You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

Learning Delivery Modality Modular Learning Modality

Paaralan Balete Integrated School Baitang 7


TALA SA Edukasyon sa
Guro Irene D. Noriega Asignatura
Pagpapakatao
PAGTUTURO
Petsa Markahan Unang Markahan
Oras Bilang ng Araw 3

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nailalahad ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili ukol sa
pakikipag-ugnyan, gampanin sa lipunan at pagbabagong pisikal
sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
2. Napahahalagahan ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa
panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata.
3. Nakasusulat ng mahahalagang datos ukol sa mga pagbabagong
nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago sa mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at
A. Pamantayang Pangnilalaman
pagbibinata, talent, at kakayahang hilig, at mga tungkulin sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.
Naiisagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng
B. Pamantayan sa Pagganap limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon
ng pagdadalaga at pagbibinata

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9


hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipagugnayan (more mature
relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
D. Pinakamahalagang Kasanayan sa c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang
Pagkatuto (MELC) pamamahala sa mga ito
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa
lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga /
nagbibinata

E. Pagpapaganang Kasanayan

F. Pagpapayamang Kasanayan

Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng


II. NILALAMAN Pagdadalaga at Pagbibinata--- Mga ibat ibang Palatandaan ng Pag unlad
sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata sa ibat ibang Aspeto.

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian
MELC ESP G7, PIVOT BOW R4QUBE, Gabay sa Edukasyon sa
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Pagpapakatao 7 TG p. 1-15

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

b. Mga Pahina sa Kagamitang EsP 7 Modyul pp.1 – 7, pp.8 – 10


Pangmag-aaral
EsP 7 Modyul pp.1 – 7, pp.8 – 10
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdgang Kagamitan mula http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5331
sa Portal ng Learning P https://www.google.com.ph/search?q=infancy&espv=2
Resources
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula Ang Napapanahong Pagpapaalala:


 Ipapaalala ng guro sa mga bata ang mga panuntunan sa gawaing
modular gaya ng masipag, malawak na pang-unawa at matiyagang
pagbabasa sa bawat paksang aralin at pagkatapos ay magsasagot sa
mga gawain na nakabatay sa aralin.

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

 Alamin (Introduction/Learning Objectives)

Marahil pamilyar ka sa katagang madalas ginagamit ng Gen Z na,


“When puberty hits you.” Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ikaw
ngayon ay nasa yugto kung saan mabilis na nakararanas ng pisikal at
emosyonal na pagbabago o tinatawag na “puberty”. Dumadaan ka sa
transition period mula sa pagiging bata patungo sa pagiging dalaga o
binata. Paano nangyayari ito? Bunga ito ng iyong hormones na indikasyon
na ikaw ay ganap na dalaga o binata na.

Siguro ito ang pinapangarap mo noong bata ka pa, ang masabihan


na “Ay! Dalaga ka na.” at “Uy! Binata na siya.” Tunay ngang masaya ang
yugtong ito sa iyong buhay, ngunit may parte ring ikalulungkot mo, dahil
may mga bagay kang nakasanayan na hindi mo na maaaring gawin
ngayong tumatahak ka sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata
(adolescence). Tandaan, hindi ka na bata ngunit hindi pa lubos na
matanda. Nakalilito ba? Upang lubos na makilala ang iyong sarili,
napakarami mong kailangang maunawan tungkol sa yugtong ito.

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng araling ito ay ang


mga pangyayari sa iyo noong 8 o 9 na gulang ka pa lamang
hanggang sa mga bagay na nararanasan mo sa kasalukuyan.

Narito ang mga sumusunod na katanungan na


gagabay sa iyo:

1. Paano ka nakikisalamuha o nakikipagkaibigan sa mga


kasing edad mo?
2. Ano-ano ang iyong tungkulin sa lipunang kinabibilangan?
3. Ano-ano ang mga pagbabago sa iyong katawan at
paano ito pangangalagaan?
4. Ano-ano ang mga pamantayan sa asal sa
pakikipagkapwa at sa lipunan? At bakit ito mahalaga?
5. Ano-ano ang mga kinakailangang kakayahan upang
makagawa ng maingat na pagpapasiya?

 TUKLASIN

Slam Book

Panuto: Sagutan ang Slam Book sa ibaba na tungkol sa


pagdadalaga/pagbibinata.

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

 SUBUKIN

Bilang panimula ay subukin mo ang iyong sarili sa mga bagay na


iyong matututunan sa aralin na ito. Mahalaga ang bahaging ito upang
malaman ang iyong dating kaalaman sa konseptong pag-aaralan.

Panuto: Basahing mabuti ang 20 salita sa kahon, pagkatapos ay tukuyin


mo kung saan ito kabilang sa apat na kahon sa ibaba.

pagkalap pag-aalaga pagdedesisyon pagmamahal


pagkilos pag-aayos paggalang pagpapasiya
pagligo pag-alalay paggugupit pagrespeto
paglilinis pagbibigay pag-iisip pagsunod
pagtulong pag-unawa pakikiisa pangangalaga

B. Pagpapaunlad

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

 Balikan (Review)

Panuto: Kapanayamin/ interbyuhin ang iyong mga magulang o iba pang


kamag-anak kung ano ang mga naaalala nila noong 8 o 9 na gulang ka,
isulat mo ang mga nakuha mong impormasyon sa kaliwang bahagi ng
tsart, at sa kanang bahagi naman ang paghahambing mo sa iyong sarili
bilang dalaga/binata. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.

 Suriin (Discussion of Concept in relation to


Activity 1)

IS-U-RI
Kapag nagsimula na ang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ay
magkakaroon ng pagbabago na nakakaapekto sa iyong pisikal na anyo,
emosyon, pananaw tungkol sa mga taong nakapaligid sa iyo katulad ng
mga kaibigan at lalong-lalo na ang iyong pamilya. Tunay ngang
nakakapanibago at mapanghamon ang yugtong ito.
Matapos mong suriin ang iyong mga kasagutan sa Slam Book ay
bigyang panahon ang mga katanungang ito:
1. Ano ang mga natuklasan mo patungkol sa iyong sarili
matapos sagutan ang Slam Book?
2. Paano ka natulungan ng mga bagay na natuklasan mo sa
iyong sarili para maintindihan ang mga pagbabagong nagaganap sa iyo?
3. Anong bahagi sa slam book ang pinaka nagustuhan mong
sagutan? Ano naman ang hindi? Bakit?
4. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon sa ngayon?
Patotohanan.
5. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang
nagdadalaga/nagbibinata? Bigyang dahilan.
6. Sa paanong paraan nakatutulong ang mga pagbabagong
nagaganap sa iyo upang mas
7. malinang pa ang iyong sarili?
8. Ano-ano ang iyong mga hakbang ngayong natukoy mo na
ang mga pagbabago?

 PAGYAMANIN

Kaibigan? Kaibigan! Kaibigan.

Ang pakikipagkaibigan ay isang di pangkaraniwang uri ng pakikipag-

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

ugnayan sa kapwa, dahil sa kanila maaari mong ipakita ang totoong ikaw
na walang halong pagkukubli sa kadahilanang tanggap ka nila kahit sino
ka. Ngunit ano nga ba ang isang mabuting kaibigan, kabarkada o katropa?
Ating alamin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kahon kung
pinapakita nila ang sumusunod:

MGA KARAGDAGANG GAWAIN

 Matching Type

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang kung saan


nakalagay ang mga halimbawa ng mga hakbang sa paglikha upang
matamo ang bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasingedad at
tukuyin mo kung ano anong klaseng hakbang ito mula sa pagpipilian.
Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang bago ang numero. (Maaring
dumoble ang letra ng sagot)
C. Pakikipagpalihan

 Gagambang Ugnayan
Ngayong alam mo na kung ano ang isang mabuting kaibigan, ngayon ay
kinakailangan mong matukoy kung paano ang makabuluhang pakikipag-
ugnayan katulad ng sapot ng mga gagamba na magkakaugnay-ugnay.
Isulat ang iyong mga kasagutan sa mga pagitan ng sapot sa ibaba.

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

 TEXTsuri

Dahil ikaw ay isa ng dalaga/binata marami ng tungkulin ang inaasahan at


iniatang sa iyo ng lipunan. Isa nga sa mga kilalang kataga mula kay Gat
Jose P. Rizal ay, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.” Naniniwala ka
bang ikaw ay isa sa pag-asa ng bayang sinilangan? Kung nag-aalinlangan
ka pa rin ay maaari mong basahin ang tulang isinulat ng tinaguriang
Pambansang Bayani na ang pamagat ay “Sa Kabataang Pilipino”.

Hindi lingid sa karamihan na mahirap ang mga tungkulin sa iyo, nariyan


ang pagiging responsable sa sarili, mabuting anak, masigasig na mag-
aaral, mapagkakatiwalaang kaibigan, maaasahang kabataan, at marami
pang iba. Upang mas higit mo pang malaman ang mga inaasahan ng
lipunan sa iyo ay subukin ang sarili sa pagsagot sa gawaing ito.

Panuto: Sa makalumang cellphone bawat numero ay may kaakibat na


mga letra, ikaw ay mamimili kung alin dito ang angkop upang mabuo ang
mga salita sa kahon. Gawing halimbawa ang unang bilang.

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

 BINGO

Sa puntong ito marami na ang nagbabago sa iyong katawan at madali ka


ng makapitan ng baktirya na nagdudulot ng hindi kanais-nais na amoy sa
katawan. Kaya mag-aaral paano nga ba mapapangalagaan ang iyong
katawan? Narito ang simpleng gawain para sa iyo.

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

Panuto: Bilugan ang mga bagay na madalas mong ginagamit upang


matiyak na malinis ang iyong katawan.

Mga katanungan:
1. Ano-ano na ang mga nakikita mong pagbabago sa iyong katawan?
2. Ano ang iyong reaksiyon hinggil sa mga pagbabagong ito?
3. Para sa iyo, ano ang pinakamahirap sa mga pagbabagong
naranasan?
4. Bakit isang malaking hamon ang mga pisikal na pagbabagong
nararanasan pagbabagong kakambal ng pagdadalaga/pagbibinata?
5. Ano-ano ang iyong mga hakbang upang mapanatiling maayos at
malinis ang iyong katawan? Ilahad.

 ISAGAWA

Kumusta ang iyong paglalakbay sa modyul na ito? Ngayon ay


malalagyan mo na ang iyong Garapon ng Aplikasyon, kung saan lahat ng
natutunan mo ay bibigyan mo ng hakbang upang isabuhay ito. Isulat sa
mga kapirasong papel sa ibaba.

 LINANGIN

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

Kaway, Kamay!
Panuto: Sa loob ng kahon ay iguhit mo ang ang iyong kamay. Buuin ang
mga salitang tumutukoy sa mga pamantayan sa asal, suriin kung ano ang
dapat mauna at isulat sa pinaka mahabang daliri hanggang sa
pinakamaliit, sa ibabang bahagi nito ay ang iyong pananaw kung bakit ito
mahalaga.

Mga katanungan:
1.Kung ikaw ay bibigyan ng ikalawang pagkakataon ano ang aalisin mo sa
mga asal na ibinigay? Bigyang dahilan.
2.Ano naman ang gusto mong ipalit dito? Ipaliwanag.
3.Mayroon ba sa punto ng iyong buhay kung saan nakita mo ang
importansiya ng magandang asal sa pakikipagkapwa? Ikuwento.
4.Anong mga tiyak na hakbang ang dapat mong gawin upang maisabuhay
ang mga magagandang asal na iyong natutunan sa gawain? Ilahad.
 IANGKOP
Tara Na’t Magpasiya!
Bilang dalaga at binata ano-ano ang mga kinakaharap mong problema?
Marahil ay marami kang naiisip. Ngunit, ang tanong ano ang gagawin mo?
Ano ang mga pasiyang pipiliin mo?

Panuto: Pumili ng isang problemang pinagdadaanan mo bilang isang


nagdadalaga/nagbibinata. Punan ang mga tanong sa bawat papel sa
ibaba

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

 ISAISIP
Ngayon ay natapos mo na ang lahat ng gawaing inihanda para sa
iyo. Batid ko na marami kang natutunan sa bawat hakbang tungo sa
D. Paglalapat pagkatuto. Unawain mabuti ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa
patlang.

 TAYAHIN

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

Panuto: Basahing mabuti ang 20 salita sa kahon, pagkatapos ay tukuyin


mo kung saan ito kabilang sa apat na kahon sa ibaba.
pagkalap pag-aalaga pagdedesisyon pagmamahal
pagkilos pag-aayos paggalang pagpapasiya
pagligo pag-alalay paggugupit pagrespeto
paglilinis pagbibigay pag-iisip pagsunod
pagtulong pag-unawa pakikiisa pangangalaga

Ang buhay ay parang hudyat ng mga ilaw trapiko sa iba’t ibang panahon
sa iba’t ibang pagkakataon, kung saan kailangang huminto, maghintay at
magpatuloy. Bilang nagdadalaga/nagbibinata may mga bagay kang dapat
V. Pagninilay itigil, mga pagkakatoaon na dapat pang hintayin at may mga gawaing
dapat na ipagpatuloy. Magiging gabay sa iyo ang mga ilaw trapiko para sa
iyong paglalakbay.

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED NATIONAL SCHOOL
(formerly Balete National High School)

Balete Road Balete, Batangas City.Tel. No. (043) 402 1471 TOGETHER WE CAN MAKE A
DIFFERENCE!

You might also like