You are on page 1of 10

Elpidio Quirino High Baitang

Paaralan: 9
School /Antas:

Guro: Eric P.Valeriano


PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA
PAGTUTURO sa April 19, 2022

Edukasyon sa Pagpapakatao 9-Excellence


Petsa/Oras: Markahan: Ikatlo
7:30-8:30

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga pansariling salik sa pagpili
Pangnilalaman ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay

B. Pamantayan sa Pagganap Nagtatakda ang mag- aaral ng sariling tunguhin pagkatapos ng haiskul na
naaayon sa taglay na mga talento, pagpapahalaga, tunguhin at katayuang
ekonomiya.

C. Mga Kasanayan sa Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula
Pagkatuto Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o Negosyo EsP9PK-IVa-13.1
(Isulat ang code ng bawat
kasanayan)

Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang


mapaunlad ang kanyang talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig, mithiin,
lokal at global na demand EsP9PK-IVa-13.2

II. NILALAMAN Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-
Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

III. KAGAMITANG
PANTURO

A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay sa Pagtuturo pahina 123-130


Guro

2. Mga pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Teksbuk ng Mag-aaral pahina 236-262


Kagamitang Pang-mag-
aaral
3. Mga pahina sa teksbuk Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Teksbuk ng Mag-aaral pahina 236-262

4. Karagdagang Kagamitan Embarking on a Journey Of Self-Awareness Module 1 Career Guidance Program


mula sa portal ng (August 2015)
Learning Resource

Examining the Destinations Module 2 Career Guidance Program (August 2015)

(Modules downloaded from Deped CGPS Portal)

B. Iba pang Kagamitang Canva Presentation, Youtube Videos, Pictures from Google, Google Meet Google
Panturo Classroom

"We Can Be Anything Lyrics." Lyricsfreak. 2012. Web. 1 Aug. 2015

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang THUMBS UP o THUMBS DOWN


aralin at/o pagsisimula ng
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Mag react ng 👍kung ito ay
bagong aralin
nagpapahayag ng tamang pahayag at 👎 kung ang pahayag ay mali.

1. Sa pagkakaroon ng malinaw na tunguhin, prayoritisasyon, at iskedyul sa


paggawa ng mga gawain, mahahabaan mo ang paggamit ng oras. 👎

2. Sa mga balakid at problema na susuungin ay hindi dapat panghinaan ng


loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at maging matatag. 👍

3. Ang maingat na pamamahala sa paggamit ng oras ay kailangan sa


pansariling gawain at hindi sa tungkulin natin sa bansa. 👎

4. Hindi bahagi ng buhay ng tao ang mga pagsubok at problema sa pagkamit


ng itinakdang mithiin. 👎

5. Ang katamaran o pagkabatugan ay pumipigil sa tao upang maging


matagumpay sa gawain at sa pagkamit ng mithiin sa buhay. 👍

B. Paghahabi sa layunin ng K to 12 READY KA NA BA?


aralin (Pagganyak) Panuto: Magkakaroon ng Mini-Game Show sa klase. Ang mga mag-aaral ay
magsasagot sa mga katanungan upang malaman ang kanilang prior knowledge
ukol sa K to 12. Ang mag-aaral na nakakuha ng may pinakamaraming puntos
ang siyang mananalo.
Mga Tanong:
1. Ilang taon ang idinagdag sa High School dahil sa Senior High School Program?
2. Ano ang tawag sa mga nakapagtapos ng Grade 10 ngunit hindi nakapagneroll
sa Senior High School?
3. Mayroong apat na Senior High School Track na pwede mong pagpilian.
Magbigay ng dalawa gamit ang kumpletong pangalan nito.
4. Magkano ang babayarang tuition fee kapag nag-enroll ng Senior High School sa
mga pampublikong paaralan?
5. Bakit mandatory o required ang Senior High School para sa lahat ng Pilipinong
mag-aaral?

Mga Sagot
1. Dalawa
2. Grade 10 Completer
3. Academic Track, Technical-Vocational and Livelihood Track, Sports Track, Arts
and Design Track
4. Walang babayaran dahil ito ay libre
5. Ito ay batas na pinirmahan ng Pangulo ng Pilipinas at ito ay naisabatas na.

Gabay na tanong:
1. Masasabi mo bang handa ka na sa Senior High School? Bakit?
2. Mula sa mga tanong at sagot sa ating gawain, ano sa palagay nyo ang ating
tatalakayin sa linggong ito?

C. Pag-uugnay ng mga WE CAN DO ANYTHING


halimbawa sa bagong
aralin (Activity) Pagsusuri Mga Tanong Bago Pakinggan ang Awitin:

Naalala mo pa ba ang mga natukoy mong kursong akademiko, teknikal-


bokasyonal noong ikaw ay
nasa Baitang 7 pa
lamang? Ano-ano ang mga
ito? Mula sa pagbabalik-
tanaw mo, dalawang taon
mula ngayon, may
pagbabago kaya sa iyong
talento, kasanayan
(skills), hilig, pagpapahalaga,
katayuang pinansyal at mithiin? Gayundin sa nais kong kuning kurso sa
pagtuntong ko sa Senior High School?

Upang matulungan ka sa iyong pagbabalik-tanaw, pakinggan natin ang awiting


“We Can Do Anything” ni Apl De Ap.
Mga gabay na tanong:

1. Mula sa awiting iyong napakinggan, nakatulong ba ito sa iyong pagbabalik-


tanaw?

2. Ano-anong pagbabago sa talento, kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga,


katayuang pinansyal at mithiin noong ako ay nasa Baitang 7?

3. Nagbago ba o hindi ang kursong kukunin ko noong nasa Baitang 7 ako?


Ipaliwanag.

4. Sa pagbabago ng mga ito, ano ang kursong plano kong kunin sa Senior High
School?

D. Pagtalakay ng bagong Mga Konseptong Tatalakayin (Sa talakayan, ang guro ay gagamit ng
konsepto at paglalahad pinaghalong constructivism at existensialism sa pagtuturo ng mga
ng bagong kasanayan konsepto)

INTEGRATION ACROSS THE CURRICULUM: 8 LEARNING AREAS


a. Pagsusuring Pansarili (Self-Assessment)
 Ito ang unang hakbang sa pagpaplano sa iyong kukuning kurso.
 Maaari itong gamiting batayan upang malaman kung ikaw ay nasa
tama at angkop na kurso o trabaho.
b. Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Karera
 Talento - Ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang
kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng
tamang track o kurso.

INTEGRATION (MULTIPLE INTELLIGENCES BY HOWARD GARDNER)

 Kasanayan - Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay ang nmga bagay


kung saan tayo mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa
salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency).
(ANG INTEGRATIONS SA PARTE NG TALAKAYAN NA ITO AY ANG IBA’T
IBANG SKILLS MULA SA 8 LEARNING AREAS)

a.
Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills)

b. Kasanayan
sa mga Datos (Data Skills)

c. Kasanayan sa mga bagay-bagay (Things Skills)

d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)


 Hilig (Interest) - Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na
nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang
lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot.

INTEGRATION – INVENTORY INTEREST CHECKLIST NI JOHN HOLLAND

 Pagpapahalaga(Values) – ito ay tumutukoy sa mga bagay na ating


binigyang halaga. Ang mga ipinamalas na pagsisikap na abutin ang mga
ninanais sa buhay at makapaglingkod ng may pagmamahal sa bayan
bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
 Mithiin (Goals) - Ito ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na
pahayag ng misyon sa buhay. Kung ngayon pa lamang sa mura mong
edad ay matutuhan mong bumuo ng iyong personal na misyon sa
buhay, hindi malabong makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa
iyong hinaharap.

Layunin ng Pagpili ng Tamang Track o Kurso sa Senior High School


• Pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay.
• Taglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa.
• Masiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain.

E. Paglalahat ng Aralin Pagkatapos ng talakayan ay itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral: (Ang
guro ay gagamit ng EXISTENSIALISM at CONSTRUCTIVISM sa stratehiya ng
pagtatanong)

1. Ano-ano ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong Akademiko o

Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay sa pagtuntong mo


ng Senior High (Baitang 11-12)? (CONSTRUCTIVISM)

2. Bakit mahalaga ang mga pansariling salik na ito sa pagpili mo ng iyong kurso at

hanapbuhay? Ano ang nakikita mo sa sarili mo 5 taon mula ngayon?


(CONSTRUCTIVISM/EXISTENSIALISM)

3. Bilang kabataan, anong mga hamon ang iyong hinaharap sa kasalukuyan


(Baitang 10) na may kaugnayan sa iyong pagsasaalang-alang sa pipiliing kurso o
hanapbuhay (akademiko o teknikal-bokasyonal)? (EXISTENSIALISM)
F. Batayang Konsepto Punan ang graphic organizer upang buuin ang mahalagang konsepto sa araling

ito.

Ang pagiging tugma ng mga pansariling salik sa mga pangangailangan


(requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining
at isports, negosyo o hanapbuhay ay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging
produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

G. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng
wastong diwa. Isulat kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.

1. Ang pagsusuring pansarili ay binubuo ng pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili.


TAMA

2. Ang pagsusuring pansarili ang huling hakbang sa pagpaplano sa iyong kukuning


kurso. MALI

3. Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng track o kurso. TAMA

4. Nahuhubog lamang ng tao ang kanyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa


kaniyang sarili. MALI

5. Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibabalik


mo sa Diyos kung ano ang meron ka bilang tao. TAMA

H. TAKDA Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Maaaring itype sa MS WORD, GOOGLE
DOCS o SULATING PAPEL (Ipasa sa pamamagitan ng Pag Turn- In sa Google
Classroom o Pagpasa sa Messenger)

1. Mula sa mga natalakay na naunang mga salik na pinagbatayan mo sa


pagpili, anong kurso (akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at isports)
ang nasa isip mo ngayon?

2. Angkop ba ito sa iyong kakayahan sa pag-abot ng mga mithiin ayon sa


itinakda mong panahon?

3. Alin sa mga itinakda mong mithiin ang pangmadalian (short-term) at

pangmatagalan (long-term)?

4. Positibo ka bang ito ay matutupad ayon sa itinakda mong panahon na


mangyari ito? Kung hindi, anong alternatibo o iba pang paraan ang naiisip
mo?

5. Sino-sino ang mga posibleng tao na maaari mong malapitan na higit na

makatutulong sa pag-abot mo ng iyong mithiin?

V. MGA TALA (Remarks) Ang guro ay gumamit ng startehiyang Constructivism at Existensialism principle
of Learning sa talakayan at pagtatanong. Ang constructivim ay tutulong sa mga
mag-aaral upang sila mismo ang makadiskubre at maunawaan ang mga bagong
konsepto ng aralin. Ang existensialism naman ay ginamit ng guro upang
matulungan ang mag-aaral na suriin ang kanilang mga sarili tungo sa pagpili ng
kanilang tamang kurso sa Senior High School at maunaawaan ang mga
consequences kapag hindi isinaalang-alang ng mabuti ang mga choices nila sa
buhay.

Gumamit din ang guro ng iba’t ibang integrasyon sa ibang curriculum upang
mapalawak at masuri ng mga mag-aaral ang kanilang gagawing pagpili sa
kanilang magiging kurso sa Senior High School

Ang pre-conference bago ang Classroom Observation kasama ang Master


Teacher ay nakatulong ng malaki upang maexecute ng mabuti ang classroom
observation dahil sa mga puna at suhestiyon na pwedeng magamit at mas
mapaganda pa ang gagawing pakitang-turo.

VI. PAGNINILAY -

A. Bilang ng mag-aaral na Lahat ng mga mag-aaral na nasa online class ay nakakuha ng 80% sa pagtataya.
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na Walang mag-aaral ang nangangailangan ng remediation na nakakuha ng mababa


nangangailangan ng iba sa 80%
pang gawain para sa
remediation na nakakuha
ng mababa sa 80% Ang guro ay magbibigay ng remediation para sa mga lumiban at mahina ang
internet connection.

C. Nakatulong ba ang Lahat ng mga mag-aaral ay nakaunawa sa aralin. Ang mga batang lumiban
remedial? Bilang ng mag- binigyan ng remedial sa pamamagitan ng
aaral na nakaunawa sa
aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral Ang mga modular students at mga batang mahihina ang internet connection ay
na magpapatuloy sa bibigyan ng agagrang remediation sa pamamagitan ng asynchronous class at
remediation follow up.

E. Alin sa mga isratehiyang Ang pagkakaroon ng komportableng atmospera sa pamamagitan ng


pagtuturo ang nakatulong pangungumusta sa mga mag-aaral at pag-eencourage sa mga bata, sa
ng lubos? Paano ito pagpaparamdam na sila ay “BELONG” sa klase at pagrespeto sa kanilang
nakatulong? individual uniqueness, diversity at well-being ay nakaktulong upang ang mga
mag-aaral ay maging komportable at makaramdam ng seguridad, ay
napakaepektibo upang ang mga bata ay matuto.

Ang paraan at uri ng pagtatanong ay napakahalaga. Ang guro ay gumamit ng


constructivist at existentialist na uri ng pagtatanong upang mas maging epektibo
ang talakayan. Ang constructivist questions ay upang sila mismo ang
makadiskubre at matuto sa sarili nilang pag-iisip, mula sa simple hanggang sa
pinakamataas na uri ng pagtatanong.

Ang existentialist na uri ng pagtatanong ay upang mas makilala pa nila ang sarili
nila at malaman nila ang halaga ng bawat choices nila sa kanilang buhay at mga
consequences na kaakibat nito. Lalo pa at ang topic ay sa pagpili ng kanilang
kurso. Kaya kailangan talaga ng ganitong uri ng pagtatanong.

Malaki ang naitutulong ng mga philosophical ways of learning dahil ito ay mas
magiging epektibo at mas matuto ang mga mag-aaral.

F. Anong suliranin ang aking Ang guro ay may kahinaan sa pagiisip ng pagganyak. Ang suhestiyon na ibibigay
naranasan na ng Master Teacher a magisip ng maikli ngunit makakpukaw talaga ng atensyon ng
matutulungan ako ng mga bata at ito ay magiging springboard ng lesson.
punong guro at
superbisor?
Ganun din sa pagtataya ang guro ay binigyan ng solusyon upang mas maging
transparent ang pagbibigay ng sagot.

Sa pagcheck ng attendance mahalaga din daw ang before and after na pagkuha
ng attendance. Ang gagawin ng guro ay magkakaroon ng screenshot pagkatapos
iulat ang bilang ng mga mag-aaral ng pangulo ng klase. Napatunayan din na
epektibo ang Goggle Chrome Meet List dahil mula ng 1 st quarter, ang screenshot
nito ay pinopost sag c ng mga magulang at wala naman naging problema.
Nakikita pa dito ang mga late at kung ilang ors lang sila namalagi sa loob ng
online class.

G. Anong bagong Paggamit ng canva for education at paglalagay ng mga techniques upang mas
kagamitang panturo ang maging epektibo ang klase gaya ng paggamit ng emoji na uso ngayon.
aking ginamit na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro? Magresearch at unawain muli ang mga Principles of Teaching and Learning at ito
ay gamitin sa pagtuturo at paraan ng pagtatanong.

Inihanda ni:

________________________
ERIC P. VALERIANO
GURO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Iwinasto ni:

____________________________
MYRNA F. CANINO
MASTER TEACHER I/OIC EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Binigyang Pansin:

____________________________
DANTE A. FELIZARDO Ed.D
PRINCIPAL

You might also like