You are on page 1of 23

KOTEKSTWALISADONG

KOMUNIKASYON SA
FILIPINO (GEKOMFIL)
BALANGKAS NG KURSO
Deskripsyon ng kurso
Ang KOMFIL ay isang prakrikal na kurso na nagpapalawak at
nagpapalalim ng Kontekstwalisadong Komunikasyon sa wikang
Filipino ng mga mamayang Pilipino sa kani-kanilang mga
komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa
pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang
pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t
ibang tradisyonal at modernong midya sa makabuluhan na
kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
A. Resulta ng Pagkatuto
Sa pagtatapos ng kurso, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
∙ Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang
antas at larangan.
∙ Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
∙ Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong
bansa.
∙ Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanmggunian sa pananaliksik.
∙ Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa
mga komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.
Pamantayan sa kurso at kasunduan
∙ Wika ng Pagtuturo

Ang wika ng Pagtuturo ay Filipino

∙ Pagdalo
Kinakailangan ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan sa guro
o sa kinauukulan sa Institusyon . Ang isang mag-aaral na hindi makipag
ugnayan at hindi makapapagpasa ng anumang gawaing pampaaralan o
anumang iba pang naka-iskedyul na gawain sa kursong ito ay
awtomatikong dropped mula sa listahan ng klase at ang pinapayuhan na
ipaalam sa Registrar.
Introduksyon: Pagtaguyod ng Wikang
Pambansa Gamit ang Sosyal Midya
INTRODUKSYON
Sa kasalukuyang panahon ay laganap ang pandemya na tinatawag na Corona Virus
o Covid 19. Naagdulot ito ng pagbabago sa paraan ng komunikasyon ng mga
Pilipino. Nanatili sa kani-kanilang tahanan ang mga tao upang makaiwas sa sakit
na ito, kung kaya ang pakikipag-usap ay dinaan sa social media.Ang
pakikipag-usap sa kapwa, sa trabaho, sa pagtitinda, mga libangan sa pulitiko,
pagsisimba, mga programa sa telebisyon at kahit sa akademya ay ginamit ang
social media. Ginagamit ang wika sa pakikipagtalastasan, kung kaya wika rin ang
umiinog sa kulturang popular ng mga Pilipino. Wikang Filipino at wikang
katutubo bilang gamit sa pakikipaglaban sa pandemya,gamit na mas nauunawaan
ng mas nakararaming Pilipino. Ikaw paano mo mapalalakas ang ating wika gamit
ang sosyal midya?
PAGTALAKAY
Komunikasyon sa Sosyal Midya (Social Media)
Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga
tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga mga
network. Ito rin ang itinuturing na isang pangkat ng mga internet-based
na mga aplikasyon na bunubuo ng ideolohikal at teknolohikal na
pundasyon ng web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
(socialmedia.wordpress.com)
Video Conferencing
oVideo Conferencing ay isang paraan
upang makita at makausap mo ang isang
indibidwal kahit ito ay nasa malayo pa.
Maisasakatuparan lamang ito kung may
internet o data.
Dalawang Uri Ng Video Conferencing

Point to- point Multipoint


Paano gamitin ang Video Conferencing?
Inihahanda ang mga na tinatawag na endpoints, gaya
ng kamera, mikropono at iba pang kagamitan, MCU
(multicontrol unit) at koneksyon ng internet.Pumili
kung ano ang gagamiting platform, zoom o google
atbp.Kung may ipapakitang dolumento ihanda ang mga
teknikal na kagamitang nakalagay sa kompyuter gaya
ng microsoft word o power point.
Video Call Etiquette o Netiquette

Ito ay tutunin ng magandang asal sa harap


ng mga kausap sa bidyo. May mga dapat
isaalang-alang sa pagpupulong habang
nakabidyo ito ay ang mga sumusuod:
1. Ihanda ang platform na gagamitin
2. Magsuot ng kaaya-ayang pananamit, huwag magsuot ng matitingkad na kulay,
sobrang itim , maraming disenyo o mahalay na damit.
3. Gumamit ng virtual background o animoy tunay na disenyo sa likuran na disente
at hindi nakakasagabal sa paningin.
4. Mas maliwanag mas mainam
5. Tumingin lamang sa kamera at gumamit lang ng natural na kilos habang
nagsasalita
6. Tingnan ang kondisyon ng mga kagamitan bago magsimula. Ang audio at ang
kamera. Tiyakin na ang kamera ay sa iyo nakatutok.
7. I-mute ang mikropono kung nhindi magsasalita
8. Maging pokus sa kausap
9. Kung nais lumabas ng panandalian , ihinto ang bidyo at i-mute ang mikropono.
10. Maging maagap
Host o Punong-abala
1. Imbitahan ang mga taong kalahok sa usapan
2. Gawing pribado ang mga dapat ipribado
3. Panghawakan ang inyong kalahok
4. Ipakilala ang sarili at ang mga kalahok
5. Siguraduhing ikaw ang mahuhuling umalis sa
usapan
Tagapagsalita o presenter
1. Tiyaking palaging nakangiti
2. Tiyaking malinaw o naririnig ang boses bago magpatuloy sa
pagsasalita
3. Sa kausap lamang nakatingin at iwasan ang mga nakasanayang gawi o
mannerism
4. Pumili ng lugar na hindi makakaabala sa pagsasalita
5. Maging maaalalahanin. Tandaan na ang video conferencing ay higit pa
sa pakikipag-usap sa telepono
6. Gumamit ng kaiga-igayang tono ng boses
7. Iwasan ang mga kilos na makakalikha ng ingay.
Sa mga kalahok sa usapan
1. Maging kaiga-igaya sa paningin
2. Huwag ngumuya ng tsiklet o kumain habang nakikipag-usap
3. Huwag gumawa ng iba pang bagay o kilos na maaring makabaling ng
atensyon sa kausap
4. Iwasan ang mga salitang di kaiga-igaya at walang kaugnayan sa
pinag-uusapan
5. Hintaying matapos ang sinasabi ng kausap bago magtanong o
magbigay ng komento
6. Huwag kalimutan ang pag-uugali sa harap ng kausap
7. Huwag kalimutan na magpaalam sa pagtatapos ng usapan.
SOCIAL MEDIA PLATFORMS
Social Networking-– Gumagamit ng mga websites upang magkaroon
ng impormal na komunikasyon sa mga tao.
Microblogging – mga maiikling impormasyon,
maaari ding mag-subscribe. Dito rin nauso ang
paggamit ng mga hashtags na naglalaman ng iba’t
ibang paksa.
Blogging- inilalagay ang mga sariling opinyon,
artikulo at kwento tungkol sa mga nais na paksa
Pagbabahagi ng Larawan
Pagbabahagi ng Bidyo- nakakapag bahagi dito
ang sinuman sa pampubliko o pampribadong
account ng kahit ano mang video.
Saligang-Batas ng 1987
Sek. 6
Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika. . .
Sek. 7
∙ Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles.
∙ Sek. 8
∙ Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino ar Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng wikang pambansa na binubuo
ng mga kinatawan ng iba't-ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino
Dito ay binigyang pangalan ang pambansang wika bilang Filipino. Gaya ng
pagbibigay-pangalan sa isang tao, hindi na Tagalog o Pilipino kundi Filipino ang
siyang pangalan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Filipino na ngayon ang baging
binyag sa kaniya mula noong 1987. Ang dati niyang pangalang Tagalog (1896) at
Pilipino (1959) ay naisantabi na at kailangan nang gamitin ang bagong pangalan na
sumasalamin sa kaniyang kasalukuyang katayuan, katangian at kalagayan.
Samantalang nililinang
Naging lisensya ng iba't ibang iskolar sa wikang Filipino ang katagang
ito ng konstitusyon upang sila ay bumuo ng iba't-ibang patakaran sa
pagbigkas at pagsulat lalo na sa paggamit ng ispeling sa Filipino dahil sa
probisyong ito na ang wika ay nililinang. Naging laganap ang tahasang
paggamit ng Filipinas para sa bansang Pilipinas, gayundin, ginagamit ang
mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z sang-ayon sa kani-kanilang panlasa ng
ispeling at idinadahilan na ang wikang pambansa ay hindi pa ganap sa ito
ay "nililinang" Samakatuwid daw ay wala pang kongkretong batayan
kung ano ang dapat na gamitin kung kaya't malaya ang sinoman na gawin
kung ano ang sa palagay nila ay nararapat.

You might also like