You are on page 1of 4

PROYEKTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PTASK #.1

POSTER MAKING

Panuto: Gumawa ng isang poster tungkol sa mga natutunan mo sa Modyul 9 Katarungang Panlipunan.
Ilagay ito sa short coupon bond.

NELSSEN CARL M. BALLESTEROS

ESP Teacher
PROYEKTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PTASK #.2
INTERVIEW PORTION

Panuto:

1. Maghanap ng isang manggagawa na nagpapakita ng kasipagan at pagpupunyagi sa


kaniyang paggawa. Maaaring siya ay isang miyembro ng tahanan o isang kapitbahay.
2. Kapanayamin mo siya at ipakuwento ang kaniyang mga naging karanasan sa kaniyang
trabaho batay sa gabay na mga tanong sa ibaba.
3. Tandaan ang mga patakaran na ipinaiiral ng pamahalaan ngayong panahon ng Bagong
Normal sa gagawing panayam.
4. Batiin ang kapanayamin (Halimbawa: “Maayong hapon po, Sir Castro.”)
5. Gamitin ang sumusunod na tanong sa panayam:
a. Ano po ang iyong trabaho o hanapbuhay?
b. Anong hakbang o step ang sinusunod ninyo upang matupad ang itinatakda ninyong gawain?
c. Nakatutulong po ba ang pagsunod ninyo sa hakbang na ito upang matupad ang itinakdang
gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi? Paano po?
d. Ano po ang magandang maidudulot sa sarili at sa bayan ng kasipagan at pagpupunyagi sa
paggawa?
e. Ano po ang maipapayo ninyo sa akin upang magkaroon din po ako ng kasipagan at
pagpupunyagi sa paggawa?
6. Huwag kalimutang magpasalamat pagkatapos ng panayam.
7. Gumawa ng sariling pormat na susulatan sa resulta ng iyong panayam.
8. Samahan ng pagninilay ang ipasang resulta ng panayam.

NOTE: Gawin ito sa short coupon bond

NELSSEN CARL M. BALLESTEROS

ESP Teacher
PROYEKTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PTASK #.3
Pagsasabuhay
Panuto: Habang kinakaharap ng buong bansa ang Bagong Normal o New Normal dahil sa
pandemya, ito na marahil ang pinakamainam na pagkakataon na maisabuhay ang
pagiging makatarungang tao lalong-lalo na sa isang kapitbahay o ka-baranggay na
higit na nangangailangan. Kung kaya, magkaroon ng diyalogo o bukas na pag-uusap
sa mga kasapi ng tahanan kung paano maipadama at maipakita sa kapitbahay o ka-
baranggay na ito, na siya ay may mahalaga at dignidad bilang tao. Gabay mo ang
sumusunod:

1. Narito ang mga maaaring ibahagi sa isang kapitbahay o ka-baranggay na nangangailangan:


Panahon (Time), Talento (Talent) at Kayamanan (Treasure).
2. Gamiting gabay ang sumusunod na hakbang para sa diyalogo:
a. Gumawa ng tahimik at ligtas na pagsisiyasat kung sino sa mga kapitbahay o ka-baranggay
ang may pangangailangan na kailangan ng agarang pagtugon.
b. Huwag kalimutan ang safety protocols sa Bagong Normal na dapat sundin sa
pagsasakatuparan ng gagawing pagtulong. (Magsuot ng mask, maghugas ng kamay
gamit ang sabon, gumamit ng alcohol, at mag-social distancing).
c. Kumuha ng detalye ng impormasyong kailangan tungkol sa sitwasiyon ng tutulungan.
d. Magtala ng mga paraan kung paano matutugunan ang agarang pangangailangan ng
kapitbahay o ka-baranggay na ito.
e. Isa-isahin ang mga kagamitang kinakailangan.
f. Lahat ng pag-uusap ng pamilya tungkol dito, ang mga pangyayari, mga karanasan at
mga aral na matutuhan ay i-dokumento at maaaring samahan ng kuhang larawan.
g. Pagkasunduan ang panahong ilalaan para sa gagawing pagtulong.
3. Pagkatapos ng diyalogo, huwag kalimutang magpasalamat sa mga kasapi ngtahanan.
4. Bumalik sa lugar ng bahay kung saan ka nag-aaral at sagutin ang sumusunod natanong:
a. Ano ang nararamdaman mo sa napagkasunduan ninyong gagawing pagtulong sa isang
kapitbahay o ka-baranggay na may agarang pangangailangan?
b. Paano makatutulong ang napiling gagawing pagtugon upang maipadama at
maipakita sa kapitbahay o ka-baranggay na siya ay may mahalaga at dignidad bilang tao?
c. Ano ang gagawin mo upang makaambag sa tagumpay ng pagtugon sa agarang
pangangailangan ng kapitbahay o ka-baranngaynaito?

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:


1. Natutukoy ang agarang pangangailangan ng isang kapitbahay o ka-baranggay na kailangang
tugunan
2. Angkop ang paraan ng pagtugon sa pangangailangan ayon sa hinihingi ng pagkakataon
3. Natutukoy ang mga konkretong gawain bilang paraan ng pagtugon sa pangangailangan
4. Natutukoy ang mga pagpapahalagang pairalin sa pagtugon sa pangangailangan
5. May maikling paliwanag sa napiling tulungan at uri ng pagtulong na gagawin
6. May patunay na kuhang mga larawan sa ginawang diyalogo at sa aktuwal na ginawang
pagtulong
7. May kasamang pagninilay sa resulta ng diyalogo at ng aktuwal na ginawang pagtulong
ang ipinasang output.

You might also like