You are on page 1of 9

TAYABAS WESTERN ACADEMY

Founded 1928
Recognized by the Government
Candelaria, Quezon

Module for:

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Grade 7
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

MODULE 1: Pagkilala at Pamamahala sa mga Pagbabago sa Sarili

I.PANIMULA

Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin nitong mga nagdaang araw? Marahil
napapansin mo na ang malaki mong pagbabago mula noong ikaw ay nasa mga unang taon mo
saelementarya. Marami ka ng ginagawa noon na ayaw mo ng gawin ngayon. At maging ang mga
tao sa iyong paligid ay napapansin mong nag-iiba na ng kanilang paraan ng pakikitungo sa iyo.

Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata; minsan naman ay sinasabing dalaga o binata
ka na. Nakalilito talaga. Ikaw ay nasa yugto ng buhay mo na tinatawag na panahon ng unti-unting
pagbabago (transition period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod. Ikaw
ngayon ay tumatahak sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata (adolescence). Upang lubos na
makilala ang sarili, napakarami mong kailangang maunawan tungkol sa yugtong ito.

II. SAKLAW NG MODYUL


Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, kakayahan at talento, hilig at pagkatoto ng tao tungo sa pagtupad
ng mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, sa bansa/daigdig at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin upang
mapanagutan ang kahihinatnan ng mga pasya at kilos.

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na


unawa sa mga inaasahang kakayahan at hakbang sa paglinang ng limang inaasahang
kilos sa panahon ng kakayahan at kilos(developmental tasks) sa
pagdadalaga/pagbibinata, talento at panahon ng pagdadalaga / pagbibinata
kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 | Quarter 1


Page 2|9
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:


Natutukoy ang mga pagbabago sa
kanyang sarili mula sa gulang na 8 a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
o 9 hanggang sa kasalukuyang (moremature relations) sa mga kasing edad
aspeto. (Pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at
paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa/ sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat
na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga /nagbibinata

Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili na may pagtataya sa mga kilos tungo
sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga / nagbibinata

Naipaliliwanag na ang paglinang a. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at


ng mga angkop na inaasahang b. Paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at
kakayahan at kilos (developmental kilos na nasamataas na antas (phase) ng
tasks) sa panahon ng pagdadalaga pagdadalaga/pagbibinata (middle and late
/ pagbibinata ay nakatutulong sa: adoscence): (paghahanda sa paghahanapbuhay,
paghahanda sa pag-aasawa / pagpapamilya, at
pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa
mabuting-asal), at pagiging mabuti at mapanagutang
tao.
c. Pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa
sarili, bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan,
mananampalataya, konsyumer ng media at bilang
tagapangalaga ng kalikasan ay isang
paraan upang maging mapanagutan bilang
paghahanda sa susunod na yugto ng buhay

Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) maging ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga
tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata

Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan

Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at nakikilala ang
mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay
mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng sarili

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 | Quarter 1


Page 3|9
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga


tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan

Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento at kakayahan
Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay

Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin,


paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan

Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mgahilig

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Bilang panimula ay subukin mo ang iyong sarili sa mga konseptong iyong matututuhan sa aralin na ito.
Mahalaga ang bahaging ito upang mataya ang iyong dating kaalaman sa konseptong pag-aaralan. Piliin
ang titik ng tamang sagot at sagutan ito sa papel. Isulat ang titik ng tamang sagot sa isang buong papel.

1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:

a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad.
d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang
inaasahan sa kanya ng lipunan.

2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.

a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad


b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

3-4. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4 .
Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ikalabintatlong taon, nagsisimula ang matulin na pagbabago sa
kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon
ay tila naaakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae: nagsisimula na rin
siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae. Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang
kanilang pag-iisip at paguugali: laging tila humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan.
Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala ang panganib,
nagkukunwarinng hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon kung saan tila naghihimagsik ang
isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 | Quarter 1


Page 4|9
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

kalooban. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba,
kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang
kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwanan ang
daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang bulaklak na
nagsisimulang mamukadkad.
3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?

a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata


b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.
c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdaraanan
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at nagbibinata

4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang nagdadalaga at


nagbibinata?

a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam ng kalituhan.


b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at iba
pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay nagsisimulang
maging pino sa kanilang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang kumilos
na tulad ng isang ganap na babae.

5. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat
isa ang kanyang gawi?

Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat
pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.
Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga
pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.
Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.

a. tapang c. tiwala sa sarili


b. talento at kakayahan d. positibong pagtingin sa sarili

6. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na pakikipag-
ugnayan sa mga kasing-edad?

a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan.
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos sa
kanyang kasing edad.
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na
labas sa kanyang pamilya.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 | Quarter 1


Page 5|9
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

7. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng


kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:

a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat
na kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging
handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.

8. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na
kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa
maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?

a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.


b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa
mga mayayamang kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar
na mahirap kung sila naman ang kasama.

9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang
pangungusap ay:

a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.


b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol
sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.

10. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan
dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin
ni Bernard?

a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang
talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.
b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat
ang kanyang tiwala sa sarili
c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan.
d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa
lahat.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 | Quarter 1


Page 6|9
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

11. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:

a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang
intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan
ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang
dumaan sa proseso ng pagsasanay.

Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling
sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang
kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi
na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga
kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o
sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang lamang bahay kasabay ang
kanyang nakatatandang kapatid.

12. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?


a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
d. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal.

13. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?


a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sinoman
na kanyang narinig sa paaralan.
b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng
kanyang paligsahan at pagtatanghal.
c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anomang hamon
at lagpasan ang kanyang mga kahinaan
d. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang knayng talento at hindi matakot
na mapahiya sa harap ng maraming tao.

14. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang makapaglingkod sa pamayanan
d. Lahat ng nabanggit 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 | Quarter 1


Page 7|9
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

15. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kasamahan
sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang
halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pag-
aaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti. Ano ang maaaring maging
kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?

a. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay


b. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya ang
kanyang kakayahan.
c. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang
pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
d. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na
patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.

16. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang
araw ay nilapitan siya ng isang kaklase ay inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes
sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya
nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa
kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya siyang sumali rito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya
ni Angeline?

a. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan
sa pagsasanay.
b. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya makasasabay sa kanyang
mga kasama na matagal ng nagsasanay.
c. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na katangian lalo
na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng volleyball.
d. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa anomang
isports sa matagal na panahon.

17. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng
pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:

a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng
tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa
paligsahan at mga pagtatanghal
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
d. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 | Quarter 1


Page 8|9
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

18. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:

a. Ito ay hindi namamana


b. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
c. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili
d. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan

19. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang
marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa
pagsasalita ng inlges. Ano ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo?

a. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa
pagsasalita at pagsusulat sa Ingles
b. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
c. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paularin
d. Lahat ng nabanggit

20. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?

a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin


b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talent
c. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw
atensyon

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 | Quarter 1


Page 9|9

You might also like