You are on page 1of 10

Mga Tiyak na Sitwasyong

Pangkomunikasyon Gamit ang


Wika
KONFILI 2021 – 2022
Module 5 –Part 5
Komunikasyon sa Social Media

• Ang salitang social media ay tumutukoy sa siang paraan ng interkasyon na


nagaganap sa mga indibidwal kung saan ang impormasyonay nalilikha,
naibabahagi at natatalakay sa pamamagitan ng pamaraang virtual o sistemang
network

• Isa itong uri ng online communication na ang layunin ay magkaroon ng


interaksyon, kolaborasyon at pagbabahagi ng kaalaman gamit ang iba’t ibang
channel o website ( Bhamare, 2018)

• Ang proseso ng komunikasyon ay walang pinagkaiba sa face to face na


komunikasyon. Ang pagkakaiba lamang ay ang mga instrument na maaring gamitin
sa pagpapahayag ng tagapagsalita at tagapakinig.
Komunikasyon sa Telebisyon at
Radyo Onlayn
• Hindi na lamang napapanood sa telebisyon ang mga programang inaabangan sa
araw-araw gayundin ang mgs estasyon sa radio na pinakikinggan.
• Dulot ng makabagong teknolohiya, nagkaroon ng oportunidad ang sinuman na
manaood at makinig ng programang hilig ng Pilipino.
• Sa pamamagitan ng paggamit ng mga mga device tulad ng mobile phone, laptop, at
personal computer maari nang mapanood ang mga programa sa telebisyon o kaya
ay mapakinig ang mga programa sa radyo sa Youtube o kaya ay sa Facebook.
• Maari na ring madownload ang mga programa sa telebisyon sa pamamagitan ng
pagdadownload ng mga ito sa world wide web, panoood sa Youtube at nariyan din
ang pagkakaroon ng mga aplikasyon tulad ng Iwant TV at kapamilya TV Plus.
• Sa pagkakataong ito, higit na aksesibol sa maraming Pilipino ang panonood at
pakikinig saanmang dako sila naroroon at anumang oras nila naisin.
Komunikasyon sa Social Media
Proseso ng Komunikasyon sa Social Media
1. Ang encoder ang bumubuo at pinagmumulan ng mensahe

2. Isinasagawa ng encoder ang pagpapdala ng mensahe gamit 3. Naihahatid ang mensahe sa pamamagitan ng ugnayang
ang napiling aplikasyong pangmedia na maaring katulad ng wireless o tulong ng signal na ginawa ng mga kompanyang
aplikasyong ginagamit ng decoder pangtelekomunikasyon

4. Kapag mayroong koneksyon ang encoder matagumpay 5. Ang mensaheng natanggap ng decoder ay pipiliin at
na maihahatid ang mensahe at ang mensaheng ito ay uunawain.
mapoproseso gamit ang aplikasyon na gamit ng decoder sa
kanyang gadyet

6. Nilalapatan ng angkop na tugon na ihahatid sa encoder


gamit ang tulad na aplikasyong pangmedia.

Dela Pena, JM. at Nucasa, @. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.


Bulacan:St. Andrew's Publishing House
Video Conferencing
▪ Ang video conferencing ay isang “live” na koneksyon sa pagitan ng mga tao sa magkakahiwalay
na mga lokasyon para sa layunin ng komunikasyon, kinasasangkutan ito ng audio pati na rin ng
video. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng full motion video kasabay ng paglalahad ng mga
teksto, larawan at vidyo upang talakayin ang paksang napagkasunduan.
▪ Maaaring pabilisin ng video conferencing ang mga proseso at pamamaraan ng komunikasyon sa
parehong paraan kung paano napabilis ng e-mail ang pagbabahagi ng impormasyon.
▪ Ang pinakakaraniwang dahilan sa paggamit ng video conferencing ay para makatipid sa gastos
at oras ng paglalakbay.
▪ Kalimitang ginagamit ang wikang Ingles sa video conferencing sapagkat masasabing ang
kataasan ng mga gumagamit ng ganitong paraan ay nasa linya ng komersyo o pagnenegosyo.
▪ Ilan sa mga libreng aplikasyon na ginagamit as video conference ay Google Meet, Zoom,
Microsoft Teams, Google Hangouts

Dela Pena, JM. at Nucasa, . (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.


Bulacan:St. Andrew's Publishing House
Video Conferencing
▪ Propesyunal na tono ng wika ang ginagamit sa video conferencing sa kadahilanang
ibat-ibang profesyon at lahi ang ating nakakausap o nakakasalamuha sa digital na
pamamaraan.
▪ Ginagamit din ang video conferencing sa personal na aspeto at pakikipag-ugnayan.
▪ Maaari itong gamitin sa pakikibalita o pangangamusta at pakikipagkwentuhan sa ating
mga kamag-anak, kaibigan o minamahal na nasa malalayong lugar.
▪ Sa panahon ngayon na laganap ang work-from-home set up, madami sa mga
pagpupulong ng iba’t ibang organisasyon mula sa mga kompanya at paaralan ay
gumagamit ng video conferencing.
Video Conferencing
Adbentahe ng Video Conference
1. Maaaring isagawa ang video conferencing sa anumang oras ng araw
2. Katipiran sa paglalakbay – gastos, paghahanda, oras at pagod
3. Madaling pamamaraan ng Komunikasyon
4. Nadadagdagan ang pagiging produktibo
5. Eksposyur sa dominanteng wika na ginagamit sa pakikipag-ugnayan na maaaring
maging instrumento upang maiangat ang kaalaman sa ibang wika o lenggwahe
Video Conferencing

Hamon sa pagsasagawa ng Video Conference

1. Kakulangan sa personal na pakikipag ugnayan

2. Mga Isyung Teknikal

3. Pagkakaiba-iba ng oras (Timezone)

4. Mahal na gastos para sa setup (devices)

5. Language Switching na maaaring makaapekto sa dalas (frequency) ng pagagmit ng

sarili o katutubong wika


Komunikasyon sa Social media
• Kasabay ng mabili na pag-unlad ng teknolohiya ay ang parami nang paraming
naiimbentong platform upang makipag-ugnayan
• Ilan sa mga ito ang Twitter, Facebook, Instagram, Yotuube at iba pa
• Sa katunayan ayon sa Rappler (2015), tintayang 47 milyong Pilipino ang aktibo sa
Facebook pa lamang.
• Ayon pa rin sa ulat ng Rappler, itinuturing na pundamental na pangangailangn ng
mga Pilipino ang pagiging online.
• Bagamat pinadadali ng social media, pinalalabnaw naman nito ang kalidad ng mga
relasyon
• Nagiging disposable ang mga relasyon dahil sa availability ng iba pang posibleng
partner
Sanggunian

• Dela Pena, JM. at Nucasa, . (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Bulacan:St. Andrew's Publishing
House
• Cambridge Dictionary.(n.d.).Inakses sa https://bit.ly/2OaQeuE
• Effective Lectures. (n.d.). Iowa State University.https://bit.ly/3ix4ZWo
• Arnold, K. (n.d.).The Definition of a Panel Discussion.Powerful Panels.https://bit.ly/38vZV03

You might also like