You are on page 1of 2

“SULONG EDUKALIDAD: Pagtataguyod sa Kinabukasan ng Bayan” Ito ang paksang pinahahalagahan sa

Pagtatapos 2020.
Ako’y nagagalak sa ating ipinagdiriwang sapagkat patunay lamang ito na tayo ay nananalig sa
kapangyarihan ng edukasyon na siyang humubog sa ating mga magsisipagtapos ngayong taon.

Ang pagtatapos ay pagsisimula pa lamang ng panibagong pakikibaka tungo sa pangarap. Ano man ang
sitwasyong ating kinahaharap, hindi nito mapipigil ang pagbibigay pugay ng Paaralang Elementarya ng
Payar sa mga mag-aaral nitong nagsumikap at nagpursige.
Kaya naman, atin ng simulan ang palatuntunan sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hinirang na agad
susundan ng panalangin at Pangasinan Hymn.

Sa puntong ito, ating pakinggan ang pambungad na mensahe ni Ginang Joanna Liezel Castro, Master
Teacher II ng ating paaralan.

Nag uumapaw na kagalakan ang aking pagbati sa inyong lahat. Ang araw na ito ay ang katuparan ng bawat
pangarap, mga pangarap na sa loob ng anim na taon ay tuluyang nakamtan ng mga magsisipagtapos. Kaya’t
sa puntong ito, pakinggan natin ang mensaheng magbibigay muli ng inspirasyon sa ating nagsipagtapos, ang
butihing ina ng Departamento ng Edukasyon, Leonor Magtolis Briones.

Sipag, tiyaga, determinasyon at tamang inspirasyon ang naging sangkap ng ating mga magsisipagtapos.
Kaya naman isang mensahe ang ipapaabot sa atin ng ating mahal na Schools Division Superintendent Gloria
R. Torres.

Sa likod ng isang matagumpay na institusyon ay mga matatag na lider na siyang gumagabay at


nagbubuhos ng kanilang kakayahan, dedikasyon at buong pusong pagmamahal sa ngalan ng serbisyo, kaya’t
nararapat lamang na sila’y bigyan ng isang pagpupugay at pagkilala. Mga Kaibigan, ang mga Opisyal ng
ating paaralan.

Ang paggugol ng anim na taong pang-akademiko ay tiyak na puno ng hamon, hirap at ginhawa, lungkot at
saya. Kaya’t nararapat lamang na maipakilala ang mga mag-aaral na matagumpay na natapos ang kanilang
akademikong yugto. Upang pormal na maipakilala ang ating mga magsisipagtapos aking tinatawagan ang
ama ng Payar Elementary School, Ginoong Jerome G. Rosario na susundan kaagad ng pagtanggap,
pagpapatibay, at mensahe ni Ginoong Benjamin M. Resngit Jr, tagamasid pampurok ng ating Distrito.

Sa pagkakataong ito, pakinggan natin ang mensaheng magbibigay muli ng inspirasyon sa ating mga
nagsipagtapos, ang butihing ama ng ating barangay… Kapitan Reynaldo C. Paragas.
Ito na puntong pinakahihintay ng ating mga nagsipatapos kabilang ang kanilang mga magulang, ang
paggawad ng Diploma, Medalya at Sertipiko sa ating mga Mag-aaral.

(recorded)

Pakinggan naman natin ang mensahe ng pasasalamat ni Sarah Mae B. Omilda, ang nagtapos na nagkamit ng
may Pinakamataas na marka.

Hinihiling na magsitayo ang mga nagsipagtapos para sa kanilang Panunumpa ng Katapatan sa pangunguna
ni Mikaella Victoria D. Capuz, nagtapos na may pangalawang pinakamataas na marka.

Upang magbigay-ulat sa mga kaganapan, mga layuning nakamtan, at mga programang matagumpay na
naisakatupan ng ating paaralan sa Taong Panuruan 2019-2030, hinihiling nating magbigay ng sinopsis si
Ginoong Jerome G. Rosario , ang ating punong-guro.

Ngayon nama’y panoorin natin ang paglalakbay at mga ala-alang nabuo ng mga nagsipagtapos upang
marating ang araw na ito.

Maligayang pagtatapos sa inyong lahat. Laging isaisip, isapuso at isagawa ang mga natutunan ninyo sa
natapos na kabanata ng inyong pag-lalakbay.

Ngayon naman ating panuurin ang mga mag-aaral sa Kinder hanggang ikalimang baiting na nagkamit ng
karangalan.

Maraming Salamat sa lahat na nakibahagi sa aming palatuntunan ngayong araw. Mabuhay po kayong lahat
at mabuhay ang Payar Elementary School
na mananatili ang mantra nitong #payarmaandar!

You might also like