa pangalan ng kanilang bayan. Nagbigay ng
suhestyon ang mga dumalo na maaring itawag sa kanilang bayan.
______ 45. Hindi naglaon ang bayan nila ay tinawag na Liliw.
______ 46. Ilang saglit ay may isang masayang ibon na dumapo roon. Umawit din ito. “Liw-iw-iw-liw!” namangha ang mga tao
maging sai Gat Tayao sa narinig na awit. Hindi nila alam ang pangalan ng maliit na ibon kaya lahat sila ay nagkaisa sa kunin ang
pangalan ng bayan nila mula sa himig na inawit ng ibon. Ito ay Liw-iw-iw-liw.
______ 47. Nagpakuha siya ng mahabang kawayan. “Itayo ang mahabang kawayan. Kung ano ang unang ibon na dadapo sa
tuktok ng kawayan ay iyon ang itatawag natin sa ating bayan, sabi ni Gat Tayao.”

Test IV. Panuto: Ibigay ang sumusunod na kasagutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

48. Ano ang Alamat?

49.Ano ang Kwentong Bayan?

50. Ano ang Mito?

“Hindi ko man nakikita ang lahat ng iyong ginngawa at tinitingnan,


Nandyan naman palagi ang Diyos, na sa iyo’y palaging nakabantay!” 

Inihanda ni:
MA. JOY E. BALAROTE
Guro sa Filipino 7

You might also like