You are on page 1of 2

EsP 9

Kwarter 4
Linggo 1
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF IRIGA CITY

QUICK STUDY NOTES IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9


(Isang Mabilisang Hakbang sa Pagkatuto sa EsP 9)

A. PAKSA : Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track O Kursong Akademik,


Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports

B. ALAMIN MO

Ang pagpaplano ay mahalaga para sa kinabukasan ng bawat mag-aaral kung kaya’t


mahalaga rin na paghandaan ang pagpili ng kursong nais tahakin sa Senior High School o
maging sa kolehiyo.

Narito ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong akademik,
teknikal-bokasyonal, sining at disenyo at isports:

1. Talento – ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin


dahil ito ang magsisilbing batayan sa pagpili ng track o kurso.
2. Kasanayan o Skills – ay bagay kung saan tayo mahusay o magaling.
3. Hilig - ito ay ang paboritong gawain na nagpapasaya sa tao dahil gusto mo at buo
ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng
pagod at pagkabagot.
4. Pagpapahalaga – ito ay pagiging determinado na ganapin ang sinumpaang
tungkulin at harapin ng buong tapang.
5. Mithiin – personal na misyon sa buhay.

Ang mga sumusunod ay ang mga Talino o Talento mula sa teorya na binuo ni Dr.
Howard Gardner (1983).
1. Visual Spatial 5. Musical/Rhythmic
2. Verbal/Linguistic 6. Intrapersonal
3. Mathematical/Logical 7. Interpersonal
4. Bodily/Kinesthetic 8. Existential

C. SUBUKIN MO
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso, alin sa mga ito ang may
kinalaman sa iyong kahusayan at kagalingan.
A. Talento C. Kasanayan
B. Hilig D. Pagpapahalaga
2. Si Anna ay patapos sa kanyang pag-aaral sa Junior High School, kung kayat siya ay nag-
iisip na kung ano ang kanyang kukuning kurso sa Senior High School. Dahil gusto niya
ang pagtuturo sa mga bata, paglilider at iba pa ay naisip niyang kunin ang sa Senior High
ay GAS. Anong pansariling salik kaya ang namutawi kay Anna sa pagpili niya ng kurso?
A. Talento C. Hilig
B. Kasanayan D. Pagpapahalaga
3. Alin sa mga talento o talino ang may kaugnayan sa kagalingan sa musika?
A. Bodily/Kinesthetic C. Visual
B. Musival/Rhythmic D. Verbal
4. Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng kasanayan, alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang sa mga ito?
A. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga tao
B. Kasanayan sa mga Datos
C. Kasanayan sa mga bagay-bagay
D. Kasanayan sa pagsusulat.
5. Bilang isang mag-aaral na nasa baitang 9, ano ang kahalagahan ng matalinong pagpa-
pasya lalo na sa pagpili ng kursong iyong kukunin pagdating sa Senior High School?
A. Mas napag-iisipan ng husto ang pagpili at ito’y naaayon sa nais o hilig ko.
B. Ito ang itinuro ng aking guro.
C. Ito ang inaasahan ng lipunan sa akin.
D. Ito ang nais ng aking mga magulang.

B. Panuto: Piliin ang mga salita sa loob ng kahon na bubuo sa talata na nasa ibaba.
Isulat ang mga salita sa inilaan na patlang. (5 Puntos)

Mahalaga ang matalinong pagpapasya sa pagpili ng kurso na ating kukunin sa senior


high school o maging sa Kolehiyo. Kaya’t dapat na alam natin mga pansariling salik sa
pagpapasya, ang mga ito ay ______________, ______________, ________________,
______________, at ______________.
Kailangan rin na sa alam natin kung anong talino o talento mayroon tayo, tulad ko ako
ay may talento sa ____________, (ilagay ang inyong skills) na siyang nagbibigay sa aking ng
lakas upang magawa ko ang mga layunin ko sa aking buhay.

Talento Kasanayan
Hilig Musical Mithiin
Visual Verbal
Pagpapahalaga People Skills

D. ANG NATUTUHAN KO
Ang natutuhan ko sa araling ito ay _________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

ANIKA MARIE I. TINO SAHLEE B. CERILO


Manunulat EPS I-EsP

You might also like