You are on page 1of 5

PAKIKIPANAYAM: Indibidwal na Pagkatuto

Kahit nasa loob ng tahanan, huwag limitahan ang sariling sa pagbuo ng koneksyon. Ang
pakikipanayam ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harapan at sa
panahon ngayon, maaari na rin itong isagawa onlayn. Maaaring ito ay nagaganap sa pagitan ng
dalawa o higit pang bilang ng mga tao na nag-uusap hinggil sa isang partikular na paksa.
INSTRUKSYON
1. Magsagawa ng isang pakikipanayam sa isang Overseas Filipino Worker (OFW).
2. Bigyang-diin sa pakikipanayam ang mga karanasan ng OFW sa pakikipag-ugnayan sa mga
taong may ibang kultura. (Gamitin ang Yugto ng ugnayang interkultural- Euphoria, Culture
Shock, Adaptasyon)
3. Maghanda ng 10 katanungan. (Isumite muna sa propesor ang ginawang katanungan at
paaprubahan bago isagawa ang pakikipanayam).
4. Alalahanin din ang mga etika na dapat isaalang-alang sa pakikipanayam.
5. Pagkatapos ng pakikipanayam ay ipresenta ang isinagawang panayam sa pamamagitan ng
3-5 minutong video sa FLIPGRID na nagsasaad ng mga impormasyon na nakuha mo mula sa
iyong kinapanayam. Maging malikhain sa pagsasagawa nito.
6. Isumite ang link ng video at ang larawan ng OFW na kinapanayam gayundin ang mga
larawan habang isinasagawa mo ang pakikipanayam.
FLIPCODE: https://flip.com/6d87f01a
Sundin ang balangkas na ito sa gagawing pasalitang presentasyon
A. INTRODUKSYON
Mga Personal na Impormasyon ng kakapanayamin
Id picture
pangalan, JASPER JOHN M. DE JESUS
tirahan, IMUS CAVITE
edad, 45
istatus: may-asawa,
bansang pinagtrabahuhan, UAE
bilang ng taon ng pagiging OFW ENERO 2009 ABRIL 2013
B. DISKUSYON(dito talakayin ang sagot sa mga tanong)
C. KONGKLUSYON
Mula sa karanasan mo sa ginawang pakikipanayam, bumuo ka ng makabuluhang kongklusyon
na nagsasaad ng mga kaalaman na natutunan mo na maaari mong magamit sa pakikiangkop o
pakikipag-ugnayan sa ibang taong may ibang kultura.
***Mga Paalala:
1. Basahin munang mabuti ang instruksyon, mga paalala at rubrik bago isagawa ang pinal na
lagumang pagsusulit.
2. Magsuot ng semi-pormal.
3. Sa pagbibidyo ng sarili, tiyakin ang pormalidad sa iyong pagtalakay gamit ang pisikal na anyo,
pormal na gamit ng wika, mga biswal na pantulong at paggamit ng makahulugang kumpas.
Pumili ng angkop na lugar sa inyong tahanan para sa gawaing ito.
4. Kinakailangang ikaw ay nakikita habang nagsasalita.
5. Gamitin ang flipcode na ibinigay sa pagrerekord ng bidyo.
6. Dahil ito ay pinal na lagumang pagsusulit, tiyaking maisusumite mo ito hanggang ika-17 ng
Hunyo.

pangalan,
tirahan,
edad,
istatus: may-asawa,
bansang pinagtrabahuhan,
bilang ng taon ng pagiging OFw
MGA TALATANUNGAN PARA SA INTERBYU: 
1. Kailan at paano ka nagsimulang maging OFW? 

2. Bakit mas pinili mong magtrabaho sa ibang bansa

kaysa sa Pilipinas? 

3. Ano ang naramdaman mo sa mga unang buwan mo sa

ibang bansa bilang OFW? Nahirapan ba kayong

makipagugnayan sa mga tao sa ibang bansa? Sa

paanong paraan? 

4. Anong ginagawa ninyong paraan upang makipag-ugnay

sa mga tao na may ibang kultura upang kayo ay

magkaunawaan? 

5. Nakaranas din po ba kayo ng culture shock? Paano po

kayo nakiangkop sa bagong kultura?

6. Nakaranas ba kayo ng diskriminasyon sa ibang bansa?

Kung nakaranas ng diskriminasyon, paano ninyo ito

nasolusyunan? Kung hindi nakaranas ng diskriminasyon,


paano ninyo matutulungan ang ibang kababayan na

nakakaranas ng diskriminasyon? 

7. Paano ninyo tinanggap/niyakap ang bagong kultura?

8. Gaano katagal kayo naki-angkop sa bagong kultura?

Bakit? 

9. Ano ang maipapayo ninyo sa ating mga kababayan na

nagnanais na maging OFW din tulad ninyo? 

10. Sa tingin mo ba naiintindihan ka ng mga taong


kasama mo sa trabaho?
C. KONGKLUSYON
Mula sa karanasan mo sa ginawang pakikipanayam, bumuo ka ng makabuluhang kongklusyon
na nagsasaad ng mga kaalaman na natutunan mo na maaari mong magamit sa pakikiangkop o
pakikipag-ugnayan sa ibang taong may ibang kultura.

Para sa kongklusyon aking pinal na awtput, masasabi kong marami akong natutunan katulad
nalang ng pakikipag-usap at nakikihalubilo sa mga banyaga para magkaron ng ugnayang
kultural. Ito ay hindi biro at malaking adjustment ang kailangan para don. At masasabi kong ang
panayam na ito ay makakatulong na maging gabay sa aking sa mga susunod kong mga
pagtatagpo sa iba’t ibang tao na may ibang kultura bukod sa aking nakasanayan.
Magaling rin na stratehiya ang pananaliksik muna bago pumunta sa bans ana pagttrabahuhan o
pupuntahan mo at ma-aapply rin ito sa pakikipagusap at pagtatanong ng angkop na tanong sa
mga taong hindi natin kaparehas ng kultura tungkol sa mga paniniwala at tradisyon upang sa
gayon ay matutunan natin ang kanilang kultura at dagdag kaalaman para sa aking sarili.

You might also like