Professional Documents
Culture Documents
Komu Module 7and 8
Komu Module 7and 8
ugnayan
SAGUTAN NATIN
1. Ang mass media o ay iba’t ibang midyum ng teknolohiya na nililikha para sa mga tiyak
na tagatanggap ng mensahe.
a. Midyum c. Pangmadlang Komunikasyon
Pangmadlang Artikulasyon d. Social Media
2. Ayon sa kaniya, ang media ay ipinopostura bilang egalitaryo, may misyon at serbisyo ang pangunahing
layunin.
a. Rolando Tolentino c. Rolando Tinio
b. Rolando Tiongson d. Rolando Tangson
3. Ang sumusunod ay kategorya ng mass media maliban sa isa. Alin ito?
a. Broadcast media c. Print Media
b. Online Media d. Soft Media
4. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng outdoor media?
a. Plakard c. Telebisyon
b. Komiks d. Blog
5. Alin sa sumusunod na kategorya ng mass media ang hindi angkop ang halimbawa?
a. Digital Media – Cellular Phone c. Print Media – Plakard
b. Print Media – Diyaryo d. Digital Media – Internet
6. Alin sa sumusunod na pahayag ang mali?
a. Ang mga pangkaraniwang tao ang madalas na naaabot ng mass media.
b. Ibinabatay din ang wika at konsepto ng mga patalastas batay sa kung sino ang target audience.
c. Kapuwa ginagamit ang pormal at impormal na wika sa mass media.
d. Layunin ng mass media na gamitin ang wikang Filipino upang ito ay payabungin.
7. Alin ang hindi layunin ng mass media?
a. Makapanghatol c. Makagmungkahi
b. Makapagpabatid d. Makapang-aliw
8. Sa mass media, kung ang pormal na wika ay karaniwang ginagamit sa pagbabalita, saan naman mas
madalas ginagamit ang impormal na wika?
a. Talk Show c. Kolum
b. Blog d. Mga karatula at alituntunin
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahusay na pansuporta sa pananaw ni Tiongson ukolsa
mass media at wika?
a. Ang pagpapayabong ng wikang Filipino ay nakasalalay sa mass media.
b. Ang paggamit ng wikang Filipino ay may layuning magpayabong ng wika.
c. Ang mass media ang nagtatakda ng pagbabago sa antas ng wikang ginagamit sa lipunan.
d. Ang paggamit ng wikang Filipino ay may layuning maabot ang pinakamalawak na antas ng mga
manonood at tagapakinig.
10. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng komunikasyong pangmadla?
a. Pakikipagtalastasan ng tagapagpabatid at tagatanggap ng mensahe.
b. Iba’t ibang midyum ng teknolohiya na nililikha para sa mga tiyak na tagatanggap ng mensahe.
c. Iba’t ibang uri ng teknolohiya na nililinang para sa pagpapaunlad ng bansa.
d. Paggamit ng wika para sa pagkakaunawaan.