You are on page 1of 6

MGA KATEGORYA/KLASIPIKASYON NG SINING

BISWAL NA SINING.
1. Arkitektura. Ang sining at siyensya ng pagdedesinyo ng mga gusali, at iba
pang mga estruktura para sa praktikal at simbolikong pangangailangan. Sa
lahat ng uri ng sining ang arkitektura ang maituturing na may malaking
bunga sa buhay ng mga tao sapagkat saklaw ng arkitektura ang mismong
bahay na ating tinitirhan. Kung wala ang bahay na ating tinitirhan marahil
hindi tayo magkakaroon ng mapayapa at maayos na pamumuhay kapiling ang
pamilya. Gayundin sa gusali na pinagtatrabahuan, mga lugar na tayo ay
nakakapag-shopping, at mismong lugar kung saan tayo ay nagdarasal, ang
simbahan. Sa pagdaan ng maraming taon, hindi maikakaila na marami na
ring mga nakakamanghang estruktura ang makikita natin sa ating paligid
higit pa sa mga bahay na ating tinitirhan. Maituturing din itong pamana sa
atin ng mga ninuno sapagkat hindi lamang ang estruktura ang mismong
nakikita natin kundi naipasa na rin kung papaano ito gawin. Kaya anumang
klase ng estruktura ang gagawin, tinutugunan ng mga arkitektura o
pinagsasama-samang tatlong mga pangunahing isyu: Tungkulin, Anyo at
Estruktura.

Ang bubong (roof) ay maituturing na


klasikong simbolo ng proteksyon at
seguridad. Ang bubong ang pumoprotekta
sa atin mula sa mainit na araw at pag-ulan.
Ginagawa nitong kumportable ang buhay ng
mga tao.

Roofing panel.
https://www.alphasteel.ph/basic-guide-
roofing-materials/

Ang bahay kubo (Nipa Hut) ay uri ng bahay na


katutubo sa kultura ng Pilipinas. Bago nabuo
ang iba pang mga estruktura ay ito muna ang
naging desinyo o uri ng bahay ng mga Pilipino
bago ang pre-kolonyal na panahon. Sa
Sebuano- Cagayan de Oro ito ay tinatawag na
payag. Sa probinsiya ng Bukidnon ay
makakakita ka pa rin ng bahay kubo. Tiyak
marerelaks ka rito dahil malamig sa loob.
Abandoned kubo in Toril, Samal Island

https://samalbahaykubo.wordpress.com

2. Eskultura. Ang sining ng pag-uukit, pagkakasting, pagmomodelo at


pagbubuo(assembling) ng mga materyal sa isang tatlong dimensyong pigura
o anyo. Ang pag-uukit at pagmomodelo ay maaaring isagawa sa kahoy,
seramiks, metal, bato at iba pang materyal.

A. Ang pag-uukit (carving) ay ang paggamit ng isang blokeng


materyal at tinatabas ang mga porsyon hanggang sa ang mga
inaasam-asam na porma ay lalabas. Malaki ang kahingiang
inasaahan ng uring ito sa isang eskultor sapagkat mahalagang
malinaw sa kanyang isip ang inaasahan niyang awtput sa materyal
na gagawin.

The Bearded Slave


(marble, height 263 cm,
Circa 1530-34)
http://www.accademia.org/explore-
museum/artworks/michelangelos-
prisoners-slaves/

B. Casting. Kinabibilangan ito ng paggamit ng hulma (mould) at


pagbuhos ng likidong materyal katulad ng tinunaw na metal,
plastik, goma at fiberglass. Kapag ang likido na inilagay ay titigas
mula sa pinaghuhulmahan ay agad na tinatanggal na ito. Ang
orihinal na modelo ay maaaring yari sa waks, luwad, at iba pa, na
naisasalin sa isang higit pang matigas na materyal katulad ng tanso
o di naman kaya ay metal. Ito ay maituturing na hindi direktang
metodo sa paggawa ng eskultura.
Ang Divine Mercy Shrine ay isang maituturing
na eskultura gamit ang casting. Ito ay isang
malaking monumento na may laking 50
talampakan. Kaharap nito ang Macajalar Bay
bahagi ng Sounthern Island ng Mindanao.

Christ of the Divine Mercy

Photgraph by: Alan Donque

C. Modeling. Isang manipulatibo at aditibong proseso na


nangangahulugang ang isang malambot na materyal ay hinuhugis o
inaanyo ng isang manlilikha. Kabilang sa mga materyal na
ginagamit ay ang luwad, waks, at iba pa na minamanipula ng kamay
gamit ang iba’t ibang materyal. Ang marka ng mga kagamitan
gayundin ang imprinta ng kamay ay makikita sa kalatagan(surface)
ng modelong paraan. Hindi katulad sa pag-uukit ang gawa sa
modelo ay maaaring palitan o baguhin. Pero kadalasang nagagamit
dito ang luwad sapagkat ito ay malambot. Hanggat basa ang isang
eskultura ay maaari itong mapaglaruan na mabago, masahin, o
hugisin. Maaaring magdagdag pa ng marami kung nakulangan pa
hanggang sa tuluyang mabuo.

Makikita ang paggawaan ng mga palayok


sa Zone 8 Bulua Cagayan de Oro. Hindi
maikakaila na isa ito sa simbolo ng
barangay at pinagmamalaki nito dahil
mayroon itong monumento bago
makapasok sa barangay bilang pagkilala
nila sa industriya ng seramik.

Clay Potts

https://xudevcomblog.wordpress.com/
2017/10/13/clay-potters-life/
D. Pagbubuo (assembling). Isang proseso kung saan ang mga
indibidwal na piraso, o bagay ay pinagsasama para makabuo ng
isang anyo ng eskultura na magkakaroon ng panibagong buhay at
kahulugan saganang sarili. Ang pagbubuo (assembling) ay
tinatawag din konstruksyon.

Ang nasa larawan na sining ay may


pamagat na Contagious na binuo ni
Oscar A Floirendo mula Cagayan de
Oro. Siya ay nagtapos sa UP Diliman
ng Bachelor of Fine Arts Major in
Painting. Nagkaroon na siya ng mga
eksibit sa kanyang mga likha sa
Manila Contemporary, CCP,
Philippine National Museum at iba
pa.

"Contagious"

Mixed Media: Used PC keyboards with epoxy

6" Diameter, Variable Dimension

3. Pagpinta. Kung tatanungin ang mga tao kung ano ang pumapasok sa
kanilang pag-iisip kapag napag-usapan ang salitang sining, marahil ang
pinakamadaling salita na kanilang maiisip ay pinta. Sa tradisyun ng mga
kanluran, ang pinta ang maituturing na reyna ng mga sining. Ang pinta ay
gawa sa pigment, pinulbo na kulay, pinagsama ng midyum o isang behikulo,
at likidong magsasama sa particle nang walang paghahalo sa kanila. Ang mga
sumusunod ay uri ng pinta.
The School of Athens. 1510-11.
Fresco, 26 X 18’

1. Fresco. Tinatawag ding buon fresco, isang matandang paraan ng


pagpipinta sa pader kung saan ang isang pinakinis na durog na mga
pigment na inilagay sa tubig at iniaaplay sa mamasa-masang lime
plaster na kalatagan(surface).
2. Enkaustik. Pintang binubuo ng pangulay (pigment) na inihahalo sa
waks at resin.
3. Tempera. Ang tempera ay isang teknik ng pagpinta kung saan ang
mga pigment ay pinag-isa sa isang water-soluble emulsion, katulad
ng tubig at egg yolk, o di naman kaya ay oil sa tubig na emulsion
katulad ng oil at isang buong itlog.
4. Oil. Ang pintang ito ay binubuo ng durog na pangulay na
pinagsama sa isang linseed oil na behikulo at turpentayn midyum o
thinner.

4. Pagtatanghal/Pinaghalong Sining
1. Musika. Isang anyong sining, at kultural na gawain kung saan ang
midyum ay ang tunog. Dalawa ang midyum sa musika: ang
instrumental at ang tinig na midyum. Pangkalahatang depinisyon
ng musika kabilang ang mga elementong pitch, ritmo, daynamiks,
at ang sonic na mga kalidad ng timbre at tekstura.
2. Sayaw. Pagtatanghal na anyong sining na binubuo ng mga may
layuning piniling pagkasunod-sunod ng paggalaw ng isang tao.
Karaniwang nagiging layunin sa pagsasagawa nito ay ang
pagpahayag ng ideya o emosyon, o ang simpleng pagkagusto sa
mga paggalaw sa ganang sarili.
3. Teatro. Mula sa matandang griyegong salita na theatron na ang
ibig sabihin “lugar ng panood (seeing place)”. Isang kolaboratibong
anyo ng sining na gumagamit ng mga aktwal na manananghal sa
harap ng mga manonood, mga aktor o aktres, para maipakita ang
isang totoo o imahinatibong pangyayari sa harap ng mga tao sa
isang tiyak na lugar, na kadalasan ay sa entablado.
4. Pelikula. Binubuo ng mga gumagalaw na larawan na nairekord
para maipakita sa teatro o telebisyon kadalasang mayroong tunog
para makabuo ng isang kwento.
5. Panitikan. Pagpapahayag ng pasalita o pasulat ng mga kaisipan at
damdaming Pilipino na tumatalakay sa mga karanasan ng buhay
ng tao na naisusulat sa isang masining, maganda at nag-iiwan ng
isang magandang kaisipan.

5. Digital na Sining
Ang digital art ay maaaring ginawa gamit ang komputer, pag-iiskan o
pagguhit gamit ang isang tablet at iba pa. Sa tulong ng teknolohiya ay maaari ng
manipulahin sa pamamagitan ng computed editor ang anumang bidyu na nakuha
gamit ang isang kamera o sa mismong selpon. Ang isang manlilikha ay
nabibigyan na ng pagkakataon na maging malikhain sa kanyang kinuhang mga
tagpo, maaaring magdag at magtanggal gamit ang editor para makabuo ng isang
ganap na produkto. Kabilang sa mga uri ng sining na ito ay ang 2D computer
graphics, 3D computer graphics, Pixel Art, Digital Photography, Photo painting,
Manual Vector Drawing at iba pa.

6. Aplayd na Sining
1. Industriyal na Desinyo. Layunin ng sining na ito na gawing magaan
ang ating buhay, makahanap ng kapakinabangan, halaga at anyo sa
pamamagitan ng pagsunod sa tamang hakbang sa paggawa. Ilan sa
mga halimbawa nito ay mga sasakyan, upuan, malaking salamin sa
sala, appliance at iba pa

2. Grapikong Desinyo. Isang proseso ng biswal na komunikasyon at


paglutang ng problema gamit ang tipograpi, potograpi, ikonograpi, at
ilustrasyon. Ang desinyong ito ay lumilikha at pinagsasama ang mga
simbolo, imahe at teksto para makabuo ng anyong biswal na
representasyon ng mga ideya at mensahe. Kabilang dito ang mga logo
ng iba’t ibang produkto.
3. Fashion na Disenyo. Impluwensiya ito ng sosyal at kultural na
pamantayan at inaasahan. Sining ito ng paglalagay ng desinyo,
estetitiko at natural na kagandahan sa pananamit at mga akesorya.
4. Interyor na Disenyo. Isang sining at agham sa pagpapahusay ng
isang interyor ng gusali upang magtamo ng isang mas kaaya-ayang
kapaligiran.

You might also like