You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IVA- CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
ALAMINOS DISTRICT
ALAMINOS INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
ALAMINOS, LAGUNA

RESOLUSYON PARA SA IMPLEMENTASYON NG HARAPANG PAGKAKLASE

Nais ipaabot at magalang na ipinababatid sa butihing mga Magulang ng mag- aaral ng


Alaminos Integrated National High school sa pamamgitan ng resolusyong ito;

NA; Ang Department of Education ay nagpahintulot na magkaroon ng Limited Face to Face


Classes sa mga Paralang nakatugon DM 001 s.2021 (Conduct of School Safety
Assessment in Preparation for the Conduct of Pilot Implementation on Face to Face learning
Modality for 638 Pre-Identified Schools) na inilabas noong Sept 15, 2021.

NA; Ang Dibisyon ng Laguna ay pinasisigla ang mga sakop nitong Paaralan na magsagawa
din ng kaparehong assessment upang maihanda ang mga paaralan sa posibleng Limited
Face to Face Class sa hinaharap.

NA; Ang Distrito ng Alaminos ay nakikiisa sa paghahandang isinasagawa para sa posibleng


Limited Face to Face Class sa hinaharap.

NA; Kaugnay nito, ang Alaminos Integrated National High School ay lalahok sa paghahanda
para sa implementasyon ng harapang pagkaklase kasama ang dry-run ng proseso na hindi
lalampas sa 2 buwan. Ang gawaing ito ay naglalayong paunlarin ang mga estratehiya,
maunawaan ang mahahalagang konsiderasyon ng mga stakeholder, at matukoy ang mga
kagamitang kinakailangan para sa mabisa at mahusay na transisyon ng mga mag-aaral
mula sa distance learning patungo sa mas malawak na pagpapatupad ng harapang
pagkaklase (expanded face-to-face classes).

MGA BENEPISYO
Tutugunan ng gawaing ito ang mga suliranin ng mga mag-aaral sa sariling pagkatuto at
kakulangan sa magagamit na teknolohiya at mga kagamitan sa bahay. Dagdag pa rito,
makikinabang sa hinaharap ang ating mga mag-aaral mula sa impormasyong makakalap sa
gawaing ito.

NA; Boluntaryo ang paglahok sa gawaing ito. Ang mga magulang at ang kanilang mga anak
ay maaaring tumanggi o umatras sa paglahok sa anumang oras sa anumang dahilan. Ang
pagtanggi o pag-atras sa gawaing ito ay hindi magkakaroon ng anumang parusa, o hindi
mawawala ang anumang benepisyong nararapat para sa kanilang anak.

NA; May MGA LIMITASYON/MGA HINDI MAAARING MAPILING LUMAHOK


Sang-ayon sa mga protokol na pangkalusugan at pangkaligtasan (health and safety
protocols), HINDI pinahihintulutang lumahok ang mga mag-aaral na may comorbidities sa
Paunang Implementasyon ng Pamamaraang Harapang Pagkaklase.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IVA- CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
ALAMINOS DISTRICT
ALAMINOS INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
ALAMINOS, LAGUNA
Ang mga mag-aaral na nagpositibo sa COVID-19 o mayroong kasama sa bahay na
nagpositibo sa COVID-19 ay mahigpit na susundin ang quarantine period na naaayon sa
mga alituntuning ipinatutupad sa buong bansa patungkol sa Return to School / Work Policies
at sa Seksyon 7.4.6 Strategy to Reintegrate ng Guidelines, at kailangang mabigyang
pahintulot ng lisensyadong medikal na doktor na lumahok sa gawaing ito. Ang mga
alituntunin ding ito ang susundin ng isang batang magpopositibo sa COVID-19 habang
isinasagawa na ang gawaing ito.

Bago pahintulutan ang paglahok sa limitadong harapang pagkaklase, sasagot ng health


form ang mga magulang o legal na tagapangalaga bago magsimula ang harapang
pagkaklase, na magpapatunay na ang kanyang anak at ang kanilang mga kasama sa bahay
ay hindi close contact, suspect, probable o confirmed COVID-19 case sa nakaraang labing-
apat (14) na araw, at hindi nakararanas ng sintomas na kaugnay ng COVID-19 kabilang na
ang, ngunit hindi limitado sa, lagnat, pag-ubo, pangangapos ng hininga, pagkapagod,
pananakit at pagkirot ng katawaan o kalamnan, pagkawala ng panlasa o pang-amoy,
pananakit ng lalamunan (sore throat), sipon o baradong ilong, pagduduwal, pagsusuka, at
pagtatae.

KUNG KAYA; buong galang na idinudulog at inilalapit sa mga magulang ng mga nakalagda
sa ibaba na kami po ay matulungan sa paghahanda na aming isasagawa;
KAUGNAY NITO; hinihiling po namin ang anumang tulong at suporta mula sa inyo bilang
mga magulang ng mga mag- aaral ng ating paaralan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IVA- CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
ALAMINOS DISTRICT
ALAMINOS INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
ALAMINOS, LAGUNA

 Suporta sa mga kinakailangang gamit gaya ng face masks, alcohol, thermal scanner
at iba pang kagamitan upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

ANG RESOLUSYONG ITO AY PINAGTIBAY NGAYONG IKA_17__ NG __Marso______,


2022 SA PAMAMAGITAN NG LAGDA NG MGA SUMUSUNOD:

AIDA M. BEJO MELANIE M. ABRIL


Punongguro lll Pangulo ng PTA

ELEGIN E. PADUA JESSICA MONTES


Ulongguro l Pang. Pangulo

ADELINA F. TROPICALES JOAN AQUINO


Ulongguro l Kalihim

CESAR N. OCAMPO GERALYN VILLANUEVA


Ulongguro l Ingat Yaman

LYDIA B. QUILLOPO
Awditor

You might also like