You are on page 1of 3

Yunit 1– Pagguhit

Aralin blg. 8– Pagguhit ng mga Sinauanang Gusali sa Bansa

Code: A5PR-Ih

Buod ng Aralin

Art History Art Production Art Critism Art Appreciation


Ang mga sinaunang Nakakaguhit ng mga Nasususri ang gamit Napapahalagahan
bagay o gusali ay sinaunang bagay, ba- ng mga linya,hugis, at ang nga sinaunang
bahagi ng kultura n hay,gusali,mula sa espasyo at ang bagay,bahay,gusali
gating bayan. Ang sariling bayan / prinsipyong paulit ulit mga simbahan na
mga ito ay dapat bansang Pilipinas sa na ritmo at balanseng binuo noong unang
pahalagahan at pamamagitan ng asimitrikal at panahon.
ipagmalaki sapagkat crosshatching simetrikal.
makakatulong ito sa technique,
paglinang ng geometrikong hugis ,
pambansang pagka- espasyo na may ritmo
kakakilanlan at at balance bilang
pagkakaisa. disenyo.

I. Layunin

Nakikibahagi sa mini exhibit ng nagawang drawing. (A5PR-Ih)

II. Pagguhit ng mga Sinaunang Gusali sa Bansa

A. Elemento ng Sining: Linya , Hugis at Espasyo

B. Prinsipyo ng Sining: Ritmo, Balanse

C. Kagamitan: mga iginuhit na gawain

D. Sanggunian: Umawit at Gumuhit 5

Pilipinas Bansang Malaya 5

III. Pamamaraan

Balik Aral:
Ang mga sinaunang bagay o gusali ay bahagi ng kultura ng ating bansa.
Kabilang dito ang mga mosque at ang simbahan, mga lumang bahay, pati na rin ang mga
museo at ilang tanggapan.

Pagganyak:

Pagpapakita ng mga larawan ng mga sinaunang gusali sa bansa.

Itanong:

Nakakita na ba kayo ng mga ganitong gusali sa inyong pamamasyal?

Paglinang sa Gawain:

Paglalahad

1. Ang museo ay isang lugar o gusali na pinaglalagakan ng mga bagay na may


kinalaman sa kasaysayan at mga bagay na may kinalaman sa sining at siyensiya. Kabilang na
sa mga museo sa Pilipinas ay ang “National Museum” o Pambansang Museo na itinakda ng
pamahalaan bilang espesyal na lagakan ng mga pamana ng bansa. Dito nakatago ang
mahalagang kagamitan na ginamit ng mga unang Pilipino at mga dakilang bayani ng bansa.

2. Mga lumang bahay na ginawa daang taon na ang nakalilipas sa ibat-ibang


dako ng Pilipinas ay karaniwang yari sa bato at adobe. Ang mga bintana ay malalaki at pinapa
lamutian ng kapis.Malalaki ang mga pinto. Maluluwang ang mga silid kabilang dito ay lumang
bahay ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit Cavite.

3. Lumang simbahan at mosque. Ang unang simbahan o parokya sa Maynila ay ang ‘Manila
Metropolitan Cathedral” na itinatag noong 1571.

(Sumangguni sa LM, Alamin)

Itanong:

1. Paano mo ilalarawan ang mga sinaunang gusali sa ating bansa?

A. Gawaing Pansining

Magpabuo sa bata sa pamamagitan ng karton o popsicle sticks ng isang gusali na


nagustuhan upang maipakita ang tatlong dimensiyonal na imahe.

(Sumangguni sa LM, Gawain)

B. Pagpapalalim sa Pag – unawa

1. Paano mo ilalarawan ang panuntunan sa pangangalaga ng mga antigo at sinaunang


gusali?

2. Bakit dapat pangalagaan ang mga antigo o sinaunang gusali?


C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

(Sumangguni sa LM, Tandaan)

2. Repleksyon

Paano mo mapapangalagaan ang mga antigo o sinaunang gusali sa ating bansa?

IV. Pagtataya

(Sumangguni sa LM,Suriin)

V. Takdang Gawain

Magdala ng mga sumusunod.

1. Manila Paper

2. Krayon

3. Lapis

4. tape

You might also like