You are on page 1of 2

Bahay Kubo: Isang tatak ng Pagka-Pilipino

“Bahay Kubo kahit munti…” marahil pamilyar ka sa kantang ito sapagkat ang linyang ito ang sumsagi sa isipan
ng bawat nakakarinig sa salitang “bahay kubo” o “Kamalig” sa ibang bayan. Bago pa man dumating ang mga kastila sa
Pilipinas ay may sariling tatak na ang mga Pilipino. Isa sa mga pinagmamalaking tatak ay ang pagkakaroon ng tanahan
na nabubuo sa “Bahay- Kubo” o “Nipa Huts” sa Ingles.

Ang Bahay Kubo ay isang simbolo ng pamumuhay noon sa ibat-ibang dako sa ating bansa. Ang mga ito ay
naiiba sa ibat-ibang lugar, ayon sa mga kondisyon at kalagayan ng lugar. Ito ay simbolo ng pamumuhay ng mga
Pilipino. Sinasabing wa;ang tunay na kahulugan kung paano ginawa ang isang bahay kubo, ngunit mayroong maraming
mga bagay na karamihan ay magkakatulad. Ang kondisyon sa mababang lupain sa ilang rehiyon ay humantong sa ilang
mga pangunahing pagkakatulad. Karamihan sa mga kubo ay nakapaloob sa tatlong pinagpatong-patong na
nakadepende sa lokasyon dahil may mga malapit sa tabing ilog na karaniwan ay itinatayo na may tungtungan.
Sa ngayon, may mga pagbabago sa itsura at pagggawa ng bahay kubo dal ana rin ng
modernong panahon. Madalas ang mga tungtungan ngayon ay simpleng kongkreto mga bloke ng cinder kaysa sa
tradisyonal na kahoy. Anuman ang mga materyales na ginagamit, ang benepisyo sa estilo na ito ay proteksyon mula sa
baha. May mga natatanging bahagi ang Bahay-Kubo, sa itaas ng mga tungtungan ay ang living area o ang tagalong.
Ang lugar na ito ay naka dikit sa hagdanan. Ginawa ito nang bukas at maayos ang bentilasyon upang makatulong na
mapanatili na malamig ang tahanan at makapasok ang natural na liwanag na tumatagos sa kubo. Kadalasan ay may
mga slats ng kawayan para sa sahig, na nagbibigay ng malamig na hangin na lumalabas mula sa silong. Ang ilan sa
mga disenyo ngayon ay may kisame pero kadalasan ay hindi nilalalagyan nito upang makalabas ang mainit na hangin
sa taas ng nipa at umalis sa bubong.

Karaniwan sa mga bubong ng bahay-kubo ay mataas at matarik na tila lumilikha ng espasyo sa itaas ng sala
para ang mainit na hangin ay dumaloy. Ang mga ito ay binuo na may thatch, isang material na madaling magagamit.
Nagbibigay ito ng malamig na pakiramdam sa kubo sa mahabang panahon ng tag-init. Ang mga pader ay kadalasang
itinatayo ng mga kawayan o mga banig na kawayan upang mabigyan ang bahay ng malamig na hangin. Itinatayo parin
ang mga ito sa isang parisukat na hugis at iniiwang bukas para sa liwanag at lamig. Ang mga bintana ay Malaki upang
makatulong na magbigay liwanag at madalas ay bukas sa isang mahabang kawayan.

Sa ngayon, ang bahay-kubo ay bihira nang gamitin nag awing tahanan. Gayunpaman, marami paring
gumagawa o naghahanap para gawing pahingahan. Sa aming pagsasaliksik ay nakilala naming si Mang Lito Castro
mula sa Brgy. Palaming, San Carlos City, Pangasinan na walumput walong taon nang gumagawa ng bahay kubo. Ito
ang nagsilbing paraan para mabuhay niya ang kanyang pamilya. Ayon sa kanya, siya ang kauna-unahang gumawa ng
baha-kubo para ibenta at pagkakitaan dito sa siyudad ng San Carlos. Nagsimula siyang gumawa ng bahay-kubo sa
edad na dalawampu.

“Ito na ang naging trabaho at libangan na rin. Malaki ang naitulong nito sa akin at sa aking pamilya dahil dito
naming kinukuha ang pang-araw -araw na pangangailangan”, wika ni Mang Lito.
Ang halaga ng kubo ni Mang Lito ay nakadenpde sa laki na nagkakahalaga ng labinlimang libo hanngang
animnapung libo. Sa mga gustong magpagawa ay maaring makipag-ugnayan sa kanila sa numerong 09207089885.

Sinulat nina: Nolan Flores, Sheiloh Sendin, Romy De Loyola

Larawan nina: Sheiloh Sendin at Jumann Corpuz

You might also like