You are on page 1of 7

Elpidio Quirino High Baitang

Paaralan: 9
School /Antas:

Guro: Eric P.Valeriano

April 18, 2022

(9-Dignity 4:00-5:00)
PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA
PAGTUTURO sa April 19, 2022

Edukasyon sa Pagpapakatao (9-Excellence 7:30-8:30;


Petsa/Oras: Markahan: Ikatlo
9-Amity 1:00-2:00)

April 21, 2022

9-Benevolence 2:00-3:00)

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga pansariling salik sa pagpili
Pangnilalaman ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay

B. Pamantayan sa Pagganap Nagtatakda ang mag- aaral ng sariling tunguhin pagkatapos ng haiskul na
naaayon sa taglay na mga talento, pagpapahalaga, tunguhin at katayuang
ekonomiya.

C. Mga Kasanayan sa Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula
Pagkatuto Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o Negosyo EsP9PK-IVa-13.1
(Isulat ang code ng bawat
kasanayan)

Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang


mapaunlad ang kanyang talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig, mithiin,
lokal at global na demand EsP9PK-IVa-13.2

II. NILALAMAN Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-
Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

III. KAGAMITANG
PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay sa Pagtuturo pahina 123-130
Guro

2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-mag-
aaral

3. Mga pahina sa teksbuk Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Teksbuk ng Mag-aaral pahina 236-262

4. Karagdagang Kagamitan Embarking on a Journey Of Self-Awareness Module 1 Career Guidance Program


mula sa portal ng (August 2015)
Learning Resource

Examining the Destinations Module 2 Career Guidance Program (August 2015)

(Modules downloaded from Deped CGPS Portal)

B. Iba pang Kagamitang Canva Presentation, Youtube Videos, Pictures from Google, Google Meet Google
Panturo Classroom

"We Can Be Anything Lyrics." Lyricsfreak. 2012. Web. 1 Aug. 2015

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang THUMBS UP o THUMBS DOWN


aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Mag react ng 👍kung ito ay
nagpapahayag ng tamang pahayag at 👎 kung ang pahayag ay mali.

1. Sa pagkakaroon ng malinaw na tunguhin, prayoritisasyon, at iskedyul sa


paggawa ng mga gawain, mahahabaan mo ang paggamit ng oras. 👎

2. Sa mga balakid at problema na susuungin ay hindi dapat panghinaan ng


loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at maging matatag. 👍

3. Hindi bahagi ng buhay ng tao ang mga pagsubok at problema sa pagkamit


ng itinakdang mithiin. 👎

4. Ang katamaran o pagkabatugan ay pumipigil sa tao upang maging


matagumpay sa gawain at sa pagkamit ng mithiin sa buhay. 👍

5. Ang maingat na pamamahala sa paggamit ng oras ay kailangan sa


pansariling gawain at hindi sa tungkulin natin sa bansa. 👎

B. Paghahabi sa layunin ng K to 12 READY KA NA BA?


aralin (Pagganyak) Panuto: Magkakaroon ng Mini-Game Show sa klase. Ang mga mag-aaral ay
magsasagot sa mga katanungan upang malaman ang kanilang prior knowledge
ukol sa K to 12. Ang mag-aaral na nakakuha ng may pinakamaraming puntos
ang siyang mananalo.
Mga Tanong:
1. Ilang taon ang idinagdag sa High School dahil sa Senior High School Program?
2. Ano ang tawag sa mga nakapagtapos ng Grade 10 ngunit hindi nakapagneroll
sa Senior High School?
3. Mayroong apat na Senior High School Track na pwede mong pagpilian.
Magbigay ng dalawa gamit ang kumpletong pangalan nito.
4. Magkano ang babayarang tuition fee kapag nag-enroll ng Senior High School sa
mga pampublikong paaralan?
5. Bakit mandatory o required ang Senior High School para sa lahat ng Pilipinong
mag-aaral?

Mga Sagot
1. Dalawa
2. Grade 10 Completer
3. Academic Track, Technical-Vocational and Livelihood Track, Sports Track, Arts
and Design Track
4. Walang babayaran dahil ito ay libre
5. Ito ay batas na pinirmahan ng Pangulo ng Pilipinas at ito ay naisabatas na.

Gabay na tanong:
1. Masasabi mo bang handa ka na sa Senior High School? Bakit?
Mula sa mga tanong at sagot sa ating gawain, ano sa palagay nyo ang ating
tatalakayin sa linggong ito?

C. Pag-uugnay ng mga WE CAN DO ANYTHING


halimbawa sa bagong
aralin (Activity) Pagsusuri Mga Tanong Bago Pakinggan ang Awitin:

Naalala mo pa ba ang mga natukoy mong kursong akademiko, teknikal-


bokasyonal noong ikaw ay nasa Baitang 7 pa lamang? Ano-ano ang mga ito?
Mula sa pagbabalik-tanaw mo, dalawang taon mula ngayon, may pagbabago kaya
sa iyong talento, kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga, katayuang pinansyal at
mithiin? Gayundin sa nais kong kuning kurso sa pagtuntong ko sa Senior High
School?

Upang matulungan ka
sa iyong pagbabalik-
tanaw, pakinggan natin
ang awiting “We Can Do
Anything” ni Apl De Ap.
Mga gabay na tanong:

1. Mula sa awiting iyong napakinggan, nakatulong bai to sa iyong pagbabalik-


tanaw?

2. Ano-anong pagbabago sa talento, kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga,


katayuang pinansyal at mithiin noong ako ay nasa Baitang 7?

3. Nagbago ba o hindi ang kursong kukunin ko noong nasa Baitang 7 ako?


Ipaliwanag.

4. Sa pagbabago ng mga ito, ano ang kursong plano kong kunin sa Senior High
School?

D. Pagtalakay ng bagong Mga Konseptong Tatalakayin


konsepto at paglalahad a. Pagsusuring Pansarili (Self-Assessment)
ng bagong kasanayan
b. Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Karera
 Talento
 Pagpapahalaga
 Kasanayan
 Hilig
 Mithiin

c. Layunin ng Pagpili ng Tamang Track o Kurso sa Senior High School

E. Paglalahat ng Aralin Pagkatapos ng talakayan ay itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral:

1. Ano-ano ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong Akademiko o

Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay sa pagtuntong mo


ng Senior High (Baitang 11-12)?

2. Bakit mahalaga ang mga pansariling salik na ito sa pagpili mo ng iyong kurso at

hanapbuhay?

3. . Bilang kabataan, anong mga hamon ang iyong hinaharap sa kasalukuyan


(Baitang 10) na may kaugnayan sa iyong pagsasaalang-alang sa pipiliing kurso o
hanapbuhay (akademiko o teknikal-bokasyonal)?
F. Batayang Konsepto Punan ang graphic organizer upang buuin ang mahalagang konsepto sa araling

ito

Ang pagiging tugma ng mga pansariling salik sa mga pangangailangan


(requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining
at isports, negosyo o hanapbuhay ay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging
produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

G. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng
wastong diwa. Isulat kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.

1. Ang pagsusuring pansarili ay binubuo ng pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili.


TAMA

2. Ang pagsusuring pansarili ang huling hakbang sa pagpaplano sa iyong kukuning


kurso. MALI

3. Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng track o kurso. TAMA

4. Nahuhubog lamang ng tao ang kanyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa


kaniyang sarili. MALI

5. Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibabalik


mo sa Diyos kung ano ang meron ka bilang tao. TAMA
H. TAKDA Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Maaaring itype sa MS WORD, GOOGLE
DOCS o SULATING PAPEL (Ipasa sa pamamagitan ng Pag Turn- In sa Google
Classroom o Pagpasa sa Messenger)

1. Mula sa mga natalakay na naunang mga salik na pinagbatayan mo sa


pagpili, anong kurso (akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at isports)
ang nasa isip mo ngayon?

2. Angkop ba ito sa iyong kakayahan sa pag-abot ng mga mithiin ayon sa


itinakda mong panahon?

3. Alin sa mga itinakda mong mithiin ang pangmadalian (short-term) at

pangmatagalan (long-term)?

4. Positibo ka bang ito ay matutupad ayon sa itinakda mong panahon na


mangyari ito? Kung hindi, anong alternatibo o iba pang paraan ang naiisip
mo?

5. Sino-sino ang mga posibleng tao na maaari mong malapitan na higit na

makatutulong sa pag-abot mo ng iyong mithiin?

V. MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY -

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation na nakakuha
ng mababa sa 80%

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation

E. Alin sa mga isratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na
matutulungan ako ng
punong guro at
superbisor?

G. Anong bagong
kagamitang panturo ang
aking ginamit na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

________________________
ERIC P. VALERIANO
GURO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Iwinasto ni:

____________________________
MYRNA F. CANINO
MASTER TEACHER I/OIC EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Binigyang Pansin:

____________________________
DANTE A. FELIZARDO Ed.D
PRINCIPAL

You might also like