You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR
Pamplona DISTRICT
SAN RAMON ELEMENTARY SCHOOL

PARENTAL CONSENT AND WAIVER FORM


Ang San Ramon Elementary School, matapos dumaan sa masusuing pagsisiyasat, pag-aaral, pagtatasa
at napatunayang maingat na sumusunod sa “minimum public health standards” na ipinapatupad ng pamahalaan
ay nabigyang pahintulot ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Department of Health na maisama sa listahan ng
mga paaralan sa purok ng Pamplona na magsasagawa ng “Progressive Expansion of Limited Face to Face
Classes.”
Ang pagiging kabilang ng San Ramon Elementary School sa Progressive Expansion of Implementation
ng Limited Face to Face Classes ay naglalayong makabuo ng mga pamamaraan na tutugon sa pangangailangan
ng mga mag-aaral at komunidad, makahanap ng mga mapagkukunan ng mga kagamitan sa mas mabisa at
mahusay na pagbabago ng pag-aaral mula sa “distance learning” patungo sa “expanded face to face classes.”
Ang progressive expansion of face to face classess ay gagawin sa pamamagitan ng kumbinasyong modular
print at limited face to face tuwing umaga simula Lunes hanggang Huwebes. At ang Biyernes ay ilalaan bilang
“disinfection/assessment day”. Hahatiin ang klase sa 2 sets. Set A muna ang papasok para sa Face to Face
Modality at ang SET B ay Modular Print Modality para sa unang linggo at magpapalitan sila sa sunod na linggo
at vice versa.
Ang gawain pong ito ay inaasahang makakatulong sa ating mga mag-aaral na nakararanas ng suliranin sa
pag-aaral nang malaya at walang kakayahang magkaroon at gumamit ng mga makabagong kagamitan at
teknolihiya sa pag-aaral.
Ang mga personal na impormasyong makakalap mula sa gawaing ito ay pananatilihing kumpidensyal
alinsunod sa Data Privacy Act 2012.
Ang pakikiisa sa gawaing ito ay boluntaryo. Ang inyong anak o kayo ay hindi pinipilit na lumahok lalo na
ang mga mag-aaral na may dinaras na problema sa kalusugan.
Ang mga mag-aaral na magpopositibo sa COVID o ang mga kasama nito sa tahanan ay inaasahang hindi
muna lalahok sa klase at susunod sa tamang proses ayon sa Guidlelines on Return to School, Section 7.4.6
na ipinatutupad ng pamahalaan.

>----------------------------------------------------------------------
Pipirmahan at Ibabalik ang ibabang bahagi na ito sa guro

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V
Schools Division of Camarines Sur
Pamplona District
SAN RAMON ELEMENTARY SCHOOL

PAHINTULOT at PAG-PAUBAYA (CONSENT AND WAIVER)


Ako, Si G./Gng./Bb.____________________________________________________magulang/ legal
na tagapag-alaga ni ________________________________________________ ng baytang ________
seksyon______ay ipinagbibigay alam na nabasa ko, lubos na naunawaan ang mga detalye at ako’y
responsableng makikilahok sa gagawing “PROGRESSIVE EXPANSION OF LIMITED FACE TO
FACE LEARNING MODALITY”.Nababatid at nauunawaan ko na ang SAN RAMON ELEMENTARY SCHOOL
ay magpapatupad at susunod sa “minimum public health standards” na ipinatutupad ng gobyerno upang labanan
ang pagkalat ng COVID-19 ngunit hindi kasiguruhan na hindi masasalinan ang aking anak ng kumakalat na
sakit lalo na’t ito ay lubhang nakakahawa. Nilalagdaan ko ang pahintulot na ito ngayong ika-_____________
ng __________, 2022 sa Barangay ____________________,Pamplona, Camarines Sur.

______________________________________
(lagda sa ibabaw ng pangalan)

You might also like