You are on page 1of 5

TARLAC STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF EDUCATION
CENTER OF DEVELOPMENT IN TEACHER
EDUCATION
Lucinda Campus
Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 982-0110
Re-accredited Level IV by the Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the
Philippines (AACUP), Inc.

SEMI- DETAILED LESSON PLAN SA EDUKASYON SA


PAGPAPAKATAO 6

Name : BARLET, ROAN CYRINNE P.


Section : BEED 4-A

I. LAYUNIN:

A. Natutukoy ang kahalagahan ng kalidad na gawain.

B. Nakabubuo ng desisyong makatutulong upang magkaroon ng isang kalidad na


produkto.

C. Naipagmamalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa pamantayan at


kalidad. a

II. NILALAMAN:

a. Paksa:
a.1. Gawaing may pamantayan at kalidad

b. Sanggunian:
b.1. Published: Learning Activity Sheet sa ESP 6 (Quarter 3-Week 4)

c. Kagamitan
 Laptop, Pantulong Biswal, Telebisyon, Learning Activity Sheet.

III. PAMAMARAAN:

A. BALIK-ARAL

Magbabalik-tanaw ang mga mag-aaral sa aralin kahapon sa pamamagitan ng


“Think and Click” – isang interactive PowerPoint.

B. PAGGANYAK

Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng gawaing pinamagatang “4 Pics 1


Word”
Paraan ng Paggawa:

 Ang mga mag aaral ay mabibigyan ng pagkakataong mahulaan ang


salita nan aka flash sa Telibisyon, ito ay mahuhulaan sa pamamagitan ng
apat na litrato na kung saan ito ay ang siyang magiging Clue.

C. PAGLALAHAD

 Gamit ang powerpoint presentation, babasahin at ipapaliwanag ng guro


ang kaibahan ng kalidad na gawain at ang “pwede na mentality o
mediocrity”.
 Babasahin din at ipapaliwanag ng guro ang mga nagpapakita ng
pagsunod sa pamantayan at kalidad sa gawain o serbisyo.
 Pagkatapos ay ilalahad din ng guro ang etiko sa paggawa at ang mga
kahalagahan nito.

 Bilang balik-tanaw sa talakayan, magtatanong ang guro sa mga mag- aaral:

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng pag gawa ng Kalidad na gawain?
2. Sa iyong sarili, nagagawa mo parin ba ang mga kalidad na gawain o ikaw ay isa rin
sa mga naniniwala sa “Puwede na mentality”?
3. Sa paanong paraan mo nagagawa ang kalidad na gawain o serbisyo?

D. PAGSASAGAWA

 Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng gawain na


pinamagatang “Never Have I Ever”.

Paraan ng Paggawa:
1. Ipapakita ang mga sitwasyon sa telebisyon.
2. Itataas ng mga mag aaral ang kanilang kamay kung ito ay hindi pa nila nagagawa,
at ang mga mag aaral na hindi nag taas ng kanilang kamay ay magi papaliwanag sa
klase kung kalian nila ito ginawa at sa kung paanong paraan.
E. PANGWAKAS NA GAWAIN

a) Paglalahat

 Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase.


 Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang Learning Cards sa loob ng isang minuto.
 Ididikit nila ito sa kanilang kwaderno.

Pangkat 1 – kahalagahan ng kalidad na gawain


Pangkat 2 – mga halimbawa kalidad na gawain

b) Pagpapahalaga

 Babasahin ng guro ang iba’t ibang kwento na nagpapakita ng pamantayan at kalidad sa


gawain o serbisyo.
 Ang mga mag aaral ay sasagot kung ano ang natukoy na pamantayan at kalidad sa gawain o
serbisyo ayon sa nabanggit na kwento.

I. PAGTATAYA:

A.
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang Kalidad na gawain?


a. Ito ay tumutukoy sa antas ng pagkakagawa ng isang produkto o kung paani isinasagawa
ang isang serbisyo
b. Ito ay nagpapakita ng pagmamadali, kahinaan at walang tibay na maasahan.
c. Ito ay sayaw ng matatanda
d. Ito ay gawain at tungkulin na ginagawa ng isang tao upang makatanggap ng salapi o
suweldo

2. Karapat dapat bang isa alang-alang ang kalidad sa isang gawain o Proyekto?
a. Oo, dahil ito ang dapat mong gawin
b. Oo, dahil mas magiging maganda ang kalalabasan ng iyong proyekto
c. Hindi, dahil sayang ang oras
d. Hindi, dahil nakakabawas ito ng pera

3. Ito ay pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng hadlang sa kaniyang paligid.


a. Katiyakan sa Kalidad.
b. Pagiging madisiplina, magalang, at mapagpasalamat
c. Sistematikong paggawa
d. Lahat ng nabanggit

4. Naabot nito ang kalidad na inaasahan sa iyo at kayang sabayan ang


produkto ng iba at patuloy na tatangkilikin ng iba.
a. Pagiging madisiplina, magalang, at mapagpasalamat
b. Sistematikong paggawa
c. Pagiging “mapagkumpetensya” ng produkto
d. Lahat ng nabanggit

5. Ito ay pag-gawa sa isang bagay nang matagumpay at walang pag


aalinlangan.

a. Pagpapsyal

b. Pagpapasya

c. Pagkamatapat

d. Pagiging pribado
II. TAKDANG ARALIN

Gawin ang mga sumusunod:

A. Gawin ang Activity 2 at 3 sa inyong Learning Activity Sheet sa ESP 6.

B. Basahin ang Learning Activity Sheet sa ESP 6 (Quarter 3-Week 5).

You might also like