You are on page 1of 14

ARALIN 5

PROGRAMA SA RADYO
AT TELEBISYON
Sino nga ba ang hindi nakikinig sa radyo upang mapakinggan
ang paboritong awitin o kaya malaman ang mahahalagang
anunsiyo mula sa PAGASA?

Sino nga ba ang hindi nanonood ng telebisyon upang


malaman ang mga kaabang-abang na tagpo sa paboritong
telenobela o kaya’y malaman ang mahahalagang balita sa
nakalipas na araw?
BROADCAST MEDIA – paghahatid ng mga impormasyon sa
mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon

Media – daluyan ng mga impormasyon at komunikasyon na


nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan at mga tunog na
naglalakbay sa ere

Uri ng Media:
TELEBISYON
RADYO
TELEBISYON
 tinuturing na pangmasang media
 tinatangkilik sa lahat ng tahanan ng iba’t ibang uri ng mga
mamamayang Pilipino
Wikang Filipino ang nangungunang ginagamit na midyum sa
mga lokal na mga tsanel

Cable o Satellite Connection – may mabuting serbisyo para


marating lamang kahit malalayong pulo o ibang bansa
 Halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita

ng wikang Filipino ito ay dahil sa pagdami ng mga palabas sa telebisyon


partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa na sinusubaybayan
ng milyon-milyong manonood

Ang mga palabas sa mga wikang rehiyonal ay walang SUBTITLE O DUBBING

Ang madalas na eksposyur sa telebisyon ang isnag dahilan kung bakit


sinasabing 99% ng mga mamamayan as Pilipinas ang nakakapagsalita ng
Filipino

Marami ring kabataan ang namulat sa wikang Filipino bilang kanilang unang
wika maging sa mga lugar na di-Katagalugan
Ang mga naimpluwensiya ng telebisyon sa pangkalahatan ay ang sumusunod:

 Napaghalo ang mga salitang Ingles at Filipino, na nagiging dahilan upang


magkaroon ng mga panibagong salita.

Ang mga salita ng telebisyon ay nagiging bahagi na ng bokabularyong Filipino.

Pinapaikli nito ang mga mahahabang salitang Filipino.

Nagiging pamalit ang mga salita ng telebisyon, sa mga salitang nakalimutan na o


may restrike na bawal sabihin sa media.
RADYO
 Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa AM man o sa FM

Sa FM may mga programa ring gumagamit ng wikang Ingles subalit


nakakarami pa rin ang gumagamit ng Filipino

May mga estasyon sa radyo na gumagamit ng wikang rehiyonal ngunit kapag


may kapanayam ay wikang Filipino ang ginagamit sa pakikipag-usap

Dahil sa napakalaking impluwensiya ng media sa pang-araw-araw nating


pamumuhay maituturing ito na isang malaking kontribusyon sa paglilinang
ng ating wika
ARALIN 6
VIDEO CONFERENCING

AT KOMUNIKASYON

SA SOCIAL MEDIA
VIDEO CONFERENCING
Isa sa sistemang pang telekomunikasyon sa internet

Maari rin itong tawagin na ‘’teleconferencing’’

Nagagawa sa pamamagitan ng kompyuter o telebisyon

May audio, video at iba pang maihahatid na datos

Pagpapalitan ng usapan ng dalawa o pangmadlang ugnayan


Mga adbentahe ng Video Conferencing,

 Oras – Gamit ang video conferencing ay nakakasave ng oras. Madaling magtitipon ang
mga taong kasangkot na siyang hahatiran ng mga mahahalagang impormasyon sa
isnag kompanya o anumang institusyon. Dito ay hindi na mangangailangan na mag-
travel pa upang dumalo sa isang pagtitipon.

 Pinansyal – Hindi na kailangang gumastos ng isang kompanya sa kanyang empleyado


kung saan magpunta makipagkita man lang sa isang dadaluhang seminar o
mahahalagang miting. Hindi na gumagastos para sa venue, meryenda, pagkain at iba
pang ekstra na karaniwang gugulin dito.

 Bukas sa Komunikasyon – Napanatili ang kanilang magandang komunikasyon sa


bawat bagay na gagawin sa kompanya o institusyon. Malinaw lagi ang takbo ng
operasyon kapag magaan ang daloy lagi ng komunikasyon sa operasyon ng isang
kalakalan.

 Mapagkatiwalaang Datos – Sa video conferencing, lagging magbibigay ito ng mga


pangunahing datos. Nasisiguro lagi ng nag-uusap ang isang tunay o tamang mga datos
na napapagbahaginan sa panahon ng komunikasyon at ito ay maingat na nai-record
nang maayos.
SOCIAL MEDIA
 tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao

lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa


isang virtual na komunidad at mga network

 tinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon

 bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na

 nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng


gumagamit
 nagsisilbing tulay sa malawak na pakikipag-ugnayan

 nakakatulong sa pagkakaroon ng mga kaibigan kahit nasa malayo ang mga


ito

 sa pagkakaroon ng mga kaibigan sa malalayong lugar ay umuunlad ang


wika at napapalawak ang ating bokabularyo

 malaki ang maitutulong ng social media sa ating wika sa kadahilanan na


amraming impormasyon o kaalamang nakukuha katulad lamnag ng
pagkakaroon ng mga panibagong salita

 sapagkat kasabay sa pag-unlad gayudin ang paglimot ng wikang


kinagisnang galing pa sa ating mga ninuno
 Sa social media ay dinudugtong ang kasalukuyan at ang hinaharap sa daming
maaring makausap

 Sa social media iba’t ibang tao, iba’t ibang impormasyon ang mahahagilap mo

 Pinadali, pinalawak at pinatipid ng social media ang paraan ng


pakikipagkomunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon

 Ang lahat ng sobra ay masama, kaakibat sa paggamit ng social media ang


pagkamaging responsible at maingat na paggamit upang hindi makasira at huwag
makapaminsala

 Dapat may balanse at limitasyon sa paggamit ng social media at higit sa lahat ang
hindi makalimot sa sariling wika

 Gamitin ang social media sa tamang paraan para sa sarili at kapakanang pangwika at
pagkamakabayan
Halimbawa ng social networking sites:
Facebook, twitter, yahoo, tumbler, google

Internet – isang tsanel kung saan madaling makakasagap ng impormasyon at


madali rin maibibigay ito

Ipinapakita dito ang mga pagkakataong pang-aabuso at hindi katanggap-


tanggap ang maraming mga bokabularyo, pangungusap at iba pang paraan ng
pagpapahayag, halimbawa nalang ay:

Emoticons – simbolong ginagamit sa mga emosyong nais ipahayag

Jargons – ugat sa mga pormal na mga salita o pagkasulat at ito ay dinaglat sa


pamamagitan ng uang titik sa bawat salita (Hal. ATM – at the moment, OMG –
oh my gosh, YOLO – you only live once)

You might also like