You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I


Unang Markahan
Unang Linggo
Unang Araw

I. LAYUNIN
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: Pangalan
2. Naipakikilala ang sarili at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
3. Naipagmamalaki ang sariling pangalan.

II. PAKSANG ARALIN


Aralin 1: Pagkilala sa Sarili
“Ako ay Natatangi”

Kagamitang Panturo:
CG LAMP - AP1NAT-Ia-1, p. 2
Essential Leaning Competencies, p. 1
Gabay ng Guro sa Pagtuturo, pp. 1-3
Kagamitan ng Mag-aaral, p. 2-10
Mga larawan, tsart, video ng awitin “Kumusta Ka”, papel at pangkulay

II. PAMAMARAAN
A. Awareness
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga kaganapan ng kani-kanilang bakasyon.
2. Balik – aral
Laro: Kapag itinaas ng guro ang kanang kamay, tatayo lahat ang mga lalaki.
Kapag itinaas ng guro ang kaliwang kamay, tatayo naman lahat ang mga babae. May
parusa sa mga magkakamali.
3. Pagganyak
Awit: “ Kumusta Ka”

B. Activity
- Ano-ano ang alam mo tungkol sa iyong sarili?
- Ipakita ang larawan ng batang nagsasalita sa harapan ng mga kaklase.

- Ilarawan ang nasa larawan. Ano kaya ang ginagawa ng batang lalaki sa
harapan ng mga bata?

- Maglaro Tayo.
Bubuo kayo ng pangkat at ipapakilala ninyo ang iyong sarili sa
pamamagitan ng pagsabi ng iyong pangalan.
Pagkatapos nito ay ihanda ang sarili upang ipakilala sa harapan ng klase.

C. Analysis
Anu-anong mga impormasyon tungkol sa sarili ang iyong ibinahagi sa
klase?
D. Abstraction
Bakit kailangan mong malaman ang mga pangunahing impormasyon
tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan?
Tandaan:
Mahalagang malaman mo ang batayang impormasyon sa iyong sarili
kagaya ng pangalan. Magagamit mo ito sa pagpapakilala ng iyong sarili.
E. Application
Anu-anong pangalan ang itinatawag sa iyo ng iyong mga magulang o
kaibigan maliban sa iyong unang pangalan?
Sa mga pangalang ito, alin ang gustong-gusto mong itinatawag sa iyo?

F. Assessment
Gawain:
Gamit ang malinis na papel, gumawa ng name tag kung saan nakasulat
ang
pinakagusto mong pangalan. Kulayan ito gamit ang paborito mong kulay.

IV. ASSIGNMENT
Alamin ang pinagmulan ng iyong pangalan. Itanong sa mgaulang kung
bakit ito ang ibinigay na pangalan sa iyo.
Isulat sa loob ng bituin ang una mong pangalan.

V. MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY (Reflection)


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
(No. of learners who earned 80% in the evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailan ng ng iba pang gawain para sa remediation
(No.of learners who requires additional acts.for remediation who scored below 80%)
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
(Did the remedial lessons work? No.of learners who caught up with the lessons)
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
(No.of learners who continue to require remediation)
E. Alin sa mga istratehiya sa patuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
(Which of my teaching strategies worked well? Why did this work?)
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punong guro at
superbisor?
(What difficulties did I encounter which my principal/supervisor can help me solve?)
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
(What innovations or localized materials did I used/discover which I wish to share with
other teachers?)
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I


Unang Markahan
Unang Linggo
Ikalawang Araw

I. LAYUNIN
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: kaarawan at edad
2. Naipakikilala ang sarili at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
3. Nahihinuha na bawat tao ay ipinanganak sa iba’t-ibang panahon.

II. PAKSANG ARALIN


Aralin 1: Pagkilala sa Sarili
“Ako ay Natatangi”

Kagamitang Panturo:
CG LAMP - AP1NAT-Ia-1, p. 2
Essential Leaning Competencies, p. 1
Gabay ng Guro sa Pagtuturo, pp. 1-3
Kagamitan ng Mag-aaral, p. 2-10
Mga larawan, tsart, video ng awitin “Maligayang Bati”
(https://www.youtube.com/watch?v=OdvUbnRs3mk)

II. PAMAMARAAN
A. Awareness
1. Balik – aral
Ipasagot sa bawat bata: Ano ang pangalan mo?
2. Pagganyak
Awit: “ Maligayang Bati” (https://www.youtube.com/watch?v=OdvUbnRs3mk)

B. Activity
- Tungkol saan ang awitin inyong napakinggan? Kaarawan o Araw ng
Kapanganakan

Ipinanganak ako Ilang taong gulang Ako ay 6 na taong


Kailan ka noong ika – 9 ng ka na? gulang na.
ipinanganak Ben? Marso, 2014.

- Tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga bata?


- Kailan raw ipinanganak si Ben? Ilang taong gulang na siya?

C. Analysis
Anu-anong mga impormasyon tungkol sa sarili ang ibinahagi ng dalawang
bata?
D. Abstraction
Bakit kailangan mong malaman ang mga pangunahing impormasyon
tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong kaarawan o kapanganakan at edad?
Tandaan:
Mahalagang malaman mo ang batayang impormasyon sa iyong sarili kagaya ng
kaarawan at edad. Magagamit mo ito sa pagpapakilala ng iyong sarili.
E. Application
“Birthday Chart”
Sa talaan ng mga kaarawan, isa-isang isusulat ng mga bata ang kanilang pangalan
sa buwan ng kanilang kapanganakan at isusulat ang kanilang edad.

F. Assessment
Gawain:
Sa isang malinis na puting papel iguhit ang cake at isulat ang
iyong edad. Pagkatapos ay isa-isang pupunta sa harapan upang
ipakita ito at sabihin kung kailan ang kapanganakan.

IV. ASSIGNMENT
Isaulo ang kapanganakan at edad.

V. MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY (Reflection)


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
(No. of learners who earned 80% in the evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailan ng ng iba pang gawain para sa remediation
(No.of learners who requires additional acts.for remediation who scored below 80%)
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
(Did the remedial lessons work? No.of learners who caught up with the lessons)
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
(No.of learners who continue to require remediation)
E. Alin sa mga istratehiya sa patuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
(Which of my teaching strategies worked well? Why did this work?)
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punong guro at
superbisor?
(What difficulties did I encounter which my principal/supervisor can help me solve?)
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
(What innovations or localized materials did I used/discover which I wish to share with
other teachers?)

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I


Unang Markahan
Unang Linggo
Ikatlong Araw

I. LAYUNIN
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: magulang at iba pang
miyembro ng pamilya
2. Naipakikilala ang mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya.
3. Nahihinuha na bawat tao ay may natatanging magulang at pamilya.

II. PAKSANG ARALIN


Aralin 1: Pagkilala sa Sarili
“Ako ay Natatangi”

Kagamitang Panturo:
CG LAMP - AP1NAT-Ia-1, p. 2
Essential Leaning Competencies, p. 1
Gabay ng Guro sa Pagtuturo, pp. 1-3
Kagamitan ng Mag-aaral, p. 2-10
Mga larawan, tsart, video “Ang Aking Pamilya”
(https://www.youtube.com/watch?v=rnb7buee6as)
II. PAMAMARAAN
A. Awareness
1. Balik – aral
Ipakita ang larawan ng dalawang batang nag-uusap ito.

2. Pagganyak
Panoorin ang video. “Ang Aking Pamilya” (https://www.youtube.com/watch?
v=rnb7buee6as)

B. Activity
 Pagtalakay tungkol sa napanood na video.
- Sino ang bata sa video?
- Nasa anong baitang na si Popoy?
- Ano ang pangalan ng kanyang tatay?
- Ano ang pangalan ng kanyang nanay?
- Ano ang pangalan ng kanyang ate?
- Tungkol saan ang video?
- Anong uri ng pamilya mayroon sila Popoy?
- Alam mo rin ba ng pangalan ng iyong magulang? At ibang miyembro ng iyong
pamilya?
 Magtawag ng bata at ipasabi ang pangalan ng kanyang magulang.
C. Analysis
Anu-anong mga impormasyon tungkol sa sarili ang natutunan ninyo
ngayon? Bakit kailangan mong malaman ang mga pangunahing impormasyon
tungkol sa iyong sarili tulad ng pangalan ng magulang at ibang miyembro ng
pamilya?
D. Abstraction
Tandaan:
Mahalagang malaman mo ang batayang impormasyon sa iyong sarili
kagaya ng pangalan ng magulang at iba pang miyembro ng pamilya. Magagamit
mo ito sa pagpapakilala ng iyong sarili.
E. Application
Humanap ng kapareha. Magkaroon ng bahaginan o pagpapakilala ng
inyong magulang at iba pang miyembro ng inyong pamilya sa isa’t-isa.

F. Assessment
Makinig sa babasahin ng guro. Iguhit ang masayang mukha kung
wasto ang sinasabi at malungkot na mukha kung hindi.
1. Mahalagang malaman nang isang bata ang pangalan ng kanyang magulang.
2. Hindi alam ni Ben ang pangalan ng kanyang magulang dahil sa lolo at lola
siya nakatira.
3. Ipagmalaki ang magulang at iba pang miyembro ng pamilya.
4. Mahalin at igalang ang lahat ng miyembro ng pamilya.
5. Huwag ng alamin ang pangalan ng magulang dahil palagi mo naman silang
kasama.

IV. ASSIGNMENT
Isulat sa inyong kuwaderno ang pangalan ng iyong magulang at iba pang
miyembro ng pamilya.

V. MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY (Reflection)


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
(No. of learners who earned 80% in the evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailan ng ng iba pang gawain para sa remediation
(No.of learners who requires additional acts.for remediation who scored below 80%)
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
(Did the remedial lessons work? No.of learners who caught up with the lessons)
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
(No.of learners who continue to require remediation)
E. Alin sa mga istratehiya sa patuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
(Which of my teaching strategies worked well? Why did this work?)
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punong guro at
superbisor?
(What difficulties did I encounter which my principal/supervisor can help me solve?)
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
(What innovations or localized materials did I used/discover which I wish to share with
other teachers?)
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I


Unang Markahan
Unang Linggo
Ikaapat na Araw

I. LAYUNIN
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: tirahan
2. Nailalarawan ang tirahan bilang pagkakakilanlan sa sarili.
3. Nabibigyang - halaga ang pagkakaroon ng sariling tirahan.

II. PAKSANG ARALIN


Aralin 1: Pagkilala sa Sarili
“Ako ay Natatangi”

Kagamitang Panturo:
CG LAMP - AP1NAT-Ia-1, p. 2
Essential Leaning Competencies, p. 1
Gabay ng Guro sa Pagtuturo, pp. 1-3
Kagamitan ng Mag-aaral, p. 2-10
Mga larawan, tsart,

II. PAMAMARAAN
A. Awareness
1. Balik – aral
Pagwawasto ng mga takdang-aralin sa pamamagitan ng pagsabi ng
pangalan ng kanilang magulang at iba pang miyembro ng pamilya.

2. Pagganyak
Awit: “Lumipad ang Ibon”

B. Activity
 Saan lumipad ang ibon? May tirahan baa ng mga ibon?
 Ngayon araw ay mayroon tayong pag-aaralan na isang maikling kuwento.
 Pagbasa ng kuwento.

“Magtatanong lang po.”


Isang araw, sumama si Nilo sa kanyang tatay upang bisitahin ang
kanyang tiyo sa kabilang bayan. Pagdating nila sa bayan, ay napansin ni Nilo na
napakaraming tao sa paligid. Hindi napansin ni Nilo na naiwanan na siya ni tatay.
Inihatid ng Pulis si Nilo hanggang sa bahay ng kanyang tito, at doon ay nakita
niya ang kanyang tatay. Nagpasalamat sila sa mamang pulis.
“Bakit, nawawala ka ba?” ang sabi ng pulis kaya Nilo. “Opo, Naiwan po ako ng
tatay ko, dun po ami pupunta. Saan po banda iyon?” Inihatid ng Pulis si Nilo
hanggang sa bahay ng kanyang tito, at doon ay nakita niya ang kanyang tatay.
Nagpasalamat sila sa mamang pulis.

C. Analysis
 Sagutan ang mga tanong.
1. Saan nagpunta si Nilo?
2. Sino ang kasama niya?
3. Ano ang nangyari pagdating nila sa bayan?
4. Bakit lumapit si Nilo sa pulis?
5. Ano ang mahalagang impormasyon ang ibinigay ni Nilo sa pulis kaya siya
nakarating sa bahay ng kanyang tiyo?

D. Abstraction
Bakit kailangan mong malaman ang mga pangunahing impormasyon
tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong tirahan?
Tandaan:
Mahalagang malaman mo ang batayang impormasyon sa iyong sarili
kagaya ng inyong tirahan. Magagamit mo ito sa pagpapakilala ng iyong sarili.
E. Application
Sagutan ang sitwasyon.
1. Naligaw ka sa parke. May nakita kang pulis. Ano ang sasabihin mo?

F. Assessment
Isa-isang ipasabi sa mga bata ang kanilang tirahan.

IV. ASSIGNMENT
Isulat sa kuwderno ang inyong tirahan at isaulo ito.

V. MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY (Reflection)


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
(No. of learners who earned 80% in the evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailan ng ng iba pang gawain para sa remediation
(No.of learners who requires additional acts.for remediation who scored below 80%)
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
(Did the remedial lessons work? No.of learners who caught up with the lessons)
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
(No.of learners who continue to require remediation)
E. Alin sa mga istratehiya sa patuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
(Which of my teaching strategies worked well? Why did this work?)
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punong guro at
superbisor?
(What difficulties did I encounter which my principal/supervisor can help me solve?)
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
(What innovations or localized materials did I used/discover which I wish to share with
other teachers?)

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I


Unang Markahan
Unang Linggo
Ikalimang Araw

I. LAYUNIN
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: paaralan
2. Nailalarawan ang paaralan at lokasyon nito.
3. Naiisa-isa ang batayang impormasyon tungkol sa paaralan.

II. PAKSANG ARALIN


Aralin 1: Pagkilala sa Sarili
“Ako ay Natatangi”

Kagamitang Panturo:
CG LAMP - AP1NAT-Ia-1, p. 2
Essential Leaning Competencies, p. 1
Gabay ng Guro sa Pagtuturo, pp. 1-3
Kagamitan ng Mag-aaral, p. 2-10
Mga larawan, tsart,

II. PAMAMARAAN
A. Awareness
1. Balik – aral
Saan ka nakatira?

2. Pagganyak
Awit: “Kumusta Ka”

B. Activity
“ Lakbay-aral”
Magkaroon ng lakbay-aral sa loob ng paaralan.
Ipakita ang kabuuan ng paaralan upang maging pamilyar sa mga
bata.
Ipasabi ang pangalan nito ang lokasyon.

C. Analysis
- Ano ang pangalan ng iyong paaralan?
- Saan ito matatagpuan?
D. Abstraction
Bakit kailangan mong malaman ang mga pangunahing impormasyon
tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong paaralang pinapasukan?
Tandaan:
Mahalagang malaman mo ang batayang impormasyon sa iyong sarili
kagaya ng inyong paaralan. Magagamit mo ito sa pagpapakilala ng iyong sarili.
E. Application
“Pangkatang- Gawain”
Bawat pangkat ay iguguhit ang paaralan at isusulat ang pangalan
nito. (Isusulat nang guro ang buong pangalan ng paaralan sa
pisara)

F. Assessment
Isa-isang ipasabi sa mga bata ang pangalan ng paaralan.

IV. ASSIGNMENT
Iguhit ang paaralan sa kuwaderno at isulat ang pangalan at lokasyon nito.
Maaaring magpatulong sa magulang at iba pang miyembro ng pamilya.

V. MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY (Reflection)


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
(No. of learners who earned 80% in the evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailan ng ng iba pang gawain para sa remediation
(No.of learners who requires additional acts.for remediation who scored below 80%)
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
(Did the remedial lessons work? No.of learners who caught up with the lessons)
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
(No.of learners who continue to require remediation)
E. Alin sa mga istratehiya sa patuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
(Which of my teaching strategies worked well? Why did this work?)
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punong guro at
superbisor?
(What difficulties did I encounter which my principal/supervisor can help me solve?)
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
(What innovations or localized materials did I used/discover which I wish to share with
other teachers?)

You might also like