You are on page 1of 7

lOMoARcPSD|15512923

DLP Es P 7 - nm,

Speech and Theater Arts (San Jose Community College)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by SUSAN CLARIDO (susan.clarido001@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|15512923

DETAILED LESSON PLAN IN EsP 7


Paaralan Grade Level

DAILY LESSON PLAN Learning Area


Guro

Oras at Petsa ng Pagtuturo Quarter

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talent
A. Pamantayang Pangnilalaman
at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
Naisasagawa ng mag-aaral ang ga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental
B. Pamantayan sa Pagganap
tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspektong:
1. Pakikipag-ugnayan;
2. Sa mga kasing edad;
C. Mga Kasanayan sa
3. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki;
Pagkatuto
4. Asal sa pakikipagkapwa at sa lipunan; at
5. Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.

II. NILALAMAN
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA
(DEVELOPMENTAL TASK)
III. MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO

A. Sanggunian

1. Mga pahina ng Gabay ng Guro Pahina 1-8

2. Mga pahina ng kagamitang Pang-


Pahina 1-13
mag-aaral

3. Mga Pahina ng Teksbuk

4. Karagdagang kagamitan mula sa

Page 1 of 6
Downloaded by SUSAN CLARIDO (susan.clarido001@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|15512923

portal ng Learning Resources


IV. PAMAMARAAN

TEACHER’S ACTIVITY STUDENT’S ACTIVITY


A. Panimula - Magandang umaga. - Magandang umaga, Ginoo!
- Pagtsek ng atendans - Ang mga mag-aaral ay magsasabi ng “naririto”
kapag natawag ang kanilang pangalan
B. Balik-aral sa nakaraang aralin GAWAIN BLG. 1
at/o pagsisimula ng bagong
aralin Nasabi na bas a iyo ang mga pahayag na nakapaloob sa “speech
bubble” sa ibaba? Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Ilang taon ka na ba at Malaki na ang


ganyan ka pa ring pinagbago mo!
kumilos? Hindi na ikaw
ang baby ko.
Kumilos ka nang
maayos.
Binata/dalaga ka
na!

Matanda ka na!
Hindi ka na bata.

Sagutin:
1. Ano ang naramdaman mo ng may nagsabi sa iyo ng mga 1. Nasasaktan at nalulungkot
nabanggit sa taas? 2. Opo
2. Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata; minsan naman ay
sinasabing dalaga o binate ka.

PAGBIBIGAY NG MAHALAGANG TANONG:


Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop at inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata?

Page 2 of 6
Downloaded by SUSAN CLARIDO (susan.clarido001@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|15512923

PAGBIBIGAY NG PAUNANG PAGTATAYA:


Pasasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa LM, p. 1. c 2. a 3. a 4. c 5. d
2-6. 6. d 7. C 8. B 9. D 10. a

C. Paghahabi sa layunin ng “Ako Ngayon”


aralin Sa bawat kabataan na kasing edad niyo ay nakararanas ng
tinatawag na panahon na unti-unting pagbabago o paglipas sa isang
yugto patungo sa susunod o mas kilala sa tawag na “transition
period”. Ito ay nararanasan kapag ang isang tao ay dumarating sa
panahon ng pagbibinata o pagdadalaga o mas kilalang Makikinig ng mabuti ang mga bata.
“adolescence period”. Sa panahong ito ay magbabago ang iyong
sarili sa aspektong:
1. Pangkaisipan
2. Panlipunan
3. Pandamdamin
4. Moral

D. Pag-uugnay ng mga Isulat ang salitang “Nagaganap” kung ito ay nararanasan mo na o


halimbawa sa bagong aralin nangyayari s aiyo at “Di Nagaganap” kung ito ay hindi mo nararanasan o
nangyayari sa iyo.
1. Lagi kang tumitingin sa harap ng salamin upang tiyakin na ayos
ang inyong kasuotan.
(Nakadepende ang sagot sa nararanasan ng mag-aaral)
2. Mas gusto mo ang tahimik na paligid o walang kasamang maliit
na kapatid na maingay.
3. Nararamdaman mo na parang pinaghihigpitan ka ng inyong
magulang kapag sinasaway ka sa iyong gawain.
4. Ayaw mong magpainwan sa iyong nanay kapag nasa paaralan
ka.
5. Natututo ka ng mag-ayos ng iyong sarili.

E. Pagtalakay ng bagong - Palawakin pa natin ang ating kaalaman at ilagay natin sa puso at - Makikinig ng mabuti ang mga bata.
konsepto at paglalahad ng isipan ang 4 na aspeto ng Pagdadalaga o Pagbibinata.
bagong kasanayan #1 1. Pangkaisipan – may kaugnayan kung paano mag-isip,
makaunawa, makatanda, o makapagplano sa buhay ng isang

Page 3 of 6
Downloaded by SUSAN CLARIDO (susan.clarido001@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|15512923

tao.
2. Panlipunan – binibigyang pansin nito kung paano makisama o
makitungo ng isang tao sa kanyang mga kasama sa bahay
hanggang sa mga kaibigan sa labas o sa mga taong
makakasalubong niya sa araw-araw.
3. Pandamdamin – tumatalakay ito sa kung ano ang
nararamdaman mo bilang isang tao; maging ito man ay Mabuti o
hindi katulad kung ikaw ay masisiyahan, nagagalit, nag-aalala at
nalulungkot.
4. Moral – pagtitimbang kung ano ang tama at mali, kung ano
ang mabuti o masama sa ating salita at gawa.
F. Pagtalakay ng bagong Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagdadalaga o pagbibinata ang
konsepto at paglalahad ng nailalarawan/naipamalas sa bawat pangungusap.
bagong kasanayan #2 1. Si Theodora ay binigyan ng limang daang piso ng kayang ina para
bumili ng kanyang kagamitan sa paaralan, nagtungo agad siya sa 1. Pangkaisipan
tindahan ni Aling Alicia upang magtanong ng mga presyo ng mga 2. Panlipunan
kagamitan. Pagkatapos ay dali-dali siyang umuwi sa kanilang bahay 3. Pandamdamin
para pag-isipang mabuti ang ililistang mga gamit na kakailangan lamang 4. Moral
niya para sumapat ang perang ibinigay ng kanyang magulang.

2. Si Alberto ay inimbitahan ng kanyang kaibigan na dumalo sa kanyang


kaarawan,sa misong araw na iyon ay nakita niya ang mga kamag-aaral
niya na nakikipagsaya. Nilapitan niya at nakangiting binate ni Alberto
ang mgaa ito. Sila ay nagkuwentuhan ng kanilang mga karanasan
noong sila ay nasa elementarya pa lamang. Matagal ang kanilang
nagging kuwentuhan ng mga dating magkakaibigan at napakasaya nila
sa kaarawan ng kanilang kaibigan.

3. Noong bata ka madalas kang umiyak tuwing ikay hindi naibibili ng


laruan ng iyong mga magulang. May mga pagkakataong din na hindi ka
nila napagbibigyan kaya ikaw ay parang naiisin o nalulungkot. Gayundin
kapag ika’y napagbibigyan ay lubos ang iyong kasiyahan sapagkat
natupad ang iyong hihiling sa kanila.

4. Si Juan ay may nakababatang kapatid na si Grace, mahal na mahal


niya ito. Isang araw nakita ni Juan na inaaway si Grace ng mga kalaro
nito . Nilapitan niya ito at pinagsabihan na lamang ang mga ito na
huwag ng uulitin sapagkat para sa kanya ito ang makabubuting gawin.
G. Paglinang ng Kabihasaan Gawain 2: “PROFAYL KO, NOON AT NGAYON”

Page 4 of 6
Downloaded by SUSAN CLARIDO (susan.clarido001@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|15512923

(tungo sa Formative Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat
Assessment) ang mga pagbabagong iyong napansin sa iyong sarili. Sa hanay ng “Ako
Noon”, itala naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa
gulang 8 o 9 taon.

(Nakadepende ang sagot sa karanasan ng bawat mag-


aaral)

H. Paglalapat ng aralin sa pang- - Paano naipapakita ang mga pagbabagong inyong nararanasan - Ang mga pagbabagong ito ay naipapakita sa kung
araw-araw na buhay sa inyong pagdadalaga o pagbibinata? paano mag-isip, kilos, magplano, makitungo o
makipag-usap sa ibang tao, magpahayag ng
damdamin, at kung paano magtimbang kung ano
ang tama at mali.
I. Paglalahat ng Aralin - Ano ang apat na aspeto sa pagbabago o nararanasan natin - Ang apat na aspeto ng pagdadalaga o pagbibinata
habang tayo’y nagbibinata o nagdadalaga? ay Pangkaisipan, Panlipunan, Pandamdamin at
Moral.

J. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at ngayon?
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang
nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag.
3. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito s aiyo? Sa paanong (Nakadepende ang sagot sa karanasan ng bawat mag-
paraan? aaral)
4. May masama bang maidudulot s aiyo ang mga pagbabagong ito?
Sa paanong paraan?
5. Anu-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong
buhay?

K. Karagdagang Gawain para sa - Gumawa/gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng isa sa apat - Isusulat ng mga mag-aaral ang Gawain sa

Page 5 of 6
Downloaded by SUSAN CLARIDO (susan.clarido001@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|15512923

takdang aralin at remediation na aspeto ng pagdadalaga o pagbibinata. Ilagay ito sa short kanilang mga kwaderno.
bondpaper.

Pamantayan:
Nilalaman ---------------50%
Pagkamalikhain --------25%
Pagkamapanlikha-------25%
Kabuuan ----------------100%
g. PUNA

i. REPLEKSYON
A. Bilang ng nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong sa
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa
tulong ng aking punongguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho nan ais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Page 6 of 6
Downloaded by SUSAN CLARIDO (susan.clarido001@deped.gov.ph)

You might also like