You are on page 1of 2

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 9

SY 2022-2023

TEST 1 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang tamang sagot sa inyong
Sagutang papel.

1. Ano ang dalawang kakyahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos ng kanyang pinili
at ginusto nang may pananagutan ditto?
a. kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
b. kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
c. kalinawan ng isip at masayang kalooban
d. kakayahang mag-isip at malayang likos-loob

2. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na
ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t-isa at makipagtulungan?
a. makiangkop c. makipagsundo
b. makialam d. makipagsimpatya

3. Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang
bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap
na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?
a. hilig c. pagpapahalaga
b. kasanayan (skills) d. talent

4. Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. howard Gardner (1983). Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba
abg talino o talent. Bilang nasa baiting 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipingkaloob
sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa senior High School?
a. Pahalagahan at paunlarin
b. Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso

5. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior
High School?
a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapg-isip at magplano
d. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon

6. Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kanyang magulang na suportahan siya.
Kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siya ng scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang institusyon at unti-unti ay nagsulat siya
ng mga tiyak niyang plano at mga paalaala upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Cita?
a. katayuang pinansyal c. mithiin
b. hilig d. pagpapahalaga

7. Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga nagging puhunan ng kanyang mga magulang sa negosyong ipinundar simula noong
bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang
saksi sa kasipagan at pagiging bukas – palad ng kanyang magulang. Sa kanyang propesyon ngayon dala niya ito lalo na kapag may
mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang nagging gabay ni
Alfred sa pagpili ng kurso?
a. hilig c. katayuang pinansyal
b. pagpapahalaga d. kasanayan

8. Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational Book, ng pagguhit, at minsang pagsusulat. Llo niya
itong napaunlad ng siya ay sumali sa mga paligsahan sa paaralan at nananalo. Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya
nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kanyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa sumusunod na pansariling
salik ang nagging daan upang makamit ni Cecil ang tagumpay ng kanyang piniling propesyon?

a. kasanayan c. mithiin
b. hilig d. pagpapahalaga

9. Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kanyang mga magulang sa gusto niyang kursong Engineering at mag-aral sa isa
sa mga unibersidad sa maynila. Gayunpaman, ang kanilang local na pamahalaan ay nahihingkayat ng mga potensyal na mag-aaral na
magtatapos sa kanilang batch na pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. Sila ay sasailalim sa 6-month training, at pagkatapos ay may
naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kanyang pagsasarili, naisip niya ito ang magiging daan tungo sa kanyang magandang
pangarap para sa kanyang sarili at pamilya. Pumayag siya at nagging desidido sa kanyang desisyon na piliin ito. Anong pansariling
salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa kanyang nagging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa
lipunan?
a. katayuang pinansyal c. pagpapahalaga
b. mithiin d. kasanayan

10. Alam ni Dianne ang kanyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay naman niya sa
kanyang ama. At ang kanyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha sa kanyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos
sa Junior High (Baitang 10)
Ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kanyang pipiliing kurso. Suportado rin siya ng kanyang mga magulang lalo’t siya naman
ay bukas pagdating sa kumunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Kahanga-hanga si Dianne dahil siya ay may matatag na
loob na magpasya para sa kanyang sarili. Anong pansariling salik ang nagging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
a. mithiin c. pagpapahalaga
b. kasanayan d. hilig

TEST II. Basahin at unawain kung ang salita ay ayon sa mga katangian ng batayan sa pagpili ng
Kurso o Tracks, talento, kasanayan, hilig, o mithiin. Isulat kung ito ay Talento, Kasanayan, Hilig
O Mithiin.
A.

_________1. Maliit palang si Grace ay sumasali na sa mga singing contest hanggang sa kanyang
Paglaki.
_________2. Simula’t-simula ambisyon na ni Peter ang maging isang seaman hanggang makapag-
Tapos . Makapagtrabaho bilang seaman.
_________3. Ang bansang Saudi Arabia ay mataas ang demand sa mga skilled workers, si patricio ay
Tapos ng kursong Education para makapagtrabaho sa Saudi, nag-aral siya sa TESDA at
Napasa niya ang mga pangangailangan para maging isang skilled worker.
_________4. Si Corazon ay limang taong gulang palang ay nakitaan nang magandang boses, kaya
Hinikayat siya ng kanyang kamag-anak na sumali sa mga awitan tuwing piyesta hindi
Lang sa kanilang barangay kundi pati na rin sa ibang barangay.
_________5. Sa isang lugar sa Visayas nagkakaroon ng 20 km. marathon bawat taon na isa sa mga
Programa ng Department of tourism. Si Kulas ay palaging nananalo kahit walang training
O practice.

B. Punan ang puwang ng tamang sagot.

________6. Isa sa maituturing na mahalagangsalik sa paghahanda sa iyong pipiliing track o kurso ang
Mga kasanayang ating tinutukoy ay ang mga bagay kung saan tayo mahusay o
Magaling.
________7. Isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang mag
Sisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang track o kursong academiko o teknikal
Bokasyonal, negosyo o hanapbuhay sa iyong pagtatapos ng Junior High School.
________8. Nasasalamin nito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya say o dahil gusto mo at
Buo ang iyong puso na ibigay ang lahat na makakaya ng hindi nakakaramdam ng pagod
O pagkabagot.
________9. Ang kanilang mga ipinamalas na pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at
Makapaglingkod ng may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng
Ating ekonomiya.
_______10. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na
Pahayag ng misyon sa buhay.

TEST III. Ibigay ang hinihingi ng mga katanungan

Anu-ano ang talentong mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard Garner.

TEST IV.

1. Bakit mahalaga ang mga pansariling salik sa pagpili mo ng iyong track o kurso at hanapbuhay?

2. Bakit mahalagang kilalanin natin ang ating sarili sa pagpili ng Track o kursong gusto natin?

3. Bilang kabataan, anong mga hamon ang iyong hinaharap sa kasalukuyan (Baitang 10) na may kaugnayan sa iyong pagsasaalang-
alang sa pagpili ng track o kurso o hanapbuhay.

You might also like