You are on page 1of 3

10 Most Venomous Spiders in the World

Intro (30 secs): Sa mga nakaraang taon ang arkitektura sa mundo ay labis na umusbong sa iba’t-ibang
estilo at kasabay nito ang pagpapagawa ng mga tao ng kakaibang estilo ng bahay. Tignan ang
mga architectural wonders na aming ipapakita sa inyo ngayon; madalas ay imposibleng
paniwalaan na ang mga gusaling ito ay hindi lang kathang-isip o isang inedit na larawan dahil sila
ay totoo.

Kaya subaybayan ang 10 sa pinakakakaibang bahay sa buong mundo sa aming bidyo ngayon
araw.

Kunsthaus Garz (55 secs): Kunsthaus Graz. Ang Austrian House of Arts ay matatagpuan sa kakaibang
gusali; kilala rin ito bilang friendly alien. Ang mga British Architects na sina PeterCook at Colin
Fournier ay siyang gumawa ng proyektong ito. Ang museum sa loob ay nakapokus sa
contemporary arts na nakakatulong sa kabuuang kagandahan ng gusali. Inabandona ng mga may
likha ang nakasanayan ng disenyo ng mga gusali. Ang pundasyon nito ay gawa sa reinforced
concrete at ang mga façade ay gawa sa blue plastic panels. Mayroon din itong mga media
installations na nagbibigay ng liwanag kapag madilim na ang kapaligiran kaya nagmimistulang
spaceship ang gusali at s aumaga naman ay ginugulat nito ang mga turista sa kakaibang itsura
nito.

Free Spirit Sphere (55): Free Spirit Sphere. Madali lang isipin ang itsura ng simpleng isang tree house
ngunit paano kung spherical tree house? Kaya ba ng iyong imahinasyon? Ang imbentor na si Tom
Chudleigh ay gumawa ng ilang ganito at pinangalanan niyang free spirit sphere. Ito ay gawa sa
wooden bores at nakabitin sa mga puno gamit ang mga lubid at para makaakyat dito ay
kailangan mong gamitin ang paikot na hagdan na nakapalibot sa puno at tawirin ang tulay na
nakakabit dito. Sa loob nito ay mayroong lahat ng kakailanganin mo; may lababo, kama, para sa
dalawa, saksakan, at mga speakers at mga bintanang may magandang tanawain sa kagubatan.

Grain Silo House (35 secs): Grain Silo House. Marami sa inyo ang pinangarap na tumira sa mga
kakaibang luagr noong bata pa kagaya ng bahay na gawa sa karton o kung ano pa man. Marami
na ngayon silo sa mundo at hindi mo aakalaing na komportable ang loob nito. Mayroon na itong
lahat na kailangan mong gawin at kamangha-mangha rin anag pangkaraniwang laki nito na
umaabot sa 120 square yards o dalawang palapag. Kaya lang kung nais mong tumira sa ganito ay
kailangan mong paghandaan ang mainit na panahon dahil madaling itong pasukan ng init. Sa
kabuuan ito ay isang maliit na dalawang palapag na bahay na bagay para sa mga bagong kasal o
mga magsasaka.

Habitat 67 (60 secs): Habitat 67. Mahirap man paniwalaan ngunit ang kakaibang estrukturang ito ay
katulad sa pinagpatong-patong na mga kahon. Ito ay ginawa noong 1967. Isang arkitekto mula
sa Canada na si Moshe Safdie ang gumawa ng iresidential complex na para sa International
Exhibition Expo 67, isa sa mga bigating world exhibitions noong panahon na iyon. Noong una ay
iniisip ng 23 taong gulang na si Safdie na ang residential complex ay isang experimental model
ngunit ito ang simula ng kaniyang pagiging matagumpay at tanyag na arkitekto. Ito ay may 354
concrete blocks na nakapaibabaw sa isa’t-isa na bumubuo ng 146 na apartments. Nakaplano na
ang pagbuo dito ay sa mababang presyo lamang ngunit kung susuriin ay hindi mura ang
pagkakagawa sa lugar na ito. Ito ay matatagpuan sa Montreal at kahit mahigit 50 taon na ang
tagal nito ay mayroon pa rin itong futuristic look.

Geisel Library (70 secs): Geisel Library. Ang anim na palapag na silid-aklatang ito ay pagmamay-ari ng
University of California na matatagpuan sa San Diego. Ito ay ginawa noong 1970 na mapapansin
mo sa kanyang itsura at ito rin ang piniling maging logo ng unibersidad. Maraming haka-haka
ang lumutang tungkol sa konstruksyon ng silid-aklatan kagaya ng ayon sa enumeration ay
walang ikatlong palapag dito at ito ay makatotohanan. Iisipin mong baka takot ang gumawa nito
sa numerong 3 o hindi kaya’y mayroong nakatagong kwarto rito pero ang totoo ay ang 3rd floor
ay nakadisensyo bilang isang lugar lamang na walang mga kwarto para sa mga mambabasa kaya
wala itong numero.

Ang unang pangalan nito ay Central Library at napalitan lamang noong 1995 na ibinase ang
pangalan nito kay Theodore Seuss Geisel na mas kilala bilang Dr. Seuss. Palaging kasama ang
lugar na ito sa mga listahan ng pinakamagandang silid-aklatan sa mundo dahil kaakit-akit nga
naman ang kakaibang itsura nito.

Super-Slim House (54 secs): Super-Sim House. Ang manunulat na si Edgar Curette ay nakatira lugar na
hindi para sa mga taong may claustrophobia dahil manipis ito na kinaya nitong sumiksik sa
pagitan ng dalawang gusali at ang pinakamalawak na parte ng bahay ay may sukat lamang na
4ft. Ito ay bahay na may 150 sq ft; mayroong itong bathroom, working space, at iba pang
kakailanganin ng tao. Ang pintura at mga kagamitan nito sa loob ay kulay puti na nakakatulong
upang mas maging malawak tignan ang lugar ngunit kahit na ganito mahirap pa ring paniwalaan
na may taong kayang tumira sag anito kakipot na lugar. Ayon naman kay Edgar Curette, ang
bahay ay ideyal para sa mga taong gustong mapag-isa kagaya niya.

House in a Missile Silo (60): House in a missile silo. Maniwala ka man o hindi ay mayroong mga
intercontinental ballistic missiles ang ni-launch noon at ngayon may mga taong nakatira sa lugar
na ito at ang mga missile silo ay isa sa mga pinakakakaibang underground house sa mundo. Sa 52
dayametro ay mayroong kwarto, sala, kusina, at malalawak na espasyo. Para lang makagamit
nito sa pansariling dahilan; ang mga may-ari gumastos ng higit sa $160 para sa kabuuang
pagsasaayos nito. Kung tingin mo ay hindi worth it ang pagbili ng mga silo ay nagkakamali ka
dahil kaya ng mga ito tumagal ng ilang siglo na magandang ipaman sa iyong mga apo.

Bubble Palace (36 secs): Bubble palace. Sa kabila ng pangalan nito, hindi ginawa ang bahay na ito para
gumawa ng bubbles. Ang gusaling ito ay para sa French fashion designer na si Peirre Cardin
noong 1989 at sa ngayon, ang tanyag na fashion designer ay hindi na nakatira dito. Pwedeng
rentahan ang bahay para magdiwang ng okasyon o hindi kaya’y panandaliang tirahan. Ilan sa
kwarto dito ay may area na higit sa 9200 sq ft, swimming pool at bakuran na kakaysa ang 500
katao.
Futuro (50 secs): Ito ay isang bahay na mula rin sa 60’s pero ito naman ay galing sa Africa. Ang London
artist na si Crage Barnes ay gustong isakatuparan ang pangarap niya noong bat ana dalhin ang
mga inabandonang plate houses sa capital ng Great Britain at ayusin ang pagbubuo nito muli
kasama ang iba’t-ibang malikhaing tao. Masasabi natin na maganda ang nagging result anito.

Ngayon ay meron na si Barnes ng kaniyang sariling kwarto, comfort room, kusina, at mga upuan.
Ngayon ito ay matatagpuan sa itaas ng St. Martin’s College at bukas para sa mga bisita.

Underground Refrigerator (45 secs): Lahat ng bahay ay pwedeng maging kakaiba lalo na kapag
dinagdagan mo ito ng mga detalye; halimbawa, ang refrigerator na kumakain ng malaking
espasyo sa kusina ay i-konekta ito sa lupa. Ang ideyang ito ay nagsimula sa Volta Free Company.
Ang waterproof na capsule ay dinesenyohan ng kahoy at mayroong ventilation sa loob. Dahil sa
sukat nito marami ka ring maitatagong mga pagkain sa loob at kahit walang elektisidad na gamit
ang natural na temperature sa loob ay umaabot sa 10 degrees celsius kahit sa summer.

You might also like