You are on page 1of 3

Ano ang sitwasyong pang wika?

Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng wika sa kasalukuyang panahon. Kasama


rito ay ang mga sumusunod
1. Gamit ng wika sa pang madaliang komunikasyon.
2. Gamit ng wika sa internet at social media
3. Kultural na pagkakaiba ng pelikula at dula
4. Register at barayti ng wika sa iba't-ibang sitwasyon
5. Kalagayang pang-wika sa kulturang pilipino
6. Register at barayti ng wika sa iba't-ibang larangan.
7. Ang social media at pagsusuri at pag sulat ng mga teksto.
Ang kalagayan ng wika sa kasalukuyan ay karaniwang
ginagamitan ng  mass media bilang tsanel ng komunikasyon
gamit ang tradisyunal at makabagong midyum.

 Broadcast media – radyo, recorded music, pelikula, at telebisyon

 Print media – diyaryo, libro, polyeto, at komiks

 Outdoor media – billboards; karatula o plakard sa loob at labas ng mga


gusali, sports stadiums, pamilihan, at mga bus

 Digital media – Internet at cellular phone

Isa din sa kalagayan ng wika sa kasalukuyan ay ginagamitan


ng  internet at social media.
Kasabay nang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa larangan ng
komunikasyon ay ang pagbabago ng ugnayang pantao. Kasama sa pag-usad
na ito ay ang bagong usbong na gamit ng wika para sa internet at social
media.
Ang Internet at Social Media
Ang internet ay network o daluyan ng pandaigdigang komunikasyon na
dumadaloy sa mga computer sa buong mundo upang makapag-ugnayan sa
isa’t isa ang mga tao at makapagpalitan ng mga impormasyon.
Ang social media ay mga website at application na kailangan ng internet at
computer o anumang gadget gaya ng tablet, cellphone, at iba pa. Ang social
media ang nagiging daan upang ang mga tao ay makalikha, magpamahagi, at
makipagpalitan sa mga virtual community ng impormasyon, ideya, at mga
interes sa pamamagitan ng mga teksto, larawan, at video.
Halimbawa: Facebook, Twitter, Instagram, LinkedIn, at Youtube
Ang Wika sa Internet at Social Media

 Maraming maaaring gawin sa internet at social media na


makapagpapaunlad ng wika.

 Nakapagdodokumento ng mga alaala  

 Paglalagay ng mga litrato sa Facebook na may maiikling caption at


naka-tag sa mga taong nasa larawan

 Nagtuturo ng mga bagong bagay

 Naipakikilala ang sarili

 Paglalagay ng mga mga credentials sa LinkedIn upang makita ng mga


naghahanap ng empleyado

 Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan

 Sa tulong ng Facebook, nalalaman kung sino ang mga “friends” ng


iyong mga kaibigan na maaari mo ring maging kaibigan sa pamamagitan ng
pagpindot sa icon na add friend

 Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at


tagapakinig

 Pagsusulat sa Facebook at Twitter ng mga opinyon ukol sa kung sino


ang pinakadapat na maging pangulo ng bansa
 Pagsusulat sa Twitter ng mga kuwento at tula na may habang 140
characters

 Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag

 Paggamit ng mga acronym tulad ng lol (laugh out loud)

 Paggamit ng emojis gaya ng smiley upang magpahayag ng damdamin

Sitwasyon nang wika sa social media

You might also like